Chapter 7: Bee Hive

1595 Words
*Munch munch munch* "Whoa masarap ito ah!" "Ito din!" "Mas masarap ito!" "Icey creamie" "Whoa! Ito na ang bago kong favourite! Hoy Sol bilhan moko ng isang ref. na puno ng ice cream! " Sabi ni Mizuki na ngayon ay balot ng mga pagkain habang sa kamay nito ay makikita ang isang mamahaling brand ng ice cream. Tumango nalamang ako sa sinabi nito dahil deserved niya ang treat kapalit ng kanyang ginawa sa dimensional c***k. Sa mga oras na iyon ang mga nakuha naming beast crystal ay hinati ko sa dalawa. Hindi naman kailangan ni Mizuki ng mga Master tier beast crystal kaya sa akin ang lahat ng mga ito kasama na dito ang malaking crystal ng dimensional lord. Ayon sa internet ay maari kong ibenta ang katawan ng dimensionsal lord at masasabing isang rare ang katawan ng isang grandmaster tier beast. Kong alam ko lang sa umpisa ay kinolekta ko na ang mga katawan ng mga beast ganon paman ay seguradong hindi kakasya ang mga ito sa aking spatial ring. "Ano kaya ito" Sabi ko habang inilabas ko ang bee hive na nakita ko sa dimensional c***k. Ito ay kasing laki lamang ng normal na bola sa basketball at kulay itim ito. Hinawakan ko ito at napansin ko ang isang matalas na bahagi ng bee hive Hindi ko naman inaasahan na sa oras na hawakan ko ang parang matalas na bahagi ay agad akong masusugatan. Hindi naman malaki ang sugat ngunit sakto lamang ito upang may tumulo na dugo, sa oras na iyon ang aking dugo ay pumatak sa bee hive at pansin kong agad na ini-absorb ng bee hive ang aking dugo. Ilang sandali pa ay biglang nagliwanag ang bee hive na aking ikinagulat at kasunod nito ay ang pagpasok nito sa aking katawan! Dali-dali kong tiningan ang aking katawan at wala namang nag bago ganon paman sa oras na tiningnan ko ang aking soul sea ang dating Summoning Temple at mga nakapaligid nitong Energy Star ay may na dagdag na isang dambuhalang bee hive! "Intergalactic bee hive!" Sabi ni Mizuki ng mga oras na iyon habang hindi ko naman ito naunawaan hangang sa agad na bumalik si Mizuki sa aking Summoning Temple at mula doon ay kanyang tinanaw ang dambuhalang Bee Hive. "Isa ngang intergalactic bee hive!" Muling sabi ni Mizuki habang agad na lumipad patungo sa bee hive. Agad naman akong pumasok sa aking soul sea at katulad ni Mizuki ay linapitan ito. "Intergalactic Bee Hive?" Tanong ko kay Mizuki habang agad na tumingin sa akin. "Saan mo nakuha ang bagay na ito?" Tanong nito sa akin habang agad ko namang pinaliwanag ang tungkol dito. "Kong hindi ako nagkakamali ang pinatay nating dimensional lord bee ay isang Royalty ng Bug Race!" Sabi ni Mizuki habang hindi ko naman nauunawaan ang sinasabi nito. "Tingnan natin ang loob" Sabi nito habang agad naman akong kinabahan sa mga oras na iyon. "Wait lang paano kong may mga beast sa loob!" Sabi ko dito habang agad namang ngumiti si Mizuki. "Better kong meron dahil sa oras na merong mga beast ang loob nito ibig sabihin pagmamay-ari mo na sila" Sabi ni Mizuki habang agad na pumasok sa entrance ng lugar. Wala naman akong nagawa kong hindi ang sumunod dito " Anong ibig mong sabihin sa sinabi mo at ano ang bagay na ito" tanong ko dito. "Ang Intergalactic Bee Hive ay masasabing isang planeta! Isa itong bagay na palibot-libot sa universe! Isang top predators sa kalawakan." "Bawat Intergalactic Hive ay pinamamahayan ng isang uri ng bug species habang ang bagay na ito ay isang Intergalactic Hive ng Bee race" "Kasagarang lumalaki ang Intergalactic Hive hanggang doble ng laki ng araw! Ganon paman itong nasasayo ay isa palamang young hive" "Hindi ko alam kong swerte ka ba or malas ka" Agad naman akong napa frown nang marinig ko ang huli nitong sinabi. "Anong ibig mong sabihin" tanong ko dito. "Well swerte ka dahil masasabing ang isang Intergalactic Hive ay hindi makukuha ng kahit na sino lang na bagay and malas ka dahil sa oras na may makaalam nito lalo na kong bug species at seguradong wawasakin ang mundong ito" Sabi ni Mizuki na ikinagulat ko. "Paano mo naman nasabi iyon?" Agad kong sabi dito habang agad naman siyang napatingin sa akin na parang nakatingin sa isang walang utak na tao. "Hindi mo ba ako nagegets? Ang pagkakameron ng isang Intergalactic Hive ay katumbas ng isang planetang linagyan ng malaking rocket ship upang makapag-travel sa kalawakan!" Sigaw nito sa aking mukha na sa mga oras na iyon ay agad kong naunawaan. "Well hanggat walang nakakaalam nito ay safe ka... Safe tayo" Dagdag pa nito habang agad kaming napadpad sa pinakataas ng Intergalactic Bee Hive at ang lugar na iyon ay tela isang command center! "Welcome Master" Sabi ng isang boses sa oras na makapasok kami sa lugar, habang nagsilabasan sa aming harapan ang iba't ibang mga controls! 's**t wala akong maintindihan kahit isa sa mga ito!' "Ipatak mo yung dugo mo dun sa bilog na bagay na iyon" Sabi ni Mizuki sa isang bagay na matatagpuan sa gitna ng lugar. Tulad nang sinabi nito ay agad kong pinatakan ito ng dugo. Agad na nagliwanag ang buong command center at sa isang iglap ang mga words at symbols sa buong lugar ay nag bago at naging ingles dahilan para maunawaan ko ang mga ito!. "Master your command please" Sabi ulit ng boses habang agad akong napatingin sa bughaw na kulay liwanag na sa oras na iyon ay naging isang babae! Hindi ko naman alam kong bakit pero pamilyar ang mukha ng babae. "Master ayon sa iyong isipan ang babaeng ito ay ang lagi mong napapanaginipan kaya ito ang ginaya ko" Sabi ng babae na agad na ikinagulat ko. "Size D pala ang mga gusto mo ah" Sabi ni Mizuki na akin namang ikinahiya. Shit! "Ano ka?" Tanong ko sa babae "Ako ang brain ng Intergalactic Bee Hive o sa mundong pinanggalingan mo isa akong Artificial Intelligent" Sabi nito na akin namang agad naunawaan. "Pwede kabang magsuot ng helmet?" Tanong ko dito na agad niya namang tinanguan at sa isang iglap ang mukha ng babae ay nabalot ng puting helmet. Hindi ko alam pero hindi ako komportabling nakikita ang mukha ng babae after all sa isang adult site ko nakita ang babaeng iyon. "Bilang master anong kaya kong gawin sa Intergalactic Hive na ito?" Tanong ko dito habang agad namang lumapit ang AI sa akin at hinawakan ako nito sa ulo. Agad na pumasok sa akin ang mga impormasyon na agad kong naunawaan at sa isang iglap ay alam ko na kong paano gumagana ang Intergalactic Hive! "Ilang bee eggs ang nasa hive?" Tanong ko dito habang ang malaking parang screen sa aming harapan ay agad na nag bago at napadpad sa isang lugar na tela ay isang egg incubator. "Master merong 90,000 Golden Bee Egg sa Incubator Room" Sabi ng AI na aking ikinagulat Habang itinanong ko naman ang ibang lugar sa Intergalactic Hive hanggang sa malaman ko ang isang function ng hive! Pwede kong bagohin ang hive sa design na gusto ko hanggat meron akong kakayahan ng isang Emperor Rank Mage! Well matagal pa iyon ganon paman ay hindi ko na muna ito inisip at agad kaming lumabas ni Mizuki sa aking soul sea. "Ano nang gagawin mo ngayon?" Tanong ni Mizuki habang agad bumalik sa pagkain "Kailangang ko pumunta sa Blue Eagle University bukas, enrollment day." Sabi ko dito at habang hindi na ako pinansin nito. Well dalawang energy star nalang ang aking kailangan para makompleto ko ang 50 energy star at makapasok sa Master Tier! At maging isang Secondary Rank Mage! Sa oras na maging Secondary Rank Mage ako ay ang oras na pwede na ulit akong mag summon ng isang Hero! Cultivate! Cultivate! ***** Blue Eagle University Madaming mga kabataan ang makikita sa harap ng malaking University ng Blue Eagle. Kilala ito sa bansa bilang isa sa mga sikat na university dahil dito nagmula ang madaming ngayon ay tinitinggalang mga Mages. Sa grupo ng mga kabataang ito ay makikita ang isang binata na may suot na puting hoodie habang sa tabi nito ay isang dalagang agaw pansin! Ito ay si Sol at Mizuki, alam na ng mom ni Sol ang tungkol kay Mizuki at nasabi niyang isa itong summoned hero. Sa umpisa ay hindi makapaniwala ang kanyang mom ngunit sa oras na ipakita niya ang Summoning Magic ay agad na makikita ang ngiti sa labi nito. Pinaliwanag ni Sol ang sitwasyon at walang kahirap-hirap na naging bahagi ng Cruz Clan si Mizuki syempre sa kamay ni Sol. Ngayong araw ang enrollment ng Blue Eagle University at alam ng lahat na ang sinasabing enrollment ay isang klase ng test. Binubuo ang test sa dalawang stage. Una ang Rank Measurements dito ay titingnan ng professor ang rank ng isang Mage sa oras na pumasok sila sa requirements ay agad-agad silang makakapasok sa second stage at ito ay ang Battle Stage. Sa battle stage lahat ng mga Mages na nakapasa sa unang stage ay maglalaban hanggang sa ang matira nalamang ay 100 mages!. Well isa ito sa mga paraan nang Blue Eagle University para makapasok lamang ang pinakamalakas sa malalakas. Easy right? Ang totoo niyan halos lahat ng kilala at sikat na university sa Pilipinas ay ganito ang ginagawa. Sa oras na iyon isang matandang kalbong lalaki ang biglang lumitaw sa ulo ng mga mag papaenroll. 'Grandmaster Tier Wind Magic!' Ito ang nasa isip ng lahat ng mga binata sa lugar, maging si Sol at Mizuki ay napatingin dito "Magsisimula na ang enrollment!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD