Chapter 5: Godlen Black Lightning God Cultivation

1611 Words
Sa ngayon ay isa nakong Advance Tier Mage with 40 energy star, ang energy star ang nagiging basehan kong anong tier na ang isang mage. May tinatawag na Elementary Rank, dito nakapaloob ang Low Tier Mage, Middle Tier Mage at Advance Tier Mage. Habang sumunod naman dito ang Secondary Rank at para makapasok sa rank na ito ang isang mage ay dapat meron siyang nabuong 50 Energy Star sa kanyang Cultivation Space. Ang cultivation space ay makikita sa soul ng isang mage! Sa ngayon ang cultivation technique na ginagamit ko ay ang Roaring Lightning Cultivation ang cultivation technique ng Cruz Clan. Dahil nga hindi magamit ng dating Sol ang Summoning Magic ngunit nagagamit niya ang Lightning Magic ay bagay lang na gamitin niya ang cultivation technique na ito. Nagawa kong ma-cultivate ang Roaring Lightning sa advance stage at magtatagal pa ako para magawa itong Master Stage. Ganon paman ang Roaring Lightning Cultivation ay isa lamang High Rank Cultivation Technique. Habang ang Golden Black Lightning God Cultivation Technique ay isang Emperor Rank Cultivation Technique! Kaya walang pag-iisip na agad kong binago ang aking cultivation technique sa Godlen Black Lightning God Cultivation Technique at sa tulong ng spoiled na araw-araw ay puro kain na si Mizuki ay agad kong nabawi ang aking Advance Tier Mage rank with 40 energy star! "Alam mo hindi ko lubos maisip na isa ka palang genius when it comes to cultivation" Sabi ni Mizuki habang may hawak itong leche flan sa kamay. "Pinupuri mo ba ako?" Sabi ko dito at agad na nagtungo sa refrigerator ng aking kwarto. Sa oras na buksan ko ito ay napangiwi nalamang ako ng makita ang loob nang ref. leche flan dito leche flan doon! Puro leche flan ang loob ng refrigerator! "Aalis na ba tayo mamaya?" Tanong ni Mizuki habang nanonood ng adventure vlog sa kilalang video site platform sa internet. "Yes may dalawa nalang tayong araw bago mag simula ang enrollment" Tugon ko naman dito na kanyang tinanguan. *** Taal Volcano Isa sa mga low risk- middle risk danger zone sa bansa na malapit lamang sa Tagaytay City. May danger rank itong Middle - Advance Rank Danger Area kaya naman mga Advance Tier Mage lamang ang pwedeng pumasok sa lugar. Malawak ang Taal Volcano at dahil sa dimensional c***k sa gitna ng lugar ay nabuo ang isang malawak na caldera na agad namang napuno ng tubig dahilan para mabuo ang tinatawag na Taal Lake. Agad akong nagtungo sa Sentry Post ng lugar at makikita sa harapan ng building ang nakasulat na Maharlika Branch. Ang Maharlika ay ang government na namamahala sa Pilipinas! Agad akong pumasok sa loob ng building at dito ay nag register, lahat ng mga mage na gustong pumasok sa Taal Volcano ay kailangang mag register bago makapasok sa lugar. Mabilis lamang ang pag register kailangan ko lang ipakita ang aking impormasyon habang agad na ipinaliwanag sa akin ng lalaking nag assist sa akin ang mga dapat at kailangan kong malaman sa oras na pumasok na ako sa danger zone. Lumipas ang sampung minuto at natapos ang lahat ng mga ito at pinayagan na akong makapasok sa danger zone. Agad akong nagtungo sa lugar na tinatawag na Lake Bridge. Ito ang nagsisilbing daan para makapunta sa crater ng bulkan. Sobrang haba nang lake bridge at mula sa malayo ay agad mo itong matatanaw. Ayon sa history ng lugar ang lake bridge ay ginawa ng isang Emperor Rank Mage!. Kaya naman ang bridge na ito hanggang ngayon ay nakatayo padin. Sa oras na iyon ay may iilang mga mages ang makikita sa entrance ng lake bridge. Habang agad naman akong tumawid dito patungong crater, sa daan ay may iilang mga sumusulpot na mga beast ganon paman halos lahat ng mga beast na may kakayahang magtungo sa lake bridge ay kasagarang low rank at walang mga kwenta. Ang tunay na mga magical beast ay nasa crater mismo ng lugar! "Chirp!" Agad akong napatingin sa isang direksyon dito ay makikita ang isang punong kahoy na puno ng mga flying beast na tinatawag na Bloodrip Birds. Tinawag itong ganito dahil sa tila dugong kulay ng kanilang mga pakpak sa kanilang katawan na parang dugong tutulo. Malawak ang crater ng bulkan at hindi katulad ng isang normal na bulkan ang crater ng Taal ay nababalot din ng tubig dahilan para sa napakagandang tanawin. Ngunit hindi ako napunta dito para mag sightseeing, nandito ako para magsanay. Pinili ko ang direksyon patungong silangan at tinahak ang makahoy na lugar. Sa oras na makalayo ako sa lugar at makaseguradong wala ng ibang tao ay agad kong tinawag si Mizuki. "Wow!" Unang sabi nito ng makita ang lugar ganon paman ay hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Habang naglalakad ay pinapakinggan ko ang paligid at sinusubokang pakiramdaman ang lugar. Pwede ko namang gamitin ang aking Magic Perception ngunit tulad nga ng sinabi ko kanina nandito ako para mag sanay "Sa kaliwa mo" Sabi ni Mizuki at aking itinuon ang aking atensyon na sinasabi nito, sa isang iglap pa isang Devil Python ang agad na sumunggab sa akin. "Golden Black Lightning Shield" Agad kong sabi at isang spell ang mabilis na nabuo sa aking harapan. "Dong!" Agad na nasalag ng aking spell ang umaatakeng Devil Python! May haba itong halos anim na metro. "Golden Black Lightning Lance!" Isang mahabang lance na gawa sa itim at gintong lightning ang nabuo sa aking mga kamay at akin itong itinapon sa Devil Python. Sa bilis ng aking ataking iyon ay hindi nagawang makailag ng Devil Python at natamaan ko ito sa ulo!. "Siii!" Hindi ko na ito pinatagal pa at ang aking Golden Black Lightning Lance spell ay aking pinasabog dahilan para mag laho ang Devil Python at matira ang parang isang holen na bagay sa dating kinalalagyan nito. Beast Crystal! Agad kong kinuha ang beast crystal at itinabi ito, ang beast crystal ay masasabing isa sa pinaka-importanting bagay sa mundong ito para sa mga Mages. Ang enerhiya na galing sa beast crystal ay isa sa mga kinakailangan upang makabuo ng energy star! Ganon paman ang beast crystal na aking nakuha ay isa lamang advance tier beast crystal at kakailanganin ko pa ng mas madaming ganitong beast crystal bago makabuo ng isang energy star. "Alam mo matatagalan tayo sa ginagagawa mo" Sabi ni Mizuki habang nabalot ng black lightning ang dalawa nitong mata. "33 meters sa iyong kaliwa" Sabi nito at sumangayon naman ako dito na matatagalan nga kami kong gagawin ko ang una kong plano. "Golden Black Lightning Lance" Muli ay gumawa ako ng lance na gawa sa lightning magic at hinagis ito sa direksyon na sinasabi ni Mizuki. "Argh!" Agad akong tumakbo sa lugar at pinasabog ang lance sa isang iglap isang beast crystal nalamang ang natira sa lugar. "58 meters sa harapan mo" Muling sabi ni Mizuki at katulad kanina ay gumawa ako ng lance at hinagis ito sa lugar. *** Mag-gagabi na nang mga oras na matapos kami ni Mizuki at meron akong nakolektang 321 na advance tier beast crystal. Gamit ang perception ni Mizuki ay mabilis kong natutonton ang mga advance tier na beast sa lugar habang iniiwasan naman namin ang mga middle tier beast. Ngayon ay nakahanap kami ng kweba na pwede naming pag-pahingahan ngayong gabi at sa mga oras na iyon ang dating walang kabuhay-buhay na kweba ay napuno ng mga junk foods na dala ni Mizuki! "Mag cucultivate ako" Sabi ko kay Mizuki habang tumango lamang ito habang nanunood ng video sa kanyang smartphone. Walang signal ang lugar ganon paman ay may mga na download na itong movie kaya nakakanood ito. Hindi malalim ang kweba ganon paman ay madilim ito. Agad kong narating ang dulo nito at ng masegurado kong hindi ko na naririnig ang movie na pinapanood ni Mizuki ay agad akong umupo at linabas ang lahat ng beast crystal na nakuha ko. Ngayong gabi ang mga beast crystal na ito ay seguradong mauubos. Hinawakan ko ang isa sa mga beast crystal at agad na ginamit ang Black Lightning God Cultivation. Sa oras na iyon ang enerhiy sa loob ng beast crystal ay agad na pumasok sa aking katawan patungo sa aking soul habang unti-unti ay nabubuo ang isang energy star. Inulit ko ito ng ilang beses hanggang sa makabuo ako ng panibagong kompletong energy star at sa loob ng aking soul ay makikita ang 41 energy star! Mahaba pa ang gabi... *** Kinabukasan mag aalas singko palamang ay natapos ko na ang lahat ng mga beast crystal na aking nakuha kahapon kaya naman agad akong tumayo at nagtungo kay Mizuki. "May nangyari?" Tanong ko dito dahil makikita ang mga barka ng laban sa entrance ng kweba. "Mga gutom lamang na pack ng dimensional wolfs" Sabi ni Mizuki habang binigay nito sa akin ang sampung mga beast crystal. Agad na napunta ang atensyon ko sa isa mga ito dahil naiiba ito at mas malaki ang enerhiyang nakatago! "Master tier?" Tanong ko dito na kanyang tinanguan. "Master tier ang alpha ng mga wolf na umatake" Sabi ni Mizuki na aking pinagtaka. Alam kong merong dimensional c***k sa lugar na ito ganon paman ang mga nakakapasok lang sa lugar ay mga Middle at Advance tier beast! Ngunit ang isang beast crystal sa aking kamay ay isang master tier! "Naramdaman ko ang kakaibang enerhiya na nanggaling sa direksyon na iyon, gusto mong tingnan?" Sabi ni Mizuki habang seryoso ang mukha at agad na inilabas ang mahaba nitong katana. Alam kong seryoso ang sitwasyon sa oras na makita ko ang may topak at easy go lucky na babae ay inilabas ang kanyang paboritong katana. "Madami bang beast crystal doon?" Tanong ko dito habang agad naman itong napangiti. "Madami... Actually sobrang dami"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD