ZYCKIEL RAZEʼS POV
“If thereʼs love, thereʼs also revenge,” pagwiwika niya.
“What do you mean?” naguguluhan akong napatanong sa kaniyang minungkahi.
Narito kami ngayon sa loob ng opisina ko na kung saan ay nasa harapan ko ang katamtamang sukat ng isang rektanggulong puting pisara habang si Crystal naman ay nasa gilid nito.
“Isang Zyckiel Raze Villaruel na matipuno, mabikas na tao, at makisig pero... ugok naman sa paggiliw,” panglalait nʼyang aniya sa harapan ko habang nilalaro ang hawak-hawak niyang panulat.
“Hindi `yan ang ibig kong sabihin, Crystal, what I mean is, get straight to the point. Ano ba `yong pinapahiwatig mo?” pagyayamot kong paglilinaw sa kaniya.
Ganyan talaga ang mga taong may matalas ang isip, kapag hindi mo makuha ang mga winiwika rito ay tiyak hanggang walang-imik ka lang o magtatanong ng direkta.
“Alam mo ba ang dahilan kung bakit nagkita kayo ulit?”
Napailing naman ako. “I don't know,” direkta kong sagot sa kaniya.
Napahawak naman s'ya ng kaniyang noo at minasahe dahil sa inis. “What! You donʼt know? Youʼre such a scatterbrained... Zyckiel, my boss, think judiciously... Youʼre a magna c*m laude back then, and yet, you gave me an answer that is foolish and lame. How can a man like you is idiotic when it comes in deepest fondness?” salaysay niyang ipinaunawa sa `kin ang bawat letrang binibigkas nʼya. Ayaw na ayaw pa rin niyang magsalita na walang kabuluhan.
“Did you just call me scatterbrained?” pagduduro ko sa aking sarili habang siyaʼy inaayos ang buhok.
Napatango siya. “Yes, Iʼve stated that recently. Didnʼt you heard? If not, let me repeat it one more time.”
“Gosh! Youʼre totally valiant mademoiselle... Crystal, weʼre both foolish because of love.”
“Wow! Ako pa talaga ang hangal... Ikaw nga `yong iyak nang iyak tuwing gabi dahil—”
“Mas tanga ka! Alam mo naman na hindi ka gusto ng lalaking `yong pero habol ka pa rin nang habol sa kaniya... Sinabi na nga sa `yo na 'I don't like you, Crystal, so please... stay away from me', but anoʼng ginawa mo? Stalk ka pa rin nang stalk sa kaniya... Sa tingin mo hindi ko alam—alam ko lahat ang pinaggagawa mo. Alam kong ikaw ang nagpa-reserba sa gagamitin niyang condominium unit. Sinabihan mo ang may-ari na magbabayad ka ng kahit ano tapos... noʼn hindi pumayag... ginamit mo pa ang pangalan ko para mapapayag sʼya,” pahayag ko sa kaniya habang nakasandal ako sa swivel chair at pinapa-ikot ito dahil sa wakas may nailabas din ako na pinaggagagawa nʼyang kalokohan sa lalaking `yon.
Napangisi ako. “Maski password ng laptop at selpon mo ay may kinalaman sa kaniya. Nagbibigay ka nga sa kanya ng mga bulaklak, tsokolate, at liham ng pag-ibig sa labas ng condo niya... Alam mo bang desperada na ang tawag doʼn, Crystal? Think sufficiency and aggressive... Hindi ka niya mamahalin... Tanggapin mo na lang ang totoo.”
Nawalan siya nang imik at maya-maya may mga likidong tumutulo sa mga mata niya. Agad naman akong napatayo at pumunta sa gawi nʼya.
Niyakap ko naman siya agad kaya napahikbi ito. “Baka kasi gusto rin niya ako.” Bigla siyang napahagulgol sa kakaiyak kaya niyakap ko siya ng mahigpit.
Hinamas-himas ko ang likod niya. “Iʼm sorry to say this Crystal... He will never love you back the way you do... Just wake up... Maybe, heʼs not a good man for you,” I said straightly to her while I'm hugging her.
Ilang sandali ko siyang yakap-yakap hanggang sa tumigil na siya sa kakahikbi at kaiiyak. Alam ko kung gaano kasakit ang nararamdaman niya dahil nangyari na `yon sa akin.
Loneliness
Ferocious
Pain
But, hatred superseding me now.
“Excuse me, Iʼm going to the bathroom because my make-up is totally damage due of insidious tears,” she mumbled after made herself presentable.
Napatango na lang ako bilang tugon at maya-maya nilisan na niya ang opisina ko. Kani-kanina lang puno ng mga hikbi at hagulgol ang opisina ko pero ngayon, everything seems quite.
Crystal, my secretary, is genuinely courageous and full of spirits even though, sheʼs totally lunatic when it comes to fondness.
“Ayos ka na ba, Crystal?” baling ko sa kaniya nang pumasok na siya sa opisina ko.
“Of course, why wouldnʼt I be? Iʼve realized something when I go to the bathroom lately, but I wonʼt tell you because itʼs a secret,” komento niya sa `kin at peke na ngumiti sa harapan ko. Halatang nasasaktan at umiyak pa rin ito kanina dahil namumugto ang mga mata niya.
“So, letʼs start. Shall we?” pag-iiba niya ng usapan. Napaayos na lang ako ng upo dahil magsisimula na ang panayam, sermon, at debate namin.
Agad sʼyang lumapit sa puting pisara at kinuha ang panulat para rito.
“Love Revenge Game,” saad niya sabay sulat sa whiteboard ng parirala `yon.
“How did you invent that phrase, Ms. Crystal Fernandez?” pagtatanong ko sa kanya sabay taas ng kilay.
Mabilisan nʼyang hinampas ang mesa ko kaya napatalon ako sa gulat. “It doesn't matter, Mr. Villaruel. The significance having this game was to get vengeance to a maiden,” pangangatuwiran niyang aniya.
Inayos niya ang kaniyang buhok at napataas ng kilay sabay hawak ng kaniyang kanang hintuturo sa mapupulang labi. “Before I proceed. What will you choose, Mr. Villaruel, love or revenge?”
“Tinatanong pa ba `yan? I will surely pick vengeance,” katwiran ko sa kaniya.
“Mabuti kung ganoʼn, Mr. Villaruel,” she nodded.
“In other tales of love between a man and woman having situation as you and her, do you Mr. Zyckiel Raze Villaruel promise that you won't ever fall in love with her?” paglilinaw niya sa akin habang may halong ibang tono ang pananalita rito.
“Of course, why are you repeating that question? Iʼve already answered that a while ago and yet—” pagmamataas kong aniya sa kaniya at agad naman siyang nagsalita kaya hindi ko tuloy natapos ang mungkahi ko para sa kaniya.
“Mr. Villaruel, it's a secret. I will assure you that this game is essential.”
“Stop this nonsense! Just straight to the point, will you?” pang-iinis ko.
“Ways to get revenge... First, give her many tasks in work... bigyan mo siya ng maraming trabaho para mahirapan siya. Palagi mo siyang pauwiin ng obertaym hanggaʼt hindi nʼya natatapos ang kailangan niyang tapusin. So, kailangan niyang mapunta sa Task Support Department para mangyari `yon.”
“Ano na ang oras pero marami pa rin akong gawain sa opisina? Ano ba naman `to?”
“Second, no unnecessary excuses... kailangang hindi siya magdahilan sa trabaho na ibibigay mo sa kaniya. Dapat gawin niya lahat-lahat.”
“Ms.Ricafrente, I need you to make the copies of the documents inside this boxes. Every document contains; one-hundred forty-eight sheets of paper. There are fifty-seven documents inside this dusty boxes, and I want you to finish this within in two hours, understand?”
“But, I canʼt do it, Mr. Villaruel. This task you've assign me was completely—”
“No! Are you the boss, Ms. Ricafrente? Remember, your just my employee, and Iʼm your boss—not your boyfriend.”
“Correction, ex-boyfriend,” Niah whispered.
“Third, make her suffer... kailangan niyang maghirap tulad ng mga paghihirap mo noʼn," mga pahayag niya sa akin. “Kuha mo?” dagdag niya.
“Of course, itʼs easy,” I answered.
“Ms. Ricafrente, go to the other teams, and tell their leaders to sign these papers. After that, go to my office to submit the papers, and then, make sure to finish the other tasks I've gave you recently such as; book- binding; printing; an illustration design about the game, the food delivery of my beloved employees—except you, Ms. Ricafrente. After you fini—”
“Kuha ko na ang mga utos ninyo, Mr. Villaruel. Sa totoo nga, bumili na ako ng isang ream ng mga papel dahil magsisilbi itong pananda sa mga utos ninyo, Mr. Villaruel.”
“Fourth, make her jealous... kailangan nʼyang magselos. Ipararanas mo sa kanya `yong pakiramdam na pinagpalit ka lang sa mas mayaman daw sa `yo.”
“Narito na sʼya,” saad ni Crystal habang nasa swivel chair ako.
“Ano pa ang hinihintay mo, Crystal, papasukin mo na ang babaeng binayaran mo,” pagwiwika ko.
“Sure,” mabilisan sagot niya.
“Donʼt you ever forgot your lines or else, the money that my secretary gave you will be taken by me. Do you understand?”
“Yes, sir.”
“Here she comes,” Crystal mumbled.
Ang babaeng binayaran ni Crystal ay nagsimula na siyang lumapit sa akin. Nakapatong ang bibig nʼya sa leeg ko at umaastang hinahalikan nito.
“Mr. Villa—” tawag sa akin ni Niah pero hindi `yon natapos dahil nagsimula na ang unang linya ng babaeng nasa leeg ko.
“I love you, babe,” ika niya.
Nagkungwari akong napapikit. “I love you too, babe,” pabalik kong aniya.
Tinitiyak kong sasabog na ang laman loob mo sa kaseselos at kakainggit.
“Oh! Hindi ko pala namalayan na naging motel na ang Villaruel's Gaming Launch Company, sir. Ang bilis naman ng panahon, Mr. Villaruel. Akalain mo, naging motel na ang VGLC,” pahayag nʼya at tuluyan nang umalis.
Agad ko naman tinulak sa sahig ang babae dahil mukhang nasisiyahan na ito. “Get off me!”
“Ouch!” pag-aarte niya.
“Thank you for your cooperation, Ms. Reyes, you can leave now,” Crystal mumbled.
“Fifth, find her boyfriend... we need to find her boyfriend para sabay natin silang pahirapan.”
“Hey! Are you trying to destroy my suit? Don't you know me? I'm Zyckiel Raze Villaruel, the owner of Villaruel's Gaming Launch Company.”
“I know you, Mr. Villaruel. Donʼt you use your power or images because itʼs useless as you.”
“How dare you!”
“Sixth, destroy the assets of her boyfriend... kahit sino pa `yong lalaking iyon na pinagpalit sa `yo —artista pa man iyan o `di kaya presidente ng pilipinas. The important is makapaghiganti ka.”
“Babe, my assets already vanished because of a man named Zyckiel Raze Villaruel. All the companies doesnʼt want me to be their partners. The island, hotels, and restaurants already been discriminate by the nitizens. Iʼm starting to fall, Niah, my love.”
“Donʼt worry, babe. I will be always with you.”
“Crystal, itʼs too easy? Donʼt you have something like hell?”
“You even interrupt my lecture. Be patience, Mr. Villlaruel.”
“If you say so.” I rolled my eyes.
“Seventh,give her a threat... bibigyan natin siya ng mga liham na naglalaman ng nakakatakot na mensahe. Hindi lang liham kundi mga bulaklak na negatibong sumasagisag at mga tsokolate na maamag at kulasim na.”
“Oh my gosh! Who gave this dead flowers and frightfull letters? Help! Someone is trying to kill me!”
“Lastly, bully her... kailangan natin ang mga empleyado sa kompanya... May ipapakalat tayo tungkol sa kanya upang masira ang kaniyang reputasyon hanggang mawala na siya sa building mo,” pagpapaliwanag niya. Pakiramdam koʼy nabunutan ako ng mga tinik sa aking katawan dahil sa mga winiwika niya.
“Sʼya ba `yong babaeng malandi at mukhang pera?”
“Yes, girl. Alam naman natin na lubos sʼyang desperada at magaling na manggagamit. Sa tingin ko nga, she habitually sold her physique for money.”
“Oh, youʼre absolutely right. But the problem is, sheʼs so lousy, and her physique is not sexy, though.”
“Mr. Villaruel, do you know how many hundred of times Iʼve wanted to give up? So much failures, rejections, and disappointments overwhelmed me. I am too tired!”
“Crystal—”
“I'm not finish!” she yells. Muntik na yata niya makalimutan na ako pa rin ang boss ng kompanyang `to.
“Donʼts, you should not feel mercy; you will not help her;you will not feel guilty.”
Napahawak ako ng noo. “`Yon lang?” `di kuntentong tanong ko sa harapan niya.
Sumakit tuloy ang ulo ko dahil sa mga salitang nakasulat sa whiteboard na halos puno na.
“Wow! What do you mean `yon lang? May I remind you that it is not feasible—itʼs sanguinary process. It is a game where blood are going to spread through.”
“Correction, Ms. Crystal, you didnʼt even remind me of that. Donʼt state some sentences that you havenʼt already been stated to your receivers, understand?”
“Whatever, weʼre not in the conference where youʼre the source or speaker, and then, the board members will be your receivers of your message. Mr. Villaruel, I know that weʼre communicating oneself, but donʼt you think itʼs too formal?”
“Oh, Crystal, havenʼt your teacher taught you about oral communication? He havenʼt—”
“Excuse me, my oral communication teacher is not a man, sheʼs a woman, understand?”
I rolled my eyes, and then, I gave her a bad stare. “I understand, she havenʼt taught you that, right?” I twinkle my eyes.
Agad na napamewang si Crystal sabay taray ng kaniyang dalawang mga mata. “Communication is a process where two or more people communicate with each other. In communication, the source or speaker, and then, the receivers plays a vital role. There are nine elements of communication: speaker or source, the one who delivered the speech; message, the speakerʼs speech from his or her receivers; encoding, in encoding—the speaker plays a vital role because his or her message will be converted into actions, words; receivers, the people who receives the message from the speaker; feedbacks—it is the opinions, responses of the receivers; decoding—how they understands the speech; context—the environment where the communication located. The last two are communication channels, and then, the barriers. Satisfied?!”
Napanganga na lang ako sa naggagandahang paliwanag nʼya. Napa-palakpak ako sa kaniyang kasagutan. Labis niya akong pinahanga. Hindi ko naman tinanong kung ano ang kahulugan ng komunikasyon.
“Wow! Did you drink something or what?”
“Out of that, letʼs go back about the love revenge game. As I mentioned earlier, this game will be a brutal battle because the two hearts whoʼve been converged in the past, and then, been diverged because of the plate tectonic—”
“W-wait, are you describing the fault boundaries in the plate tectonics during our high school.”
She nodded. “Of course, come on, Zyckiel, youʼve been the person back then who discussed that part.”
“Gosh!”
“Saʼn na ba tayo?” She thinks. “Oh! Your love is just like an earthquake and the three types of fault boundaries, Zyckiel, my boss because in the present—which is now, converge boundary occurs. I didnʼt mentioned the transfrom boundary because you need to find the answer now.”
“What? Why me? Ikaw ang nagsimula sa paksang iyan at pagkatapos ay ako ang pahahanapin mo ng kasagutan, how hilarious you are,” pang-iinis kong katuwiran sa kanya.
“Zyckiel, if you are clever than me, you better answer because if you donʼt, youʼre completely uneducated person,” panglalait nʼyang pagwiwika sa maamo kong mukha. Hindi man niya napansin na ang mga laway sa bibig niya ay kanina pa nagsisilabasan dahil sa kadaldalan niya.
“Well, Crystal, transfrom fault boundary occurs now because weʼve met today but weʼre now officially girlfriend nor boyfriend. Weʼre not for each other thatʼs why itʼs transform boundary.”
Napangisi ito. “Oh, well, you answered that. This game is a bit tricky, my boss,” ika niya.
“Thereʼs a probability that you fall for her, again,” she added her statement.
Napayukom ako sa dalawang kamay ko sa inis dahil sa mga walang silbi nʼyang binibigkas. Ang mga kilay ko ay nagkasalubong.
“What?! Are you lame, Crystal? How can I fall for her if hatred superseding me within me?” I reacted.
“Thereʼs a probability of fifty percent love, and fifty percent anger in your dispirited heart. So, to win this game you have to higher the percentage of your anger to her. Pagnilamon na ng galit ang puso mo sa kanya, then?” she stops, and makes me irritates.
“Then what?!”
“Gosh! Youʼre so slow, then you win, of course. How scatterbrained you are. Unbelievable!” panglalait at pag-aarte niyang bigkas sa labi.
“How about if not? How about love superseding me?” I asked calmly.
“Then you lose, of course, ang slow mo talaga. It means, that you fall for her. Binabalaan kita, Zyckiel, be careful.”
“Why? Anoʼng kailangan kong ingatan bukod sa sarili ko.”
“Scatterbrained! Ingatan mo ang puso mo para hindi ka mahulog sa kaniya ulit,” bulyaw niya. Paʼno ko naman makukuha ang mga minumungkahi niya kung hindi ito tapos.
Napahawak na lang ako ng ulo dahil nakakairita ang mga hiyaw niya.
“Sure, no problem.”
“Now, letʼs make the contract.”
“What? Kailangan pa ba `yan? You're so unbelievable, Crystal.” Napakamot tuloy ako ng ulo. Hindi ko naman aakalain na magiging ganito ang proseso sa inimbento niyang laro.
This is absolutely lunatic, but it plays essential for me.
Napangisi na lang ako habang naglakad siya patungo sa isang upuan naroon ang kaniyang kandungan. Habang abala siya sa kaniyang ginagawa ay napaisip ako.
I will surely win this gory game. Hindi ako papayag na basta-basta guluhin ni Niah ang buhay ko tulad ng mga ginawa niya sa buhay ko noʼng kami pa.
Sisiguraduhin ko na matitikman mo ang pait at hirap ng aking mga dinaranas noon. Lagot ka, Chenaniah Xyrah Ricafrente because I, Zyckiel Raze Villaruel, owner of VGLC, will surely get vengeance to you.
Pagkalipas ng ilang mga minuto ay umupo siya sa harapan ng desk ko at may inabot at pinabasa sa `kin. Itoʼy isang kontrata na naglalaman ng mga batas niya at marami pang mga salita, parirala, at talata.
I, Zyckiel Raze Villaruel will get vengeance to the person who broke my heart named Chenaniah Xyrah Ricafrente.
Ways to Get Revenge:
1. Give her many tasks in work.
2. No unnecessary Excuses
3. Make her suffer.
4. Make her jealous.
5. Find her boyfriend.
6. Destroy the assets of her boyfriend.
7. Give her a threat.
8. Bully her.
Donʼts:
a. You should not feel mercy
b. You will not help her
c. You will not feel guilty
If I lose this game, I promise to Crystal Heart Fernandez that I will give her my Mercedes-Benz car and my Condo Unit in Palawan. He will give me an extra income and a free trip to Hongkong with half-million pesos.
“Wow! Ang dami ko pa lang ibibigay sa `yo kapag matalo ako sa larong ito,” sarkastikong saad ko habang mainam na binabasa ang ginawang kontrata ni Crystal.
“Be thankful, Zyckiel, my boss, kasi kung wala ang marikit at kaakit-akit mong kaibigan na isang sekretarya ay walang tutulong sa `yo sa oras ng paghihirap. Sinadya ko talaga iyan dahil sa pagsisikap ko. Hindi madali ang larong `yan. Itʼs really difficult for me to construct and visualize that game.”
Lihim na lang akong napataray sa mga paandar niya.
Humanda ka, Niah. The man whoʼve been the boss here, which is me, will definitely crash you.
Mabilisan kong kinuha ang sign pen sa loob ng aparador ko at linagdaan ang kontrata.
You like war, I will give it you.
This game will be my greatest weapon to defeat you, and youʼre beloved boyfriend. Iʼm as hell right now, Niah, like hell.
CHENANIAH XYRAHʼS POV
Pagulong-gulong ako sa aking kama na gawa lamang sa kahoy, playwud, at tabla nang may natanggap akong tawag mula sa aking bulsa. Hindi ko alam kung bakit baʼy pinagpapawisan ang aking mga kamay. Dahil ba sa muling pagkikita namin ni Raze, o pag-iwas sa minungkahi ni nanay sa akin ni trabaho kapag hindi ako matanggap?
“Congratulations, Ms. Ricafrente. My boss already welcome you as part of the VGLC employee, make sure that you will be here at 7:00 am in the morning. Do I make myself clear, Ms. Ricafrente?” anang sa linya ng babae na kausap ko. Halos malaglag ang suot-suot kong pante sa sahig dahil sa balitang natanggap ko.
Nakapasa ako?
“T-talaga?” tanong ko sa kaniya.
“Yes, Ms. Ricafrente,” sagot nito.
“S-sige, I will be there exactly seven in the morning. Salamat sa impormasyon.” Agad ko na itong binaba at napahiga sa kama.
How come? Paʼno ako natanggap sa kompanya niya kung galit na galit pa rin ito sa akin?
Pero mabuti na `yon para hindi na ako gawin isang burikak ni nanay. Ayaw na ayaw kong magtrabaho sa bar, saka sa motel.
Nakahinga na lang ako ng maluwag dahil sa balita. Kailangan kong magsipag at magsikap para hindi na ako palipat-lipat ng mga trabaho.
“Niah! Lumabas ka riyan! Ngayon na!” bulyaw ni nanay sa pinto ng kuwarto ko. Agad ko naman inayos ang aking sarili at pinagbuksan si nanay.
“Bakit po?” marahan at magalang akong napatanong sa kaniyang gawi.
“Nariyan sa labas si Teodora, kausapin mo,” sagot niya habang umiinom ng alak.
“Opo,” tipid na lang akong napasagot sa kaniya.
Lumabas ako ng bahay at nakita si Aling Teodora na hindi maipinta ang mukha.
“Kailan kayo magbabayad ng upa, Niah?! Matagal na akong nagtitimpi sa inyong dalawa ng pesteng nanay mo! Ano na!” bulyaw sa akin ni Aling Teodora sa pagbukas ko ng pinto.
Maraming mga dalaginging ang nagsisitinginan sa amin kaya napayuko na lang ako dahil sa kahihiyan. Alam na alam ng mga kapitbahay namin na hindi kami nagbabayad sa tamang pahanon ng upa. Alam din nila na maraming naging biktima ni nanay sa pagnanakaw at pangungutang na walang bayad-bayad.
“Magbabayad po kami, Aling Teodora,” kalmadong wika ko sa kaniya.
“At kailan naman `yon, Niah? Mahigit dalawang buwan na kayong hindi nagbabayad ng upa!”
“Sa susunod po na linggo, Aling Teodora. Huwag po kayo mag-alala,” paliwanag ko sa kaniya habang hiyaw nang hiyaw sa pagmumukha ko.
“Siguraduhin mo lang, Niah, kung hindi kayo magbabayad, papalayasin ko kayo ng ina mo. Tandaan mo `yan!” babala nʼya, saka umalis agad.
“Ano ang pinag-usapan niyo ng babaeng `yon? Nanghihingi na naman ng pera?” Napatango ako bilang tugon. “Si Teodora talaga, mukhang pera!” dagdag pa niya.
“Nay! Pʼwede po bang huwag muna tayo bumili ng beer?” mahinahon kong tanong.
“Anoʼng sabi po?!” sigaw nito.
“Puwede naman po sa susunod na linggo kang uminom ng be—”
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil inihampas na niya sa akin ang bote ng beer na walang laman at mahigpit akong hinawakan sa braso.
“Ikaw ang gumawa ng paraan para makahanap ng pera! Hindi ko na `yon problema! Naiintindihan mo ba?” bulyaw niya sa harapan ko at maya-maya ay nilisan na niya ang sala namin. “Nakakaloka ka!” dagdag na wika niya.
Bigla ko na lang naramdaman na parang may likidong tumutulo sa mukha ko. Mainam ko itong hinawakan gamit ang sarili kong mga palad at nang makita ko ito ay napangiti na lang ako dahil dugo pala. Hindi ko man lang naramdaman at napansin ang mga sariwang dugo na bumabalot sa pisngi ko.
Tanging ang kirot lang sa puso ko ang bumabalot nito. Ilang taon na rin ang lumilipas pero ganoʼn pa rin siya; walang pagbabago.
Ginamot ko muna ang aking mga pasa, saka nilinis ang mga basag na mga bote na nasa sahig. Pagkatapos kong maglinis ay nagtungo ako sa kusina para kumain. Tanging toyo lang ang nagsilbing ulam sa kanin ko. Mas maayos na sa akin ang toyo at kanin kaysa magutom tulad ng mga pulubi sa lansangan.
Naglalakad ako papunta sa RSS Construction Site. May part-time kasi ako rito bilang isang construction worker.
“Magandang hapon po, sir. Narito na po ako,” magalang na bati ko sa may-ari rito.
“O sʼya, Niah. Dalhin mo na ang mga hollow blocks sa ikapitong palapag. Sabihan mo na lang ako kung tapos ka na para may ipautos naman ako, maliwanag?”
“Opo,” katuwiran ko.
Sa bawat pagbubuhat ko ng mga hollow blocks ay nararamdam kong kumikirot ang mga sugat sa mga balikat ko ngunit hindi ko `yon inalintana dahil kailangan kong magtrabaho para may maibigay akong pera sa kaniya. Buong hapon akong magtrabaho rito at mahigit mga isang daang hollow blocks ang akin nabuhat.
Dahil sa gutom na ako, napagpasyahan kong bumili ng tinapay sa panenderya. Tanging limang tinapay ang binili ko at isang malamig na tubig dahil sobrang nagtitipid ako.
Natanaw ko ang isang batang pulubi sa gilid ng lansangan. Mukhang gutom na gutom na siya kaya linapitan ko. Lumuhod ako sa harapan niya at ibinigay sa kaniya ang tinapay at tubig ko.
“Para sa `yo.” Ibinigay ko ang aking pagkain sa kaniya.
“Maraming salamat po.”
“Baʼt nasa lansangan ka?”
“Iniwan na nila ako lahat. Hindi ko rin kilala ang mga tiyuhin ko.”
“Ilang taon ka na?”
“Pitong-taon na ako.”
Napangiti na lang ako dahil may naalala ako.
Ate, I will stay by your side forever. I love you, ate.
Napatulo na lang ang mga luha ko sa alaalang iyon. Agad ko naman niyakap ang bata dahil hindi ko mapigilan ang aking nararamdaman.
“Puwede bang rumito ka muna?”
“Bakit po, ate?”
“Babalik ako mamaya.”
Nagtungo na ako sa pamilihan para gawin ang trabaho ko. Nagbuhat ako ng mga gulay, prutas, at bulaklak sa mga tindahan. Kinuha ko ang mga listahan na ibinigay sa akin ng may-ari at inilagay sa bulsa. Kinuha ko ang isang sako ng pechay at inilagay sa balikat ko, saka kinarga patungo kay Aling Mei na nasa Stall #18. Dalawang oras din akong nagbuhat ng mga sako.
“Salamat po, boss.”
Nagtungo naman ako isang bantog na cafe shop na kung saan ang trabaho ko ay isang tagalinis ng sahig at banyo.
“Good Evening po, Mr. Delajar,” bati ko sa front clerk.
“Good Evening din, Niah. Doʼn ka raw maglilinis sa ikalawang palapag ng mga banyo.”
“Maraming salamat.”
Nagmabilis akong nagtungo sa storage room para kunin ang mga kagamitang panglinis sa banyo.
Maigi kong nilinis ang mga inidoro, nilagyan ng mga tissue, nilinis ang mga labado at sinuri kong mayroon pa bang liquid soap bawat labado. Hindi naman ito marumi dahil ang mga gumagamit dito ay mga mayayaman. Tinipon-tipon ko ang mga basura sa basurahan para hindi na ako mahirap sa pagbubuhat sa baba.
Pagkalabas ko ng palikuran at hawak-hawak ang mga maliliit basurahan ay laking gulat ko na lang nang makita ko ang maamo nʼyang mukha sa gilid ng glass door. Hindi pa rin nagbabago ang mukha ni Raze, ganoʼn pa rin. Napabaling na lang ang atensiyon ko sa kasama niyang dalagingging na si Crystal Heart Fernandez.
Kumusta na kaya sila? Hindi na ako magtataka kung naging sila na nga. Sheʼs habitually at his side. Are they husband and wife? Or engaged?
Noʼng mga hayskul pa kami ay parati sila ang magpares dahil sa kanilang pantay na katayuan sa buhay. Nasa kanila na ang lahat-lahat—pera, ari-arian, mukha, katalinuhan samantala ako, ganoʼn pa rin—mahirap, pangit, hindi nakapagtapos.
Sa sobrang kakaisip ko sa kanilang dalawa ay hindi ko namalayan na mayroon na pala akong nabanggang babae.
“What the hell!” hiyaw sa akin ng marikit na babae.
Nagulat ako dahil tumilapon sa kanya ang hawak niyang iced coffee.
“Iʼm deeply sorry, maʼam,” pagpapaumanhin ko sa kaniya.
“Sorry?! Do you know how much this dress Iʼve wore? This is expensive than your life! How dare you!” hiyaw nito.
Halos manginig ang buong tuhod ko sa tono ng bawat pananalita niya. Walang mga letrang lumalabas sa bibig ko dahil sa kahihiyan at takot. Pareho lang sila ni nanay ng ugali.
Sakto naman nagsidatingan ang mga tagapagsilbi sa cafe shop na ito.
“Ayos ka lang, Niah?” tanong sa akin ni Alona.
“Are you asking if sheʼs fine? Come on, this girl is totally stupid,” mungkahi nito at binuhos sa akin ang natitirang ice coffee nʼya.
Napayuko na lang ako sa kahihiyan. Hindi ko matiis ang mga taong parati akong pinapahirapan. Sigurado akong nakatingin na sa akin sina Crystal at Raze.
“Call your manager. I need to talk to him. Kung ayaw mong masisante sa trabaho,” babala niya kay Alona kaya sinunod niya ang utos nito.
“M-masusunod po, maʼam.”
Napabaling sʼya sa akin at dinuro. “You better prepare some explanations, Ms. Lousy Girl.”
Habang humahakbang ako papunta sa managerʼs office ay hindi maipinta sa akin mukha ang kaba at takot na baka mawalan ako ng isang trabaho.
Kailangan ko pa man ng pera para kay nanay.
“Anoʼng maipaglingkod ko sa inyo?” tanong ni boss.
“Itong tagalinis ninyo ay sobrang tanga. Akalain nʼyo po, tinapunan ako ng ice coffee na iniinom ko.
“Iʼm really sorry, sir,” tipid kong aniya. Pakiramdam ko ay ikukulong na ako sa bilangguan dahil sa isang maling nagawa ko.
“Puwede naman natin pag-us—” saad ni Sir Fabillo.
“No! I want you to fire her, or else, I will destroy this shop. I have the power to do that because Iʼm mighty.”
“I apologize for what just happened, maʼam,” pagkukumbinsi ko kaniya at hindi na ako nagtumpik-tumpik pa. Agad akong lumuhod sa kaniyang harapan at humingi ng paumanhin. Nakita ko naman ang naging reaksiyon nila dahil ss ginawa ko.
Bigla naman bumukas ang pinto at natanaw ko sina Crystal at Raze na tumitingin sa gawi namin.
“Ninong, ma—”
“Anoʼng kailangan mo, Raze? May pinag-uusapan kami.”
“Ninong, pasensiya sa abala pero `yong hinihingi raw ni dad na mga dokumento.
“Kunin mo na lang.” Pumasok naman sila sa loob ni Crystal at hinanap ang mga dokumento. Sa oras na ito, hindi ko na inalintana ang dalawa.
Napatayo na lang ako sa sarili kong mga paa at hinarap ang malditang babae. “Alam ko naman na kasalanan ko lahat-lahat pero ang manglait ng kapwa ay hindi `yon makatarungan, ms. Sa ikakatahimk ng lahat, I quit this job. Again, Iʼm so sorry, ms. Itʼs not my intention to destroy your beautiful outfit. Youʼre not fallacy, miss. Wala nga akong pinag-aralan pero ang tanging masasabi ko lang ay be respectful to all the people around you, mahirap man sʼya, o mayaman dahil ang tunay na taong mabait at may pinag-aralan ay alam ang salita at kahulugan ng paggalang,” paliwanag ko, saka tuluyan nang nilisan ang cafe shop.
Pinipigilan kong hʼwag tumulo ang aking mga luha dahil sawang-sawa na ako. Kahit malagkit ang buong katawan ko ay hindi na ako nagpalit dahil wala naman akong damit na dala.
Mahirap talaga tanggapin ang mga taong walang pinag-aralan at mahirap kasi parati ka nilang tinatapakan. Ang mga mayayaman naman ay inaabuso nila ay kanilang kapangyarihan sa kasamaan.
Napabuntong-hininga na lang ako para mailabas ko naman ang tunay kong nararamdaman na hindi umiiyak. Nagtungo na lang ako ng mga tindahan ng damit para bumili ng sariling damit at para agad kong mapuntahan ang lalaking pulubi na nakita ko kaninang hapon.
Sana nandoon pa siya dahil gustong-gusto ko ang batang `yon.