WAVE 4
Nythera Galanoth
Hinawakan ni Rogue ang mga kamay ko habang lumalangoy kame sa mas madilim na parte ng karagatan. Napatingin ako dito nang bigla itong tumigil saka tumingin sa paligid. Nilagay nito ang hintuturo niya sa kanyang labi na sinasabing huwag akong gumawa ng kahit ano mang ingay. Tumango ako saka biglang nakaramdam ng takot.
My heart hammered crazily against my chest and I was feeling more and more scared. May mga kaaway ba siya rito? Katapusan ko na ba ito? Mamamatay na ba ako?
Rogue became more serious and his muscles didn't relaxed at all. Naka kunot ang noo nito saka salubong ang mga kilay. Umigting ang panga niya saka lalong humigpit ang hawak sa kamay ko.
My eyes widen when multiple shurikens covered with black smoke fastly heading our way. Rogue put me behind his back and easily dodged the shurikens using his sword.
Napaawang ang mga labi ko at namangha ako kay Rogue pero nagulat ako nang biglang may lumabas na mga sireno na mayroong itim na buntot na hindi ko alam kung saan nanggaling at bigla na lamang ito nag hagis ng mga shuriken na may itim na usok.
Lalo lamang nanlaki ang mata ko nang makitang itinaas nila ang mga kamay nila at nag labas sila dito ng itim na yelo na parang mga patalim at inihagis ito sa direksyon namin.
Rogue held his hand up and snapped and suddenly all the shurikens with black fire and black ice daggers disappeared like a bubble. Anger is evident on his face as he held his hand up and I gasped when he released white ice and attacked the black tailed mermans with it.
Mabilis na tumama ang mga puting yelo sa mga kalaban at tumagos ito diretso sa mga puso nila. Napasinghap ako nang makitang unti unti silang naglalaho at naging abo. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na pag t***k ng puso ko.
Nanginig ang mga labi ko. "A-ano yun?" kinabahan ako. "At b-bakit mayroon kayong mga mahika? Ano ba talaga k-kayo?" natatakot kong tanong.
Napahawak ako sa ulo ko at napa pikit nang mariin nang maka rinig ako nang napakalakas na sigaw at iba't ibang klase ng boses na nagsasalita rito. Napailing ako. "Rogue, make it stop!"
"Rogue!" sigaw ko dito nang mas lalong lumakas ang boses sa utak ko.
Isang malakas na tili ang pinakawalan ko bago ako makaramdam ng matinding panghihina kasabay ng pag balot sa akin ng kadiliman.
Nagising ako na masakit pa rin ang ulo ko. Napa tingin ako sa paligid at puro asul na dingding lamang ang nakita ko. Bumangon ako at kaagad na nakita si Rogue at dalawang magka-mukhang magka-mukha na lalakeng merman na naguusap sa may labas ng kwarto. Lumangoy ako papunta sa may gilid ng pintuan saka lihim na pinakinggan ang pinag uusapan nila.
"The light is no mystery. The mystery is that there is something to keep the light from passing through..." anang ng isang lalake.
Kumunot ang noo ko at hindi maintindihan ang sinasabi nito. "Hindi mo na dapat siya dinala pa rito, Rogue. Alam mong-"
Natigil ang pagsasalita ng isa pang lalake at kaagad akong bumalik sa higaan. Narinig ko ang pag buntong hininga ni Rogue. "I'll talk to you both again, Morris, Morton."
Mabilis kong pinikit ang mga mata ko at nag kunwaring tulog. Narinig ko ang pag hinga ni Rogue nang malalim. "I know you're awake. Come on, get up."
Mabilis na tumambol ang puso ko at naramdaman ko ang pag init ng aking pisngi. Dumilat ako saka naupo sa kama. Tinignan ko si Rogue at mukhang malalim ang iniisip nito. Nang bumaling ang tingin nito sa akin ay tila may kung anong kuryente ang gumapang sa buong katawan ko. Bakit ba mayroon siyang ganitong epekto sa akin?
Lumangoy ito papalapit sa akin at hinawakan ang aking kamay. Huminga ito nang malalim saka malamlam akong tinignan gamit ang asul niyang mga mata.
"Are you okay?" malalim ang boses nitong tanong sa akin.
Tila may kung anong kumurot sa puso ko at napa tango. "Ayos na ako. Halika na?"
Napatingin ako sa dalawang lalake na sa tingin ko ay kambal na tahimik na nagmamasid sa amin. Mukhang mga ka edaran ito ni Rogue at mayroon silang mga puti na buntot. Makikisig din ang mga ito at gwapo. Bumuntong hininga si Rogue at marahan akong hinatak. Aalis na dapat kame nang bigla nanamang mag salita ang isang lalake.
"Don't refuse what's wanting to come out, Marina. Let it flow through you..." malalim nitong sabi.
Kumunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan kung ano ang tinutukoy niya! Bumaling dito si Rogue na mukhang galit na. "Shut your mouth, Morris. I'll talk to her first."
Ngumisi ang lalaking tinawag niyang Morris. "Make sure that you'll tell her, Rogue. You don't want it to happen again don't you?"
Hinawakan siya ng kakambal niyang si Morton at pinatigil. "Stop it, Morris."
Napansin ko na mas mahaba ang buhok ni Morris kaysa kay Morton. Si Morris ay mayroong mapag larong mukha na tila kinalolokohan ng mga babae. Si Morton naman ay mas mukhang seryoso sa kanilang dalawa.
Umiling si Morris at lumangoy palayo sa amin. "Accept your fate, Rogue. Think of your people. Don't be selfish." sabi nito at tuluyan nang naka layo.
Tumingin sa amin si Morton at humingi nang paumanhin para sa ginawa ng kakambal niya at kaagad ding umalis. Hinawakan naman ni Rogue ang kamay ko at hinatak na ako paalis.
Napansin ko na seryoso ang mukha nito at kunot ang noo niya na mukhang may malalim na iniisip. I tried to read his mind pero hindi ko magawang makapasok. Parang may matatayog na pader na nakapalibot sa utak niya.
Huminto kame sa pag langoy nang makarating kame sa taas at umahon kame sa tapat ng isang napakagandang talon. Nasa gitna ito nang kagubatan at walang katao tao rito. Umahon si Rogue at naupo sa isang malaking bato.
Nanlaki ang mga mata ko nang mapalitan ang mga buntot niya ng mga binti. Atomatikong mayroong shorts na naka takip sa kanyang ibabang bahagi ng katawan. Kulay ginto rin ang mga ito tulad ng buntot namin.
"P-paano nangyare? B-bakit ka may binti? Akala ko ba isa kang sireno?" naguguluhan kong tanong.
He sighed and tapped the space beside him. Wala akong nagawa kungdi ang umupo sa tabi niya. Nanlaki ang mga mata ko at nagulat nang makitang naging binti rin ang mga buntot ko. Katulad nito ay atomatikong nagkaroon ng gintong bikini ang ibabang bahagi ng katawan ko.
Napatingin ako sa kanya na malayong naka titig lamang sa talon sa harapan namin. "P-paano?"
"Royal Sirens can change forms from human to mermaids whenever they please to do so..." malalim ang boses nitong sabi saka ako binalingan. Malakas na kumabog ang puso ko nang hawakan niya ang pisngi ko. "But our human form can only last for a day or two and we need to go back to the ocean or else our hearts will die."
Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Hindi ako makahanap ng mga salita gayong napaka rami kong gustong itanong sa kanya. Binasa nito ang ibabang labi niya saka tumingin sa mga labi ko.
"You know that Atlantis is a lost city right?" namamaos nitong sabi habang marahang hinahaplos ang pisngi ko.
Tumango ako. "Back in the 1580's Atlantis was originally a realm from the city of Nythera Galanoth. The four kingdoms of Atlantis was originally a single realm of homo mermanus and we used to live above water together with the other kingdoms in the city of Nythera Galanoth. But unfortunately, the late Queen died protecting our kingdom and the power that was supporting our whole realm disappeared when she died..." dumilim ang mukha nito at kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata. Bigla akong nakaramdam ng takot at kaba.
"Ang gahaman na hari ng Yorumi ay gustong sakupin ang lahat ng kaharian sa Nythera Galanoth. He wants the kingdom all for himself and he wants to rule and take over everyones power... Before the Queen died, she casted a spell and kept the realm of homo mermanus, the city of Atlantis hidden here on the oceans of the mortal world. Hinati niya sa apat na kaharian ang Atlantis at iyon ngayon ang kaharian ng Alpha, Chalcedon, Dawn and Genesis... Ginawa niya iyon para hindi maging alipin ang mga nasasakupan niya at ngayong naka lipas na ang apat na daang taon ay hindi pa rin kame natutunton ng hari ng Yorumi."
Napaawang ang labi ko sa biglang nalaman. Parang nanghina ang buong katawan ko at hindi ko na malaman kung ano ba dapat ang sabihin ko o gawin ko. Kung mayroon palang kaguluhan na nangyayare rito sa kaharian nila ay bakit dinala niya pa ako dito? Magiging pabigat lang ako at magiging isa lamang ako sa mga sirenang walang maitutulong sa kanila.
Napatingin ako kay Rogue, hindi pa rin napoproseso ng utak ko ang mga nalaman. "Bakit hindi siya tinulungan ng hari kung ganoon?" tila may kung anong tumusok sa dibdib ko dahil sa sariling katanungan.
Umiwas ng tingin sa akin si Rogue na tila napapaso sa aking mga mata. "The Queen made the King promised that he will stay alive and watch over their people and kingdom..."
Kumalabog ang puso ko at tila gusto kong tumakbo palayo kay Rogue. Napatingin ako sa mga kamay kong kanina pa nanginginig at pinakiramdaman ang puso kong tila gustong lumabas sa dibdib ko.
Napailing ako. "Why are you telling me this, Rogue?" hindi ko maintindihan kung bakit niya sinasabi sa akin ito.
Huminga nang malalim si Rogue at matamang tinignan ang mga binti naming dalawa. "I need your help, Marina..."
Kumunot ang noo ko at tila nanigas ang buong katawan ko sa narinig. Parang napantig ang tenga ko sa sinabi niya. "Anong tulong? Ano naman ang maitutulong ko sayo, Rogue? I'm just a mere human! A mortal!" kinakabahan kong sigaw.
Hinawakan nito ang kamay ko at matamang tumingin sa mga mata ko. "I need you so that I can travel on land and save our empire, Marina. Sinabi ko kanina na hindi kame makaka tagal sa lupa nang higit sa dalawang araw pero kapag natupad namin ang kahilingan ng isang mortal ay magkakaroon kame ng pagkakataon na maglakbay sa lupa kahit na gaano pa katagal basta kasama ang taong pinahintulutan namin ng isang kahilingan,"
Umiling ako saka lumayo sa kanya. "Hindi ako baliw para itaya ang sarili kong buhay para sa kaharian n'yo, Rogue. Hindi ko hiniling na tuparin mo ang kahilingan ko kaya wala akong utang na loob sa'yo. I'm sorry but I'm not coming with you..." sabi ko saka umiwas ng tingin.
Humigpit ang hawak nito sa kamay ko. "Marina please... I badly need your help. We're running out of time."
Kumunot ang noo ko saka tumingin kay Rogue. "Anong ibig mong sabihin?"
"Buhay pa ang hari ng Yorumi at ginagawa niya ang lahat ng makakaya niya upang higupin ang lahat ng kapangyarihan ng mga nasasakupan niya ngayon. There are thousands of Moglins, what we call our race, in our world that are dying and I can't bear to watch him succeed. Kapag hindi namin siya napigilan ay maaring pati ang mundo ng mga mortal ang sakupin niya."
Bumagsak ang mga balikat ko at ramdam na ramdam ko ang panghihina ko. "P-paanong buhay pa s-siya?"
Dumilim ang mukha nito. "Moglins are immortal, Marina. Pwera na lamang kung hihigupin ang kapangyarihan mo palabas sa iyong katawan at sasaksakin o tatamaan ka ng kahit anong armas diretso sa puso ay mamamatay ka." kumuyom ang kamao nito. "At iyong mga nakita mong sireno kanina na itim ang buntot? Tauhan sila ng hari ng Yorumi."
Nanghihina kong inalis ang kamay ni Rogue na naka hawak sa akin saka bumagsak sa tubig. Narinig ko pa ang sigaw nito at pag talon sa tubig ngunit hindi ko siya pinansin. I badly need comfort right now. Pumikit ako at hinayaang lamunin ng tubig ang buong sistema ko.
Parang pinapamukha niya sa akin na kapag hindi ako pumayag ay magiging kasalanan ko kung bakit mauubos ang lahi nila. Hindi ko maintindihan kung bakit ito nangyayare. Isa lamang akong simpleng babae na nangangarap maging isang sikat na surfer tapos sa isang iglap ay mapupunta na ako sa mundo ng mga immortal at mayroon kaagad kaming misyon na iligtas ang buong lahi nila?
"I will wait till you're ready, Marina..."
Bulong nito sa isipan ko ngunit hindi ko siya pinansin.
"I promise to give you permanent legs again if you agreed to help us..."
Lalo lamang akong napa pikit ng mariin. "Please, stop. Give me time to think, Rogue." sabi ko dito at lumangoy palayo. Hindi ko alam kung saan ako papunta pero hindi ako nakaramdam ng kung ano mang takot at sinunod na lamang ang sinisigaw ng puso ko.
To be Continued...
Vote and Comment...