10

1926 Words
KING: Totoo nga ang sinasabi nila na hindi mo namamalayan ang oras pag masaya ka. Parang kahapon lang nang sinagot ako ni Eli. Ngayon ito kami at anim na bwan ng magkasama. Sa loob ng anim na bwas hindi araw-araw bati kami. May mga araw din na nagtatalo kami pero ngayon mas pinipili na naming intindihin ang isa’t-isa. Naging madali na rin sa aming bigyan ng oras ang isa’t-isa dahil pumayag siyang tumira sa condo kasama ako. Pero kahit na sa iisang bahay na kami nakatiri may mga pagkakataon pa rin na binibigyan namin ng oras ang mga sarili namin. If she needs to study I give her the time that she needs and she does the same when I need to write songs. Dahil sa respeto na binibigay namin sa isa’t-isa naging magaan ang relasyon namin at para sa akin perfect na ang relasyon na meron kami. “Uy monthsary nila ngayon!” tinukso ako ni Spade. “Talaga ba? Ilang bwan na ba kayo ni Eli?” tanong ni Jack. “Six months.” sagot ko. “Six months?! Aba! Akalain mo nga namang tumagal kayo ng anim na bwan! Ang hirap mo kayang pakisamahan.” sagot nya. “Parang hindi naman! Ang bait ko na nga e.” sagot ko. “Mabait ka lang kay Eli pero sa amin hindi.” sagot niya. “Mabait din naman ako sa inyo ‘di ba? Lagi ko nga kayong pinagtatakpan kay Eric e.” sagot ko. “Kung talagang mabait ka sa amin libre mo nga kami?” si Spade. “Oo nga! Monthsary niyo naman e. Kahit fast food lang.” si Jack. “Sige na King! Libre mo na kami! Aba! Hindi biro ang kalahating bwas! Bilib na talaga ako sa fighting spirit ni Eli!” si Ace. Sasagot na sana ako sa kanila nang biglang may pumasok sa conference room. “Sino ang umabot ng kalahating taon?” Si Isabel, anak ng boss namin. Anak ng kompanya kung saan kami nagtratrabaho. Since her father owns this company she’s technically our boss but she doesn’t want to consider her self that. Para daw sa kanya magkakaibigan kami. Walang boss, walang empleyado. “Sab! You’re back!” nilapitan siya ni Ace at niyakap. “I am! And I’ve missed you guys!” sagot niya. “We’ve missed you too! Kamusta ka na?” si Jack. “Ito! Maganda pa rin!” sagot niya. “For sure! Pero akala ko tatlong taon pa bago ka bumalik? Why are you here?” tanong ni Ace. “Ang tagal ko na kasing nawala baka maagaw na ng iba si King sa akin.” pabiro ang naging sagot niya. “Naagaw na po.” bulong ni Spade sa likuran ko. “What was that?” tanong ni Sab. “Wala! May naalala lang akong linya. Bagay doon sa kantang ginagawa ko.” sagot ni Spade. “Ah. Akala ko kung ano na. So ano na nga pala ang pinaguusapan niyo kanina bago kami pumasok ni Eric?” tanong ni Sab. “Ah wala. Tungkol lang sa kanta.” sagot ni Ace. “I see. So tapos na ba kayong mag rehearse?” tanong ni Sab. “Tapos na.” sagot ko. “Great! I was planning to treat you guys out. Kain tayo.” “Talaga?” si Jack. “Oo! Treat ko kayo kahit saan niyo gusto. Tapos mamaya we can have some drinks.” sagot ni Sab. “Game ako.” si Ace. “Ako din.” si Jack. “Sama din ako.” si Spade. “Pass ako.” sagot ko. “Bakit?” tanong ni Sab. “Hindi ako pwedeng uminom e. Marami kasi akong kailangang e record so I need to take care of my tonsils.” paliwanag ko. “E ‘di kain nalang tayo.” sagot ni Sab. “Sorry pero may prior commitment na kasi ako e. I need to be somewhere very important.” sagot ko. “Saan? Pwede ka naman naming hintayin e.” “Hindi na. Enjoy nalang kayo doon. Bawi nalang ako sa susunod.” sagot ko. Nagpaalam na ako sa kanila bago tuluyang lumabas ng conference room. I rushed to my car so that I’ll be home early. I can’t wait to be with Eli. BINUKSAN ko ang pinto ng condo at nagtataka ako bakit nakasara ang ilaw. Ang alam ko kanina pa natapos ang klase ni Eli kaya dapat nakauwi na siya. I switched the lights on and went straight to my room. I opened the door and there I saw Eli. Hawak niya ang gitara ko. Nagsimula siyang tumugtog na sinabayan niya ng kanta. Ikaw at ako hanggang dulo.. Sasamahan kita san man patungo.. Hawak kamay nating haharapin ang mundo.. Dahil mahal ko.. Ikaw ang hari ng puso ko.. Halos malusaw ako nang narinig ko ang kanta niya. Walang pag lagyan ang tuwa ko. “Hi.” nakangiti niya akong binati. “Hi! You composed a song for me?” “Yeah. Mahirap lang ako at hindi kita kayang bilhan ng mga mamahaling bagay. Sana nagustuhan mo ‘tong ginawa kong kanta para sayo. Happy monthsary babe.” Hindi ako sumagot. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa labi. “Happy monthsary my love! I love you so much.” sagot ko. “I love you too. And I have one more surprise for you.” sagot niya. “Ano?” tanong ko. Nagulat ako nang bigla niyang hinubad ang t shirt niya at tumalikod sa akin. Doon ko nakita ang tattoo niya sa likod. It was the exact same one that I have. The king of hearts card deck. “So? What do you think?” tanong niya ng harapin ako. “Bakit ka nagpa-tattoo? Hindi ba bawal sa med school ‘yan?” “Bawal. Pero ikaw lang naman at ako ang nakakaalam nito e. Hindi naman ako maghuhubad sa harap ng ibang tao kaya wala namang makakakita nito. Plus it won’t really matter when I became a doctor.” sagot niya. “The we will not say a thing about your tattoo. It will be our own little secret.” sagot ko. “Thanks! At congratulations sa ating dalawa dahil umabot tayo ng anim na bwan.” “I know! Six months ago you hate me so much and now here you are, madly in love with me!” sagot ko. “Me?! Madly in love with you. Parang baliktad?” sagot niya. “Fine! Dahil in love na in love ako sayo I have something for you.” Kinuha ko ang isang black velvet box sa bulsa ko at binuksan ko iyon sa harap ni Eli. “Happy six months my love.” binati ko siya. “What’s this?” tanong niya. “Couple ring. I want to prove to you that I am your, always and forever. Kagaya ng kanta mo, ikaw at ako hanggang dulo.” sagot ko. “Pero mapapansin ng fans mo ‘to pag suot mo. Iisipin nilang may girlfriend ka na.” “I don’t care. Para sayo iiwanan ko ang banda kahit ngayon mismo.” “We can wear the ring but you’re not quitting the band. You can’t leave your brothers like that. I know you love them and I will not let you leave them for me. It’s not fair. We can be a one big happy family.” sagot niya. “What did I do to deserve you!” sagot ko habang niyayakap siya ng mahigpit. NAISIPAN naming manuod ni Eli ng movie while eating all of our favorite snacks. This is our way of celebrating our monthsary. We’re in the middle of watching our movie when Aki and Aly came. Ang sabi nila gusto nila kaming samahang mag-celebrate pero sa tingin ko si Jack at Spade ang hinahanap ng dalawang ito. “Kayo lang? Nasaan ang iba?” tanong ni Aki. Hindi nga ako nagkamali dahil pagpasok palang niya sa condo si Spade na agad ang hinahanap ng mga mata niya. “The boys went out to have dinner with a friend who just came back from the States.” paliwanag ko. “A friend? Bakit hindi ka sumama?” tanong ni Aki. “May mas mahalaga pa ba sa asawa ko?” sagot ko. “Ang tamis! Sana all nalang talaga!” tukso nilang dalawa. HINDI ko alam kung paano nauwi sa inuman ang monthsary namin ni Eli pero ito kami at may kanya-kanyang hawak na bote ng beer. “So crush mo nga si Spade?” tanong ko kay Aki. “Oo! Crush na crush ko talaga! Pero parang hindi niya naman ako type.” sagot niya. Natawa ako dahil alam kong may gusto si Spade kay Aki. Hindi ko lang sinasabi kay Eli because it’s not my story to tell. I want Spade to be honest with what he feels and confess to Aki kaya hahayaan ko silang magtaguan ng feelings hanggang sa magkaroon na ng lakas ng loob si Spade na sabihin kay Aki ang nararamdaman niya. “Bakit ka natatawa?” tanong ni Eli. “Wala.” sagot ko. Sa gitna ng usapan namin biglang pumasok si Jack, Ace at Spade sa pinto. “Anong meron?” tanong ni Ace. “Celebration.” sagot ko. “Bakit hindi mo kami tinawagan?!” naiinis ang boses ni Spade. “Because you’re out having dinner with your friend and we didn’t want to interrupt so we didn’t call.” sagot ni Aki. “If I knew that you’d be here I should have cancelled that dinner.” sagot ni Spade. “As if namang ipagpapalit mo kami doon sa kaibigan mo.” bulong ni Aki. Kunot noo akong tinignan ni Spade na para bang kinakausap niya ako. Wala mang salitang lumalabas sa mga bibig niya alam at nababasa ko ang gusto niyang sabihin sa akin. I know he’s pissed and me being me, mas dadagdagan ko pa ang inis niya. “Mga pare, kasi itong si Aki naghahanap ng boyfriend. Bigla kong naalala si Jam. Bokalista ng Blind Spot. ‘Di ba mabait ‘yon? I was thinking of setting them up on a date. What do you think?” tanong ko. “Jam?! Seryoso ka?! Si Jam agad ang naisip mo?” tanong ni Spade. Sa boses palang niya alam kong kaunti nalang at sasabog na siya. “Oo. Bakit hindi?” tanong ko. “Oo nga! Gwapo naman ‘yon e. Ang ganda pa ng boses! Araw-araw akong haharanahin ‘nun.” sagot ni Aki. “Mas gwapo ako dun! At kung boses lang din naman ang paguusapan may laban akon ‘dun. Harana lang pala ang gusto mo e. Baka gusto mong minu-minuto kitang haranahin?” sagot ni Spade. Tumayo na ko para awatin si Spade. “Relax! I am just joking!” “Para kang sasabog sa inis Spade. Umamin ka na kaya?” si Jack. “Anong aaminin niya?” sabay-sabay na nagtanong ang mga babaeng kasama namin. “Nang nararamdaman niya.” sagot ni Ace. “Anong nararamdaman?” tanong ni Aki. Hinarap ni Spade si Akira bago binitawan ang tanong na dapat dati pa niya tinanong. “Magpapaligaw ka ba sa akin?” Ang akala ko monthsary namin ni Eli ang magiging highlight ng gabing ito. But turns out, Spade got the spotlight tonight. I was not mad about it though. Gusto ko na rin kasing umamin na siya kay Aki dahil hindi siya nauubusan ng tanong kay Eli ng mga bagay bagay tungkol kay Aki. ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD