Chapter 11: Challenging The Leaderboard

1726 Words
It's been a month simula noong unang araw ng school. Masasabi kong sobrang boring ng lahat ng mga classes at activities ng university. Nakakilala kami ng mga bagong kaibigan at syempre mga bagong kalaban. Isa na dito syempre ang grupo ni King. Halos araw-araw itong nangugulo dahilan para ma triggered si Mizuki at bigyan ito ng isang Golden Black Lightning Sword Style. Ikinagulat ng lahat ng mga estudyante ang lakas ni Mizuki habang ginawa naman siyang idolo nang lahat ng mga freshmen. Nakuha niya ang Thunder Goddess title sa oras na iyon Habang kailangan namang dalhin si King sa hospital dahil sa masasabing 'malala' ang tama nito. Binigyan lamang si Mizuki ng warning at pag bawas ng cultivation resources bilang parusa dito. Well hindi naman ito kailangan ni Mizuki kaya wala siyang pakialam sa parusa. Sa mga panahong ding iyon ay mas naging close si Mizuki at Angela Isang oras mula sa Blue Eagle University ay matatagpuan ang isang dimensional c***k na hawak syempre ng Maharlika. Isa itong advance tier danger zone at ang nakakapasok lamang dito ay ang mga advance tier mages. Sa umpisa ay takot na takot si Angela na sumama sa amin sa lugar ganon paman ng makita nito ang 'hunt' namin ni Mizuki ay wala na itong nasabi pa. Alam nitong dual elemental mage ako dahil sa Lightning at Summoning magic ko. Malaking suporta din ang nagagawa nitong tulong kapag may mga sugat kami sa katawan at kailangang magamot. Dahil sa paghuhunt namin nakakolekta kami ng sobrang daming beast crystal. Hindi naman namin kailangan ni Mizuki ng mga crystal na ito kaya halos lahat ng mga ito ay napunta kay Angela. Ang araw na ito ay ang araw na nakapasok na ako sa Grandmaster Tier. Habang ang aking Lightning Magic ay Grandmaster Tier at ang Summoning Magic ay Master Tier. Habang si Mizuki naman ang aking Summoning Hero ay nagpaalam na sa Grandmaster at isa ng Lord Tier Mage malapit na din itong mag rank up sa Secondary Rank! Kailangan nalamang nito ng tamang pagkakataon. Habang si Yin at Yang na kasing laki na ng kotse! Ay isa nang ganap na Grandmaster Tier at mukhang mauuna pa saking maging isang Lord Tier. "Nakagawa ko!" Sigaw ni Angela mula sa taas. Tumakbo ito sa pwesto namin sa sala at yinakap si Mizuki. How great kong ako ang yinakap nito. Sinong lalaki ang hindi magugustohang hindi yakapin ng isang cute na babaeng may C cup size sa harapan! "Isa nakong Master Tier Mage!" Sabi nito na may ngiti sa labi. Yinakap naman ito ng mahigpit ni Mizuki "Congrats" Sabi ko dito at ni Mizuki na kanyang tinanguan. Sa totoo lang hindi kayang abotin ni Angela ang Master Tier kong hindi kami ang kasama nito. Galing si Angela sa isang normal na pamilya sa kapitolyo ng Mindanao ang Davao City. Kaya naman sakto lang ang allowance nito at syempre aasa lang sa cultivation resources na bigay ng university. Ngunit sa tulong namin ay narating nito ang kanyang kinalalagyan, masasabi kong masipag at may drive si Angela na lumakas kaya deserved niya kong ano ang meron siya ngayon. "Balag niyo nabang i-challenge ang ranking ng leaderboard?" Tanong ni Angela na aking tinanguan Sa totoo lang masyado ng matagal ang isang buwan na pag preprepare bago ko i-challenge ang leaderboard. Ngunit gusto kong makaseguradong maabot ko ang top 10 ng leaderboard. "Good luck! Gagawin ko din ang aking makakaya" Sabi nito at akin namang ginulo ang buhok nito. *** "Alam niyo ba ang balita?" Nagsilapitan sa estudyanting lalaki ang mga estudyante sa paligid. "Hinamon ni Lightning Goddess ang #9 rank sa leaderboard! Habang #10 rank naman kay Sol Magi!" Nagulat ang mga estudyante nang marinig nila ang sinabi ng lalaki ganon paman kilalang news source ang lalaking ito. "Saan mo nakuha ang balitang iyan" Tanong ng isa sa mga estudyante sa lugar, itinaas naman ng lalaki ang kanyang smartphone at nakalagay sa official forum ng unibersidad ang tungkol dito. "s**t totoo nga!" "Mamaya din ito mangyayari, kailangan nating makapunta agad sa school arena!" Sabi ng isa. Agad na napangiti ang lalaking pinagmulan ng balita at ang kaninang forum ng unibersidad ay napalitan ng isang platform. "Tumaya na kayo sinong mananalo" *** School Arena, kasing laki at lawak ng isang football arena ang lugar. Puno ang halos lahat ng mga upuan sa lugar at nakatayo naman ang walang mga maupuan. Sa gitna ng Arena makikita ang Lightning Goddess ang number 1 sa puso ng maraming estudyante lalo na ng mga freshmen. Habang sa harap nito ay ang current 9th rank sa leaderboard. Isang senior ang current 9th rank at ilang buwan nalamang ay graduate na ito. Grandmaster Tier ang current cultivation base nito at isa itong Wind Mage. Mag dadalawang taon na din simula noong may humamon sa top 10 rank ng leaderboard ng unibersidad. Dahil na din ang current top 10 rank ay hawak ng mga senior na masasabing pinakamalakas na mga estudyante sa unibersidad. Sa matagal na panahon naging stagnant ang ranking na ito dahilan sa walang sino man ang gusto humamon. Ngunit nag bago ito sa araw na iyon, dalawa sa bagong freshmen ang humamon sa rank 9 at 10! Isa itong malaking kaganapan para sa unibersidad. Masasabing isang seryosong tao ang current rank 9, mula sa pag pasok nito sa arena ay hindi ito umiimik at seryosong tinitingnan si Mizuki. Hindi alam ng rank 9 kong bakit pero ramdam niyang mas malakas ang freshmen na babae sa kanyang harapan, ganon paman ay kailangan niya pading i-defend ang kanyang rango. Isang instructor ang agad na nagtungo sa gitna habang isang defense formation naman ang bumalot sa area na kinalalagyan ng mga manunuod sa lugar. "Start!" Sigaw ng instructor "Wind Force" Sabi ng rank 9 at nabalot ng malakas na hangin ang buo nitong katawan. Inilabas naman ni Mizuki ang kanyang mahabang katana at binalot ito ng golden black lightning. Alam ng lahat ang tungkol sa golden black lightning ni Mizuki ganon paman ang mga unang nakakita nito ay may gulat sa mukha. Normal lamang itong mangyari dahil ang normal lightning magic ay kulay bughaw habang masasabing rare ang lightning na merong kakaibang kulay. Sa tingin ng mga may alam at professors ang golden black lightning ni Mizuki ay dahil sa isang Lightning Seed. Isang natural na bagay sa mundo ganon paman sobrang rare ng ganitong bagay na hindi makukuha ng kong sino-sino lang. Pero hindi nila alam ito talaga ang Lightning Magic ni Mizuki dahil sa kanyang cultivation technique. "Wind Cutter!" Sigaw ng rank 9 at isang malaking cutter ang nabuo sa harapan nito na gawa sa hangin at agad niya itong pinakawalan. Isang malaking wind cutter ang mabilis na tumungo sa pwesto Mizuki habang agad na itinaas ni Mizuki ang kanyang kamay para i-counter ito. "Golden Black Lightning Sword 1st Style: Lightning Sword Crescent" Sabi ni Mizuki at isang spell ang nag materialize sa harapan nito habang isang crescent sword shape na gawa sa golden black lightning ang humarap sa atake ng rank 9! "c***k!" "Boom!" Gumawa ng isang malakas na tunog na may kasamang energy leak sa lugar ang dalawang atake. Mapapansing mas malakas ang atake ni Mizuki ganon paman sa mga oras na iyon ay agad na naglaho ang rank 9 at lumitaw sa likuran ni Mizuki. Wind Speed! Sa labang ito makikita ang natural na bilis ng isang Wind Type Mage. "Wind Cutter" Muling atake ng rank 9 habang may ngiti ito sa mukha dahil sa pagkakataon na iyon ay nakatalikod padin sa kanya ang kanyang kalaban. "Fool" Sabi ni Mizuki habang hindi alam ng rank 9 kong anong nangyari ngunit sa isang iglap ang mahabang katana ni Mizuki ay nasa leeg na nito! "Golden Black Lightning Sword 2nd Style: Disappearing Sword" "You lost" Sabi ni Mizuki habang ang wind cutter naman na spell ng rank 9 ay agad na nawala na parang bula habang makikita ang gulat, pagtataka sa mukha nito. Ganon paman alam niyang natalo siya. "You won" Sabi nito at umalis sa arena. Masyadong mabilis ang pangyayari para sa lahat ng mga nanood sa lugar. Ang kaninang nakatalikod na si Mizuki ay biglang nag laho at kasunod nito ay ang pagsuko ng rank 9. "Anong nangyari!" "Hindi ko nakita, pero bigla nalang lumitaw si Mizuki sa harap ng rank 9 at nasa leeg na nito ang katana ni Mizuki!" "s**t! Para siyang nag teleport" "Pwede ba siyang mag teleport sa puso ko?" "Oo nga mag teleport sana siya sa puso mo at hatiin ito" *** Oras ko na. Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo at nagtungo sa school arena. Doon ay nakasalubong ko si Mizuki na may ngiti sa labi "Taposin mo agad" Sabi nito Tiningnan ko ang arena at makikita dito ang mga cracks at slices mark. Galing ang mga slices mark sa ginawang atake ng rank 9 ito ang patunay kong gaano ka talas ang atake nito. Isang binata naman ang agad na lumitaw mula sa kabilang side at base sa lakad nito masasabi kong confident ito sa laban. "Sol Magi what a great honor" Bati nito sa akin habang tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "What a shame hindi ko lubos maisip saan mo kinuha ang iyong lakas ng loob para kalabanin ang rank ko" Sabi nito habang sa oras na iyon ay namukhaan ko ito Miyembro ito ng Magi Clan! "Mukhang kilala mo ako more or less, magpapakilala ako Liam from Razy family isa sa mga affiliated family ng Magi Clan" Sabi nito na agad ko namang naunawaan. Isang malaking Clan ang Magi Clan at hindi lamang ito binubuo ng Magi kong hindi lima pang affiliated family at isa na nga dito ang Razy. Tulad ng Magi ang Razy Family ay isa ding Summoning Mages! "Namukhaan kita pero hindi kita kilala" Sabi ko dito na kanyang ikinatawa. "Syempre hindi ko naman inaasahan na makikilala mo ako dating prince ng Magi Clan" "Pero who would thought na makakalaban kita ngayong araw" Sabi nito habang napansin ko namang may kakaiba sa lalaking ito. "Ready na ba kayong dalawa?" Tanong ng instructor na aking tinanguan habang isang dagger naman ang inilabas ni Liam "Ready ako lagi lalo na sa Magi Clan, ipakita mo sakin ang lakas mo boy" Sa oras na sabihin niya ito isang Summoning Magic ang agad na lumitaw at lumabas dito ang isang kulay itim na wolf type beast. "Fight!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD