Chapter 16: Leaps and Bound

1452 Words
3rd Day Ito ang pangatlong araw namin sa loob ng dimension c***k. Buong araw kami kahapong nag cultivate ng makakita kami ng safe na lugar. "Mukhang ako ang huling natapos" Sabi ko habang nakita ang grupo na kumakain. "Looks like isa ka nading Lord Tier Ava at malapit kana din Daylan." Sabi ko sa dalawa, hindi naman maitago ang tuwa sa mukha ng mga ito. "Pinag-aaralan ko padin kong paano kontrolin ang domain malayo pa ako sa tunay" Sabi ni Ava na aking naunawaan. "Congrats Angela" Isa na itong grandmaster rank! "Salamat, paano naman ikaw kamusta ang rank mo" Tanong nito habang itinuro ko naman ang maliit na Yin Yang sa aking ulo. Hati kami pero malapit na din ako sa Lord Tier. Hindi ko naman kailangang tanungin si Mizuki dahil nakikita ko ang cultivation base nito after all summoned hero ko siya. "Magpapatuloy tayo, ngayon kailangan nating tingnan ang buong lugar baka meron pa tayong matuklasan katulad kahapon" Sumangayon sa akin ang grupo at mukhang katulad ko iniisip din nilang ito na ang tamang pagkakataon para lumakas. *** "Run!" Sigaw ko at tulad ng plano mabilis na nagsitakbuhan ang aming grupo palayo sa malaking Lake Crab habang sa kamay ni Ava ay makikita ang isang gintong clam! Hindi namin alam kong anong klaseng treasure ang golden clam pero alam naming valuable ito dahil na din isang Lord Tier beast ang nagbabantay dito ng buong atensyon. Ilang minuto pa nga dahil sa malalaking punong kahoy sa daan ay agad naming na takasan ang Lake Crab. "Oh s**t that's exciting" Sabi ni Daylan habang makikita ang ngiti sa labi nito. "So anong nakuha natin?" Tanong naman ni Angela. Inilabas ni Ava ang golden clam at tiningnan ito ng lahat. Ilang minuto pa at walang makapagsabi kong anong klaseng treasure ang bagay na ito ganon paman napunta ito sa akin at plano namin itong patingnan sa nakakaalam oras na makabalik kami. "I picked up something!" Nagtungo kami kay Ava at lumutang sa kamay nito ang isang maliit na seed. Kakaiba ang seed na ito dahil para itong may sariling mata. "Ayon sa spell ko hindi kalayuan ay may makikitang kweba at sa loob ng kweba ay may crystal ore! Ganon paman may grupo ng mga Grandmaster Tier Underground Ants ang nakabantay sa lugar at meron ding mga Lord Tier Underground Ants." Sabi ni Ava "Gaano ka dami ang crystal ore?" Tanong ko dito. "Marami! Para itong isang minahan ng crystal ore" Tugon naman nito pero masyado pading delikado ang lugar. After all ang lugar ay binabantayan ng isang insects species at isa sa mga katangian ng mga ito ay pagkakaroon ng sariling society. Sa oras na pumasok kami sa lugar seguradong hundreds or thousands of ants ang papatay sa amin. "Masyadong delikado dahil seguradong sobrang daming ants ang nagbabantay sa lugar. Tsaka tatlong araw na tayo sa danger zone at meron nalamang tayong dalawang araw." Naunawaan naman nila ang aking punto ganon paman ay itinaas ni Mizuki ang kanyang kamay. "Actually merong isang paraan para mamina natin ang lugar" Sabi nito nakumuha sa aming atensyon. "Anong paraan" Tanong ni Daylan habang itinuro naman ako ni Mizuki. "May bagay si Sol na gugustohin ng mga ants" Sabi nito habang napaisip naman ako sa sinabi nito. "Ang hive." *** Inilagay ko ang Intergalactic Hive sa lugar na mapapansin agad ng mga Underground Ants. Sa soul sea palang ay pinaliit ko na ang laki nito na kasing laki lamang ng isang bahay. Ayon kay Mizuki ang insects species ay maituturing na miyembro din ng bugs species in a sense. Kaya seguradong alam din ng mga ito ang tungkol sa hive. Hindi pa nga nagtagal ay agad na napansin ng isa sa mga worker underground ants ang hive at linapitan ito. May kakaibang ginawa ang underground ants at mukha itong nagtatawag ng kasama which is totoo naman dahil ilang segundo lamang ay agad na nagsidatingan ang iba pang mga underground ants. Pinalibutan nila ang hive at tela ay bubuhatin ngunit alam kong hindi nila ito magagawa dahil kahit maliit lamang ang hive ang linagay ko nitong bigat ay kasing bigat ng isang kalati ng size ng tunay na hive. Dahil dito nagtawag pa ng madaming kasama ang mga underground ants. Tumaas ang aking mga balahibo ng makita ko ito dahil halos hindi mahulogan ng karayom ang buong lugar. Buti nalamang at malayo kami sa lugar. Hindi din ako nag aalala sa hive dahil kontrolado ko ito at sa isang command ko lang ay agad itong susunod sa akin. "Chiii!!!" Ilang saglit pa ay isang malaking underground ants na merong pakpak ang lumabas sa ant cave! "Lord Tier Underground Ants Beast" Natahimik ang buong lugar habang lumapit ang lord tier na underground ant sa aking hive. Sa oras na iyon ay nakita nito ang entrance ng hive at pumasok habang sumunod naman ang iba pang mga underground ants! Agad kong inilagay ang aking soul sense sa loob ng aking hive at dito ay pinanuod ang mga underground ants. "AI dalhin sila sa puzzle chamber" Sabi ko habang agad namang nagbago ang structure ng buong lugar na kinalalagyan ng mga underground ants! Ang puzzle chamber at isang lugar kong saan seguradong maliligaw ang sino mang pumasok. Ganon paman expert ang mga underground ants pagdating sa ganitong mga bagay. Hindi ko sila dinala sa lugar na iyon para iligaw kong hindi para mabigyan kami ng oras na makapasok sa ants cave! Lumipas ang sampung minuto at halos maubos na ang mga underground ants sa buong lugar hanggang sa dumating ang pinaka-hinihintay namin ang pagdating ng Queen. Sobrang laki nito at kailangan itong tulongan ng apat na lord tier underground ants beast! 'Duke Tier Underground Ants Queen Beast!' Bago paman lumabas ang queen ant agad na kaming lumayo sa lugar. Nang makita palang namin ang halos isang daang mga lord tier ants na lumabas sa cave ay seguradong lalabas na din ang queen. Ilang minuto pa nga ay nakapasok na ang lahat ng mga ito sa Hive at sa oras na iyon success ang aming plano. Agad kong sinarado ang entrance nang hive at mabilis na inaysolation ang buong puzzle chamber. Ayon sa AI kayang-kayang ma isolate ng hive ang mga ito. Kahit isang King Tier Beast o ano mang nilalang ay walang kahirap-hirap na makukulong sa lugar!. "Success" Sabi ko sa grupo habang agad kaming lumapit sa hive at muling ibinalik ito sa aking soul sea. "Ano ang bagay na iyon?" Tanong ni Ava habang may sagot naman ako dito. "Isang bagay na katulad ng spatial ring" Paliwanag ko dito habang makikita namang hindi ito naniniwala. "Kailangan na nating bilisan" Sabi ko dahilan para bumalik ang atensyon ng lahat sa cave ants. "Time to mine!" Sigaw ni Angela at kami ay pumasok sa loob ng ants cave. *** Sa loob ng apat na oras ay nagawa naming makolekta ang sobrang daming crystal ore! Gamit ang plant magic ni Ava hindi ito naging mahirap. Ngayon ay ini-explore namin ang ants cave at gamit ang spell ni Ava ay agad naming na locate ang queens chamber. "Wow" Ito lamang ang masasabi namin sa oras na iyon dahil sa harap namin ay merong isang malaking itlog. Hindi ko naman alam kong bakit pero biglang lumitaw si Yin Yang at nakatingin sa itlog na parang gusto itong kainin. Napansin naman ito ng iba. "Go ahead Sol you deserve that egg" Sabi ni Ava habang tumango naman dito si Daylan at Angela. Pinasalamatan ko ang mga ito at agad kong kinuha ang malaking itlog at ibinigay ito kay Yin Yang na sa mga oras na iyon ay sobrang excited. Kinagat ito ni Yin at Yang at sa isang iglap agad na naglaho ang itlog habang nabalot naman ng liwanag ang katawan ni Yin Yang. Alam kong matatagalan ang dalawa sa pag absorb ng enerhiyang nakuha nila kaya ibinalik ko ito sa Summoning Temple. Hindi lang malaking itlog ang nasa lugar dahil makikita din sa isang chamber na katabi nito ang isang natural pool na naglalabas ng malakas na magical energy. "Tama ba ang nakikita ko!" Sigaw ni Ava habang lumapit naman dito agad si Mizuki. "Magical Fountain!" Sabi ni Mizuki at agad na tumalon habang tumalon din si Ava dito. "Come quickly!" Sigaw ni Ava at katulad nila ay pumunta din kami sa Magical Fountain. Sa oras na umupo si Daylan ay agad itong nabalot ng puting liwanag at naging isang Lord Tier Mage! "f**k!" Nang makita ko ito ay agad akong umupo at naramdaman ko ang malakas na enerhiyang pumapasok sa aking katawan! 88 energy star 89 energy star 90 enerygy star! Sa oras na iyon nabalot din ng puting liwanag ang aking buong katawan at naging isang Lord Tier Mage!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD