PAGPAPANGGAP NI ARYANA CHAPTER 64 ARYANA's POV: MATINDI talaga ang galit sa akin ngayon ng nanay ni Drake. Halos patayin niya na ako sa mga titig niya at halos gusto niyang alisan ako ng karapatan na sumaya. Tama nga ang aking hinala, nagka-amnesia ang anak niya. At sino bang mag-aakala na ako lang ang bukod tanging babae na siyang naiwan sa memorya ng binata? Tuluyan na nga yatang kumakampi sa akin ang panahon. Mismong tadhana na kasi ang gumagawa ng paraan para sa aming dalawa ni Drake. So in other words, binigay na ni Tadhana ang para sa akin. Kaya wala na silang magagawa pa. No one can stop or control my plan. "Tita, hindi ko na kasalanan kung ako ang naalala ng anak niyo... Malay ko ba na gano'n pala kalalim ang pagmamahal niya sa akin... Tingnan niyo naman, kahit nabagok na an

