WAVE 5
Rose
Pagkatapos nang huling pag uusap namin ni Rogue ay hindi ko na ito ulit nakita nang ilang araw. Nag kulong lamang ako sa kwarto ko nitong nagdaang isang linggo. Pinupuntahan ako ni Cyan dito sa kwarto ko at sabay kaming kakain at mukhang walang alam si Cyan tungkol sa kaguluhang nangyayare sa Nythera Galanoth. Ni wala siyang ideya na hindi naman talaga dito sa mundo ng mortal at ilalim ng karagatan ang kaharian nila.
Now I understand why he said that they are cursed to live in here forever... pero kung lalaban sila ay may pagkakataon silang baguhin ang sumpang iyon. Pero kaylangan nila ng tulong ko para mag tagal sa lupa. Napahilamos ako sa mukha ko at mariing pumikit. Nanghina ako nang makita ang litrato ng Atlantis at mga Mereos na sinusugod at inaalipin ng mga itim na sireno.
Kumuyom ang kamao ko saka huminga nang malalim. Alam ko kung ano man ang rason na naririto ako ay mayroong dahilan iyon. Dinala ako ng tadhana dito para sa isang rason at sa tingin ko ay ito iyon. Kung hindi dahil kay Rogue ay hindi na ulit ako makaka langoy at makaka lakad pero sobra sobra ang hinihingi niyang kapalit sa akin.
Bumangon ako mula sa pagkakaupo at lumangoy patungo sa banyo. Nanigas ang buong katawan ko at napaawang ang mga labi ko nang makita ang sarili kong repleksyon. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko saka huminga nang malalim bago muling tignan ang mga mata ko. Napaatras ako at napakapit sa dingding dahil halos mawalan ako nang balanse. My eyes turned blue grey.
Napalingon ako sa pintuan ng kwarto ko nang makarinig ako nang kaguluhan mula sa ibaba ng kastilyo. Bigla akong kinabahan nang maalala ang mga sireno na mayroong itim na buntot. Lumangoy ako papunta sa tabi ng pintuan saka sumadal roon sa dingding.
"Marina. . . Can you hear me?"
Mabilis na tumibok ang puso ko nang marinig muli ang boses ni Rogue. Ilang linggo na ang lumipas at ngayon ko na lamang muli narinig ang boses niya. Naramdaman ko ang pag sikip ng dibdib ko na para bang may pumipiga sa puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko at pilit na pinakalma iyon.
Isinara ko ang mga mata ko at nag concentrate. "Yes. . . Anong nangyayare, Rogue? Nandito ba sila?"
"Listen to me. . . Stay there in your room and I will get you, okay? Lock your door. I will knock three times so you know that it's me."
Tumango ako kahit alam kong hindi naman niya ako makikita. Kinagat ko ang labi ko saka ni lock ang pintuan. I felt my heart clenched. "Please be safe..." nanghihina kong bulong.
Dumiretso ako sa kabinet at binuksan iyon. Inabot ko ang isang dagger na nakita ko rito dati. It's a golden dagger at sa baba nito ay nakaukit ang pangalang Mirienella. Ipinagkibit balikat ko iyon saka bumalik sa tabi ng pintuan.
Nanlaki ang mga mata ko nang biglang may sumipa sa pintuan ko at mabilis iyong lumipad pabagsak. Kinilabutan ako nang makita ang itim na usok na nang gagaling sa labas.
Humigpit ang hawak ko sa patalim saka inihanda ang sarili ko. May kung ano akong naramdaman na likido na dumaloy sa mga ugat ko. Napailag kaagad ako nang pumasok sa loob ng kwarto ko ang isang itim na sireno. Naka ngisi ito at pulang pula ang mga mata. May hawak itong spear na nababalot ng itim na usok.
Napaatras ako at itinaas ko ang mga kamay ko pang depensa nang itapat niya sa akin ang hawak niyang armas. Nanlaki ang mga mata ko nang ang hawak kong dagger ay humaba at naging espada at pinalibutan ito ng puting liwanag.
Sa sobrang liwanag nito ay nakaka silaw na pero hindi ako pumikit at tinignan ang kalaban ko sa harapan na unti unting nasusunog nang dahil sa liwanag na nagmumula sa hawak kong espada.
Nang tuluyang mag laho ang sireno ay nawala ang liwanag na pumapalibot sa hawak kong espada. Nanatili itong mahaba at kumikinang ang matalim nitong katawan. Napalingon ako sa pintuan at itinaas ang armas ko nang may pumasok doon ngunit bumalik sa pagiging dagger ang hawak kong espada.
Nakahinga ako nang maluwag nang makitang si Rogue iyon. Mabilis na kumalabog ang puso ko. Dali dali itong lumagoy sa akin at hinawakan ang pisngi ko. Naka kunot ang noo nito at salubong ang kilay na halata mong galit na galit.
Huminga ito nang malalim saka ako tinitigan sa mga mata. "Are you okay?" marahan nitong tanong sa akin.
Tumango ako at hindi na nag salita pa. Medyo magulo ang buhok nito ngunit hindi iyon naka bawas sa kagwapuhang taglay niya. Napaawang ang labi nito nang mag tagal ang tingin sa mga mata ko.
"Your eyes. . ." nanghihina nitong sabi.
Umiling ako. "Mamaya ka na mag tanong. Kaylangan na nating umalis. Nasaan si Cyan?" tanong ko rito.
Umigting ang panga nito saka pinagsalikop ang mga kamay namin. "She's with Blood. We need to go to the Kingdom of Genesis," dumilim ang mukha nito at lalong kumunot ang noo.
Marahan ako nitong hinatak palabas nang kwarto. Lumangoy kame pababa ng kastilyo at nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Ang mga nasasakupang Mereos ni Rogue ay nanigas ang mga katawan at nababalot sila ng itim na usok na sa tingin ko ay itim na mahika.
Nang makalabas kame ng kastilyo ay tuluyan akong nilamon ng panghihina ko. Ang dating masigla at makulay na kaharian ng Alpha ay nababalot ng kadiliman at lahat ng Mereos ay nanigas ang mga katawan. Wala ni isa sa mga ito ang nakaka galaw. Bumilis ang t***k ng puso ko at ramdam na ramdam ko ang p*******t nito.
"A-anong nangyare?" nanghihina kong tanong.
Nagpatuloy sa pag langoy si Rogue habang hawak hawak ako. "King Noxus, the King of Yorumi, found our kingdom, Marina. At ngayon ay hinahanap na nila ang kaharian ng Dawn, Chalcedon at ng Genesis. . ."
Parang sunod sunod na hiniwa ang puso ko nang dahil sa narinig. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung sana ay hindi ako nag matigas at tumulong na lamang ay hindi na ito nangyare.
"Stop blaming yourself. Hindi mo kasalanan. Mangyayare at mangyayare pa rin ito kahit na pumayag kang sumama sa amin," huminga ito nang malalim saka tumigil sa pag langoy saka ako hinarap. Hinawakan nito ang mga kamay ko saka ako tinignan sa mga mata.
"We need your help, Marina. . . Papunta tayo ngayon sa kaharian ng Genesis dahil nakuha nila ang mapa kung paano pumunta roon. We will warn them to get ready and if possible, isasama natin ang prinsesa ng Genesis na si Rose sa paglalakbay natin," natigil ito sa pagsasalita. "Kung papayag ka. . ."
Napayuko ako saka tumingin sa paligid. Ang dating madilim na parte ng gitna ng karagatan ay lalo lamang dumilim. Kinuyom ko ang mga kamao ko saka pumikit nang mariin. "Sige, tutulungan ko kayo."
Dahan dahang tumango si Rogue. "I promise I'll protect you. . ." mariin nitong sabi.
Nagpatuloy kame sa pag langoy ni Rogue hanggang sa makarating kame sa isang kaharian na sa tingin ko ay ito na ang Genesis. Malaki din ang bayan nila katulad ng Alpha. There were mermaids and mermans happily swimming and having fun hindi katulad sa Alpha na nababalot na sa kadiliman.
Ang lalaki ng mga ngiting nababalot sa mukha nila na mga walang kaalam alam sa nangyayare sa ibang kaharian... And I fear that this smiles will soon vanish once the army of King Noxus finds the other three kingdoms.
Natigil ang lahat sa kanya kanya nilang ginagawa nang makita si Rogue. Mga nagbaba ito ng tingin at marahang yumuko nang dumaan kame. Mabilis kaming pinapasok sa napaka laki nilang kastilyo dahil sa tingin ko ay kilala naman nila kung sino si Rogue at dahil na rin siguro sa mga buntot namin.
Nang makapasok kame sa loob ay naabutan ko ang umiiyak na si Cyan. Kasama nito ay si Dark, dalawa pang matipunong lalake at isang napaka gandang sirena na sa tingin ko ay ang Prinsesa ng kaharian ng Genesis na si Rose.
Mahaba ang kulay dugong buhok ni Rose at itim na itim ang singkit nitong mga mata at mahahaba ang pilikmata niya. Manipis ang labi nito at matangos ang ilong. Katulad namin ay kulay ginto rin ang buntot nito. Sa tabi niya ay isang matipunong lalake na sa tingin ko ay kapatid ni Rogue.
"Cyan. . ." tawag ko rito.
Nag angat ito nang tingin sa amin at kaagad na lumangoy patungo sa akin saka ako niyakap. "Ate. . ." humagulgol ito. "I thought they got you. . ." nanginginig ang buong katawan nito.
Huminga ako nang malalim saka hinimas ang likod nito. Napatingin ako kay Rogue na matamang naka tingin sa amin ni Cyan. Tumango ako rito para makapag usap na sila ng mga kapatid niya at ng Prinsesa ng Genesis. Pinisil nito ang kamay ko saka ako binitawan at lumapit sa mga nagsisitaasang panauhin.
Hinatak ko si Cyan patungo sa napaka laki nilang sala at pinaupo ito duon. Tumabi ako kay Cyan saka pinalis ang mga luha sa pisngi nito. "Wag ka nang umiyak. Ayos lang ako, kame ng Kuya Rogue mo. . ." marahan kong sambit.
"Ate, what's happening?" umiiling ito habang punong puno ng takot ang mga mata.
I sighed and smiled weakly. "I don't know what's happening too, Cyan... but let's trust your brother, okay?"
"Ate, I'm scared..."
Hinaplos ko ang buhok nito saka mahigpit itong niyakap. "Don't be scared... walang mangyayaring masama sa atin." I convinced her and as well as... myself.