CHAPTER 65 CATHY's POV: HARAP-HARAPAN kong nasaksihan ang halikan ng dalawa nang pumasok ako para tingnan kung ano na ang ginagawa nila sa loob. Nakita ko kasi ang nanay ni Drake na siyang nakaupo sa labas na tila inis na inis siya sa pagdating ng babae. Naabutan ko pa nga na nag-uusap ang dalawa kanina pero hindi ko narinig kung ano ang pinag-uusapan nila. Pero sigurado ako na pinagsasabihan ng Ginang si Aryana. Kaya hindi na ako nakapagtiis pa at kus ko na ring sinilip ang dalawang tao sa loob dahil hindi ko na kayang maghintay pa sa labas. But I was so speechless when I saw them kissing with each other, na para bang wala sila sa hospital kung maghalikan. Kaya sa sobrang pagkagulat ko ay halos manigas ang aking paa sa kinatatayuan ko at wala akong nagawa kundi ang panoorin sila. Ka

