Chapter 19: Exchange Battle

1641 Words
Nagulat ako sa huling sinabi ni Ava ganon paman ay wala akong pake sa sinabi nito "Pag-iisipan ko, tsaka mas mabuti kong ibibigay mo sa akin ang lahat ng mga impormasyon tungkol sa lugar." Sabi ko dito habang tumango naman si Ava at mapapansin ang sobrang pulang mukha. "Ibibigay ko sayo pagkatapos ng battle bukas." Sabi nito at tumakbo papalabas habang hawak padin ang pagkain na aking inilabas kanina sa lamesa. Lumipas ang isang oras at natapos na kami sa pagkain habang bigla naman sumulpot mula sa entrance ng lugar ang isang lalaki. Tinawag ko ito habang nakangiti "Kamusta King! Oh kasama mo din si Loan mukhang close kayo ah." Sabi ko dito habang agad kong hinawakan sa leeg si King. Kong hindi niyo naalala si King ang owner kono ng lamesa at upuan sa inupuan namin. Habang ang kasama naman nitong si Loan ay ang senior na kumuha ng details ni Mizuki. "H-hindi ko kilala yan!" Sigaw ni Loan at agad na kumaripas ng takbo habang hinigpitan ko naman ang hawak sa leeg ni King. "Long time no see" Sabi ko dito habang mapapansin ang panginginig nang buo nitong katawan lalo na ng makita niya si Mizuki. *** Early morning punong-puno ng mga estudyante ang buong school arena. Sa kaliwa makikita ang mga estudyante ng Blue Eagle University habang sa kanan naman ay ang iilang estudyante ng Green Archers University. May isang malaking linya lamang na nag seseparate sa dalawang grupo. Mapapansin din ang mga professor sa buong lugar. Habang sa taas ay ang mga nakakataas tulad ng Head Dean na kalbong matanda at isang babae na mukhang taga Green Archers University. Sa school arena ay makikita ang dalawang grupo. Sa kaliwa ang grupo ng Blue Eagle Group sa pangunguna ni Michael at sa kanan ang grupo ng Green Archers Group sa pangunguna ni Alden Herrera. "Alden ako na ang unang lalaban." Tumango si Alden sa sinabi nito "Gulatin mo sila Ryan" Malaki ang build ni Ryan at para itong tangke habang naglalakad patungo sa gitna ng arena. "Alden hindi ba parang over kill naman kong si Ryan agad ang pinapunta mo." Sabi ng babae sa grupo. "Kailangan nating sirain ang confidence ng kalaban sa simula palang at sino bang pinakamagandang panlaban kong hindi si Ryan." Napailing nalang dito ang babae at ibinalik ang kanyang atensyon sa kabilang grupo. Sa kabilang grupo isang binata naman ang pinadala ng mga ito. Masasabing kilala ito ng mga miyembro ng Green Archers dahil sino bang hindi nakakakilala kay Sol Magi. "Kawawa" Ito ang nasa isip ng lahat ng mga miyembro ng Green Archers kahit ang ibang estudyante ay ganito din ang iniisip. "Old dean mukha atang bumaba na level ng mga estudyante niyo." Sabi ng babae sa Old Dean habang ngumiti lamang dito ang matanda. "Sa totoo lang hindi natin alam ang mangyayari, akala ko ba madami kayong spies sa unibersidad ko? Hindi niyo kilala ang batang iyan?" Sabi ni Old dean habang napakunot naman ang noo ng babae. "Siyempre sinong hindi nakakakilala sa batang yan? Sol Magi hindi ba?" Sabi ng babae habang napailing lang dito si Old Dean. "Alam mo ba ang tawag sa kanya sa campus?" Sabi ni Old dean habang mas kumunot ang noo ng babae. " Makikita mo din" *** "Sol Magi alam kong isa kang celebrity pero hindi kita papakitaan ng awa." Sabi ng malaking lalaki sa aking harapan at nabalot ang buong katawan nito ng mga bato at lupa. 'earth mage' Napangiti naman ako at tiningnan ito "Hindi ko alam na isa pala akong celebrity. Hindi ko ako papakitaan nang awa? Kong ganon hindi din kita papakitaan ng awa." Golden Black Lightning Domain! Agad na nabalot ng electric field ang buong lugar habang makikita ang gulat sa mukha nito. "Hindi ko pala nasabing isa akong Lord Tier Mage." Sabi ko dito Sa unang kita ko palamang sa aking kalaban ay alam ko nang isa lamang itong Grandmaster Tier Mage. Hindi papakitaan ng awa? Pwes no mercy! Golden Black Lightning Thunder Punch! Nabalot ng lightning magic ang kanan kong kamay at lumapit ako ng dahan-dahan sa aking kalaban. Nag ready naman kahit hirap kumilos ang aking kalaban. Isang malaking wall na gawa sa earth magic ang nabuo sa harap nito habang dito ko pinakawalan ang aking spell. "Boom!" "Ah!" Walang kahirap-hirap kong nawasak ang spell nito na wall habang tumilapon ito ng ilang metro. "No mercy diba!" Sabi ko dito at muli ay nabalot ng lightning magic ang kalawa't kanan kong mga kamay. "AH!" Sigaw ng kalaban ko at agad itong tumayo habang naging isang solid na parang bato ang dalawang kamay nito. "Earth Punch!" Buong lakas itong sumugod sa akin habang wala namang kahirap-hirap kong naiiwasan ang mga atake nito. Sa totoo lang pinaglalaruan ko lamang ang aking kalaban. Masyadong malayo ang aming lakas dahil na din sa aming cultivation base. Sabayan pa ng aking electric field domain para akong hari sa sarili kong lugar! "Boring..." Intercept! Hinawakan ko ang dalawang kamay nito gamit din ang dalawa kong kamay at nginitian ito. "No mercy" "c***k!" "Pack" Makikita ang paglubog ng aking kamay sa solid nitong mga kamay at maririnig ang pagkawasak nito habang pinasabog ko naman ang dalawa kong kamay. "Boom!" "AHHH!" Agad akong lumayo sa aking pwesto habang napaluhod ang malaking lalaki sa kanyang pwesto at duguan ang dalawa nitong ngayon ay putol ng mga kamay. "Sinong mag aakala na lalabanan niya ako sa isang close combat?" Malakas kong sabi para marinig ng lahat. Sa pagkakataon na iyon ay napansin ko ang isang spell na papalapit sa akin at ramdam ko ang killing intent ng caster ng spell na ito. "Oh!" Hindi ako umiwas sa aking pwesto at tinanggap lamang ang spell na ito. Isa itong lord tier fire spell. *** "Boom!" Nabalot ang buong battlefield ng apoy habang makikita naman ang gulat s sa mukha ng lahat. "Tanggalin ang apoy!" Sigaw ng isa sa mga professor ganon paman bago pa makakilos ang mga ito. Isang human figure ang makikita sa gitna ng apoy na parang devil mismo. "Tsk tsk tsk akala ko ay mas malakas ang ibibigay mo." Sabi ng isang tinig at sa isang iglap biglang lumakas ang electric field at naglaho na parang bula ang apoy sa lugar. "Hindi ka naman makapaghintay, ikaw ang susunod" Sabi ng boses at nagmumula ito kay Sol na akala ng lahat ay patay na dahil sa malakas na fire spell! Ganon paman nakatayo parin ito sa kanyang pwesto na parang walang nangyari! Sa oras na iyon nakatingin ito sa direksyon ng Green Archers Group leader kay Alden Herrera. Habang napansin ng lahat ang pag gather ng fire energy sa katawan nito. "Ikaw! Ikaw ang pumatay sa bunso kong kapatid!" Sigaw nito habang nginitian lamang ito ni Sol "Hindi ko alam ang sinasabi mo at isa pa wala kang proweba." Sabi ni Sol dito dahilan para mas magalat si Alden. Sa oras na iyon isang fire domain ang nabuo sa paligid at isang malaking fire magic spell ang nabuo sa harapan ni Alden. "Alden! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo." Sabi ng isang tinig at napatingin ang lahat sa itaas na lugar ng arena. Dito makikita ang isang babae na may suot ng Green Archers uniform. Huminto naman si Alden sa kanyang ginagawa at kinancel ang kanyang fire domain habang galit itong tumingin kay Sol. "Magbabayad ka sa ginawa mo." Sabi nito habang tinawaan lamang ito ni Sol at sinipa ang nakadapang si Ryan na walang kahirap-hirap na tumilapon sa grupo ng mga Green Archers. Agad namang umalis si Sol sa lugar at nagtungo sa lugar ng mga Blue Eagles. "s**t nakita niyo ba yun!" "Hindi ako makapaniwala isang lord tier mage na si Sol! Kailan pa at parang sobrang bilis!" "Ilang months palamang at isa palang siyang freshmen ngunit isa na siyang Lord Tier Mage!" "Devil! Bagay lamang sa kanya ang kanyang nickname." *** Dahil sa galit ni Alden siya ang sunod na lalaban. Ang nasa isip nito ay wasakin lahat ng mga ipapadala ng Blue Eagle Group. Naglakad naman ang makakalaban nito isa itong babae. Masasabing sobrang ganda ng dalagang ito ganon paman para kay Alden kamatayan lamang ang para dito. Isang mahabang katana ang lumitaw sa kamay ni Mizuki at ito ay nabalot ng golden black lightning. Nanlaki naman ang mga mata ni Alden ng makita ito. 'Golden Black Lightning!' habang agad niyang naalala ang sugat sa dibdib ng kanyang kapatid! Sword cut! Gawa ng isang espada ang pumatay dito. "Fuckers! Ikaw ang pumatay sa kapatid ko!" Sigaw ni Alden at nabalot ng fire domain ang buong lugar ganon din ang katawan ni Alden na sa mga oras na iyon ay parang isang human torch. "Fire Wrath!" Sigaw ni Alden at isang malaking Fire Spell ang sumugod kay Mizuki Itinaas naman ni Mizuki ang kanyang katana at biglang nahati ang fire domain dahil lumitaw dito ang isang lightning domain!. Kasunod nito ay ang pagkabuo ng Lightning storm sa kalangitan at ang paglitaw ng isang malaking espada na gawa sa lightnings! "Decent" Mabilis na bumagsak ang spell ni Mizuki sa fire spell ni Alden habang nangyayari ang clash ng dalawang atake nararamdaman naman ng lahat ang pag yanig ng lupa at ng buong lugar. "Fire Shot!" Limang fire balls ang lumitaw sa harap ni Alden na mabilis na patungo kay Mizuki "Golden Black Lightning Vanishing Step" Agad na naglaho si Mizuki sa kanyang pwesto at walang kahirap-hirap na napunta sa kabilang lugar habang muling nabalot ng lightning magic ang espada nito. "Vanishing Sword" Hindi makapaniwala ng mga oras na iyon si Alden ngunit ramdam niyang may isang bagay ang tumusok sa kanyang likuran patungo sa kanyang puso, ganon paman bago pa matusok ng katana ang puso nito ay agad na huminto si Mizuki "I won" Bumagsak si Alden sa kanyang pagkakatayo at mula sa likod nito ay umagos ang kanyang dugo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD