CHAPTER 62 DRAKE's POV: "Hindi mo dapat pinagsasabihan ng malandi ang yaya mo Drake. Hindi tama na ipahiya mo ang isang babae." Ito ang katagang narinig ko mula kay mama matapos lumabas ang dalaga na kanina pa kulit nang kulit sa akin. Hindi ko naman pala siya kaano-ano, pero kung makapagsalita ito ay akala niya yata ay mayroon kaming pinagsamahan. Hindi man lang siya nahiya. Ni hindi niya man lang tiningnan ang pagkatao niya bago niya sabihin sa akin na fiance ko raw siya. Ang galing niya magpatawa at ang galing niya umarte. Pero ayon pala ay isa siyang hamak na katulong sa mansion... Kaya sigurado ako na gusto niya lang ako na perahan. "Nararapat lang 'yon sa kanya mama. Masyadong mataas ang pangarap niya... Yaya ko lang pala ang babaeng 'yon, pero kung makapagdrama sa harapan ko a

