“Ano ba, Niah! Ganito lang ba ang maibibigay mo sa 'kin?” bulalas ng nanay ko habang hawak-hawak ang dalawang daang pera mula sa aking pitaka. Palagi na lang ako nasisigawan kapag kulang ang perang naibibigay ko sa kaniya.
Naghanap ako ng iba't ibang trabaho para lang matustusan ang pangagailangan niya pero kailanman'y hindi ito naging sapat.
“Sorry po, nay. 'Yan lang po kasi ang natirang pera mula sa trabaho ko. Kinuha mo na po kahapon 'yong iba.” Ang lakas nang kabog ng puso ko sa tuwing nakakausap ko siya na galit. Ayokong nakikitang nagagalit si nanay dahil nag-iiba siya ng anyo. Nakayuko lang ako dahil hindi ko magawang salubungin ang kanyang nanlilisik na titig. Mas lalo n'yang hinigpitan ang pagkakapit sa braso ko kaya namilipit ako sa sakit.
“Talagang sinasagot-sagot mo pa akong bata ka.” Hinila n'ya ako sa may gilid ng sofa at kinuha ang isang puting bakal na medyo may kahabaan.
Agad naman akong nagpumiglas dahil alam ko ang sunod niyang gagawin ngunit sadyang mas malakas s'ya. Kusa na lang ako napapikit habang marahas na inihampas-hampas sa 'kin ang bakal. Sa bawat hampas niya ay ramdam ko ang sakit at pagkirot ng aking braso. Paniguradong magkakaroon ito ng mga pasa maya-maya at mga ilang linggo ay magiging peklat naman. Parang kinapos ako nang hininga habang nanginginig ang buong katawan ko. Maya-maya ay naramdaman kong umaagos na ang dugong nanalaytay sa 'kin.
“N-nay, m-masakit. T-tama na po.” Pagmamakaawa ko habang patuloy na umiiyak dahil sa sakit na aking nararanasan.
Sakit dahil sa namumuong sugat sa mga braso ko at ang pagkirot ng puso ko dahil sa ginagawa niya. Hindi ko naman siya sinagot. Sinabi ko lang naman 'yong totoo pero bakit gano'n? Palagi na lang s'ya ganyan sa akin. Minamaltrato at inaalipusta ako pero hindi ko magawang magreklamo dahil unang-una ay ina ko pa rin s'ya. Hindi ko kayang mag-ipon ng sama ng loob dahil mahal ko siya. Walang anak na 'di mahal ang kanyang ina dahil alam ng mga anak ang mga paghihirap ng isang ina kapag isa pa lamang itong sanggol o kahit man nasa sinapupunan. Pilit kong iniintindi siya kahit sa kaloob-looban ko ay masakit na. Sobrang sakit na parang pinipiga ang puso ko.
“'Yan ang napapala mo kung sinasagot-sagot mo ako. Palibhasa kasi... wala kang kwentang anak. Hindi ko nga maintindihan kung bakit kita pinanganak sa mundong 'to. Pasalamat ka narito ka pa sa bahay kahit wala ka namang silbi.” Itinulak niya ako paupo at itinapon sa mukha ko ang aking pitakang walang laman.
Napahawak na lang ako nang mahigpit sa laylayan ng damit ko. Gusto kong isumbat sa kaniya ang mga hinanakit ko. Gusto kong malaman n'ya ang nilalaman ng puso ko... na nasasaktan din ang isang tulad ko pero naduduwag ako. Isa rin akong nilalang na tao. Mas pinipili kong manahimik na lang 'pagkat ayaw ko nang gulo. Wala naman siyang pakialam sa akin kaya wala ring silbi ang mga sasabihin ko.
“Sorry na po,” paghihingi ko ng paumanhin.
Hinila niya ang buhok ko kaya napahiyaw ako sa sakit. Parang nabunutan ako ng isang malalim na bala na nasa gitna ng puso ko. Sa lakas nang pagkakahila n'ya ay parang natatanggal ang anit ng buhok ko. Lumuhod s'ya sa harapan ko at inanggat ang ulo ko kaya nakasalubong ko ang nakakamatay niyang mga tingin. Napalunok na lang ako ng dalawang beses at pilit na tumitig sa kanya kahit gusto kong umiwas.
“Huwag kang iiyak-iyak sa harapan ko. Hindi ako madadala riyan. Anong tingin mo sa 'kin? Maawa ako sa 'yo? Hihingi ng tawad sa 'yo? Hoy! Wala akong pakialam sa 'yo at mas lalong wala akong pakialam sa sorry mo,” dikta niya, sabay bitaw sa pagkakahawak sa buhok ko at pinagpagan ang sariling damit bago tumayo.
