CHAPTER 32

1634 Words

Chapter 32 “OH NO...” ingit ni Indira nang magsimula nang umambon. Presko ang paligid at nakukulimliman ng nagtataasang puno ng niyog ang dinaraanan niya kaya hindi na siya nagtaka nang mangaligkig siya nang may pumatak na ambon sa kanyang balat. Dahil doon ay nag-uumpisa na siyang makaramdam ng ginaw. Nasa gitna pa rin siya ng makitid na daan na may mga nakahilerang daan-daang puno ng niyog. Mahigit kinse minutos na ang nalalakad niya mula sa bahay ni Tita Cynthia ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa siyang natatanaw na kamalig. Kampante naman siyang tama ang daan na tinahak niya na siyang itinuro ni Tita Cynthia nang magtanong siya rito kung saan maaaring nagpunta si Hendrikus. Hapon na kasi at hindi pa nito naiisipang bumalik sa bahay ni Tita Cynthia. Nag-aalala na rin ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD