Chapter 20: Queen Ants

1689 Words
"Old Dean sa tingin ko ay wala nang dahilan para ipagpatuloy pa ang exchange battle na ito." Sabi ng babae Nabuo ang isang natural na ngiti sa mukha ng matandang kalbo at agad na tumango. "I agree after all wala naman talaga dapat ang event na ito ngayon." Sabi ni Old Dean at kanyang tiningnan ang katabi niyang professor. Naunawaan naman ito ng professor at umalis sa lugar habang isang grupo ng mga medic ang busy sa arena. Itinigil naman agad ang susunod na laban. Maririnig sa buong lugar ang malakas na cheers ng mga estudyante ng Blue Eagle habang wala namang nagawa ang iilang mga estudyante ng Green Archers at umalis sa lugar. Kong nakakamatay lamang ang titig patay na ang lahat ng mga estudyante ng Blue Eagle sa lugar. "Mukhang wala nang magaganap na laban. You guys are really something ganon paman good job at hintayin nalang natin kong anong magiging rewards." Sabi ni Michael habang agad silang umalis sa lugar. Hindi naman nakawala sa mata ng publiko ang nangyari at isang estudyante ng Blue Eagle University ang nag upload ng buong laban. Dati paman ay kilala ng magkalaban ang dalawang unibersidad at halos magkapantay lamang ito sa bawat lahat. Ganon paman sa video na ito masasabing isang one sided battle ang naging laban. Dahil din sa video na ito ay muling lumabas ang pangalang Sol Magi sa search engines! "Whoa! Sobrang lakas sinong mag-aakala na ang tinakwil ng Magi Clan ay magiging ganito ka lakas!" "Isang genius 18 years old palamang at isa nang lord tier mage!" "Isang malaking pagkakamali sa Magi Clam ay pakawalan nila si Sol Magi." "Tama lang ang ginawa ng Magi Clan after all ang clan nila ay puro mga Summoners." Ito ang mababasa sa internet ganon paman agad na napansin ng iba ang pagkakaparehas sa Lightning Magic na ginamit ni Sol at Mizuki. "Akala ko ay isang Lightning Seed kaya ganon ang kulay at lakas ng Lightning Magic ni Sol pero segurado akong hindi iyon Lightning Seed dahil ginamit din ito ni Mizuki!" "Ayon sa aking na research si Mizuki Katana ay isang miyembro ng Cruz Clan at direkta ito sa pamilya ni Sol!" "Wag niyo sabihing ganito na kalakas ang Cruz Clan!" *** Habang nagkakagula ang buong Pilipinas sa video ng laban ng dalawang unibersidad ang pinag uusapan nang lahat ay nasa harap ng matandang kalbo. "Magaling ang ginawa niyo!" Sabi nito habang may malaking ngiti sa labi. "Lalong lalo na sa inyong dalawa Sol at Mizuki." Dagdag pa nito. "Well hindi ko na papatagalin pa ang mga nasa loob ng spatial ring ay ang mga reward niyong lahat. Habang Sol, Mizuki at Angela bilang pasasalamat din ng unibersidad ay ina-aprobahan ko na ang inyong University Mage position." Ngumiti naman dito ang tatlo at agad na nagpasalamat. "Kong may tanong kayo ay pwede niyong itanong sa advisor ng University Mages pag naayos na ang lahat ng mga papers niyo. Well masasabi ko lang ay magpatuloy kayo sa inyong ginagawa." Sabi ng matandang kalbo at nag paalam sa grupo. Bawat isa sa mga participants ay merong spatial ring at sa oras na tingnan nila ang laman nito ay agad silang nagulat. 'Sobrang daming beast crystal!' Sabi ni Sol sa kanyang sarili habang makikita din ang iilang magical fruits at ilang bagay. Kinakailangan ito ni Sol dahil sa oras na matapos ang pag digest ni Yin Yang sa egg na nakuha nila sa Dimension c***k ay mas lumakas ito ganon paman mas malakas na din ang resources na kailangan nito! Maging ang mga nakuha nilang magical crystal sa ants cave ay halos maubos na, kaya timely ang pagdating ng resources na ibinigay ng head dean. "Ito ang lahat ng information tungkol sa Intramuros Danger Zone updated yan dahil merong sinesend lagi ang Padilla Clan sa lugar." Agad na tumango si Sol ng makuha nito ang usb drive. "I'll read this first at tatawagan kita kong anong magiging desisyon namin." Namula naman bigla si Ava na pinagtaka ni Sol "Wala akong number mo." Sabi nito Itinuro naman bigla ni Sol ang katabi nitong si Mizuki na sa mga oras na iyon ay hawak ang kanyang smartphone "Number ni Mizuki ang konin mo." Sabi ni Sol habang naging blanko ng ilang segundo si Ava at agad na nataohan. *** Once na nakauwi kami sa bahay ay agad akong nagtungo sa aking kwarto. Tiningnan ko muna si Yin Yang at tulad ng inaasahan nag cucultivate ito. Sa ngayon ang rank nito ay isa nang Lord Tier ganon paman alam kong malapit na itong mag breakthrough. Habang kulang nalamang ako ng 8 energy stars para makaalis sa Lord Tier. Alam kong hindi magiging madali ang bagay na ito lalo na't sobrang hirap makagawa ng energy star sa current rank ko. Ganon paman hindi ko muna ito inisip at agad na nag cultivate gamit ang Golden Black Lightning Gods Cultivation ay aking inabsorba ang lahat ng mga magical energy sa beast crystal na nakuha ko sa old dean. Ilang oras ang lumipas at nagamit ko na ang lahat ng