Chapter 18: Request

1572 Words
"You guys are back" Sabi ni Ava habang lumapit kami sa grupo. Haalos maayo na ang sugat ng lahat maliban nalamang kay Jack na may maliit nalamang na sugat sa dibdib. "So anong nangyari?" Tiningnan ko si Ava at nginitian lamang ito habang hindi na nagtanong pa si Ava. Maraming mga mages ang makikita sa lugar at grupo-grupo ang iba sa mga ito. Isang taohan ng Maharlika ang agad na nag assist sa amin at ng maseguradong ok na ang lahat ay agad kaming umalis sa lugar. "Nanghihinayang ako at hindi ako sumama sa inyo. Tingnan niyo maging si Angela ay isa nang Lord Tier." Sabi ni Michael kwenento ni Ava ang nangyari tungkol sa pagpasok sa Dimensions c***k maliban lamang sa ibang mga importanting mga impormasyon. Lumapit naman sa amin ni Mizuki si Jack at Emily. "Maraming salamat at tsaka sorry sa ginawa namin" Sabi ni Jack sa akin habang binaba din ni Emily ang kanyang ulo. "Wala yun" Tugon ko dito habang dumating na ang aming mga sasakyan pa balik sa airport. Sumakay kami sa kanya-kanya naming sasakyan at agad itong umalis sa lugar. Pag-alis naman namin sa lugar ay ang pagdating ng Green Archers Group sa oras na iyon ay makikita ang galit sa mukha ng mga ito lalo na ang leader ng grupo. Isang taohan ng Maharlika ang lumapit sa kanila at nag assist habang isang grupo naman ang kumuha sa bangkay ni Aiden. "Mage Alden Herrera ayon sa information namin ang namatay na kasama niyo ay miyembro ng team a ng Blue Eagle." "Kakaalis lamang ng mga ito." Sabi ng taohan ng Maharlika habang makikita ang gulat sa mukha ni Alden. "Kakaalis lang? Sabihin mo ano ang status ng grupo nila?" Tanong ni Alden dito habang tiningnan naman ng taohan ng Maharlika ang kanyang information. "Maliban sa sugat sa dibdib ng isa sa kanilang mga miyembro ay ok naman ang lahat. Nakuha ko na ang lahat ng impormasyon tungkol sa inyo at pwede na kayong lumabas sa lugar." Sabi ng personnel ng Maharlika habang hindi naman makapaniwala si Alden sa mga oras na iyon. *** "Segurado kabang pwede kong isulat ang tungkol sa Dimension c***k at sa Dimensionsal Lord?" Sabi ni Ava na akin lamang tinanguan. Wala naman akong problema dito dahil malalaman at malalaman din ito ng iba. Kong hindi din ako nagkakamali mukhang may digmaang nangyayari sa labas ng mundo at seguradong walang kakayahan ang mga tao compare sa mga nasa labas. Mas maraming nakakaalam sa Dimension c***k ay mas madaming lalakas na mga tao. "Btw anong plano niyo pag balik natin sa school? Sa totoo lang ngayong mga Lord Tier na tayo ay pwede na kayong hindi pumasok at maging isang University Mages." Nakuha ng sinabi ni Ava ang aking atensyon. "University Mages?" Tanong ko dito. "University Mages bawat mga estudyante ng Blue Eagle University na magagawang maging isang Lord Tier Mage ay pwedeng mag apply sa position na ito." "Para itong mga mercenary ng unibersidad na pinapadala sa iba't ibang lugar o misyon." "Siyempre hindi madali ang mga mission ng isang University Mage. Ganon paman ang reward at malaki at generous." Pinaliwanag ni Ava ang lahat ng nalalaman niya tungkol dito at nag decide na kaming maging isang University Mage. Mas mabilis din itong paraan para grumaduate agad sa unibersidad! Kailangan lang naming maka-kompleto ng limang mission at sa oras na magawa namin ito ay segurado na ang aming graduation. *** 1 week ang lumipas nang makabalik kami sa school. With the help of Ava agad na process ang application naming tatlo nila Mizuki at Angela sa University Mage. We just have to wait bago ito ma approve. While nabago naman ng kaunti ang Leaderboard ranking ng unibersidad. Dahil sa bakante ang pwesto ng 2nd seat ay agad nag move ang aming rank pataas. Sunod namang chinallange ni Angela ang current rank 10 at nanalo para siya ang maging rank 10. Madaming nagtatanong at nagtataka kong paano biglang lumakas ang aming grupo. Ganon paman nasagot ito sa blogs na ginawa ni Ava. Tungkol ang Blogs sa Dimension c***k at kong ano ang nasa loob nito. Naging instant hit at trending ang post niyang ito sa lahat ng social media site. Maging ang Maharlika ay gumawa ng komento dito. Ayon sa kanila matagal na nilang alam ang tungkol dito ngunit hindi nila ito linalabas dahil masyadong malalakas ang mga dimensionsal beast sa loob ng Dimension c***k kaya sa labas o sa tinatawag na Danger Zone. Ganon paman madaming mga Mages ang nagtungo sa Danger Zone para makompirma ito. Hanggang sa merong nakabalik na grupo at kompirmahin nga ito. Nagulat ang buong Pilipinas tungkol dito at ganon na din ang mundo. "Balita ko bukas na mangyayari ang exchange battle ng dalawang unibersidad." "Bakit napa-aga naman ata?" "Oo ang exchange battle ay kasagarang nangyayari sa Foundation Day. Ngunit balita ko pupunta dito ang Green Archers University para sa isang meeting." "Nakakapagtaka." Kasama ko si Mizuki at Angela ng mga oras na iyon at ito ang maririnig sa hallway ng main building. Papunta kaming tatlo ngayon sa building ng Blue Eagle Group. Bilang elite at #1 group sa unibersidad meron itong sariling building katabi ng main building. Pagpasok namin sa lugar ay kompleto na ang lahat at like always nasa leader seat si Michael. "Nandito na kayo makakapagsimula na tayo." Agad na ibinigay ni Ava ang tatlong registration form sa amin. "Exchange Battle Participants Form?" Tanong ko habang ipinaliwanag ito ni Michael. "Ang Green Archers University at pupunta dito bukas para sa exchange knowledge, yearly ito nangyayari ganon paman ay nag suggest din sila ng isang exchange battle." "Mukhang gusto nila tayong gantihan dahil sa nangyari sa Baguio." Sabi ni Michael. Hindi naman alam ng iba kung anong magiging reaction. Muntik na silang mamatay sa lugar na iyon kong hindi dahil sa timely arrival nila Sol ay seguradong kinain na sila ng mga beast. Ganon paman nakaligtas sila at ang gumawa ng ganong bagay sa kanila ay namatay. "Paano ang rule ng exchange battle na ito?" Tanong ko. "Merong dalawang category ang exchange battle, individual battle at group battle." "Sa individual battle kailangang meron tayong 3 na participants. Habang ang group battle naman ay may miyembro ng lima." Paliwanag ni Michael Tumayo ng oras na iyon si Ava at ibinigay nito ang isang bagong papel. Dito ay makikita ang mga lalaban sa individual at sa group. "Ito ang proposal ko sa magiging laban pero syempre pwede niyo itong baguhin." Ang ginawang proposal ni Ava ay masasabing ok at may sense. Sa individual battle ang lalaban ay ako si Mizuki at Daylan. Sa buong Blue Eagle Group kami ang masasabing merong pinakamalakas na firepower kasunod syempre si Michael. Sa group naman ang limang miyembro ay si Michael bilang leader. Ava control, Angela support, Jack assassin at panghuli ay ako bilang damage dealer. "Well kong ito ang gusto ng lahat wala namang problema" Sabi ko habang agad na napangiti ang lahat. "Kong ganon ay aasikasohin ko na ang lahat, mangyayari ang laban bukas ng umaga kaya inaasahan kong maaga tayong lahat." Sabi ni Michael at agad na natapos ang short meeting. Lumapit naman si Ava sa aming pwesto at mukhang meron itong sasabihin. "May oras ka ba?" Sabi nito na tinanguan ko naman Nagtungo kami sa canteen at tulad dati ay lagi itong madaming estudyante. Walang makikitang bakanteng upuan sa lugar maliban lamang sa isang lugar. Napangiti ako ng makita ito ay agad na umupo dito. Sumunod naman sila Mizuki at umupo din habang may gulat sa mukha ng ibang mga estudyante. Agad akong naglabas ng madaming pagkain at kumuha naman ang tatlong babae ng pagkain na gusto nila. "Pwede munang sabihin ang gusto mong sabihin." Tumango sa akin si Ava at ibinigay nito ang isang larawan. Larawan ito ng isang middle age man at may kaunting pagkakahawig kay Ava. "Ito ang tito ko isa sa mga young pillars ng Padilla family huli siyang nakita sa Intramuros Danger Zone." Tumango ako dito at hindi maiwasang hindi magulat ng marinig ko ang lugar na pinuntahan nito. Ang Intramuros Danger Zone ay isang Lord Tier Danger Zone, nababalot ng malalaking pader na gawa sa matitibay na bato ang buong lugar isa itong dating sikat na pasyalan dahil sa historical value ng lugar. Ganon paman isang lord tier level Dimension c***k ang biglang lumitaw sa underground tunnel nito at ginawang hell ang buong lugar. Kong hindi ako nagkakamali nasa thousands na mga tao normal at mages ang namatay sa oras na iyon. Habang kinailangan ng Maharlika na humingi ng tulong sa isang kilalang Emperor Tier Mage para ikulong ang buong Danger Zone. "Pumunta siya dito para sa kanyang breakthrough. Umalis siya sa Padilla Clan na isang Lord Tier peak at nag decide itong pumunta sa Intramuros para maging isang King Tier Mage." Paliwanag ni Ava na aking naunawaan. "Bakit mo sinasabi ito sa amin?" Tanong ko dito habang makikita naman ang pamumula ng pisngi nito. "Sol ang tito ko na yan ay mahalaga sa aming Clan gusto sanang gumawa ng Padilla Clan ng isang grupo na papasok sa Intramuros para tingnan kong buhay pa ang tito ko. Ayon sa mga elders namin maaring pumasok sa Dimension c***k ang tito ko." "Rinirequest ng Padilla Clan na ikaw ang maging leader ng grupo. Pero syempre lahat ng mga kailangan mo ay ibibigay namin. Hindi kadin matatalo sa reward... K-kahit ang sarili ko ang irequest mo ay p-pwede din..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD