Chapter 9: The Ultimate Support

1661 Words
Sa malawak ang malaki kong kwarto ay agad akong nakagawa nang Summoning Mark para mabuo ang isang Summoning Portal. Naging madali nalamang sa akin ang proseso ng paggawa ng Summoning Portal at sa isang iglap agad na lumitaw ang portal. Muli ay ibinasok ko ang aking soul sa loob ng portal at tulad dati bumungad sa akin ang napakagandang kalawakan. Agad kong inisip ang gusto kong maging contracted beast o hero at matagal ko na itong pinag-isipan. Bilang isang dating gamer mahalaga sa isang player ang pagkakameron ng support na kayang mag bigay ng buff at debuff. Eh paano kong isang support na may buff, debuff + heal?. Ito ang kailangan kong mahanap! Napadpad ako sa isang lugar na masasabi kong parang isang langit. Kong tunay ang langit segurado akong hindi nalalayo ang itsura ng lugar dito!. Maulap ang lugar habang may mga gintong liwanag ang nakakalat sa buong paligid. Sa oras na iyon ay agad kong nakita ang isang nilalang na naglalaro sa ulap. Isa itong maliit na pagong! Kasing laki lamang ito ng bola ng volleyball! Katulad ng paligid ang pagong na ito ay nababalot ng puting may gintong liwanag ganon paman ang balat nito ay kulay itim! Habang may kong anong bagay namang nakapulupot sa katawan nito na sa tingin ko ay isang puting ahas!. Ganon paman segurado akong ang maliit na nilalang na ito ang kailangan ko. "Ikaw" Sa oras na sabihin ko ito isang mahabang puting tali ang agad na pumulupot sa katawan ng maliit na pagong at agad ko itong hinila. Pero bago paman makalapit sa akin ang pagong isang higanteng parang mga mata ang agad na tumingin sakin! Kasunod nito ay ang pagyanig ng buong lugar. Habang parang magic na nawala ang mga ulap at gintong liwanag sa paligid at lumitaw sa aking paligid ang isang malaking puting ahas! "ROAR!" Agad naman akong napatingin sa aking kinatatayuan na sa mga oras na iyon ay may pagkakahawig sa itim na shell ng maliit na pagong! Shit! Hindi ako nagdalawang isip na agad bumalik sa Summoning Portal habang hila ang maliit na pagong. Sa oras na iyon ang puting ahas na kasing laki ng mga skyscraper building sa earth ay agad na sumugod sa akin!. Fuck! Agad kong iniwasan ang atake nito at agad na nakalayo at tumalon sa portal ganon paman bago ako makapasok ay may itim na bagay ang agad na dumikit sa akin ng hindi ko namamalayan! Ngunit hindi ko na muna ito inisip at sa oras na makabalik na ako sa bahay ay agad kong tinapos ang Summoning Portal at naglaho ito ganon paman agad kong naramdaman ang kakaibang sakit sa aking kamay at doon lumitaw ang isang itim na marka! Syempre hindi ko na ito napansin pa dahil nawalan na ako ng malay. *** "Isa itong curse mark" Sabi ni Mizuki ng makita ang marka sa aking kamay. Kinabahan ako sa sinabi nito. "Isang curse mark? Anong sumpa ang nakuha ko?" Tanong ko dito. Habang tinitingnan nito ng maigi ang curse mark saking kamay. "Kong hindi ako nagkakamali isa itong location curse mark, ibig sabihin isang tracker" Nanlaki ang mga mata ko nung narinig ko ito habang aking na tandaan ang nilalang na naglagay nito. Seguradong patay ako kapagpumunta ang magulang ng maliit na pagong! "May magagawa ka ba para matangal ang marka?" Umiling naman agad si Mizuki sa akin. "Hindi ko alam kong sa sobrang tapang mo ay naging tanga ka. Sinong nilalang sa mundo ang magtatangkang gawing Summoning Beast ang isang Divine Beast" Sabi ni Mizuki habang hawak ang maliit na pagong sa kanyang kamay. Napangiwi naman ako ng marinig ito, sinong mag-aakala na isang Divine Beast ang maliit na pagong! Kong alam ko lang kahit ilang daan pa ang buhay ko ay hindi ko iyon gagawin. Ganon paman nangyari na ang nangyari. Tiningnan ko ang maliit na pagong na tumutig din sa akin ganon na din ang puting ahas na nakapulupot sa katawan nito. "Yin Yang Turtle gusto mo bang sumama sakin?" Tanong ko dito habang itinaas ang aking kamay na agad nag labas ng Summoning Magic. Isa itong Summoning Contract, isang patunay nang Master - Summon bond. Lumutang sa hangin ang maliit na pagong at agad na hinawakan ang aking spell at sa oras na iyon agad na nabalot ng puting liwanag ang buong katawan nito. 'Contract Success!' Hindi ko alam kong anong mangyayari sa future ngunit seseguradohin ko hangga't nabubuhay ako na gagawin kong malakas ang na nilalang ang Yin Yang Turtle. Mas malakas pa sa magulang nito! "Simula ngayong araw tatawagin kitang Yin Yang. Yin ikaw black turtle at Yang white snake" Mabilis namang sumangayon ang dalawa at agad na nagpalutang-lutang sa buong paligid ng bahay. *** Mabilis na lumipas ang araw at dumating na ang unang araw ng skwela. Parang lyrics lamang nang isang kanta sa dati kong mundo. Gamit ang sasakyang hiniram ko sa Cruz Clan ay agad kaming nagtungo ni Mizuki sa Blue Eagle University. "Nakita ko na ang schedules mo, magkaklase tayo sa lahat ng subjects" Sabi ni Mizuki sa akin na aking tinanguan habang ipinark ko ang kotse sa isang bakanteng lugar. "Freshmen Building Class - A" Sabi ni Mizuki at agad na naglakad habang sumunod naman ako dito. Kahit sa parking lot ay agaw pansin si Mizuki, dahil na din sa hair colour ng buhok nito at syempre sa maganda nitong mukha. "Wow! Unang araw palamang at nakakita na ako agad ng isang tunay na goddess!" "Hindi ako nagkamaling university na pinili, s**t anong pangalan niya" "Isang freshmen. Sobrang ganda" Ito ang maririnig sa paligid sa mga oras na iyon hanggang sa makarating kami sa aming classroom. Halos puno na ang classroom habang may apat nalang na upuan ang walang naka-upo. Katulad kanina pag pasok ni Mizuki sa lugar ay agad na makikita ang pagkamangha, gulat at tuwa sa mata ng mga kalalakihan. Pinili ko ang upuang nasatabi ng window habang may nakaupo namang lalaki sa kanan ko. Hindi ako nito pinansin dahil ang atensyon nito ay nakay Mizuki na sa mga oras na iyon ay papalapit sa aming pwesto. "Hi, pwede bang dito ako umupo" Sabi ni Mizuki sa katabi kong lalaki habang parang ginamitan naman ng stun spell ang lalaki sa mga oras na iyon. "P-Pwede! Dito ka sa tabi ko" Sabi nito habang pag tingin sa akin ay agad itong nagulat dahil ang kaninang bakanting upuan ay meron ng may-ari. "Bro pwede bang lumipat ka ng upuan" Bulong nito sa akin habang hindi ko naman ito pinansin at binaon ang aking ulo sa armchair. "Gisingin mo ako pag nagsimula na" Sabi ko kay Mizuki habang agad na umidlip. Sa totoo lang hindi ako palaaran na klase ng tao ganon paman bilang isang Mage sa University ko lamang matutunan ang ibang mga bagay. "Ok" Agad namang sabi ni Mizuki Ikinagulat ng aming mga kaklase ang naging 'short conversation' namin ni Mizuki habang mas nagulat naman ang lalaking katabi ko. "Here! Lilipat nalamang ako" Sabi ng lalaki at agad na umalis sa upuan habang agad na umupo dito si Mizuki. *** "Hello young mages, ako si Glendale ang inyong classroom professor. Simula sa araw na ito lahat ng inyong gagawin sa loob ng university ay nakadikit na sa aking pangalan at responsibilidad kaya naman umayos kayo" Sabi ng isang middle age na babae sa aming harapan habang isang Master Tier Fire Spell ang agad na lumabas sa kamay nito. Natakot ang lahat ng mga estudyante sa lugar maliban lamang sa iilan. "Nandito kayo sa Class - A dahil sa isang rason. Kayo ang pinakamalakas sa lahat ng mga bagong estudyante sa unibersidad" "First bago tayo magsimula, kailangan niyo munang magpakilala sa harap ng classroom" Katulad ng mga dati kong naranasan sa paaralan kailangan pading magpakilala sa lahat. Masasabing top of the crop ang mga estudyante na nandito sa Class - A dahil halos galing sa mga kilala at sikat na pamilya ang mga nandito. "Davin Leo, Advance Tier Fire Mage" "Angela Pangan, Advance Tier White Mage" Isang White Mage interesting, masasabi isa sa mga Rare kind of mages ang White Mage dahil kaya ng mga ito na gamitin ang kanilang White Magic sa mga Healing Spells. Sa mundong ito may tinatawag na primary o common magic ito ay ang Fire, Water, Wind at Earth. Habang sumunod dito ang secondary group of magic ito ay ang Lightning, Plant, Metal, Psychic at Summoning. Habang ang pinaka-rare sa lahat ng mga magic White, Black, Blood, Space at Time Magic. Kaya namang sa oras na sabihin ni Angela ang kanyang Magic Element ay agad na napatingin ang lahat dito, maging si Glendale ay nagulat dito. "Next" Sabi ni Glendale at agad namang tumayo ang sunod na kaklase namin. . . . "Mizuki Cruz, Master Tier Lightning Magic" Agad na sabi ni Mizuki, makikita ang tuwa sa labi ng mga kalalakihan sa classroom sa mga oras na iyon habang nag sink-in naman ang sinabi ni Mizuki sa mga oras na iyon. "Master Class!!!" Sigaw ng isa sa mga kaklase namin. "Miyembro ka ng Cruz Clan? Hindi na nakakapagtaka." Tanong ng isang lalaki sa harapan na sa pagkakatanda ko ay galing sa isang kilalang Water Magic clan. "Oo at hindi" Sabi ni Mizuki dito at hindi na ito pinansin at umupo sa kanyang upuan. Habang nagtataka naman ang lalaking nagtanong kay Mizuki kanina sa sagot nito. Kong alam lamang nila ang tunay na Tier ni Mizuki ay seguradong mamatay sila sa gulat. Sunod naman akong tumayo at napunta sa akin ang atensyon ng lahat. "Sol Magi, Advance Tier Lightning Magic" Sabi ko at umupo. "Wait kilala ko siya!" "Siya yung itinakwil ng Magi Clan!?" "Wow may celebrity pala tayong kasama" Sabi ng isa sa mga ito Sa totoo lang naiirita na ako sa mga gintong klase ng usapan ganon paman ay wala akong magagawa. "Silent! Next" Sabi ni Glendale dahilan para tumahimik ang lugar. Ganon paman mabilis ang pagkalat nang balita. Sol Magi ang tinakwil ng Magi Clan ay estudyante ng Blue Eagle University.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD