CHAPTER 66 DOC. AIDEN's POV: "Mang Rodolfo, si Cathy ho nasaan? Wala ho kasing tao sa bahay niyo kaya kayo na mismo ang sadyain," ito ang siyang tanong ko sa tatay ni Cathy na nakita ko sa bukid. Kasalukuyan ko itong naabutan na umiinom ng tubig kaya agad kong nilapitan ang matanda para sa kanya ko itanong kung nasaan ang babae. Hindi ko kasi nakita sila Tifanny at Trisha na animo'y sumama yata ito sa kanilang ina na bumili sa palengke. Kaya naisipan kong dumiretso na rito sa kanilang sakahan na tinataniman nila ng palay dahil nais kong malaman kung saan pumunta ang dalaga. Ngayong araw na kasi ang alis ko para bumalik ng Zambales. Kaya gusto ko muna sanang makausap si Cathy para makapagpaalam ako ng maayos. Aminado ako na masakit pa rin ang puso ko dahil sa mga pangyayari dito sa P