mga beast crystal sa aking spatial ring at nakagawa lamang ako ng dalawang energy star. Wala naman akong magagawa dito dahil ganito talaga ang nangyayari kapag mataas na ang tier. Hindi ko muna ito inisip at agad akong nagtungo sa aking soul sea. Parang dagat na walang katapusan ang aking soul sea habang sa itaas ay makikita ang 94 energy star na parang mga tunay na bituin sa kalangitan. Makikita din dito ang sobrang laking Intergalactic Hive at syempre ang aking Summoning Temple. Agad akong nagtungo sa Hive at binati ako ng AI na may helmet sa ulo dahil ayaw kong makita ang mukha nito. "Kamusta ang mga langgam?" Tanong ko dito habang agad na nagbago ang main screen ng command center. Makikita sa screen ang puzzle chamber at agad akong namangha ng makita ito dahil sa pagkakataon na iyon ang buong puzzle chamber ay napuno na ng mga Underground Ants! "Commander naka received ako ng message mula sa Queen Ants." Sabi ng AI na nakakuha sa aking atensyon. "Anong message ang sinasabi mo?" Tanong ko dito habang lumapit ito at hinawakan ang aking ulo. Ilang saglita pa isang memorya ang pumasok sa akin. Ayon sa memorya gusto ng Queen Ants na makipagkasundo sa commander ng Hive at ako yun. Alam ng Queen Ants na nakakulong sila sa lugar at kong wala siyang gagawin ay seguradong mamatay sila sa lugar dahil sa walang makain. 'Interesting' "May kakayahan ba tayo para absolute na ma kontrol ang mga ito?" Tanong ko sa AI na agad namang tumango. Nagbago ang screen at napunta sa tinatawag na experimental lab. Dito ay makikita ang isang bagay, isa itong neck collar. "Tinatawag itong master collar dahil kaya nitong makontrol ang isang nilalang ." Sabi ng A "Pero isang King Tier Beast ang Queen Ants makakaya ba nitong ma kontrol ang Queen Ant?" Tanong ko habang agad naman itong sumagot. "Commander as long as isa ka na ding King Tier Mage ay magagawa mo ito ganon paman may isa pang paraan para gumana nang walang problema ang master collar at ito ay ang blood contract." "Kong hindi ako nagkakamali master ay isa kang Summoner kaya magiging madali lamang ito sayo." Ipinaliwanag sa akin ng AI ang tungkol dito at nalamang ko ang tungkol sa blood contract. Hindi ko alam kong paano pero parang ang method na ito ay ang unang ginamit ng mga Summoner! Nagtungo kami sa puzzle chamber at sa daan ay kinuka ko ang master collar. Adjustable ang master collar kaya walang problema kong malaki ang Queen Ant. Sa oras na makarating kami sa isang bahagi ng puzzle chamber ay binago ng AI ang structure ng pader at naging glass ang pader. Ganon paman hindi nagbago ang tibay ng pader. Ilan sa mga underground ants ang sumubok na basagin ang salamin ngunit kahit isang gasgas ay walang makikita dito. Ilang saglit pa lumitaw ang malaking katawan ng Queen Ants at sa kilos nito mukhang galit ito. "Ants Species Dialect to Human Dialect." Sabi ng AI at biglang nagliwanag ang glass wall at sa oras na iyon ay agad kong naintindihan ng salita ng mga Ants. "Isang human ang may gawa nito sa amin!" "Hindi maari isang human ang may-ari ng Hive!" "Human pakawalan mo kami!" Hindi ko pinansin ang mga ito at nag focus sa Queen Ant. "Pakawalan mo kami Human" Sabi nito habang tiningnan ko ito ng maigi. Itinaas ko ang master collar at itinapat ito sa kanya. "Papakawalan ko kayo kong pagsisilbihan mo ako." Sabi ko dito habang maririnig naman ang galit sa mga boses ng mga ants sa paligid. "You know na ako ang may kontrol sa Hive na ito, once na pinagsilbihan mo ako ay para nading naking lugar niyo ang hive na ito." Sa oras na sabihin ko ito ay agad na natahimik ang buong lugar. "Anong kailangan kong gawin?" Tanong ng Queen Ant habang may mga ants naman ang ang agad na sumalongat sa sinabi ng Queen Ant, ganon paman ay hindi sila pinakinggan nito. "Blood Contract at master collar, kailangan mulamang itong gawin." Sabi ko dito habang itinaas nito ang isa sa kanyang mga kamay at pinutol ng walang kahirap-hirap. Umagos dito ang kanyang dugo na parang likido na gawa sa honey. Kumilos naman ang AI at sa isang iglap isang litro ng dugo ng Queen Ant ang lumitaw sa aking harapan. Naituro na sa akin ng AI kong paano ang procedure ng Blood Contract at alam ko namang walang gagawing kalokohan ang AI dahil nakakonekta ang hive sa aking soul. Once na namatay ako ay ito na din ang katapusan ng Hive. Gumawa ako ng maliit na summoning spell gamit ang aking dugo at sa oras na matapos ito ay agad kong inilagay ang dugo ng Queen Ant. Agad itong nagliwanag at sa isang iglap isang marka ang lumitaw sa aking Summoning Temple! Hindi ako nagkamali konektado ang blood contract sa Summoning Magic!. Sa oras na iyon ay naramdaman ko ang Queen Ant na katulad ng dalawa kong Summoned Hero/Beast at ng masegurado ko ito alam kong kontrolado ko na ang Queen Ant.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD