Chapter 14: Baguio City

1679 Words
Manila International Airport Saturday early morning at exactly 5 am sa harap ng grupo ni Sol makikita ang isang private plane. Private plane ito na pagmamay-ari ng Padilla Clan. "It'll take a 1 hour flight bago tayo makarating sa Baguio City" Sabi ni Ava. Agad na lumapit ang isang babaeng steward sa grupo at sa pangununa ni Ava ay nag onboard na ang grupo. Ava Padilla ang anak ng current leader ng Clan, hindi na kataka-taka kong bakit meron silang private plane. Halos lahat naman ng mga kilalang Clan ay kayang mag provide ng Private Plane tulad ng Cruz Clan. Ganon paman nag volunteer na si Ava kaya hindi kami nagsalita. Hindi ko lubos maisip kong bakit ang maganda at tahimik na si Ava ay sumama sa grupo namin, ganon na din ang current #4 ra leaderboard na si Daylan Lorenzo. Well wala naman akong pakialam basta malakas sila at kaya nila ang kanilang sarili ay wala akong problema dito. 15 minutes at agad na nakakuha ng air clearance ang private plane at ilang saglit pa ay nasa himpapawid na ito. Fancy, ito lang ang aking nasabi sa mga oras na iyon. Kompleto ang private plane sa mga bagay-bagay kaya naman hindi ka mabobored dito. "May naiisip ka nabang plano natin?" Tanong sakin ni Ava habang nakatingin ito sa akin ng seryoso. "Sa totoo lang wala akong masyadong alam sa sitwasyon, baka mas may nalalaman ka" Sabi ko dito. "I've done my research at nalaman kong nag eexpand ang dimension c***k kaya hindi stable ang buong danger zone." Sabi nito habang napatingin naman ako kay Mizuki na sa mga oras na iyon ay nanunuod lang sa kanyang smartphone. "Tatanongin kita may nalalaman kaba tungkol sa dimension c***k?" Tanong ko dito habang umiling naman ito. "May alam ako" Sabi naman ni Daylan na nakaupo sa harap ni Ava. "Please sabihin mo ang nalalaman mo" Sabi ko makikita namang naka focus ang atensyon ni Angela sa aming pinag-uusapan. "May nakapagsabi sa aking ang dimension c***k ay isang lagusan patungo sa ibang lugar. Ganon paman walang nakakapagsabi kong totoo ito." Sabi ni Daylan na aking tinanguan. "Actually tama ka sa sinabi mo, isa ngang lagusan ang dimension c***k patungo sa ibang mundo." Sabi ko dito na kanyang ikinagulat habang makikita naman ang pagtataka sa mukha ni Ava. "Paano mo nasabi?" Tanong ni Ava. "Well sa totoo lang nakapasok na ako kasama si Mizuki sa isa." Sa oras na sabihin ko ito ay makikita ang gulat sa mukha ni Daylan. "Impossible! Sa pagkakaalam ko lahat ng mga sumubok pumasok sa dimension c***k ay hindi na nakabalik." Sabi nito. "Tatanongin ko kayong tatlo, hanggang saan ang kaya niyong isugal?" Nagkatinginan ang tatlo at habang agad namang sumagot si Anglea "Kong saan kayo ni Mizuki doon ako." Sagot ni Angela na aking tinanguan. Habang makikita naman ang awkwardness sa mukha ni Ava at Daylan dahil alam nilang hindi nilang kayang isugal ang kanilang buhay sa alanganin. "Ang masasabi ko lang sa loob ng dimension c***k mas madaming opportunity at treasures." ***** "Welcome to Baguio City" Sabi ng piloto habang agat nitong minaobra ang private plane patungo sa runway. Ilang minuto pa nakababa na kami sa private plane. May sasakyan namang nag aabang sa labas ng airport at hinatid kami nito sa kinalalagyan ng Dimension c***k. Nasa outskirt ng Baguio City ang Dimension c***k at malayo ito sa mga kabahayan ganon paman dahil sa unstable ang buong lugar delikado padin ang lugar. Agad na gumawa ng formation barrier ang Maharlika upang pigilan ang mga Dimensional Beast na makalabas. Pagdating namin sa lugar agad naming napansin ang mga estudyanteng katulad namin ay ininvite din ng Maharlika. "Processing is done, pwede na kayong pumasok" Sabi ng staff ng Maharlika at binigyan kami nito ng greenlight para makapasok. Sa daan ay nakasalubong namin ang isang grupo, halos lahat ng mga ito ay nakasuot ng berdeng mga damit. "Look who's here" Sabi ng isang boses mula sa grupo ng mga ito. "Ava it's been a long time, hindi mo ba ako kakamustahin?" Sabi ng lalaki na nasa grupo. Tinignan lamang ito ni Ava at tela walang narinig. "Still like the old Ava I guess. So sino naman itong mga bagong mukha sa Blue Eagle Group" Sabi ng lalaki habang tiningnan ko lang ito sa mata. "Ava sino ang mga payasong ito?" Tanong ko kay Ava habang nakatitig padin sa lalaki. "Greena Archers Group ang nagsasalitang lalaki ay isang walang kwentang nilalang" Sabi ni Ava sa akin dahilan para mabuo ang isang ngiti sa aking mga labi. "Wala naman palang kwenta bakit nagsasalita pa?" Sabi ko habang mukhang na triggered ang lalaki sa sinabi ko at agad na sumugod sa akin. "f*****g little s**t!" Sigaw nito ganon paman bago ito makalapit sa akin ay tela naglaho ang aking kanang kamay at sa isang saglit sinuntok ko ito sa kanyang mukha dahilan para tumilapon ito. "I really hate people like you. Tingnan mo napapa ingles na din ako" Sabi ko at hindi na ito pinansin habang nagpatuloy kami sa paglalakad. Hindi naman nakabawi agad ang grupo ng Green Archers at parang mga istatwang nakatayo. "Kilala mo ba ang sinuntok mo?" Tanong ni Ava sakin habang binigyan ko lamang ito ng ngiti. "Robert Jose" Dagdag ni Ava. "Don't know him" *** Gamit ang superior sense ni Mizuki ay walang kahirap-hirap naming nahanap ang mga dimensionsal beast. "Hindi ko lubos maisip na ganito kabilis ang magiging hunt natin" Sabi ni Daylan. "Ito ang unang pagkakataon na parang nasa isang parke lamang tayo at hindi sa isang danger zone" Sabi naman ni Ava at katulad ni Daylan na amazed din ito sa bilis ng pag hunt ng kanilang grupo. "Kong ganon dagdagan pa natin ang speed" Sabi ko na ikinagulat nila. Agad namang tumayo si Mizuki at itinuro ang isang pwesto. "May grupo ng mga dimensional beast ang patungo sa atin" Sabi nito. "Ilan?" Tanong ko. "30... 64" Hindi ko mabilang padami ng padami ang mga ito. Makikita ang gulat sa mukha ni Ava at Daylan habang agad na hinawakan ni Ava si Angela upang tumakbo. "San kayo pupunta?" Tanong ko dito. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Mizuki?" Tanong ni Ava sa akin habang napatawa naman ako. "Ito na ang hinihintay natin pagkakataon, hindi na natin sila kailangang hanapin dahil sila na mismo ang lumapit." Sa pagsabi kong ito agad na nabalot ng Golden Black Lightning ang buo kong katawan. Inilabas naman ni Mizuki ang kanyang mahabang katana na katulad ko ay nabalot din ng Golden Black Lightning. "Angela alam muna ang gagawin mo" Sabi ko habang nabalot naman ang katawan namin ni Mizuki ng mga buffs. "Nasisiraan na ba kayong dalawa!" Sigaw ni Ava ngunit hindi ko ito pinansin at sumugod sa paparating na horde ng dimensionsal beast! "WHAAAAA!" "Golden Black Lightning: Thunder Punch!" "Boom!" Agad na tumilapon ang sinuntok kong dimensionsal beast habang makikita ang wasak nitong tiyan. Sinunod ko naman ang katabi nito at katulad kanina walang kahirap-hirap kong nabutas ang katawan nito. "Laban!" Sigaw ko at para akong hayop sa oras na iyon na minassacre ang mga dimensionsal beast sa aking harapan. "Golden Black Lightning Sword 3rd Style: Lightning Heavenly Sword!" Mabilis na nabalot ng maitim na ulap ang buong paligid at isang malaking espada ang nag materialize dito. "Decent!" Mabilis na nahulog ang malaking espada na gawa sa golden black lightning sa grupo ng mga dimensionsal beast "BOOM!!!" Malakas ang naging impact nito at nagsitalsikan ang mga debris at alikabok sa buong lugar. Ganon paman kahit hindi makita ng mga mata kong anong nangyayari sa lugar isang tawa naman ang kanilang naririning. "HAHAHA more!" Sigaw ni Sol habang hindi naman makapaniwala si Ava at Daylan sa kanilang nasasaksihan. "G-ganito ba talaga ang dalawang ito?" Nautal na tanong ni Ava kay Angela habang tumango naman si Angela dito. "Hindi pa ito ang worst na ginawa nilang dalawa" Sabi ni Angela dahilan para lumaki ang mata ng dalawa. "Maghanda kayo sa oras na mawala ang alikabok magsisimula na tayo sa ating trabaho" Dagdag pa ni Angela habang agad itong nagsuot ng matibay na gloves. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Daylan "Sa grupo naming tatlo si Sol at Mizuki ang hunter habang ako naman ang support at syempre ang gatherer. Kita mo yung beast crystal na yun! Yun ang i-gagather natin. Malaki laki seguro ma haharvest natin ngayong araw." Sabi ni Angela habang may liwanag sa kanyang mga mata. 'Maniacs!' ito ang nasa isip ni Ava at Daylan sa mga oras na iyon. *** "Yey! Meron tayong 439 beast crystal! Lahat ay Grandmaster Tier!" Sigaw ni Angela habang tinitingnan ang kanilang harvest sa araw na iyon. Hindi padin makapaniwala si Ava at Daylan sa kanilang nakita dahil walang kahirap-hirap para kay Sol at Mizuki na patayin ang mga Grandmaster Tier Beast na nakalaban nila. Habang hindi naman nila segurado kong magagawa nila ang nagawa ng dalawa. Ganon paman sa oras na iyon ay puno ng sugat ang katawan ni Sol habang kaunting galos naman ang kay Mizuki. "I summon you Yin and Yang" isang Summoning spell ang agad na lumutang sa harapan ni Sol at kasunod nito ay ang paglabas ng malaking pagong at ahas sa katawan nito. Agad na napatayo sa kanilang pwesto si Ava at Daylan habang mas malaking gulat ang makikita sa mga mukha nito. "Yin and Yang!" Sigaw ni Angela at tumakbo patungo dito habang inilapit naman ng dalawang ang kanilang ulo kay Angela. "Yin Yang pwede bang unahin niyo muna ako" Sabi ni Sol habang napatawa lang si Angela at pinakawalan ang kasing laki ng kotseng pagong. Nabalot ng puting liwanag ang buong katawan ni Sol at Mizuki at sa isang iglap naglaho ang mga sugat nito! Kahit pa ang malaking sugat sa dibdib ni Sol!. "Isang kang summoner!" Sabi ni Daylan. "Isa akong Magi normal lamang na isa akong summoner" Sabi ni Sol dito habang napa iling naman si Ava. "Ngunit tinangal ka sa Magi Clan dahil wala kang Summoning Magic!" Agad na sabi nito. "Well isang malaking pagkakamali iyon. Isa akong summoner at meron akong Summoning Magic."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD