Chapter 8: Blue Eagle University

1613 Words
'Mass Teleportation?' Tanong ko saking sarili ng makita ko ang isang malaking magic spell na mabilis na pumalibot sa aming lahat. Sa isang iglap, napadpad kami sa isang malaking close space na lugar habang sa harapan ay makikita ang tatlong professor. Well segurado akong mga professor ito ng lugar dahil sa suot nilang damit na para lamang sa mga professor ng Blue Eagle University. "Ngayong taon ay iba ang magiging examination para makapasok sa Blue Eagle University" Sabi ng kaninang matandang kalbong lalaki, habang dahil sa sinabi nito ay makikita ang pagbabago sa mukha ng nasa paligid ko. 'Ano kayang pagbabago ang sinasabi nito' Ganon paman ay hindi ko nalamang ito pinansin dahil maya-maya lamang ay seguradong malalaman din namin ang tinutukoy nitong pagbabago. "Instructor walang nag sabi saming nag bago ang gagawing examination" Sabi ng isang boses habang agad naman itong sinundan pa ng ibang tanong "Hindi naman alam na may pagbabago" "Dapat ay ganon padin ang examination" "Hindi tama ang ginagawa niyo" Sabi ng mga nasapaligid ko habang itinuon ko naman ang aking pansin sa matandang kalbo sa aming harapan. Katulad kanina ay wala itong ipinapakitang emosyon sa mukha. "Wala akong pakialam sa mga sinasabi niyo ngayon lahat ng mga gustong umalis ay maari na kayong umalis" Sabi nito habang itinaas nito ang kanyang kamay at isang spell ang agad na lumitaw. "Hindi kayo kailangan ng unibersidad" Sabi nito at sa isang iglap halos mga nasa 60+ ang biglang naglaho sa lugar! 'Mass teleportation kong ganon ay siya ang may gawa ng malaking spell kanina' "Katulad ng sinabi ko kanina, iba ang examination ngayong taon" "Magiging isang test lamang ang aming ipapagawa sa inyo. Ngayon ang kailangan niyo lamang gawin ay makayanan ang pwersa at sa oras na matapos ang isang oras, lahat ng mga nakatayo pa sa kanilang pwesto ay taos pusong tatanggapin ng Blue Eagle University". Sabi nito habang muli nitong itinaas ang kanyang kamay at katulad niya ang tatlong professor sa harapan ay nagtaas din ng kamay. Sa isang iglap isang malaking magic spell ang nabuo sa taas ng aming mga ulo. "Good luck" *Thud!* *Argh!" Nagulat ako ng biglang bumigat ang buo kong katawan, tila ay hinihila ako ng gravity pababa! 'Gravity type magic!' Sa oras na iyon ay agad kong naunawaan ang tinutukoy ng matandang kalbo na test. Easy *** "Ano sa tingin niyo? May nakita na ba kayong kakaiba sa grupo ngayong taon?" Sabi ng isang professor. Agad na may tinuro ang isa sa mga ito at itinuro ang isang lalaki na sa mga oras na iyon ay nababalot ng apoy. "Pwede ang batang iyon" Sabi ng isang professor habang itinuro naman ng isa pa sa mga ito ang isang babaeng maliit na aakalaing isang high school student! Nababalot ang katawan ng babaeng ito ng plant type magic. "Hindi kaya ang isang ito yung nasa harapan" Sabi pa ng isang professor habang nakaturo sa isang sobrang laking lalaki na sa mga sandaling iyon ay nababalot ng earth type magic. "Old Dean may nakita ko nabang interesting sa grupong ito?" Tanong ng isa sa mga professor habang ang tinutukoy nitong Old Dean ay ang kalbong matanda! Agad na tinuro ng Old Dean ang isang binatang nakasuot ng hoodie at ang katabi nitong agaw pansin na dalaga. Agad na tiningnan ng tatlong professor ang tinutukoy ng Old Dean na interesting at sa oras na iyon ay agad silang sumangayon sa Old Dean. Hindi katulad ng ibang mga examines sa lugar ang dalawang ito ay hindi nababalot ng magic! Isa lamang ang ibig sabihin nito mataas ang cultivation level ng dalawa! "Hindi maari ang gravitational intensity na nang magical formation natin ay nasa Advance Rank Magic!" Sabi ng isa sa mga professor. "Ilang minuto pa?" Tanong ni Old Dean habang agad namang sumagot ang isa sa mga ito "8 minutes nalang Old Dean". "Taasan pa ng isang level ang intensity" Sabi ni Old Dean na nagpagulat sa tatlong professor. "Ngunit hindi na kakayanin ng mga bata kapagtinaasan pa natin ang intensity Old Dean" Agad na sabi ng isa sa mga ito. "Dagdagan niyo ng isa pa" Sabi ulit ni Old Dean dahilan para magkatinginan ang tatlong professor at sa huli ay ginawa ang sinabi ni Old Dean. Mabilis na nagliwanag ang malaking spell formation sa itaas at sa isang iglap ay mas lumakas pa ang intensity level ng formation! "Argh!" Sigaw ng isa sa mga examines habang lima agad ang bumagsak sa kanilang pwesto. Isa sa mga ito ay nawalan pa ng malay! Mapapansing nakatuon lamang ang atensyon ni Old Dean sa dalawa nitong itinurong mga examines at sa oras na iyon ay agad itong napangiti. "Tapos na ang test" "Lahat ng mga natirang nakatayo ay pasado, welcome sa Blue Eagle University" *** Sa oras na matapos ang examination test at malaman naming nakapasa kami ay agad na may lumapit sa aming mga estudyante. Wari ko'y mga senior ang mga ito. Bawat isa sa mga ito ay may hawak na smart tables at kinuha ang aming impormasyon. Pinaliwanag din ng naka-assign saking senior ang mga dapat naming gagawin. "Magsisimula ang unang klase sa susunod na araw at sa araw na iyon ay makikita mo sa iyong smartphone ang iyong magiging subjects, classroom numbers at oras ng klase". "Ngayon para naman sa titirhan ng mga estudyante. Merong dormitories ang university para sa lalaki at babae sa loob ng ating campus". "Ganon paman ay maari din kayong umupo ng bahay o apartment sa labas ng campus as long makakapasok kayo sa inyong klase". Agad ko namang naunawaan ang sinabi nito at agad na nagpasalamat, habang ang senior na nagpapaliwanag kay Mizuki ay klarong interesado sa babae. "Mizuki may gagawin ka ba mamaya? Pwede kitang i-tour sa campus" Sabi ng senior na lalaki ganon paman ay agad na ngumiti si Mizuki at itinuro ako. "Hahanap pa kami ng bahay na titirhan" Sabi ni Mizuki habang agad na lumapit sa akin. Hindi naman makapaniwala ang lalaking senior sa kanyang narinig at agad na napatingin sa akin. Naka frown ito habang lumalalapit sa akin at tiningnan ang mula ulo hangang paa. 'Idiot' Sabi ko sa aking sarili "Ako si Loan Gray anong pangalan mo" Sabi nito habang tiningnan ko lamang ito at ibinalik ang atensyon sa senior na kausap ko kanina. "May iba pa kaming dapat malaman? Kong wala ay aalis na kami" Sabi ko dito habang kita naman ang gulat sa mukha nito, pabalik-balik ang tingin nito sa akin at sa idiot na senior. "W-wala na" Nautal na sabi ng senior na kausap ko na muli ay pinasalamatan ko. Habang agad naman akong tumalikod at umalis kasabay si Mizuki "Tinatanong ko ang pangalan mo!" Sigaw ng idiot na lalaki ngunit tulad kanina ay hindi ko ito pinansin kahit na nakatingin ang halos lahat ng mga tao sa lugar. Agad namang tumingin si Loan sa kapwa nitong senior at kinuha ang smart tablet nito, tiningnan nito ang impormasyon na nakalagay dito. "Sol Magi pamilyar ang pangalan niya" Sabi ni Loan habang agad niyang naalala ang anak ng dating Magi Clan Master na tinangal ng Magi Clan sa kanilang pamilya! "Sol Magi maghanda ka" *** Halos mag iisang oras na kaming naghahanap ni Mizuki ng apartment o bahay na pwede naming magamit na malapit lamang sa Blue Eagle University. Madami sa mga bahay at apartment sa lugar ay halos nakuha na o may mga nakatira na. Masasabing mga high-end ang mga bahay sa lugar na ito dahil na din sa mas nakakataas ang pamumuhay ng mga tao na nakatira sa lugar na ito. Sa oras na iyon ay may nakita kaming isang itim na modern house at sa gate nito ay may nakasulat na house and lot for sale. Agad kong inihinto ang kotseng hiniram ko sa Cruz Clan at pinarada sa tapat ng bahay. Tinawagan ko ang number na nakalagay sa signboard na For Sale at agad namang may sumagot dito. "Hello interesado akong bilhin ang house and lot" Sabi ko dito habang naunawaan naman ng babaeng nasa kabilang linya ang aking tinutukoy. "Ito ba yung modern house na may pinturang itim?" Tanong ng nasa kabilang linya na aking kinompirma. "Ako ang house developer ng lugar, sakin nakaatas ang pagbenta ng bahay. Ganon paman ay hindi pera ang kailangan ng may-ari ng bahay" Sabi ng babae sa kabilang linya. "Hindi pera? Anong ibig mong sabihin" Tanong ko dito. "Benebenta ng may-ari ang bahay kapalit ang isang Grandmaster Tier Beast Carcass" Paliwanag ng babae na aking ikinagulat. Meron ako nun! "Pwede ba ka bang pumunta dito? Actually meron ako ng carcass na sinasabi mo" Sabi ko dito habang maririnig ang gulat sa boses ng babae sa kabilang linya. "Hindi ka nagbibiro?" Tanong nito "Papunta na ako". *** Fully furnished ang buong bahay at kulang nalamang ay ilang kagamitan na mabilis naman naming mabibili. Sa oras na ipakita ko ang carcass ng Golden Royalty Bee ay agad na ibinigay sakin ng babae ang lahat ng papeles ng lugar. Sa isang iglap nakapangalan na sa akin ang bahay at lupa. "Mag cucultivate ako" Sabi ko kay Mizuki na tumango sakin. "Mag ingat ka sa labas" Dagdag ko pa dito pero alam ko naman sila ang dapat mag ingat sa demonyong babae. Ganon paman ay hindi ko na ito pinansin at nagtungo sa aking kwarto. Malawak at malaki ang bahay meron itong dalawang palapag at may apat na kwarto. Dalawang kwarto sa taas at dalawang kwarto sa baba syempre hindi sa akin ang master bedroom dahil inangkin na ito ni Mizuki. Dahil kulang ng ibang bagay ang bahay tulad ng mga lutuan at syempre pagkain ay nag volunteer si Mizuki na mamili. Ngayon makakapag-focus na ako sa bago kong herong i-susummon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD