2

1604 Words
KING:  Kasalukuyan na nasa kwarto ko si Ace, Spade at Jack. Pinaguusapan namin ang ang kailangan namin gawin sa concert mamaya. Lahat kami pinaghandaan at pinagpuyatan ito kaya gustong-gusto na talaga namin na matapos itong concert para makuha na namin ang isang linggo na pahinga. “Man! Sana matapos na ‘tong concert natin!” matamlay ang boses ni Jack. “Oo nga! Nakakapagod!” sagot ni Spade. Alam kong pagod na sila. Katulad nila pagod na rin ako pero mahal namin ang trabaho naming kaya iniinda namin ang pagod at puyat mabigyan lang ng isang magandang concert ang mga tao. “Nako! Tigilan niyo na nga iyang pagrereklamo niyo. Kung hindi naman dahil dito walang laman ang mga bulsa natin e.” sagot ni Ace. “Not me! Anytime from now pwede ko nang saluhin ang farm ng lolo ko.” sagot ko. Nagtawanan ang mga kasama ko nang bigla akong tawagin ni Eli mula sa labas ng kwarto ko. “King?” Mabiilis akong tumayo mula sa kinauupuan at tumakbo papunta sa pinto para buksan ito. “Yes baby girl?” bati ko sa kanya. “Baby girl mo mukha mo!” mataray niyang sagot sa akin. “What do you need?” natatawa kong tanong sa kanya. “Pinapunta ako ni Eric dito para tanungin ka kung anong ipapadala mo mamaya sa concert niyo. Inaayos na kasi namin ang mga gamit niyo at gusto niyang i-finalize ang lahat para walang makalimutan.” sagot niya. “Ikaw lang ang kailangan kong dalhin sa concert mamaya.” sagot ko. “Seryoso kasi King!” bakas na sa boses niya ang inis. “Don’t worry about me. Ako na ang bahala sa kailangan ko.” sagot ko. “Fine!” sagot niya bago ako tinalikuran. Bumalik agad ako sa loob ng kwarto pagkatapos umalis ni Eli. At katulad ng inaasahan ko tukso ang inabot ko sa mga kasama ko lalo na kay Jack at Spade. “Tama ba ang narinig ko? Ikaw na ang bahala sa mga kailanga mo?” tukso ni Spade. “Oo!” sagot ko. “So para saan pa at kinuha ni Eric si Eli?” tanong ni Jack. “Para makita ko siya araw-araw!” sagot ko. Biglang natawa si Spade at Jack dahil sa sagot ko. “Don’t tell me that you really like her?” tanong ni Ace. Nagulat ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung ano pa ang dapat kong gawin para ipakita sa kanya na totoong gusto ko si Eli at hindi ito isang laro lamang para sa akin. “What if I do?” tanong ko. “What if I tell you that I like her too?” sagot niya. “Then we will have a problem. Because I really like her! I genuinely like her!” sagot ko. “Seryoso ka ba?” tanong niya. Bago pa lalong uminit ang usapan namin ni Ace mabilis na kaming pinigilan ni Jack at Spade. “Okay! Tama na muna ‘yan at may ganap tayo mamaya mga pre.” “Oo nga! Set aside na muna ang feelings at unahin na muna natin ‘tong trabaho.” ILANG oras ko nang hindi nakikita si Eli kaya lumabas ako sa kwarto para hanapin siya. Hindi kasi ako mapakali simula ng sinabi ni Ace na gusto niya rin si Eli. Pakiramdam ko magkasama sila sa tuwing wala ako kaya gusto ko laging nakikita ng mga mata ko si Eli. “King… may kailangan ka?” tanong niya nang abutan ko siyang nakaupo sa sala. “Oo. Tara muna sa kwarto.” “Bakit?” “May… gusto akong ipakita sayo.” “Ano ‘yon?” “Basta!” sagot ko at dali-dali siyang hinatak papunta sa kwarto ko. Mabilis kong sinara ang pinto ng kwarto nang nakapasok kami ni Eli. Nagtataka ang mga mata niya na nakatingin sa akin. “Nasaan na ang gusto mong ipakita sa akin?” tanong niya. Ngayon hindi ko na alam kung anong gagawin ko dahil wala naman talaga akong gustong ipakita sa kanya kaya sinabi ko nalang ang totoo. “I don’t have anything to show you.” “Ano?! E bakit mo ako dinala dito?” “Kasi gusto ko lagi kitang nakikita.” “Ano ba ang issue mo sa buhay King?” kunot noo niyang tanong sa akin. Hindi ko alam kung aaminin ko na ba kay Eli ang totoo kong nararamdaman. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya kung sakaling sabihin ko sa kanya ang totoo. “Eli kasi…” “Ano?” “Kasi…” Hindi ko nagawang sumagot dahil narinig namin si Ace na tinatawag ang pangalan ni Eli. “Kailangan ko nang lumabas King. Baka hinahanap na ako ni Eric.” Lalabas na sana siya sa kwarto pero bigla kong hinawakan ang braso niya dahilan kung bakit hindi siya nakahakbang palayo sa akin. “Eli… gusto mo ba si Ace?” Mabilis niya akong hinarap at kitang-kita ko sa mga mata niya ang gulat. “Ha?” “Ang sabi ko kung gusto mo ba si Ace?” Napalitan ng takot ang kaninang pagkagulat ni Eli. Hindi man niya sabihin alam kong may gusto siya kay Ace. Nakikita ko kung paano lumiliwanag ang mga mata niya pag nakikita niya si Ace. Kaya ganun nalang ang takot ko ng sabihin ni Ace na gusto niya rin si Eli. “Kailangan ko ba sagutin ‘yan?” tanong ni Eli. “No… You don’t have to. But let me tell you something.” “Ano ‘yon?” Hindi ako sumagot dahil mabilis kong hinawakan ang pisngi niya bago nilapit ang labi ko sa mga labi niya. “King…” tawag niya sa pangalan ko pagkatapos ko siyang halikan. “Eli… I am in love with you.” Hindi nagawang sumagot ni Eli at dali-dali itong lumabas sa kwarto ko. Gusto ko man siyang habulin hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko. Para silang nakapako sa kinatatayuan ko. HINAYAAN kong lumipas ang mga oras hanggang sa tinawag na kaming lahat ni Eric para magtipon sa sala. Nahihiya akong harapin si Eli pero kailangan kong gawin para hindi mahalata ng mga kasama namin ang nangyari sa amin kanina. “Ready na ba ang lahat?” tanong ni Eric. “I think so.” sagot ni Ace. “Wala na tayong nakalimutan?” tanong ulit ni Eric. “Wala na manager kaya tara na sa baba para matapos na ‘to at makuha na namin ang isang linggo namin na pahinga.” sagot ni Spade. Tumayo kaming lahat para bumaba ng nakita kong pinipilit buhatin ni Eli lahat ng gamit namin. “Eli… put everything down.” “Okay lang King kaya ko ‘to! Nagbubuhat nga ako ng tubig sa amin e.” “Ibababa mo ba ‘yan o itatapon lahat ng ‘yan sa labas?” Nagulat si Eli pati na ang mga kasama namin ng narinig nila ang sinabi ko. Wala ni isa kanila ang nagsalita kaya ako ang nagsalita para sa kanila. “Buhatin ‘nyo na ang mga gamit niyo.” Natatawang nagbuhat si Spade at Jack ng sarili nilang mga gamit. Pati si Eric walang nagawa at mabilis na tumulong sa pagbubuhat ng mga gamit namin. Isa-isa silang lumabas sa unit hanggang sa kaming dalawa nalang ni Eli ang natitira sa loob ng condo. “King… tigilan mo na ‘to! Hindi na magandang biro ‘to.” “Sino ba ang nagsabi sayo na nagbibiro lang ako?” Tinignan niya ko siya ng mata sa mata at dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanya. Plano ko siyang halikan ulit pero bigla niyang iniwas ang mukha niya. “King… please…” “Eli… I really like you.” “Stop this!” sagot niya bago tuluyang lumabas ng condo para sundan ang mga kasama namin. NASA parking lot na kaming lahat at buti nalang walang fans ngayon dahil kung hindi magiging magulo ang pagpunta naming sa venue. Isa-isa nang umakyat sa van ang mga kasama ko. Nauna si Eli at susunod sana sa kanya si Ace pero bigla kong hinawakan ang kwelyo ng damit niya. “Hep! Ako muna!” mabilis akong umakyat sa van para tabihan si Eli “But you always take the front seat.” sagot ni Ace. “Not today.” sagot ko bago hinigat ang ulo ko sa balikat ni Eli. “Can I take the front seat then?” tanong ni Jack. “Sure.” sagot ko. “Thanks man! And thanks Eli!” sagot ni Jack. HABANG nasa biyahe napapansin ko na panay ang hawak ni Eli sa balikat niya para himasin ito. “Are you cold?” tanong ko. “No.” sagot niya. Hindi na ako sumagot pero mabilis kong hinubad ang jacket ko para ipasuot sa kanya. “Here… Wear it.” “Hindi na King. Hindi naman ako nilalamig.” “Just wear it!” sagot ko bago pilit isuot sa kanya ang jacket. “Nako po! Parang tinatamaan na talaga ang hari!” tinukso na naman kami ni Spade. “Ano pa nga ba? Good luck nalang sa mga susunod na araw.” Tinukso din kami ni Jack na nakatingin sa amin mula sa rear view mirror ng sasakyan. Hindi ko tinatago ang nararamdaman ko kay Eli kaya wala akong pakialam kung makita man kami ng mga kasama namin. Ilang beses ko nang sinabi sa kanila ang nararamdaman ko para sa kanya kaya nagulat ako sa sinabi ni Ace na gusto niya rin si Eli. Sa dinami-dami ng taong pwede kong maging karibal si Ace pa talaga. ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD