Chapter 29 MAHIGIT ISANG ORAS din ang iginugol ni Indira para lamang sa paglilinis ng eighteen by twenty-four inches na ornate wood frame ng wedding portrait na iyon. Pinakintab pa niya iyon ng naaayun sa gusto ni Adalee. Makintab ang wedding portrait pero ang marriage? Tsk. Nagpapahinga na rin naman si Adalee kaya iniwan na ito roon ni Indira para bumaba upang hanapin si Glenda. Inutusan siya ni Adalee na i-remind si Glenda sa paglilipat ng mga gamit ni Hendrikus papunta sa master's bedroom. Hindi na rin kumibo si Indira kanina nang sabihin ni Adalee na doon pa rin siya matutulog sa silid na iyon ni Hendrikus. Wala nga sigurong balak si Adalee na padaliin ang pitong araw niya roon. Kung hindi lang sa simpatya niya sa kaibigan na si Nenita ay baka kanina pa nagkukumahog na makauwi