Itinapon n'ya sa gilid ang hawak n'yang bakal at umalis sa harapan ko. Nakasunod ang tingin ko habang naglalakad siya papunta sa may pinto. Parati na lang ganito ang eksena sa bahay. Aking inay! Kailan mo ba ako ituturing na isang anak? Hanggang ngayon ay 'di ko pa rin magawang itanong sa kanya 'yon dahil gusto kong malaman ang mga kasagutan. Tumigil s'ya sa harap ng pinto at muling lumingon sa gawi ko.
“Kapag hindi ka makapasa sa interview mo ay malilintikan ka talagang bata ka. Kailangan pag-uwi ko ay mabibigyan mo na ako ng pera na mas malaki pa kaysa sa binigay mo ngayon,” she said with a monotonous tone at malakas na isinara ang pinto kaya lumikha ito ng malaking tunog. Siguro pupunta s'ya sa pasugalan para tumaya ulit at ubusin ang pera.
Pinunasan ko na lang ang mga luha ko at pilit na tumayo kahit masakit pa rin ang pinagbagsakan ko kanina. Napahawak ako sa dumurugong braso ko habang maliliit na hakbang na naglalakad patungo sa kuwarto. Normal lang sa 'kin ang ganitong pangyayari kaya nagpapanggap na lang ako na parang walang nangyari. Ilang taon na akong naghihintay na magbago siya pero gano'n pa rin. She's my mother who always neglecting me as her daughter.
Linock ko muna ang pinto at kumuha ng medicine kit na nasa itaas ng aparador. Pag-upo ko sa kama ay kinuha ko ang bulak at pinunasan ang mga dugong nagkakalat sa braso ko. Ilang bulak ang mga nagamit ko hanggang sa tumigil ito sa pagdurugo. Muli akong napahiyaw dahil sa pagkirot ng aking mga sugat habang nilalagyan ng alcohol. Iniinda ko lang 'yong sakit na ginagawa sa akin ni nanay. Kahit gusto kong umalis ay hindi puwede dahil ayokong mapag-isa ulit. Lahat ng mga mahal ko sa buhay ay iniwan na ako. Si nanay na lang ang natitira sa 'kin. Ayokong mawala rin siya sa piling ko. Natatakot akong maiwan ulit mag-isa.
Bakit ba ganito ang buhay?
Bakit puro pasakit ang dulot nito?
I always asked that to myself kahit hindi ko naman mahanap ang kasagutan.
Pinalibutan ko ng benda ang mga sugat ko para matakpan ito at maghilom ang mga sugat na natamo ko. Wala na ngayon ang taong nagliligtas sa akin sa tuwing ginagawa ni nanay sa akin 'to. Kailanman'y hindi na siya babalik. Sariling comfort na lang ang ginagawa ko dahil wala namang ibang tao ang gagawa no'n. Pagkatapos kong gamutin ang sugat ko ay nagtungo ako sa banyo upang magbihis ng susuotin ko sa pupuntahan ko.
Isinuot ko ang isang turtle neck na long sleeve at maong pants na pinaresan ng high-cut shoes. Linugay ko ang aking buhok para balat na balat ako. Napangiti ako nang mapait habang tinitingnan ang aking repleksyon sa salamin. Sinisigurado kong walang taong makakaalam ang mga tinatago kong mga lihim. Ang mga sekretong magbubunyag sa pagkatao ko. Palagi kong sinusuot ang maskarang lagi kong ginagamit. Ang maskarang nakikita mo ay babaeng nagpapanggap na masaya para hindi nila malaman kung ano ang nakakubling mukha sa likod 'yon. Huminga ako nang malalim bago lumabas ng banyo.
Hinihiling ko na matanggap ako sa trabahong pinasok ko. Sana mapili na ako sa panghuling interview ko. Marami na akong pinasukang trabaho pero hindi ako matanggap ng mga kompanya dahil hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral. Wala akong perang pangbayad sa tuition at ibang babayarin sa school kaya sa murang edad ay nagtratrabaho ako upang matugunan ang aming pangangailangan. Siguro kung ipinagpatuloy ko ang aking pag-aaral ay nakahanap na ako ngayon ng disenteng trabaho.
Lumabas ako ng bahay at ikinandado ang pinto. Marami kasing magnanakaw sa lugar namin. Halos magkadikit ang mga bahay dito kaya madaling pasukan ang katabing bahay. At para na rin makasigurado ako na ligtas ang mga gamit sa loob. Hindi naman uuwi ngayon si nanay dahil buong araw siya sa pasugalan.
Habang naglalakad ako ay pinagtitinginan ako ng mga kasambahay na nasa labas. Ang iba ay masasama ang tingin sa akin dahil sa nangyari noon. Alam kong sa isipan nila ay tinatapunan nila ako ng masasamang salita. Wala akong masyadong kaibigan dito dahil hindi pa rin nila makalimutan ang nakaraan. Halos lahat sila ay binabalewala ang pamilya namin. Minsan nga sinugod nila ang bahay namin at pilit kaming pinapaalis.
Umiwas na lang ako nang tingin at bahagyang napayuko. Mas binilisan ko ang aking paglalakad at 'di sila pinansin dahil nahihiya akong harapin sila. Nadamay ako sa nangyaring kaguluhan noon. Napabuntong hininga na lang ako sa tuwing maalala ko 'yon.
Nang makarating ako sa sakayan ay nag-abang ako ng jeep na masasakyan ko papunta sa kompanya. Maraming tao rin ang naghihintay kaya magsisiksikan ito pagkadating ng jeep.
Sa totoo lang ay nakakaramdam ako ng kakaiba. Ewan ko ba! Parang hindi maganda ang mangyayari ngayong araw. Parang sumama ang pakiramdam ko. Kung ano-ano na lang ang iniisip ko. Siguro kinakabahan lang ako sa interview mamaya.
Tumigil ang jeep sa harapan ko kaya sumabay ako sa nagkukumpulang mga tao. Ang mga nauna ay nakapasok agad sa loob. Nagsisiksikan ang mga tao kaya halos maghalo-halo ang mga amoy at pawis nila. Halos maipit na ang mga maliliit na mga bata na kasama nila. Halos magkapalitan na sila ng mukha dahil sa pagkakadikit-dikit. Halos 'di ka na makahinga dahil sa sikip para lang makapasok. Ganito ang buhay ng mahirap. Kailangan maging madiskarte ka kung gusto mo talagang mabuhay. Ako 'yong huling nakapasok dahil nasa may bandang likuran ako kaya umupo ako sa maliit na stool.
Huling pumasok ang isang matandang lalaki na medyo may edad na. Wala nang mauupuan dahil napunta sa 'kin ang huling upuan. Mukhang nalungkot ito at walang magawa. Pababa na sana s'ya ngunit pinigilan ko s'ya. Baka kasi may importanteng lakad siya.
“Lolo, kayo na po ang maupo.” Tumayo ako at pinaubaya na sa kanya ang upuan.
Naalala ko sa kaniya si Lola na merong arthritis. Mabagal at nahihirapan siyang kumilos. Kapag matanda na ay madaling dapuan ng iba't ibang sakit dahil nanghihina ang kanilang katawan. Inalalayan ko naman siya paupo sa stool.
“Salamat, binibini. Hulog ka talaga ng langit.” Napangiti naman ako dahil sa sinabi n'ya.
Sabi ni lola, kung kaya mong tumulong sa isang tao ay tulungan mo. Hindi naman ibig sabihin na nagpapakabayani ka. Ginagawa mo lang ang nararapat gawin bilang isang tao. Nagsimulang gumalaw ang jeep kaya kumapit ako nang mabuti sa railings. Buti na lang may naiwang barya pa sa bulsa ko kaya may pamasahe pa ako.
Tumingin ako sa labas at nakikita ko ang mga usok na binubuga ng mga sasakyan. Polluted ang hangin at ang lawak ng Maynila. Talagang masisira ang kalikasan dahil sa mga pollution tulad ng; air, water, at land. Maraming mga nagtataasang gusali ang nadadaanan namin. Nililipad ang mga buhok ko dahil sa hangin. Isang hangin na tinuturing kong mapanglinlang.
Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa at tinawagan 'yong kaibigan ko na si Sheena. Naging maingat naman ako sa pagkakapit sa railings para hindi ako mahulog. Makailang ring ito bago niya sagutin ang tawag.
“Ano na naman ang kailangan mo?” bungad niya agad. Straight to the point talaga ang babaeng 'to. Hindi man lang magawang batiin ako. Napangiti na lang ako dahil mukhang naiirita s'ya.
“As always ireserba mo ako d'yan. 'Yon lang. Thanks.” Binabaan ko agad s'ya ng tawag dahil tiyak na manenermon ang babaeng 'yon.
Mamaya na ako makikinig sa sermon kapag nando'n na ako. Paulit-ulit kasi ang sinasabi niya kaya minsan nakakarindi sa tenga. Ibinalik ko na lang ang cellphone ko sa bulsa at pinagtuonan nang pansin ang pagkakapit ko. Isang maling galaw ko lang ay tiyak mahulog ako.
Nang makarating ako sa kompanya ay bumaba agad ako ng jeep. Napatingala ako at namangha sa laki ng kompanya na 'to. Ilang palapag kaya ito? Grabe! Hindi ako makapaniwalang makakapasa ako sa evaluation. Kung sakaling matanggap ako rito ay baka maligaw ako sa laki at lawak nito. Baka umabot ng mga ilang buwan bago ko maisaulo ang lugar.
Binasa ko ang nakaukit na pangalan ng kompanya Villaruel's Game Launching Company (VGLC). Sikat ang kompanyang ito at bali-balita ay napapanood ito sa telebisyon. Balita ko ay isa sa pinakamayamang negosyante sa bansa ang may-ari rito. Siya ang pinakabatang namamahala ng kompanya sa industriya pero hindi naging hadlang 'yon dahil magaling ito sa pakikipagkalakalan. Hindi ko pa siya nakikilala pero nasisiguro kong na makikita ko siya mamaya. Para tuloy akong na-excite na makilala s'ya. Sumakit tuloy ang leeg ko sa kakatingala. Grabe!
Naglakad ako ng ilang hakbang papasok sa entrance habang hawak-hawak ang brown envelope na naglalaman ng mga credentials ko.
Ang gara ng kompanyang ito. Unang bumangad sa 'kin ang mga empleyadong palakad-lakad na parang nagmamadali. Nakita ko ang mga janitress na naglilinis sa sahig at nakasuot sila ng uniform. Sosyal pala ang kompanyang 'to. Ang masasabi ko lang ay napakaganda at napakalaki ang lugar. Malinis ang bawat sulok at walang bakas ng mga dumi na makikita.
Lumapit ako sa babaeng nakatayo sa gilid ng front desk. Nababagay sa kanya ang suot niyang damit na pang-opisina. Medyo hindi siya katangkaran pero maganda ito. Nagpaturo ako sa kanya ng direksyon papunta sa opisina ng boss nila. Mukhang nagalit pa s'ya dahil naabala ko ang paglalagay n'ya ng mga kosmetiko sa mukha. Tinitigan pa niya ako mula ulo hanggang paa at kung makatitig ay parang sukang-suka sa itsura ko. Pinabayaan ko na lang siya dahil ayaw ko naman nang gulo. Narito ako para magtrabaho at hindi makipag-away. Nakipagsabayan ako sa mga empleyadong nasa elevator. Narinig ko ang usap-usapan ng tatlong babae tungkol sa may-ari ng kompanya.
“Bakit ba ang sungit-sungit ng boss natin? Sayang guwapo pa naman s'ya.”
“Oo nga! 'Yong magkasintahan dito ay tinanggal agad sa trabaho dahil nakita n'yang magkahawak ang kamay na papasok sa may entrance.”
“Pinaglihi talaga 'yan sa sama ng loob dahil sa itim ng budhi. Balita ko'y walang lovelife 'yan simula noon. Dahil sa pagiging bitter n'ya sa pag-ibig.”
“Paano pa kaya kung magkaroon s'ya ng girlfriend?”
“Ano ka ba? Walang papatol sa kanya. Suplado 'yon at halimaw. Walang babaeng tatagal sa kanya. Baka nga hanggang sa pagtanda ay hindi s'ya makapag-asawa.”
Nagtawanan naman sila pati na rin ang ibang empleyadong ay nakisabay sa pagtawa. Habang ako ay mas lalong nadagdagan ang curiosity ko. Lalaki pala ang may-ari rito. Kinilabutan tuloy ako sa sinabi nila na halimaw s'ya. Hindi naman niya siguro kakatayin ako ng buhay. Hindi naman niya siguro ako papatayin kapag magkamali ako. Hindi naman s'ya kakain ng isang tulad ko.
Napalunok tuloy ako ng tatlong beses at gusto kong umalis na lang dito. Baka hindi ko kayanin sa new environment at atmosphere rito. Pero bakit gano'n? Parang may nag-uudyok sa akin na kilalanin s'ya. Parang gusto kong malaman kung tama ang haka-haka nila o may iba pang dahilan?
Nagsilabasan naman sila hanggang sa ako na lang ang natira. Pinindot ko ang V's office dahil doon daw ang opisina n'ya. Ano ba itong nararamdaman ko? Parang nagiging interesado ako sa lalaking 'to. Hindi dapat ako magkagano'n sa isang taong hindi ko pa nakikilala ng lubos- lubusan. Maging magkaibigan kaya kami? Pero malabong mangyari 'yon dahil masama raw ang ugali n'ya.
Nakarating ako sa kinaroroonan ko kaya humugot muna ako nang malalim na hininga. Gawin mo lahat ng makakaya mo Niah. This is it! You can do it. Just be yourself at matatapos din ang interview mo. Kailangan hindi ako kabahan. Lalo na ay makakaharap ko ang may-ari ng kompanya. Kailangan talagang matanggap ako sa trabaho kundi mapaparusahan ulit ako ni nanay kapag wala akong perang maibibigay sa susunod na mga araw. Tumuwid ako nang tayo bago lumabas ng elevator.
Nakita ko ang mga aplikanteng nakaupo sa labas habang hinihintay na tawagin ang mga pangalan nila. Marami rin pala ang gustong magtrabaho rito. Makakapasa kaya ako? Parang imposible na mapili ako. Ang iba ay mukhang nababagot na sa kakahintay. Napalunok tuloy ako at humanap ng bakanteng upuan. Narinig ko naman ang sigaw ng isang matandang babae habang palakad-lakad sa pasilyo.
“Applicant Number 20!” Itinaas ko ang kamay ko dahil 'yon ang aking nakarehistrong numero.
Tumigil s'ya sa harapan ko at nakapamewang na tinitigan ako. Mukhang galit ito dahil siguro nahuli ako nang dating. Nakakatakot siya kaya lumakas tuloy ang pintig ng puso ko. Para s'yang halimaw na kakainin ako ng buhay. Napakagat labi na lang ako at sinalubong ang titig niya.
“Buti naman ay nakarating ka pa. Be prepared dahil ikaw na ang susunod.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ako na pala ang sunod? Kararating ko pa lang. Ako na agad ang susunod. Jusko! Hindi pa ako prepared. Tinalikuran niya ako at may ibinulong na narinig ko naman. “Kahit hindi ka naman makakapasa.”
Bumukas ang pinto at may lumabas na babaeng umiiyak. Dumaan siya sa harapan ko habang tumatakbo papunta sa elevator. Anong nangyari? Bakit siya umiiyak? Masyado bang harsh ang may-ari rito? Puwede bang magback-out na lang ako? Mas gugustuhin ko yatang pagalitan na lang ako ni Nanay kaysa makaharap ang boss nila. Masyadong nakakatakot siya. Magmula pa lang sa usap-usapan sa elevator hanggang dito. Halimaw yata ang lalaking 'yon at natatakot akong harapin siya. Tanggap ko na hindi ako makakapagtrabaho rito dahil hindi naman ako mapapasok sa magarang kompanya na 'to. Hindi naman siguro ako matatanggap dahil sa katayuan ko sa buhay. Baka ipamukha lang n'ya sa akin na galing ako sa mahirap na pamilya.
Tumayo ako at akmang tatalikod na sana ngunit may tumawag sa buong pangalan ko.
“Miss Chenaniah Xyrah Ricafrente?” Napalingon ako dahil sa pamilyar na boses na narinig ko.
Napaawang ang labi ko nang makita ang isang magandang dilag na lumabas sa nakaawang na pinto ng opisina. Too late! Wala nang atrasan 'to. Hindi malayo ang pagitan namin sa isa't isa kaya madali siyang nakalapit sa 'kin. Hanggang sa tuluyan kong makita ang mukha n'ya na ikinagulat ko.
“Crystal!” Gulat ang gumuhit sa mukha ko.
Ilang taon kaming hindi nagkita pero mas lalo siyang gumanda at tumangkad. Paniguradong marami pa rin ang mga manliligaw n'ya hanggang ngayon. Halos lahat ng mga estudyante ay kilala siya sa paaralang pinapasukan namin noon. Kilala ko siya. Siya 'yong kaibigan ni—
“Oh! You still remember me.” Ngumiti siya nang malapad pero halatang pilit lang 'yon.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala ang galit n'ya dahil sa ginawa ko sa kaibigan niya. She should be angry towards me. After all, ako ang may kasalanan ng lahat-lahat. Sinira ko ang relasyon namin.
“By the way, it's Ms. Fernandez. Nice meeting you again, Ms. Ricafrente.“ Napatikhim na lang ako at napaiwas nang tingin sa kaniya.
Muling nanumbalik sa akin ang sakit ng mga ginawa kong pagtataksil. Nabuwag ang pagkakaibigan namin dahil sa mga desisyon ko.
“Don't be shy, Niah. Nahiya ka ba nang iwan mo s'ya? Hindi 'di ba? Pinerahan mo pa nga siya?” prangka niyang saad kaya napahigpit tuloy ang pagkakahawak ko sa envelope na dala ko at nanahimik na lang.
Ayokong magsalita dahil baka lumabas sa bibig ko ang mga lihim na aking tinatago. Saka ko lang naalala na nagtratrabaho pala siya rito. What if? Oh no! Hindi maaaring mangyari ang nasa isip ko.
“Back to business. Hindi mo naman sinasagot ang tanong ko. Follow me.” Tumalikod siya at naunang maglakad.
Magaling ako sa pagtakas pero ngayon ay wala akong magawa. Tanging pagsunod sa kanya ang ginawa ko. Napabuntong hininga na lang ako at pilit na pinapakalma ang nagwawala kong puso. Ano naman kung magkatotoo 'yon? Wala na sa akin 'yon. Hindi na ako apektado do'n dahil matagal ko na siyang kinalimutan.
Pagkapasok ko sa opisina ay 'di ko mapigilang mamangha sa mga nakikita ko. Black walls at sa gilid ay may malaking sliding door. Lahat din ng mga furnitures ay mamahalin. Iba't ibang mga pigura ang nakikita ko na nakapatong sa istante. Siguro 'yon ang mga napanalunang parangal niya sa kompanya. Napatuon ang tingin ko sa isang mesa at nakatalikod na swivel chair. Nasa likod yata ang magiging boss ko kung sakaling makapasok ako.
Biglang umikot ang swivel chair kaya nagulat ako sa aking nakita.
My instincts are right. It's the same man I loved from long time ago. Nagkasalubong kami nang tingin pero panandalian lang 'yon dahil umiwas agad ako. Iminuwertsa naman ni Crystal ang kanyang kamay tungo sa visitor's chair kaya sumunod na lang ako.
“Goodluck!” she said and tap my shoulders bago naglakad palabas ng opisina.
Naiwan kaming dalawa sa loob ng opisina. Nararamdaman ko ang kakaibang temperatura na nanggagaling sa opisina niya. Inabot ko sa kanya ang folder at tinanggap naman niya ito.
Binuklat n'ya ito at binabasa ang nilalaman habang ako ay tahimik lang. Hindi ko mapigilang mapasulyap sa kanya. Ilang metro lang ang layo namin sa isa't isa pero pakiramdam ko ang lapit ko sa kanya. Siya pala 'yong usap-usapan kanina na halimaw. Ang laki ng pinagbago niya. Hindi na siya tulad ng dati.
“Ms. Ricafrente,” pagtatawag niya sa pangalan ko at ibinaling ang tingin sa akin kaya napalinga ako sa ibang direksiyon. Napatikhim na lang ako at umupo nang tuwid.
“Yes, sir?” may pag-aalangan kong ani. Nanunuyo ang lalamunan ko at ang lakas nang kabog ng puso ko dahil sa kaba.
“Chenaniah Xyrah Ricafrente. You didn't went to college. You terribly lack in some skills. You have no experiences when it comes to game agency. Tell me, what is your quality that can be use in my company? How can I hire someone like you?” tanong niya sabay baba sa hawak niyang folder at hinintay ang sagot ko.
Sa kabila ng pagiging nerbiyosa ko ay pilit kong sinagot siya.
"Sipag at tiyaga. Hindi man ako nakapagtapos ng pag-aaral pero sanay ako sa mga trabaho na iiatang niyo sa akin—" he cut me off and laughed in a contemptuous manner.
“Ms. Ricafrente, walang silbi ang mga 'yan kung wala kang alam. All the employees here are professionals and all of them went to college.”
“Alam ko... pero mas lalong walang silbi kung hindi ka magsisipag at magtitiyaga. Hindi naman basehan kung nakapagtapos ka o hindi. May utak nga sila pero pa'no kung tamad naman?” balik na tanong ko. Mukhang nairita naman siya sa isinagot ko.
“So, are you saying that my employees ay utak lang ang dala? You think that they are lazy?” giit niya at napaigtad na lang ako sa gulat nang marahas niyang inihampas ang lamesa.
“Hindi naman 'yon ang punto ko. Ang sinasabi ko lang... Oo, wala akong alam sa trabahong iyan, but I assure you that I will learn. Besides, lahat naman tayo ay dumadaan sa pagkatuto.”
“I'm not looking for an employee that needs to learn. This is not an institusyon for educating people. I need professionals only,” mariin niyang paliwanag.
“Ang mga professionals ay dumadaan muna sa mga proseso bago maging ganap at magaling sa isang larangan. How can you know kung ano ang galing na maipamamalas ko kung hindi mo muna makikita? How can you know kung hindi mo naman susubukan? You will only know once you hire me.”
Pinagkatitigan niya ako nang maigi at may kung ano-ano ang tumakbo sa isipan niya. Why do I feel something strange? Parang may kakaiba sa puso ko. Napailing na lang ako at napahilot sa dibdib ko.
Napangiwi naman siya at napabuntong hininga bago magsalita ulit, “Well! Let's see about that.”
“Last question... Why should I hire you? I need some "honest" answer from you.”
Alam kong may pinanghuhugutan siya sa salita 'yon. Pero kasalanan ko naman iyon.
Nagbago na rin siya. Parang nag-iba na 'yong ugali niya. Hindi siya katulad ng dati.
“Kailangan ko ng pera.” 'yon lang ang tanging sabi ko.
“Bakit ka sa akin lumapit? Pinagpalit mo 'di ba ako sa lalaking mas mayaman sa akin... Nasaan siya?” sarkastikong wika niya.
“So... Hindi mo pa nakakalimutan ang nakaraan natin?” balik tanong ko sa kanya.
Sorry kung kailangan ko itong gawin.
Bigla namang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya.
“Matagal na kitang kinalimutan. Pagkatapos mo akong iwan ay wala na akong natitirang pagmamahal sa 'yo.”
Nasaktan ako sa mga salitang binitawan niya. Pero hindi ko lang iyon pinahalata.
Napasandal na lang ako visitor's chair at naghintay na muli s'yang magsalita.
“Pag-iisipan ko pa kung tatanggapin ba kita. Nababahala ako na baka nakawan mo ang kompanya ko. Mahilig ka pa naman sa pera.”
“I understand, Mr. Villaruel.”
Agad akong lumabas sa opisina niya at agad na nagtungo sa palikuran. Minabuti kong isara nang mabuti ang pinto at humarap sa salamin.
It's really painful.
'Yong lalaking binawela ka na lang...
Pero ginusto ko naman 'yon.
Biglang nanikip ang dibdib ko kaya napahawak ako rito at marahang minasahe iyon. Unti-unting nagsitulo ang pinipigipan kong mga luha.
Ilang minuto ako nasa restroom. Buti na lang walang tao ang pumupunta rito.
Ilang minuto akong umiyak kaya namugto ang mga mata ko. Nanghilamos na lang ako ng mukha gamit ang dalawang mga palad ko para maging malinaw ang mga paningin ko.
Agad akong lumabas sa restroom at nagmadaling makaalis sa building.
Dapat inalam ko muna kung sino 'yong magiging boss ko. Sa dinami-dami ng puwedeng maging Villaruel ay siya pa ang aking nakita.
Walang pag-asa na matatanggap ako. Galit siya sa akin kaya gagantihan niya ako.
Napabuntong hininga na lang ako at muling naglakad patungo sa pupuntahan ko.
Ilang metro ang linakad ko na hindi inalintana ang sikat ng araw. Kahit pagod na pagod na ako at pawis na pawis ay pinagpatuloy ko pa rin ang paglalakad.
Nang matunton ko ang lugar ay pumasok agad ako sa loob.
“Sheena,” pagtatawag ko ng mahagip siya ng aking mga mata. Mukhang nairita naman itong lumapit sa 'kin.
Bago siya magsalita ay inunahan ko agad siya. “As always.”
“Pero Niah... pa'no kung ma—”
“It's okay.”
Napabuntong hininga na lang ito. “Sige, for how much?”
“Two-thousand pesos.”
“Alam mo bang delikado ang ginagawa mo?” nag-aalalang tanong niya kaya napaiwas na lang ako ng tingin.
“Alam ko... Kailangan ni nanay ng pera... Ayokong magalit siya sa akin... Kaya please lang.” Pagmamakaawa ko sa kaniya.
“Fine... It's your life after all... Sige na, humiga ka na riyan. Hintayin mo na lang ako. Kukunin ko 'yong kakailangin mo.”
Humiga naman ako at hinintay siya. Pinikit ko na lang ang mga mata ko.
Masaya ako na makita ko ulit siya kahit panandalian lang 'yon. Kaso nga lang, hindi na siya palangiti tulad ng dati.
Naramdaman kong dumating na siya.
Maya-maya ay naramdaman kong kumirot ang braso ko na senyales na ginawa na niya. Nanatili pa rin akong nakapikit.
“Iisa lang ang katawan mo, Niah. Kung hindi mo aalagaan ay tiyak na hindi ka magtatagal sa mundong ito.”
“Alam ko,” pabulong kong saad.
“Puwede ka namang umutang ng pera 'di ba?”
“Ayokong umutang. Nagsisi na ako.”
“Maghanap ka nang matinong mauutangan.”
“Sino naman? Alam mo naman na wala akong ibang kaibigan bukod sa 'yo, saka kung uutang ako ay wala naman akong maibabayad. Lahat ng pera ko kinukuha niya.”
Natahimik siya. Wala yata s'yang maisasagot sa tanong ko.
Mahirap din siya kaya hindi ako puwede umutang sa kaniya.
Ilang sandali ay tahimik ang paligid hanggang sa... natapos ang ginawa namin.
Agad kong binuksan ang mga mata ko at umupo sa kama.
“Huwag ka nang ulit bumalik dito.”
“Pero—”
“Makinig ka naman sa akin, Niah. Huwag mong pairalin ang pagiging matigas ng ulo mo. You're so stubborn.”
“Nag-ingles pa,” bulong ko.
“Sige, aalis na ako,” dagdag kong aniya sa kaniya. Agad naman niyang inabot ang pera sa akin.
“Kapag matanggap ka sa trabaho. Bumili ka ng lipstick.”
“Bakit naman, Sheena?”
“Tingnan mo 'yong mukha mo sa salamin. Malalaman mo ang kasagutan.”
Sasagot na sana ako nang tumunog ang selpon ko. Kinuha ko agad ito sa bulsa ko at sinagot ang tawag ni nanay.
“Umuwi ka na ritong bata ka! Bilhan mo ako ng beer atsaka sigarilyo sa labas!Bilisan mo kung ayaw mong matulog sa doghouse.”
“Akala ko nasa pasugalan ka ngayon—”
“Bakit? Ayaw mo bang umuwi ako ng bahay? Gusto mong ikaw lang mag-isa sa bahay riyan. Aba! Kung palayasin kaya kita. Umuwi ka na dito. Ngayon na!" utos siya. Napabuntong hininga na lang ako nang babaan niya ako ng tawag.
“Malditang ina mo na naman 'yan. Umuwi ka na, Niah. Baka umulan ngayon, wala ka pa namang dala na payong. Dalian mo kung ayaw mong matulog sa doghouse.”
Alam niya kung ano'ng mangyayari kaya napangiti na lang ako. Nagmadali akong bumangon sa kama, saka umalis na do'n sa lugar.
Sumakay ako ng tricycle dahil palubog na ang araw. Tiyak papagalitan ako kapag gabi na ako umuwi ng bahay.
Habang nagmamaneho ang driver ay nakatingin ako sa magagandang paligid. Nakikita ko ang mga puno na magkakatabi sa iisang lugar. Parang pamilya lang, buo at hindi naghihiwalay.
Pinigilan ko agad ang luhang nagbabadyang tumulo.
Sana buo pa ang pamilya ko.
Alam kong hindi na maibabalik ang dati.
Napadako ang mata ko sa isang paaralan. Sakto lang na huminto ang sasakyan dahil traffic.
Pangarap kong makapag-aral diyan.
Malapit na pala ang pasukan.
Malabong makapag-aral ako riyan. Wala nga akong pera pang-tuition. Pa'no pa kaya 'yong mga libro, notebook, ballpen, at iba pa pang kailangan bilhin.
Napabuntong hininga na lang ako at sumandal sa upuan hanggang sa nagtuloy-tuloy na sa pag-usad ng sasakyan hanggang sa kanto ng bahay namin.
Pagbaba ko pumunta mo na ako sa malapit na tindahan upang bumili ng beer para kay nanay pati na rin sigarilyo. Kahit ayaw ko siyang bilhin ng ganyan dahil alam kong makakasama 'yan sa kalusugan pero papaluin naman ako kapag 'di ko siya bigyan.
Pag-uwi ko sa bahay ay nadatnan ko siya sa sala nanonood ng telebisyon. Napalingon naman siya sa gawi ko.
“Buti naman nakauwi kana... Akin na yan.”
Lumapit agad ako sa kanya at inilapag sa lamesa ang mga dala ko, saka nagtungo sa kusina upang kumuha ng baso at lighter.
“Natanggap ka ba sa trabaho?”
Napaiwas naman ako nang tingin sa kaniya.
“N-nirereview pa po n-niya.” kinakabahan kong wika.
“Sige, siguraduhin mong matatanggap ka riyan... napagdesisyunan kong gawin kang p********e sa isang bar kapag hindi ka matanggap.”
“A-ano!”
“Bakit ayaw mo? Huwag ka nga mag-inarte. Pera ang kailangan ko, saka huwag ka nga magmalinis d'yan.”
Hindi na ako sumagot at umalis na patungo sa kuwarto.
Humiga ako sa kama at tuluyan nang bumuhos ang luha ko.
Palagi akong mahina.
Palagi akong maiiyakin.
Palagi akong nasasaktan.
Lahat na lang ng mga problema nasa 'kin na.