Chapter 15: Dangerous Situation

1476 Words
"So nakapagdecide na ba kayo?" Tanong ko sa tatlo habang nasa harap namin ang Dimension c***k. Isang buong araw ang ginawa naming pag hunt ng mga dimensionsal beast kahapon para lamang makalapit sa Dimensions c***k. "Katulad ng sabi ko sasama ako kong saan kayo" Sabi ni Angela kahit na may takot ito sa kanyang mga mata. "Nandito na tayo ano pa bang magagawa ko" Sabi naman ni Daylan habang napunta ang aming atensyon kay Ava. "I think i made the right choice na sumama sa grupong ito kaya sasama ako kahit na delikado." "Well kong ganon let's go." Pumasok kaming lima sa loob ng Dimension c***k at katulad ng naramdaman ko dati parang hiniwalay ang aking katawan ganon paman mabilis din itong natapos at bumungad sa aming harapan ang isang icy place na lugar. "Ayon!" Turo ni Mizuki. Sa hindi kalayuan makikita ang isang kastilyo na nababalot ng mga yelo at snows. "Totoo nga! May ibang mundo nga sa likod ng Dimension c***k" Hindi makapaniwalang totoo ang narinig ni Daylan ganon paman may isang tanong ang agad na pumasok sa kanyang isipan. "Kong totoo ito bakit walang nakabalik sa mundo natin pag pasok nila sa loob ng Dimension c***k?" Nasagot naman ang tanong nito ng makita niya ang horde ng mga Dimensional Beast na patungo sa kanila! "f**k may Lord Tier Beast sa grupo at hindi lang isa kong hindi madami, takbo" Agad na tumakbo si Ava sa isang direksyon at sinunan naman ito ni Daylan at Angela. "Ako na ang bahala sa likuran. Mizuki gumawa ka ng daan sa harapan patungo sa kastilyo" Sabi ko habang ang pinakamalapit na dimensional beast ay agad kong sinuntok sa tiyan at tumakbo. Fight and run ito ang ginagawa ko hanggang magkadistansya kami sa horde. Mukha namang hindi na kami sinundan ng horde ng mga beast sa oras na makalayo kami sa mga ito. Ganon paman may iilang dimensionsal beast ang sumusulpot na agad namang napapatay ni Mizuki. "Mas malaki ang level ng Dimension na ito kaysa sa inaasahan natin." Sabi ni Mizuki na aking tinanguan. "Anong dapat nating gawin?" Tanong ni Daylan habang tiningnan ko ang buong lugar. "Ang objection natin ay makapunta sa kastilyo sa mas mabilis na paraan." Kumuha naman si Ava ng isang stick sa tabi at may mga guhit itong ginawa sa snow. "Nandito tayo, nandito ang Dimension c***k at ang beast horde. Pinakamabilis na paraan para makarating sa kastilyo ay kong haharapin natin ang beast horde ngunit isa iyong suicidal." "Ang paraan nalang ay kong tatahakin natin itong kaliwa nating kakahuyan patungo sa kastilyo o sa kanan natin na open field." Paliwanag ni Ava, hindi ko maiwasang hindi maimpress sa sinabi nito at sa mga detalying alam niya. "Sa kakahuyan tayo, mas may chance tayong hindi makita ng mga dimensionsal beast kabaliktaran sa open field na wala tayong matataguan" Sabi ko at agad namang sumangayon ang buong grupo. "Katulad kanina si Mizuki sa harap at ako sa likod. Ava at Daylan sa magkabilang tabi kayo habang sa gitna naman si Angela." *** "Isang magical fruit tree!" Sa hindi kalayaun makikita ang isang malaking punong kahoy sa taas nito ay may mga hugis mangga na mga prutas. Kulay pula ang mga ito at naglalabas ng magical energy. "May nagbabantay" Sabi ni Mizuki habang itinuturo ang isang nilalang sa hindi kalayuan sa punong kahoy. "Lord Tier Furious Ape Beast." "May naisip ako." Sabi ni Ava. Tumingin kami dito habang kanyang itinuro ang punong kahoy. "Bigyan niyo ako ng limang minuto at magagawa kong makuha ang lahat ng mga magical fruit sa punong iyon." Nagkatinginan kami ni Mizuki at alam ko ang nasa isip nito. "3 minutes ito lang kaya naming ibigay." Napakunot naman ang noo ni Ava ganon paman ay sumangayon ito. "3 Minutes!" "Yin Yang alam niyo na gagawin niyo" Sabi ko habang agad na lumiit ang pagong at pumatong sa aking ulo. "Angela ituon mo ang iyong focus kay Mizuki at Daylan tulad ng ginawa natin kanina ako ang tank" Tumango naman agad sa akin ang lahat. Tinuro ko noong nakapasok kami sa kakahuyan ang tungkol sa party system at inalam ko ang Elemental Magic ni Ava at Daylan. Isang Plant User si Ava isa sa mga rare type of Magic habang Fire type naman si Daylan. Sa party system ng grupo ako ang tank, si Angela ang support, si Mizuki ang assassin, si Ava ang controller at panghuli si Daylan ang damage dealer. Sa pamamagitan nito mas nagagawa ng bawat isa ang kanilang tungkolin at mas meron kaming awareness sa pangyayari. "Ok let's start." Agad na nabalot ng golden black lightning ang buo kong katawan at sumugod sa pwesto ng Furious Ape. Alam kong hindi ko ito kayang talunin dahil sa aking cultivation base ganon paman kaya kong kunin ang atensyon nito. "ROAR!" Sumugod sa akin ang Furious Ape sa unang pagkakita palang nito sa akin. Habang tanaw ko naman ang mga lumitaw na vines sa punong kahoy. Isa ito sa mga spells ni Ava. "Golden Black Lightning: Thunder Punch!" Nag sidestep ako sa tabi ng Furious Ape at sinuntok ito sa kanyang tagiliran ganon paman ay parang sumuntok ako sa isang pader at walang nangyari! "Roar!" Hindi ko inaasahang na ganito katibay ang katawan ng Furious Ape buti nalamang at mas mabilis ako dito. "Fire Magic, Fire Storm!" Sigaw ni Daylan sa oras na makalayo ako ng kaunti sa Furious Ape. Habang isang storm naman na gawa sa galit na apoy ang kumain sa Furious Ape. Pero segurado ako wala itong masyadong epekto sa aming kalaban. "Roar!" Lumutang ang Furious Ape na parang walang nangyari ganon paman makikita ang mga burn marks sa iba't ibang parte ng katawan nito. "f**k!" Hindi ko alam kong paano pero biglang bumilis sa kilos ng Furious Ape at agad na nakalapit sa akin. "Thud!" "Argh!" Buong lakas kong sinangga ang suntok ng Furious Ape ganon paman para akong sinagasaan ng isang ten wheeler truck ng mga oras na iyon. Agad akong tumilapon sa malayo at tumama sa isang puno, agad akong tumayo mula sa pagkakahiga at tiningnan ang Furious Ape na patungo sa akin. Kong hindi seguro dahil sa def buffs ni Yin Yang ay seguradong wasak ang aking katawan. Agad namang nabalot ng puting liwanag ang buo kong katawan at nawala ang aking mga sugat. "Salamat Yin Yang." "Golden Black Lightning Sword 2nd Style: Disappearing Sword!" Agad na lumitaw ang isang katana na gawa sa golden black lightning mula sa hindi alam na lugar ngunit dahil sa timely na atakeng ito ni Mizuki ay nabigyan ako ng oras parang makalayo sa lugar. "1 minute!" Sigaw ni Ava habang napansin kong kakaunti nalamang ang mga natitirang magical fruit sa punong kahoy. Dahil naman sa sigaw ni Ava napatingin sa kanya ang Furious Ape at nakita nito ang kakaibang mga vines sa paa baba ni Ava. Tumingin ito sa punong kahoy at ng makita nito ang halos wala ng magical fruit na punong kahoy ay agad na itong nagalit. "ROAR!" Biglang nagliwanag ang buong katawan ng Furious Ape at rinig na rinig ko sa aking sarili na tumakbo ako ako sa mga oras na iyon. "Takbo! Ava hayaan muna ang mga natitira! Takbo!" Sigaw ko habang naunawaan naman ng lahat ang aming kinalalagyan. Mabilis na tumakbo si Ava habang kasunod naman nito si Daylan na hawak si Angela, sumunod din ako dito kasama si Mizuki. Sa isang iglap agad kong naramdaman ang pagbigat ng aking katawan at kasama na dito ang hirap kong pag hinga. Shit! Isang domain! "ROAR!" Gamit ang aking sense alam kong sobrang lapit ng Furious Ape sa aking kinalalagyan at seguradong patay ako pag naabotan ako nito. "Golden Black Lightning Domain!" Sigaw ni Mizuki at nabalot ng electric field ang buong lugar habang binitbit naman ako ni Mizuki na parang bata at tumakbo paalis sa lugar. *** "Muntik na tayo!" Sabi ni Daylan habang makikita ang pamumutla nito maging ako ay hindi makapaniwala sa nangyari. Isang tunay na lord tier beast ang lakas ng nilalang na iyon! "Ganon paman madami tayong na harvest" Sabi ni Ava habang nakatingin sa kanyang spatial ring. Tumango kami dito. "Magpapahinga tayo ng 10 minutes at after ay magpapatuloy tayo." Sumangayon naman ang lahat sa aking sinabi. Ibinigay ni Ava ang porsyento ng bawat isa ayon sa dami ng nakuha naming magical fruit. Tiningnan ko naman ng maigi ang magical fruit at para itong isang beast crystal na puno ng enerhiya. Kinagat ko ang isa sa mga ito at mabilis na pumasok sa buo kong katawan ang energy hanggang mapunta ito sa aking soul sea dito ay agad na nabuo ang isang energy star. Nagulat ako ng makita ito masyadong effective ang magical fruit sa cultivation!. "Change plan, hahanap tayo ng lugar na makakapag cultivate tayo at magpapatuloy tayo after." Tumango sa sinabi ko ang lahat dahil tulad ko mukhang na experience din nila ang effectiveness ng magical fruit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD