CHAPTER 63 ARYANA's POV: NARINIG at napanood ko mismo ang balita. Isang truck at isang bus ang aksidenteng nagkabungguan. Patay ang parehong driver at tanging mga pasahero lamang sa bus ang buhat at mga sugatan. Pero kabilang sa pasahero na siyang nakasakay sa bus na galing sa Bicol ay si Drake. Mukha niya kaagad ang nakilala ko lalo na nung pinangalanan ng reporter ang mga taong nasugatan at dinala sa hospital. Kaya pala hindi ko maabot-abutan si Drake sa mansion ay dahil nanggaling siya sa Probinsya kasama ang dalagang si Cathy. Hindi ako magkakamali ng hula na taga Bicol si Cathy at probinsyana siyang babae. Nakakainis! Nakakagalit! At nakakasura talaga ang babaeng 'yan... Inagaw niya sa akin si Drake. Kung hindi sana siya umeksena at naging katulong sa mansion ay mabilis ko pa s

