bc

SOUNDPROOF SERIES: KING

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
HE
blue collar
sweet
bxg
enimies to lovers
actor
like
intro-logo
Blurb

Kailangan ni Eric, ang manager ng bandang Soundproof ng assistant kaya napilitan si Eli na tulungan siya. Malaki kasi ang utang na loob ng tatay ni Elizabeth sa manager ng banda at marami na itong naitulong sa kanila. Kaya nahihiya siyang tumanggi ng alukin siya nito ng trabaho.

Nang dahil sa bagong trabaho napilitan si Eli na tumira sa bahay ng banda kasama ang manager nila. Hindi naman siya natatakot kahit na alam niyang nag-iisang babae lang siya sa bahay dahil kilala na niya ang mga makakasama niya. Ilang beses na niyang nakasama ang mga ito at alam niyang mabuti silang tao. Lalo na si Ace, ang gitarista ng banda at ang lalaking nagugustuhan niya.

Ang buong akala ni Eli, mas magiging malapit sila ni Ace sa paglipat niya sa bahay nila. Pero malayo sa plano niya ang naging resulta. Nahulog siya sa iba, nahulog siya sa lalaking hindi niya inaasahan. Ang lalaking lagi siyang inaasar at lagi niya kaaway. Si King, ang bokalista ng banda.

chap-preview
Free preview
1
ELI:  Utang na loob ang dahilan kung bakit ako napilitang pumasok bilang assistant manager ng bandang Soundproof, ang isa sa pinakasikat na banda ngayon sa Pilipinas. Para sa iba maswerte ako dahil makakasama ko ang bandang ito sa isang bahay pero hindi pa rin mawala sa dibdib ko ang kaba lalo na’t makakasama ko dito si King, ang bokalista ng banda at mortal kong kaaway. Hindi pwedeng matapos ang isang araw na hindi kami nagtatalo kapag magkasama kami kaya lagi kaming nababansagan na mag-asawa dahil sa pagbabangayan namin. Kabado akong nakatingin sa pinto ng condo unit kung saan ako mag tatrabaho at nagdadalawang isip ako kung pipindutin ko ba ang doorbell. Parang gusto kong umatras pero lagi kong naiisip si Papa at ang mga tulong ni Eric sa amin. Siya ang manager ng bandang ito at siya ng taong laging tumutulong sa akin at sa pamilya ko. Lalo na noong naospital si Papa at kinailangan namin ng malaking pera para sa operasyon niya. Driver si Papa ng banda pero kahit minsan hindi nila tinuring si Papa bilang isang taong pinapasahod lang nila. Pamilya nila kung ituring ang tatay ko kaya bilang isang pamilya kailan ko silang tulungan sa oras na kailangan nila ako. Katulad ng pagtulong nila sa amin nang kami ang nangangailangan. Lakas loob kong pinindot ang doorbell ng condo nila at hindi nagtagal pinagbuksan ako ng pinto ni Eric. “Elizabeth!” masaya niya akong binata at niyakap ng mahigpit. “Kanina pa kita hinihintay! Buti at dumating ka na kasi mababaliw na talaga ako sa mga alaga kong ‘to! Nilayasan kasi kami ni Linda kahapon at ako lang tagasunod ng kalat ng apat na ‘to!” reklamo niya. “Bakit po umalis si Ate Linda?” nagtataka kong tanong sa kanya. “Edi dahil sa kalokohan ng apat na ‘to! Pinausok ba naman nila ang buong bahay at sumigaw ng sunog bago iniwan si Linda dito sa loob.” Alam kong maloko talaga silang apat pero hindi ko alam na gagawin nila ang ganito ka tinding biro kay Ate Linda. “Kung ganun, tayong dalawa lang ang magtutulungan para sa lahat ng kailangan nilang apat?” tanong ko. “Oo! Kaya sana kompleto ang tulog at kain mo kasi baka himatayin ka pag nakita mo ang lagay ng buong bahay ngayon.” sagot niya. Gustuhin ko man umatras hindi ko na magawa dahil nakapasok na ako sa loob ng condo nila at ang mga mapanuksong mata nila Spade at Jack ang unang bumati sa akin. “Uy! King’s wife is here!” Inaasahan ko na talagang tukso ang una kong maririnig sa kanilang dalawa at hindi ako nagkamali dahil nanguna na nga si Spade sa pangaasar sa akin. Si Spade ang drummer ng banda. “Oo nga ‘no? Ikaw na ba ang magiging assistant ni Eric?” tanong ni Jack na siya namang pianist nila. “Yes! At pwede ba, ‘wag mo na akong asarin kay King!” Natawa si Jack at Spade. “Bakit naman? Ayaw mo ba sa bokalista namin?” tanong Spade. “Ayaw!” inirapan ko ang dalawang lalaking nasa harap ko dahilan kung bakit sila natawa. “At bakit naman ayaw mo?” tanong ng isang lalaki mula sa likod ko. Agad akong lumingon at hindi na ako nagulat nang nakita ko si King. “Dahil ikaw yan kaya ayaw ko.” sagot ko bago dumating si Ace, ang bass guitarist ng banda. “Ayan na naman kayo. Pinagtutulungan niyo na naman si Eli.” saway ni Ace sa mga kasama niya. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko ng nakita kong naglalakad si Ace papunta sa akin. Si Ace, ang bass guitarist ng banda at ang lalaking gusto ko. “Ace…” “Hi Eli! Kamusta ka na?” nakangiti niyang bati sa akin. “Okay lang…” mahinhin kong sagot sa kanya. “Good! And don’t worry about them, ako ang bahala sayo dito. Just tell me kapag inaasar ka nila.” Ito ang gusto ko kay Ace. Lagi niya akong kinakampihan kapag inaasar ako ng mga ka-banda niya. “Okay lang ako Ace. Don’t worry about me. Kayang-kaya ko ‘tong mga ‘to.” sagot ko. Nagtawan ang mga lalaking nasa harap ko. “Talaga lang ah?” tanong ni King na parang may halong pagbabanta. Tinignan ko siya ng masama bago sinagot. “Minamaliit mo ba ako?” “Hindi. Bakit naman kita mamaliitin e maliit ka na talaga?” tukso niya. Nang dahil sa sinabi niya mas lalong nagtawanan ang mga lalaking kasama ko. Bigla akong nakaramdam ng hiya at alam kong namumula na ang mukha ko. Hindi ko na rin nagawang sumagot dahil wala na akong maisip na isagot sa kanya. “Tama na nga yan.” saway ni Ace sa mga kasama niya. “Kaya walang nagtatagal sa atin dahil sa mga ugali niyo e.” Dagdag pa niya. Hinarap ni King si Ace. “Ano ba ang problema mo?” “I am just trying to protect her. Anak siya ni Kuya Mario kaya dapat natin siyang igalang. That’s what he asked us to do.” sagot ni Ace. “Protect or impress her?” Tanong ni King. Hindi ko alam kung bakit biglang naging ganito ka seryoso ang usapan pero kitang-kita ko sa mga mata ni King ang galit. He’s looks like a bomb ready to explode any minute from now. “Okay… Easy tiger!” awat ni Spade sa mga kaibigan niya. “Oo nga. Nagbibiruan lang tayo dito. Relax lang!” dagdag pa ni Jack. Tinignan ako ni King bago niya binalik ang tingin kay Ace. “You better not want her Alas!” pagbabanta niya bago kami iniwang lahat sa sala. Sandali kaming natahimik ng umalis si King bago naisipang magsalita ni Eric para mabasag ang nakakabinging katahimikan. “Wow! Okay… Uhm… That was intense.” “Kaya nga e! Akala ko makikita ko ng mag-away ang hari at alas.” sagot ni Spade. “Whatever!” sagot ni Ace bago umalis para iwanan kaming lahat sa sala. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi nila. Kaya napilitan akong magtanong kahit na nahihiya ako. “Uhm… Ano po ba ang issue ni Ace at King sa isa’t-isa?” Tinignan nila ako na para bang gulat na gulat sila sa sinabi ko. “Hindi mo alam?” tanong ni Jack. Umiling ako. “Hindi e.” “Hindi mo talaga gets?” tanong ni Spade. “Kung gets ko sa tingin mo magtatanong ako?” Natawa siya. “Para talaga kayong mag-asawa ni King e! Magka-level ‘yang init ng ulo niyo.” “Ewan ko sayo! So ano nga ang issue ni Ace at King sa isa’t-isa?” “Stay here for a few days at ikaw mismo ang makakasagot sa sarili mong tanong.” sagot ni Spade. INUTUSAN ako ni Eric na puntahan si King sa kwarto niya para tanungin kung may napili na ba siyang damit para sa concert nila mamayang gabe. Unang araw ko palang ngayon at nagkataon pa talagang ngayong araw na rin ang concert nila. “King?” Walang sumagot pero bumukas ang pinto ng kwarto niya. Doon ko nakitang kasama niya pala sina Spade at Jack. “I think you wife needs something from you.” panunukso ni Spade. Tinignan niya ang mga kaibigan niya at agad silang pinalabas. “Out of my room. Now!” “Ay sorry babe time na ba?” tanong ni Jack. “Oo. Babe time na kaya labas na kayo.” Tinaas ni Jack at Spade ang dalawang kamay nila na para bang sumusuko. “Alright! Ito na lalabas na.” sagot nilang dalawa. Nang nakalabas na sila agad akong tinignan ni King. “What is it?” tanong niya. “Sabi ni Sir Eric papiliin na daw kita ng damit na isusuot mo mamaya sa concert niyo.” sagot ko. “Okay. There’s my closet. Pwede ba na ikaw nalang ang pumili ng damit na pwede kong isuot mamaya?” tanong niya habang tinuturo ang cabinet niya. Inirapan ko siya bago sinagot. “Bakit ko naman gagawin ‘yon? Malaki ka na kaya ikaw ang maghanap ng sarili mong damit.” “Kung ayaw mo akong tulungan edi maghintay kayo kung kailan ko maisipang maghanap ng damit na isusuot.” pananakot niya. Malalagot ako kay Eric kapag hindi pa kumilos itong si King kaya naman sinunod ko nalang ang sinabi niya para matapos na kami. Naglakad ako papunta sa cabinet niya at nagsimula na akong pumili ng mga damit na isusuot niya. Una kong pinasukat sa kanya ang ripped jeans, white t shirt at leather jacket. “Parang ang init niyan. You will not feel comfortable wearing that. Let’s try another outfit.” suhestiyon ko. For his second outfit I gave him a black pants and maong long sleeves. This one looks nice but I feel like this is not the one he should wear tonight. “Para kang aakyat ng ligaw diyan sa suot mo.” Malakas siyang tumawa bago ako sinagot. “Ayan nga ang gusto ng mga babae e. Parang nililigawan ko sila.” “Hindi. Masyado kang gwapo diyan sa suot mo.” sagot ko. “Ang selosa mo naman. ‘Wag kang magalala dahil sayo lang ako.” Inirapan ko siya. “It’s not what I mean. Rock star ang image mo so hindi bagay sa character mo ‘yang suot mo.” Tumango siya, “Ah…” Sunod kong pinasuot sa kanya ang ripped jean, black shirt. Binigyan ko rin siya ng accessories para may accent ang suot niya. “There! That’s it!” Nakangita ako habang inaayos ang buhok niya. “But this looks… simple…” Sagot niya. “It is. But it’s comfortable and you look like a rock star.” Sagot ko. Tumango siya, “If this is what you want then this is what I’ll wear later.” Bigla akong napatingin sa kanya nang narinig ko ang sinabi niya. “You should. You look good on it.” Sagot ko. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa akin kaya biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Gusto kong tumakbo palabas ng kwarto pero parang may kung anong pandikit ang mga pa ako dahil hindi ko magalaw ang mga ito. “Do I really look good on this outfit?” Tanong niya. “Yeah… you do.” Sagot ko. “Pasado na ba sayo ‘to?” Tanong niya bago dahan-dahang naglakad papunta sa akin. Tinignan ko siya ng mata sa mata at halos hindi ako makahinga dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. “Pwede ka ba lumayo? Sobrang lapit mo.” “Why? Do I make you nervous?” Hindi ko masabi sa kanya na kinakabahan ako dahil alam kong pagtatawanan niya lang ako. “No.” sagot ko. “Great. Dahil ayaw kong natatakot ka sa akin.” “Why?” kunot noo kong tanong sa kanya. “Dahil gusto kong gustuhin mo ako.” “Ha?” “I want you to like me… back.” “Like you back?” “Yes.” “What do you mean?” Bigla siyang tumalikod sa akin at hindi ako sinagot. “King ano ba! Sagutin mo naman ako!” Lumingon siya at biglang hinuban ang damit niya. “Maliligo na ako Heart. Do you want to stay here?” Sa oras na nakita kong hinubad niya ang damit niya agad akong kumaripas ng takbo palabas ng kwarto niya. “Eli?” Nagulat ako ng nakasalubong ko si Ace palabas ng kwarto ni King. “Ace… Hi…” “Okay ka lang?” “Okay lang.” “Sigurado ka? Namumutla ka e.” Mabilis akong tumango bilang sagot pero mukhang hindi kumbinsido si Ace sa sagot ko. “May ginawa na naman ba na mali si King? Did he teased you again?” “Hindi…” sagot at mabili na iniwan si Ace para puntahan si Eric. NASA kusina ako kasama si Ace, Eric, Spade at Jack para kumain ng tanghalian. Si King nalang ang kulang at sa tingin ko mas mabuti na itong wala siya para maayos akong makakakain ng tanghalin. “What’s for lunch?” Halos mabulunan ako ng narinig ko ang boses ni King. “We have a lot. Tara kain na.” aya ni Eric sa kanya. Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya dahil patuloy niyang tinitignan si Eric. “What?” tanong ni Eric sa kanya. “I think that’s my spot.” “What?” tanong ni Eric sa kanya. “Pwesto ko ang inuupuan mo.” “Ah… Oo nga pala… Sorry…” sagot ni Eric bago dali-daling tumayo sa kinauupuan niya. Mabilis na umupo si King sa silya kung saan umalis si Eric kaya ngayon magkatabi na kami. “Nako po! Ang bilis naman gumalaw ng hari!” tukso ni Jack. “Oo naman.” sagot ni King. Kunot noo kong tinignan ang mga lalaking nagtutuksuhan sa harap ko. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng mga biro nila pero bakit pakiramdam ko natatamaan ako? ****

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook