Chapter 10: KO

1630 Words
Ipinaliwanag ng maayos ni Professor Glendale ang lahat ng mga kailangan naming malaman. Habang ang subject na itinuro niya ay tungkol sa mga Dimensional Beast which is more or less alam ko na. Ayon kay professor Glendale may tinatawag na Freshmen Leaderboard. Dito makikita ang pinakamalakas na freshmen student ng university. Ang Leaderboard din ang basihan ng pag allocate ng resources sa mga estudyante ng unibersidad. Ibig sabihin mas mataas na rank sa leaderboard, mas madaming resources. Paano ito? Sa pamamagitan ng challenge. Pwedeng mag hamon ng challenge ang isang estudyante na mababa ang rank sa nakakataas sa kanya at sa oras na matalo ng nag hamon ang kanyang chinallange, automatic niyang makukuha ang pwesto nito. Kapag natalo naman ang naghamon, ang resources niya noong araw na iyon ay kailangan niyang ibigay sa nanalo. Well hindi ko muna ito inisip at hindi ko nalang namalayan oras na pala ng tanghalian. Makikita ang malaking canteen ng lugar sa gitna ng campus. Pinapalibutan ang buong lugar ng mga punong kahoy at d**o dahilan para mag mukhang maliit na kakahuyan ang canteen. Gawa sa matibay na glass ang buong pader ng canteen at halos mapuno na ang lugar dahil sa mga estudyante. Malawak at maaliwalas ang buong loob ng canteen habang nakakita naman kami ni Mizuki ng pwesto. Sa buong canteen ito lamang ang walang nakapwesto. Nagtungo kami dito dalawa habang napansin ko namang sa amin napunta ang atensyon ng lahat, tulad dati i don't give a f**k at umupo sa pwesto. Malawak ang lamesa, kaya nitong mag occupy ng anim na tao. Ito ang pinagtataka ko bakit walang nakaupo sa lugar. Ganon paman ay hindi ko ito inisip, inilabas ko ang mga pagkaing gusto ni Mizuki at inilagay ito sa table. Ice cream, strawberry cake, potato fried chips at syempre leche flan. Habang linabas ko naman ang isang macha flavor milktea. Saan galing ang mga ito? Syempre sa aking refrigerator sa loob ng Intergalactic Hive. Galing diba multi-purpose ang Hive. Pwede namang ilagay ang mga pagkaing ito sa Spatial Ring ganon paman ang spatial ring namin ay masasabing nasa low kind dahil hindi kayang i preserve nito ang mga pagkain. Well not a problem. "Look guys, may umupo sa pwesto nila Faye at King." Sabi ng isang boses, alam ko namang kami ang tinutukoy nito dahil halata namang nakatingin ito sa amin. "Mukhang may labang magaganap" "Exciting ito, base sa suot nilang uniform ay mga freshmen sila" "Kawawa naman ang ganda pa naman ng babae" Hindi ko ito pinansin habang mas lalo namang walang pake si Mizuki sa mga oras na iyon na busy sa pagkain at panunuod ng video. "Pwede ba akong umupo dito?" Tanong ng isang boses, tiningnan ko ito at nakita ang isang pamilyar na mukha. Maliit lamang ito na babae mga 5'6 seguro habang naka bob cut ang itim nitong buhok. "Sure" Sabi ko dito habang agad namang binaba ni Mizuki ang kanyang smartphone at tiningnan ang ngayon ay parang nahihiyang pusa. "Ano yang pagkaing dala mo?" Tanong ni Mizuki dito pansin naman ang pamumula ng pisngi ng dalaga. "P-pancake" Sagot nito at umupo sa tabi ni Mizuki. "Angela right? May ice cream ako dito pwede ka kumuha basta't patikim ako ng pancake" Sabi ni Mizuki at hindi paman nakakasagot si Angela ay agad ng kumuha ng slice si Mizuki sa plate ni Angela at kinain ito. "Yum!" Makikita ang ngiti sa labi at mga mata ni Mizuki at sa isang iglap agad na naglaho ang pancake sa plato ni Mizuki dahilan para manlaki ang mata ni Angela. "Sorry naubos ko" Sabi ni Mizuki at muli ay nanuod ng video sa kanyang smartphone habang hindi naman alam ni Angela ang gagawin sa mga oras na iyon. "Exchange sa kinain niya" Sabi ko at iniabot dito ang isang pancake na nakabalot sa isang mamahaling lagayan. Imported pancake from japan! How 'bout that, buti nalang at mahilig sa pancake ang mom ko kaya meron din akong stocks ng mga pancake galing dito. "M-mahal ito ah" Sabi ni Angela habang nakatingin sa pancake. "Madami ako nan sabihin mulang kong gusto mo pa" Sabi ko naman dito habang agad siyang namula. "Pahingi ako" Sabi naman ni Mizuki at binigyan ko ito ng dalawa. Well naging tahimik naman ang pagkain naming tatlo at pansin kong mahiyaing tao si Angela. Tinanong ko ito ng ilang mga bagay maliban lamang sa pamilya nito. Nalaman kong galing ito sa Mindanao isa sa tatlong main island ng Pilipinas at dahil sa kanyang White Magic ay natangap siya sa Blue Eagle University. Maliban dun hindi na ako nag tanong pa ng ibang mga bagay. "Nandiyan na sila King!" Sigaw ng isang boses. Napunta ang atensyon ng lahat sa entrance ng canteen at doon dumating ang isang grupo na may limang miyembro. Sa pinakaharap ng mga ito ay lalaking may mahabang gintong buhok. 'Foreigner?' tanong ko sa aking isipan ng makita ang buhok ng lalaki ganon paman ay itim ang pupils ng mga mata nito. Parang isang hari ito ng makapasok sa canteen at ang kaninang malawak na daanan na puno ng nakapilang mga estudyante ay agad na nawala. "Well well well" Sabi nito habang lumalapit sa aming kinalalagyan. "Anong meron tayo dito, tatlong freshmen ang umupo sa ating pwesto" Sabi ng lalaki habang lumapit naman ang babaeng nasa likod nito. "King turuan natin ng leksyon para matotoo humanap ng kanilang pwesto" Sabi ng babae habang napunta naman ang atensyon ng lalaking may pangalang King kay Mizuki. Napansin din ito ng babae at sa oras na makita niyang mas maganda ng ilang beses ang nakaupo na babae ay agad na makikita ang inis sa mukha nito. "Ako na ang magpaparusa" Sabi ng babae at agad na lumapit kay Mizuki. Tumayo naman agad si Angela ng makita ito at hinarangan ang babae. "P-pag mamay-ari niyo ba ang pwestong ito" Sabi ni Angela habang kapansin-pansin namang nanginginig ito. "Mizuki tapos ka naba?" Tanong ko kay Mizuki na tumango sa akin habang hinawakan ko naman ang braso ni Angela na sa mga oras na iyon ay parang isang takot na pusa. "Aalis na tayo" Sabi ko dito na agad ding tumango sa akin. "Not so fast boy" Sabi ni King at hinarangan ang aming daan. Tiningnan ko ito sa kanyang mga mata at base sa pag obserba ko ay isa itong Master Tier Mage. "Tapos na naming gamitin ang lamesa pwedeng pwede niyo ng gamitin" Sabi ko dito habang makikita naman ang ngiti sa labi ni King. "Narinig niyo yun! Tapos na daw nilang gamitin" Sabi ni King habang tumatawa dahilan para mag sitawanan ang mga estudyante sa lugar. "May isa tayong problema bata ang totoo niyan ang lamesang ito ay pwesto namin at sa buong university walang nagtangkang umupo dito" "Ngayon lahat ng mga umuupo sa lugar ko ay binibigyan ko syempre ng chance. Una bugbog, pangalawa bugbog at dahil mabait ako pwede ding iwan ang magandang freshmen sa likod mo." Sabi ni King habang nakatingin kay Mizuki. "Pwedeng manakit sa loob ng canteen?" Tanong ko dito. Lumaki pa lalo ang ngiti sa labi nito habang nakatingin sa akin. "That's right boy" Sabi nito at inilapit ang mukha sa mukha ko. "Yun naman pala eh" Sa oras na sabihin ko ito agad na nabalot ng black lightning ang kanan kong kamay at buong lakas kong binigyan ng uppercut ang mukha nito! *c***k!* *Pack!* Masyadong mabilis ang pangyayari at hindi agad nag sink in sa lahat ng mga estudyante sa canteen ang pangyayari. Ganon paman ang matapang at sigang si King ngayon ay nakahiga at walang malay!. "s**t!" "Totoo ba ang nakita ko?" "Inatake niya si King!" "KO!" Sa pagkakataong iyon ay agad na bumalik sa katinuan ang mga kasama ni King at ang tatlong lalaking kasama nito maging ang babae ay sumugod sa akin. "Weak" Ito lamang ang sinabi ko at katulad kanina nabalot ng black lightning ang aking dalawang kamay at pinagbibigyan ng suntok ang bawat isa sa mga ito. Habang hindi paman nakakalapit ang babae sa akin isang mahabang katana ang agad na tumapat sa mukha nito dahilan para mapahinto ito. "Black Lightning Shock" Sabi ni Mizuki at bumagsak naman ang babae at nangisay sa kanyang pwesto. "Umalis na tayo dito" Sabi ko at naglakad pa alis sa lugar habang hila-hila ni Mizuki si Angela na sa tingin ko ay naging istatwa na. *** "S-sigurado ba kayo dito?" Tanong ni Angela habang nasa loob ng aking bahay. Dahil sa ginawa namin sa canteen naging instant sikat kami sa campus. Nalaman naming isang 2nd year senior si King at pang 8 ito sa leaderboard. 8th place na KO ng isang freshmen! Ito ang balita sa campus habang agad namang nagsalita si King at pinagbantaan ang buhay namin. Sa totoo lang wala akong problema dito ganon paman dahil kasama namin si Angela ay nadamay na din ito sa g**o. Dahil sa banta ni King ang mga kasama ni Angela sa dorm ay agad na nagalit dito at pinaalis siya sa lugar. Habang may dalawang araw na process bago makalipat si Angela sa bago niyang dorm ganon paman ay walang gustong maging dorm mate si Angela dahil sa banta ni King. Hinila naman agad ni Mizuki si Angela at sinama ito sa bahay. I mean may dalawa pa namang hindi nagagamit na kwarto bakit hindi nalang gamitin diba? Nalaman din naming isang inspiring Hunter Cook si Angela! Kaya + ito sa bahay. "Wag ka mahiya, pwede ka pumili ng kwarto mo" Sabi ni Mizuki at hinila ito sa loob ng kwarto Habang tinawag ko naman si Yin at Yang na ngayon ay kumakain ng fried chicken. Hindi ko alam pero naging foodie ang lahat ng mga kasama ko sa bahay. Ngunit dahil sa mga ito mas nagiging parang isang tunay na bahay na talaga ang lugar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD