Chapter 17: End of the Tunnel

1549 Words
Nang mabalot din ng puting liwanag ang katawan ni Angela nawalan na din ng enerhiya ang Magic Fountain. Isang maliit na orb naman ang lumitaw sa gitna ng Magic Fountain na agad kong itinago. Hindi ko alam kong bakit pero sobrang bilis ng cultivation ni Angela dahilan para maging isang Lord Tier ito. Sa tingin ko ay isa itong cultivation genius maging ang iba ay gulat din sa bilis ni Angela. Habang ako naman ay hirap dahil lahat ng resources ko ay meron akong kahati, buti nalamang at hindi kailangan ni Mizuki kong hindi maghahati kaming tatlo nila Yin Yang. "Anong susunod nating gagawin?" Excited na tanong ni Daylan. "Ayon sa seed spell ko hindi kalayuan dito ay makikita ang isang lagusan hindi ko naman sure kong anong meron sa huli ng lagusan dahil may kakaibang magic ang pumipigil sa aking seeds" Paliwanag ni Ava habang agad nitong shinare kong saan ang sinasabi nitong lagusan. "Objective padin natin ang kastilyo at ang Dimension Lord ng lugar na ito ganon paman why not hindi natin silipin ang sinasabi ni Ava." Agad kaming nag decide at nagtungo sa sinasabi nitong lagusan. Hindi katulad ng ibang lagusan na pailalim ang lagusan na tinatahak namin ay pa straight lamang. 46 minutes na paglalakad at narating namin ang dulo ng lagusan. Tulad ng sinasabi ni Ava may kakaiba ngang energy ang bumabalot sa huling bahagi ng lagusan. "I'll go first" Dahan-dahan akong lumapit sa lugar at tumalon sa kabilang bahagi habang nabalot ng kakaibang enerhiya ang buo kong katawan. Sunod nito ay nakita ko ang aking sarili sa isang malawak na hall! Habang sa gitna nito ay makikita ang isang trono. 's**t! Ito ang kastilyo!' Sabi ko sa aking sarili ang agad kong binalot ng golden black lightning ang buo kong katawan habang lumitaw naman sa aking likuran ang apat pa. "Nasa loob tayo ng kastilyo" Sabi ko sa mga ito na agad nilang naunawaan. Ilang saglit pa biglang lumiwanag ang buong lugar at lumitaw ng hindi namin napapansin ang isang humanoid na nilalang sa trono! "Hmmm... Nagmula kayo sa queens chamber mukhang nagawa niyong matalo ang underground ant queen" Sabi nang tinig ng isang babae at nagmumula ito sa humanoid na nilalang na umupo sa trono. "Humans it's been awhile ng makakita ako ng race niyo. Sabihin niyo paano niyo natalo ang Queen" Tanong nito habang sa mga oras na iyon ay biglang lumiwag ang trono at nakita namin ang mukha nito. Para itong isang tao! Maliban lamang sa tainga nito na segurado akong tainga ng isang fox! "Mukhang nagulat kayo sa anyo ko. Well segurado naman akong walang alam ang mga backwards humans na katulad niyo. Ilang years na ba ang lumipas... 80? 100? Ah oo 1024 years simula ng mangyari ang Great War." "Ang dating superior race na human ay para nalamang mga antik sa buong expanding universe." Hindi namin maunawaan ang sinasabi nito ganon paman ay kakaiba ang linalabas nitong enerhiya sa mga oras na iyon. Kahit sa current cultivation base namin ay hirap padin kaming kumilos sa harap nito! Isa lamang ang ibig sabihin nito mas mataas ang cultivation base nito sa amin. "A-ano ka" Tanong ko dito habang napatingin sa akin ang babaeng may tainga ng fox. "Interesting interesting" Sabi nito at naglaho habang isang daliri naman ang naramdam ko sa aking baba. 'f**k!' Agad na lumitaw sa aking harapan ang babae at tinitigan ako nito sa mata. "Interesting" Sa oras na sabihin niya ito ay muli itong naglaho at muling lumitaw sa kanyang upuan. "Bibigyan ko kayo ng tatlong pagkakataon para magtanong after that. Kailangan niyo ng umalis sa aking Dimension" Sabi nito na aming ikinagulat ganon paman ay mas mabuti na ito. Agad na nagtaas ng kamay si Ava "Ano ang tungkol sa Great War?" Ngumiti naman dito ang babae. "Ang great war ay isang digmaang kasali ang buong race at species sa mundo. Ito lamang ang masasabi ko at hindi niyo pa oras para malaman ito." "Ang Dimension c***k saan galing ang mga ito" Tanong ko "Well sabihin nalang nating ang Dimension c***k ay isang Void Spell, walang may alam kong sino o ano ang gumawa nito." Sabi nito ganon paman alam ko sa aking sarili na may tinatago ito. "Ano ka naman? Ano ang mga dimensionsal lord" Muli kong tanong at ang huling tanong. "Kabilang ako sa race na tinatawag na Shifting Foxes at ano naman ang Dimensionsal Lords? Kami ang mga may hawak ng dimensions c***k trabaho namin ang pagpakawala ng mga dimensionsal beast sa lahat ng mga mundong mahihina." "Nasagot ko na ang inyong mga tanong ngayon ay pwede na kayong umalis." Sa isang iglap parang may enerhiyang kumuha sa amin at agad kaming itinapon patungo sa Dimensions c***k! "Wait! Bakit mo kami pinatakas!" Sigaw ko pansin ko namang may ngiti sa kanyang labi ang babae. "Linigtas ako ng kauri niyo once" Sa oras na iyon ay agad kaming napasok sa Dimensions c***k at lumitaw sa Danger Zone. Hindi kami makapaniwala ng mga oras na iyon ganon paman ay agad kaming tumayo at tiningnan ang buong paligid. Nababalot ng mga dimensionsal beast ang buong lugar habang napansin namin ang isang direksyon na tela ay may nagaganap na laban. "Sila Michael!" Sigaw ni Daylan, napansin naman naming ang grupong ito ay grupo nga ni Michael. Ganon paman sa oras na iyon si Michael nalamang ang nakatayo at nakikipaglaban habang ang mga kasama nito ay balot ng iba't ibang uri ng mga sugat. Kapansin-pansin naman ang malaking sugat sa dibdib ni Jack Tan at sa likod nito ay buhat niya ang babaeng water mage na si Emily na wala ng malay. "Tulongan natin sila" Agad kong inipon ang golden black lightning sa aking mga paa at buong lakas na tumalon. "Boom!" Binagsakan ko ang isa sa mga beast at walang kahirap-hirap itong naging isang paste. "Domain!" Sigaw ko at nabalot ng electric field ang buong lugar habang mapapansin ang pangingisay ng mga beast sa buong paligid. Mula sa aking kamay lahat ng mga energy sa buong paligid ay nagtungo sa aking kamay. "Golden Black Lightning, Earth Shuttering Thunder Punch!" Sa isang iglap lahat ng mga beast sa aming kaliwa ay agad na naglaho! Habang isang malaking apoy naman ang tumapos sa iba pang mga beast. "Sol!" Sigaw ni Michael habang napahandusay ito at nawalan ng malay. "White Magic, Great Healing!" Nabalot ng malaking puting liwanag ang buong grupo at makikita ang mabilis na paggaling ng mga sugat ng mga ito. Dahil din dito ay bumalik ang malay ni Michael at makikita ang galit sa mga mata nito. "Anong nangyari" Tanong ko dito. "Traydor! Trinaydor kami ni Aiden, nakipagsabwatan ito sa Green Archers" Paliwanag nito habang kwenekwento nito ang nangyari. "Nauunawaan ko na ang nangyari. Saan sila banda pumunta?" Tanong ko dito habang itinuro nito ang southern part ng lugar. "Mizuki" Lumapit agad sa akin si Mizuki at tiningnan si Ava. "Bumalik na kayo sa safe zone. May tataposin lang kami" Sabi ko dito na kanya namang naunawaan. "Hintayin niyo kami sa safe zone. Angela ikaw na ang bahala sa mga sugat nila." *** Dahil kay Mizuki agad naming nakita ang grupo ng Green Archers binubuo ito ng 12 ka tao at dumagdag pa si Aiden ang #2 sa ranking ng leaderboard. "Seguradong patay na ang mga iyon" Sabi ng isa sa mga ito habang agad naman silang nagtawanan. "Aiden magaling ang ginawa mo" Sabi ng lalaking nasa harap ng grupo. Matangkad ang lalaking ito at merong pagkakahawig kay Aiden. Sa tingin ko ay magkamag-anak ang dalawang ito. Ayon kay Michael si Aiden ang nag suggest na magtungo sila malapit sa Dimension c***k. Maayos naman at walang ibang nangyari sa pagpunta nila hanggang sa makita nila sa isang lugar ang isang batang grandmaster tier beast. Alam ng lahat kong gaano ka importante ang kanilang nakita dahil ang isang batang beast ay walang kakayahang lumaban at madali lang itong mahuli. Mahal ang presyo ng isang batang beast!kaya naman agad nila itong sinundan ngunit isa pala iyong patibong at sa dulo ng lugar ay naghihintay ang grupo ng Green Archers. Sunod nito ay ang paglalaban ng dalawang grupo hanggang sa biglang atakihin ni Aiden si Jack na gumawa ng isang malaking sugat dito. May isa lang akong plano at ito ay ang gantihan si Aiden. Merong dalawang lord tier sa grupo ito ay ang leader na kamukha ni Aiden at isang babae. Mukha namang hindi malakas ang mga ito dahil hanggang ngayon ay hindi padin nila napapansin kaming dalawa ni Mizuki. Nang makalapit pa kami ng kaunti ay agad akong tumingin kay Mizuki at sabay naming pinakawalan ang aming domain. Nabalot ang buong lugar ng mas malakas na electric field hanggang sa grupo ng mga Green Archers habang hindi naman nila agad napansin ang isang golden black lightning lance na mabilis na patungo sa kanilang lugar. "BOOM!" Agad na sumabog ang lance at nabalot ng alikabok ang buong lugar habang ang katana ni Mizuki ay naglaho at sa isang iglap nasa dipdip na ito ni Aiden. "Argh!" Hindi ito makapaniwala sa nangyari ganon paman ay kinain na ito ng kadiliman. "Aiden!" Sigaw ng leader ng grupo habang tumakbo sa pwesto ni Aiden at galit na tiningnan ang buong paligid ngunit sa mga oras ding iyon ay malayo na kami sa lugar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD