Chapter 6: Raijin

1693 Words
Matatagpuan sa gitna ng Taal crater ang dimensional c***k. Hindi katulad mga normal na beast sa lugar ang mga beast na galing sa dimensional c***k ay mas malakas at makapangyarihan. Nababase din ang danger level ng isang danger zone sa lebel ng dimensional c***k. Ganon paman may kakaibang nangyayari sa dimensional c***k na kailangan naming malaman after all isang Master Tier beast ang nakalabas sa dimensional c***k!. Agad kaming nagtungo sa lugar ng dimensional c***k at habang patungo sa lugar ay walangkahirap-hirap ko namang pinapatay ang mga beast na aming nadadaanan. "Isang malaking problema" Sabi ni Mizuki habang agad ko namang tiningnan ang dimensional c***k. Ang dimensional c***k na nasa aming harapan ay malayo sa dimensional c***k sa memorya ng dating Sol!. Dahil ang dimensional c***k na nasa aming harapan ay naglalabas ng malakas na spatial energy. Nag e-expand ang dimensional c***k! Ngayon ay alam ko na kong bakit merong nakalabas na isang Master tier beast sa lugar. Isang dimension expansion ang nangyayari at sa oras na magsimula ito ay seguradong mas malalakas at mas madaming beast ang makakalabas sa dimensional c***k! Agad kong tiningnan ang mga beast na lumalabas sa dimensional c***k at halos lahat sa mga ito ay high tier beast. Ganon paman ay merong limang Master tier beast na makikita dito!. "Kailangan nating pigilan ang dimensional expansion" Sabi ni Mizuki na aking ikinagulat. "May paraan?" Tanong ko dito dahil wala sa memorya ko na kayang pigilan ang isang dimensionsal expansion. "May paraan ngunit hindi iyon magiging madali" Sabi nito habang tinuro mismo ang dimensional c***k " Kailangan lang nating pasukin ang dimensional c***k at wasakin ito sa loob" dagdag pa nito na gumulot sa akin. "Segurado ka ba?" Tanong ko dito na kanyang tinanguan. "Madali lang ang pagpasok sa lugar ang problema ay ang loob ng dimensional c***k. Hindi natin alam kong saang mundo naka-konekta ang dimensional c***k" "Ganon paman ayon sa danger level ng dimensional c***k na ito seguradong mga nasa Master hanggang Grandmaster Tier Beast lamang ang pinakamalakas sa loob" Sabi nito na aking tinanguan. Alam kong maasahan ko si Mizuki sa ganitong bagay dahil katulad ng mundong ito ang mundong pinanggalingan ni Mizuki ay mas higit pang nakakaranas ng dimensional c***k. "Kong ganon subukan natin, may kakayahan naman tayo para makabalik kong may ibang mangyayari sa loob" Sabi ko dito na kanyang tinanguan Agad na tinanggal ni Mizuki ang kanyang katana sa lalagyan nito o scabbard habang agad na nabalot ng black lightning ang buong katana nito "Sumunod ka sa akin" Sabi nito at mabilis na tumakbo patungo sa dimensional c***k. Habang agad naman kaming napansin ng mga beast na nakapalibot sa c***k. "Roar!" Mabilis na sumugod sa aming dalawa ang mga beast sa lugar at makikitang pinapangunahan ito ng mga master tier beast. Ganon paman ay hindi ito pinansin ni Mizuki Sa oras na makalapit kami sa mga beast ay itinaas ni Mizuki ang kanyang katana sa langit "Golden Black Lightning Sword 3rd Style: Lightning Heavenly Sword!" "Rumble!" Agad na maririnig ang isang thunderclap sa kalangitan at kasunod nito ay ang pag labas ng isang mahaba at malaking espada sa maiitim na ulap!. "Decent!" Sigaw ni Mizuki at ang malaking espada na gawa sa black lightning ay agad na nahulog sa ulap patungo sa mga beast sa lugar! "c***k!!!" "BOOM!" Napahinto ako sa pagtakbo sa mga oras na iyon habang nabalot ng debris at alikabok na may kasamang mga black lightning ang buong lugar! Sa isang iglap ang lugar na halos hindi madaanan dahil sa dami ng mga beast ay agad na naglaho na parang bula! 's**t simula ngayon ay hindi ko na aasarin si Mizuki! Isang demon!' Ito lang ang naiisip ko sa mga oras na iyon Tiningnan ko ang binagsakan ng atake ni Mizuki at ang kaninang halos may lupa pa ay agad na nabalot ng tubig mula sa lawa ng caldera! "Wala na tayong oras" Sabi ni Mizuki at agad akong tumango dito at nag patuloy kami sa pagtakbo patungo sa dimensional c***k. Nakalapit kami agad sa dimensional c***k ang problema ay nasa gitna ito ng lawa at wala kaming magagamit para makatawid, hindi din option ang paglangoy dahil seguradong mas nakakatakot ang mga beast sa ilalim ng lawa!. "Hawak" Sabi ni Mizuki habang hinawakan ko ang malambot at maliit nitong kamay "Golden Black Lightning Step!" Hindi ko alam kong paano pero nakita ko nalang ang aking sarili sa kalangitan at sa isang iglap ay agad kaming nasa harap ng dimensional c***k! f**k! Kasunod nito ay ang pagpasok namin sa dimensional c***k at tela ay hinihila at tinutusok ang buo kong katawan habang nababalot ang buong lugar ng iba't ibang kulay, space color. Sa isang iglap, nagawa naming makapasok sa dimensional c***k!. Ibang mundo ang nasa aking harapan, mundo ito na halos walang liwanag na parang hapon habang katulad ng inaasahan nababalot ng mga dimensional beast ang buong lugar! "Humans" Sabi ng isang boses. Agad akong tumingin sa hindi kalayuan at doon makikita ang isang kastilyo! "Patayin Sila!" Sabi ulit ng boses at ramdam ko ang pagyanig ng lupa. Habang ang kalangitan ay agad na mas nag dilim, sa una ay akala ko mga ulap lamang ang nasa itaas ganon paman ay isa itong pagkakamali! "Segurado akong ang boses ang dimensional lord ng lugar, kailangan lamang nating patayin ang dimensional lord para ma cancel ang expansion ng dimensional c***k" Sabi ni Mizuki na ikinagulat ko 'May dimensional lord ang lugar na ito? Akala ko mga master at grandmaster tier beast lang ang makikita dito???' s**t. Ganon paman ay nasa huli na ang pagsisisi! "Sa totoo lang ano bang maitutulong ko sayo sa labang ito" Sabi ko kay Mizuki na agad namang ngumiti sa akin "Support!" Sabi nito habang hindi ko alam kong anong iisipin, mukhang siya ang master at ako ang contracted beast s***h hero. *** Sa totoo lang sa lakas ni Mizuki ay walang kahirap-hirap kaming nakarating sa kastilyo ng dimensional lord. Habang segurado na akong isang demonyo sa katawan ng tao si Mizuki! Ginawa nitong bata ang mga master at grandmaster tier na dimensional beast! Gusto ko talagang itanong sa babaeng ito kong anong tunay niyang Tier! Ganon paman ay hindi ito oras para magtanong. "Humans!" Sigaw ng nilalang na nasa aming harapan Sa totoo lang akala ko ay engrande ang loob ng kastilyo ganon paman katulad ng labas ay wala dinh kwenta ang loob. Wala man lamang ka kwarto-kwarto ang kastilyo! Isa lamang itong malaki at malawak na lugar sa loob. "Bug?" Sabi ko ng makita ang nilalang sa aming harapan dahil ang dimensional lord na nasa aming harapan ay isang malaking bubuyog na ewan. "Bug race" Sabi ni Mizuki "Buti nalamang at isa palamang ito Grandmaster Tier Dimensional Lord" Dagdag pa ni Mizuki habang hindi naman ako makapaniwala na Grandmaster Tier lamang ang malaking bubuyog! Actually hindi bagay ang salitang malaki sa bubuyog dahil kasing laki ito ng isang mansion! "Humans! Die!" Sigaw ng malaking bubuyog at sa isang iglap mulang kong saan ay naglitawan ang hindi ko mabilang na mga bubuyog! 'f**k!' Ganon paman sa mga oras ding iyon ay agad na napangiti si Mizuki "Sorry nalang at mali ka ng nakalaban bug". "Golden Black Lightning Sword 5th Style: Raijin!" Sa isang iglap isang nilalang ang agad na nag materialize sa likod ni Mizuki! 's**t! Isang God!' ito lamang ang nasabi ko ng makita ko ito, hindi ko alam kong bakit pero agad na nabasa ng pawis ang buo kong likuran habang hindi ko naman magalaw ang aking katawan! "Wrath of the Thunder God" Muling sabi ni Mizuki at agad na nabalot ng black lightning ang buong lugar. "Tud" "tud" Tela ay umuulan naman ng mga bubuyog sa kalangitan dahil sa nilalang sa likod ni Mizuki na nababalot ng itim na may gintong lightning. Isang mahaba at malaking katana naman ang nag materialize sa harapan ng nilalang habang agad niya itong hinawakan at katulad ni Mizuki na sa mga oras na iyon ay naka sword strike pose! "Mamatay ka panget na bubuyog!" Sabi ni Mizuki at sa buong lakas na hinampas ang kanyang katana sa kanyang harapan. Habang ang nilalang sa likod ni Mizuki ay ginawa din ito! Ang malaking katana na gawa sa lightning ay walang kahirap-hirap na hinati sa dalawa ang katawan ng bubuyog! Hindi ako makapaniwala ng makita ito sa mga oras na iyon ganon paman ay agad na naglaho ang nilalang sa likod ni Mizuki at ang kaninang proud at nakangiting babae ay agad na natumba Dali-dali naman akong lumapit dito para suportahan ito "Kunin mo lahat ng pwedeng makuha sa lugar at yung crystal sa likuran ng bubuyog yun ang dimensional lord crystal kailangan mo iyong mawasak" Sabi ni Mizuki na aking tinanguan Alam kong madaming enerhiya ang nawala kay Mizuki kaya nanghihina ito kaya agad ko itong ibinalik sa aking Summoning Temple na syempre makikita sa aking soul na pinalilibutan ng mga energy stars. Napunta ang aking pansin sa lahat ng mga patay na bubuyog sa lugar at hindi ko maiwasang hindi mapangiti. 'Jackpot!' ito ba yung sinasabi nilang easy loot. Agad akong nagtungo sa katawan ng dimensional lord at hindi nag dalawang isip na ilagay ito sa aking spatial ring habang kinolekta ko naman ang mga beast crystal sa buong kastilyo! Natapos ko ito sa loob ng 20 minutes! Habang ng masegurado kong ok na ang lahat ay agad kong kinuha ang dimensional lord crystal at winasak ito, habang ginagawa ko ito ay napansin ko ang isang maliit na bagay na parang isang bee hive na agad ko ding kinuha ang inilagay sa spatial ring. "c***k!" "Break!" Sa oras na mawasak ang dimensional lord crystal ay agad na yumanig ang buong lugar at kong hindi ako nagkakamali ito na ang senyalis na kailangan ko ng lumabas! Habang tumatakbo pa punta sa dimensional c***k ay kita ko din ang mga katawan ng mga kanina ay pinatay ni Mizuki habang klaro ang mga butas sa mga dibdib o ulo ng mga ito. 'Sinong may sabi na hindi ko din kinolekta ang mga beast crystal ng mga ito?' Mukhang kailangan kong ipag-shopping ulit ang prinsesa. Sa mga oras na iyon ay agad akong tumalon sa dimensional crack
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD