SUNOD-Sunod na katok sa front door ang gumising kay Lucille nang maidlip siya ng tanghali. Dinig niya iyon mula sa kwarto na tinutulugan kaya naman kumaripas siya pababa sa pag-aakalang importante, kamuntik pa siyang mahulog sa mabuti na lang ay nakakapit sa hawakan ng hadgan
Pagkabukas niya ng pinto. Isang matandang lalaki ang nakita niya. Mas bata ito ng kaunti kay Tatay Virgilio.
“Hello po, sino po sila?”
Saglit na natigilan ang matanda. Bahagya pa nitong naiawang ang bibig nang pagmasdan siya. “Ah, ikaw ba si Lucille? ‘Yung girlfriend ng pamangkin ko?”
“A-ano po?” utal niyang tugon sabay ang pamumula ng pisngi! Teka, sino ba ito? Bakit girlfriend ni Lucas ang pagkakilala sa kanya? Pamilyar sa kanya ang mukha ng matanda, saan niya kaya ito nakita? Pamangkin daw nito si Lucas, ‘di kaya’y si Tiyo Berting ito? Oo! Hawig ni Tatay Virgilio!
“Oo! Ako si Berting. Nakababatang kapatid Kuya Vir. ” Ngiti nito na may halong ngiwi. Pinaglalaro pa ang daliri sa kamay at parang hindi mapakali.
“Ay! Kumusta po!” Nilawakan ni Lucille ang pagbukas sa pinto. Tama nga siya. “Pasok po kayo.”
“Ah, hindi na, hija! Nandito ako dahil… ano kasi… huwag kang mabibigla, ah?”
“Bakit po? Ano bang nangyari?” biglang bumilis ang t***k ng kanyang puso.
“Paano ko ba ito sasabihin? Si Lucas kasi….” anito sa nagpa-panic na ang itsura at palingon-lingon pa kaliwa’t kanan!
Dahil may bumangong pangamba sa kanyang puso, hinawakan ni Lucille si Tiyo Berting sa mga balikat nito at niyugyog niya ito ng mabilis para matauhan. “Tiyo Berting! May nangyari po bang masama kay Lucas? Sabihin niyo po!”
“Nasa ospital siya, Lucille! Na hit and run siya ng van! Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay! Malala ang tama niya!”
“Po?!” Nanlaki ang mga mata niya. “Sandali lang magbibihis lang po ako. Pupuntahan ko siya!”
Akmang aalis na si Lucille nang hawakan ni Tiyo Berting ang braso niya. “Ay! Naroon na si Kuya Vir, kabilinbilinan niya sa akin ay bantayan kita rito at ‘wag na munang sabihin sa’yo. Pero sa tingin ko ay karapatan mong malaman iyon kasi asawa ka niya. ‘di ba?”
Bahagyang napanganga si Lucille. Kanina girlfriend, ba’t ngayon asawa na niya agad? At… hindi kaya ay sobra na naman ang kwento nito tungkol sa binata? Napailing si Lucille pero magkagayun pa man ay hindi siya matatahimik hangga’t hindi nasisigurado kung maayos na ba si Lucas. Tinanong niya si Tiyo Berting kung saan ospital naroon ang binata, at ayon sa matanda ay nasa Batangas daw. Batangas? Paanong napunta doon si Lucas? Hiningi ni Lucille ang address ng ospital at numero ng kwarto kay Tiyo Berting at binilinan na ito muna ang doon sa bahay. Pipigilin pa sana siya ng matanda pero hindi siya pumayag. She’s worrying too much. Naaksidente na si Lucas ay hindi pa niya nasasabi ang totoo niyang nararamdaman para rito.
Ilang oras naghintay ng masasakyang Ferry si Lucille sa Calapan Port pero nagtiyaga siya. Habang naghihintay ay taimtim siyang nananalangin na kahit man nasa ospital si Lucas ay sana ay stable na ang lagay nito.
Makalipas ang ilang oras ay narating na ni Lucille ang lugar na pakay. Sa isang suit room ng ospital na iyon nakita niyang nakahiga si Lucas. Mag-isa lang ito. “Lucas? Oh! My God.”
“Lucille?!” bigla-biglang umupo ang binata ang makita siya.
Napakagat ng pang-ibabang labi si Lucille sabay takbo niya sa binata at agarang pagyakap ng makalapit. “Ano bang nangyari sa’yo?” napapiyok siya.
“Huwag ka ng mag-alala, okay na ako.” bahagyang pinaghiwalay nito ang kanilang mga sarili at hinawakan siya sa pisngi. Tuluyan nang pumatak ang luha sa mga mata niya nang makita ng mas malapitan ang mukha nito. May mga pasa at sugat ang binata sa mukha. “Bakit ka ba nasagasaan? Hindi ka ba tumitingin sa tatawiran mo,” iyon na lang ang nasabi niya. Ayaw niya naman itong pagalitan pa sa nangyari kaya lang ay nag-alala lang talaga sya ng husto. Mabuti na ang nga ay pansin niyang malakas ito, parang nabunutan siya ng tinik sa lalamunan.
“Hindi. Aksidente lang naman ang nangyari. Huwag ka nang umiyak. Heto nga ako, oh? Humihinga pa,” sagot nito. Sa kabila ng tinamo, hindi niya alam kung bakit nagagawa pa nitong ngumiti. “Huwag ka nang mag-alala.”
“Paanong hindi ako mag-aalala? Ang sabi ng Tiyo mo, malala raw ang tama mo. Wala ka raw malay.” Lumabi siya at suminghot.
Napailing si Lucas at marahang napamura . “Si Tiyo Berting talaga, kahit kailan. Siguro sinabi niya sa’yong patay na ako?”
“Hindi naman! Pambihira ka rin,” inis niyang tugon.
Umiling si Lucas, bahagyang natawa na lang at inayos ang pagharap sa kanya. “Hindi ako papayag na mamatay ng ganoon na lang. Mamahalin mo muna ako bago ako mamatay hindi ba?”
Naiyak na siya, ngunit bahagya siyang natawa dahil sa sayang nararamdaman. Pinunas ni Lucas ang luha na dumaloy sa kanyang pisngi, bago siya nito banayad na kinabig papalapit dito. He started to kiss her now closed eyes, and her nose. At alam niya na kung saan ang kasunod niyon—walang iba kundi sa kanyang mga labi. She breathed using her mouth, kaya awang ang mga labi niyang sinalubog ang mga labi nito.
That was the second time they kissed each other. Iyong una ay naaalala niya, but she was too drunk kaya para iyong isang panaginip lang. But this time, it was very real. Hindi siya lasing.
Hinapit ni Lucas ang kanyang baywang habang siya ay napayakap sa batok at kapwa patuloy sa paghahalikan. Nang masapo ng labi niya ang sugat ng upper lip ng binata at bahagyang natikman ang dugo ay nahinto niya. But still, he was moving slowly, and gently sucking her lips.
Ang isa nitong kamay ay dumako sa likod ng kanyang ulo at mas kinabig pa siya papalapit.
“Mahal ko, sige na… tumugon ka naman,” bulong nito sa kanyang mga labi.
Lucille’s eyes were half-closed, napangiti siya sa endearment nito muling ibinuka bibig at iniayos ang pagtugon. Nag-iba ang takbo ng halik ng binata, bigla iyong naging malalim at mapang-angkin. Napaungol si Lucille nang bahagya nitong kagatin ang itaas niyang labi, she even shivers when she felt his tongue traced her lips in between.
“Oh…” napasinghap siya at napasabunot sa buhok nito.
“L-Lucille, ah… s**t,” he said, moaning with pleasure. Nagpatuloy sila sa paghahalikang matagal at malalim. Kung hindi pa yata sila mauubusan ng hangin sa baga ay wala silang balak tumigil. Kapwa sila humihingal nang bahagyang maghiwalay.
“Tang-ina, talagang hindi pa pwede akong mamatay. Ang s-sarap,” hinihingal na sabi ni Lucas.
Napangiti naman si Lucille na habol pa rin ang hininga, hinaplos niya ang pisngi nito at pinagmasdan ang mukha. Kahit puro sugat at pasa ang mukha nito ay kay gwapo pa rin nito sa kanyang paningin
“Ah, guys? Ang mabuti pa aalis muna kami. Baka mamatay ako sa inggit, eh. ‘di ba, Tay Vir?”
Kapwa napatingin sina Lucille at Lucas sa nagsalita. Bahagya pa siyang nagulat, s**t! Sa pag-aalala at kasabikang makita si Lucas ay hindi niya napansin nasa may pinto sina Inspector Aaron at Tatay Virgilio! Agad na napatayo si Lucille.
“Tay! Narito na po pala kayo, pasensya na sainyo, Inspector.” ani Lucille na biglang napayuko. Ora-mismo ay nais niyang bumukas ang kinatatayuan at lamunin ng lupa! Nakaramdam siya ng pag-iinit ng pisngi dahil sa matinding hiya. Ang sarap ng halikan nila ni Lucas, iyon pala ay may nanonood! Nakalimot siya at hindi niya iyon sinasadya, nadala siya sa emosyon pagkakita sa binata kaya ang akala niya ay sarili na nilang dalawa ang mundo.
“Wala ‘yun, Miss Lucille.” Tawa ni Inspector Aaron sa reaksyon niya.
“Ay, naku! Okay lang naman!” ani Tatay Virgilio na ikinumpas ang kamay sa ere, pero nakangisi ito! “Kararating lang naming ni Aaron at hindi naming nakita ang lahat!”
“Ahm… Tay? Tol? pwedeng iwan niyo muna kami ni Lucille?” Pakiusap ni Lucas na mukhang iritable.
“Okay. Sige maiwan na namin kayo.” Sabi ni Aaron na pilyong ngumiti at sinenyasan pa si Lucas ng ‘go’ bago tuluyan nang umalis.
“Ah, mga anak. Lalabas na rin ako, gusto niyong i-lock ko ang pinto?” tanong pa ni Tatay Virgilio.
“Hindi po.”
“Opo.”
Nagkasabay sa pagsalita sina Lucille at Lucas. Tumingin siya sa binata at bahagya niya itong pinandilatan ng mga mata. Kakamut-kamot naman ito sa ulo, tila ba na-disappoint.
Nakayukong inihatid ni Lucille ng tingin si Tatay Virgilio hanggang sa makalabas ito ng pinto. Nang ibalik niya ang tingin kay Lucas ay ay nakangiti na ang binata habang nakakagat sa pang-ibabang labi, nangingislap din nito ang mga mata.
“Ano bang nakakatawa?” pagtataray niya dito.
“Wala naman.” Tatawa-tawa nitong tugon. “Halika, please?” Inilahad nito ang kamay para abutin siya, iniabot niya naman iyon at lumapit dito.
“Isa pa nga,” hirit nito at tumingin sa kanyang mga labi.
“Ano’ng isa pa?”
Lumabi si Lucas, senyas na gustong magpahalik. Kinabig siya ng binata ngunit hinawakan niya naman ito sa balikat at pinigilan, doon lang ito napasimangot at nagprotesta na parang bata. “Bakit?”
“I think, you need a rest.” Dumako ang tingin niya sa isang sulok ng labi nito na may pasa. Bahagya iyong dumugo siguro ay na-pressure dahil sa kanilang paghahalikan. “Dumugo ang labi mo, pasensya na.”
“Okay lang,”
“Lucas!” Bahagya niya itong itinulak nang balak pa siyang halikan! “Marami namang time para dyan! Ang mabuti pa magpahinga ka muna. Isa pa baka may dumating duktor at nurse.”
Lucas moaned desperately, nabitin nga ang mokong. Sinabihan muli ni Lucille na magpahinga na ito, ngunit ayaw. Ang gusto ni Lucas ay tabihan siya nito sa paghiga kaya wala siyang nagawa kundi sundin ang nais nito. Kaya doon sa hospital bed na bahagyang naka-elevate, magkatabi sila at magkayakap, bahala na kung may dumating na duktor o nurse.
“Ngayon ko lang na-realize, kanina pala sa port pinagtitinginan ako ng mga tao dahil hindi ako mapakali. My thoughts were on you. Kagabi rin hindi ko mapakali dahil hindi ka umuwi. Inisip lang namin ni Tatay Vir na kila Tiyo Berting ka matutulog kasi nanakawan sila,” sabi ni Lucille. Mabini niyang hinaplos ang buhok nito, ang binata naman ay titig na titig lamang sa kanya.
“Talaga ba? Pasensya na kung nag-alala ka sa’kin. Siguro sobra-sobra nanaman ang ikinuwento sa’yo ni Tiyo Berting.”
Bahagyang ini-angat niya ang ulo upang tingnan pa ito ng maayos. “Then, ano ba talaga ang nangyari? Kaya mo bang magkwento?”
Tumango si Lucas.
“Small time magnanakaw iyong pumasok sa bahay nila Tiyo Berting at kaibigan pa ni Iseng— pinsan ko. Ninakaw ‘yung alkansya ni Tiyo Berting, pati ‘yung tuta nilang imported pinagdiskitahan at mga beer sa ref. Ayun, nasa pangangalaga ng dswd ‘yung magnanakaw kasi nga menor de edad. Eh, si Iseng naman todo iyak kasi may gusto doon sa lalaki. Pinakiusapan si Tiyo Berting na maliit lang daw na bagay iyong mga kinuha kaya ayun nakabartulina sa bahay.”
“Ga’nun ba? Pambihira naman sariling kaibigan gaganunin nya ang pamilya. Iba na talaga ang karamihan sa mga kabataan ngayon.”
“Ang mokong na batang iyon, buti nga hindi niya ninakaw si Isengng. Pero gaya ng dati ay sobra na naman ang kwento ni Tiyo Berting.” Umayos sa pagkakahiga si Lucas at mas lalo pa siyang niyapos. “Pero ngayon, maayos naman sila. Sobra lang talaga siyang magkwento. At iyon nga, tinawagan ako ni Aaron kasi may pag-uusapan lang kami. Tagarito rin kasi sila sa Batangas, tapos nung paglabas namin ng restaurant ayon hindi inaasahan na may makakasaga sakin. Buti na lang hindi ako nagulungan, iyon nga lang tumalsik ako. Pasensya na hindi kita natawagan. Ang tagal na nating magkasama sa iisang bubong pero hindi kita naa-update.
“Lagi naman tayong magkasama.” Hinaplos niya ang mukha nito at mabining pinagmasdan. It felt so good lying beside him, at gusto niyang maramdaman din nito ang pag-aalaga niya.
“Iniisip ko nga nang mga oras na naaksidente ako ay sana mas lalo pa akong nag-ingat. Iniisip kasi kita, dahil alam kong kailangan mo ako.” Mahina nitong tugon.
“Yeah, I need you in my life, Lucas. Alam mo bang ang routine ko noong mawala sina Lola Rosie at Mama? Negosyo, uwi, mag-donate sa mga charity at pumunta ng Moondawn home for the aged. At bihira lang akong magsaya. Paulit-ulit lang iyon, pinaniwala ko ang sarili ko na kuntento na ako sa ganoon set-up. But everytime I’m alone ay napapaisip ako. I want something more pero hindi ko alam kung ano, hanggang sa dumating ka. Unang beses pa lang kitang nakita, alam kong kailangan na kita, not just as my bodyguard, but I need you in my life. Pilit ko lang niloko ang sarili ko na hindi kita kailangan kasi kaya ko namang mabuhay mag-isa at inisip kong hindi pwede akong mapalapit sa isang lalaki dahil kina lolo at sa ama ko. I’m sorry kung nasupladahan kita, pero ngayon handa ko nang tanggapin ka sa buhay ko. You dedicated your life to me , mahal mo nga ako.” mahabang litanya ni Lucille.
“Lucille. Mahal na mahal kita.” Umangat sa pagkakahiga si Lucas, ito pa ang umalalay sa kanya na umupo. “I love you so much, kaya kong isakripisyo ang buhay ko para saiyo.”
Bigla nanamang uminit ang mata niya. She really needed this man so much, because she loves him… so much. “I love you, too. Lucas.” Inilapit niya ang sarili dito. Saglit na hindi makagalaw ang binata, tila napipi.
“P-pakiulit nga ang sinabi mo?”
“Ang sabi ko, mahal kita. Tagalog na para mother tongue mo na.”
Tila biglang nais nang maiyak ni Lucas, umiling-iling pa ito sabay ang pagyakap sa kanya. Napapikit naman si Lucille nang damhim ang mahigpit nitong yakap. Hindi siya magsasawang yakapin ito, mabuti na lang nga at hindi ito tuluyang umalis noong itinataboy niya. Ay oo nga pala. Sinabi na ni Lucas sa kanya kung bakit siya nito kinulit, at iyon ay dahil sa may pagtingin na ito sa kanya una pa lamang. Ipinatong ng binata ang noo sa noo niya. “Pangako, hinding-hindi ka magsisisi sa piling ko.”
“Alam ko, at hindi kita pakakawalan dahil ikaw pa lamang ang minahal ko.” bulong niya. Kapwa napangiti silang dalawa, pagkatapos ay napatingin sa mga labi ng bawat isa. They were about to kiss again, kaya lang ay may pumasok nang duktor at nurse!
AYON sa Duktor ay maayos naman ang resulta ng CT scan at X-ray ni Lucas. Kailangan lang daw nitong manatili doon sa ospital sa loob ng ilang araw para makapagpahinga. Over-all ay wala naman daw dapat silang alalahanin kaya pare-pareho silang nabunutan ng tinik.
“Lucille,” ngiti ni Inspector Aaron nang lumabas ni Lucille sa kwarto ni Lucas. Nakaupo ang lalaki sa upuan doon sa hall.
“Tulog na si Lucas. Gusto pa sana ngang makipagkwentuhan, ang sabi ko magpahinga na,” aniya na naupo sa tabi nito. “Si Tatay Vir?”
“Ayon, naninigarilyo sa fire exit,” ani Inspector Aaron saka umayos ng upo. “Mabuti na lang nga ay maayos na ang kalagayan niya ngayon.”
“Salamat sa pagdadala mo sa kanya dito sa ospital, ah? Mabuti na lang nga nangyari man ang aksidente na iyon ay kasama ka niya.”
“Wala ‘yun, magkaibigan kami ni Lucas. At kahit ibang tao pa siya, tutulungan ko pa rin siya.” sagot nito.
Nginitian lang naman ni Lucille ang lalaki.
“Siya nga pala, kumusta ka sa Mindoro? Hindi ka ba naman naiinip doon?”
Umiling si Lucille. “Hindi naman! Napakaganda at tahimik ng lugar kahit sanay akong laging busy ay kahit wala na akong ginagawa ay hindi ko alam na lumilipas na ang oras,” aniyang bumuntong-hininga at napatingin lang sa kanyang unahan. Yes, she’s telling the truth, dahil bukod sa relaxing ang lugar ay araw-araw niya ring nakikita si Lucas at hindi siya magsasawa kahit na kailan. “Kaya lang, naiisip ko rin ang business ko. Almost two weeks na akong hindi nakakapagtrabaho.”
“Alam mo, sa pagmamanman namin kung nasaan ang shop mo ay wala nang kahina-hinalang naroon. Every hour na rin ang ronda at mas marami pang CCTV ang naipakalat sa area. Sa area ng bahay mo, wala namang napansing kakaiba ang mga tauhan ko. At kahit sa condominium kung nasaan ang unit mo ay mas pinaigting pa ang mga seguridad.”
“Aaron, thank you. Napakabuti mo naman,” ani Lucille na sinserong hinawakan ang kamay ng lalaki.
Tipid na ngumiti si Aaron. “Ano ka ba? Wala iyon. Kaibigan ko na rin ang taong mahalaga kay Lucas.”
Siya naman ang ngumiti saka umayos ng upo. She really appreciates the effort that Lucas was doing for her safety, at pati na rin si Aaron ay nabubulabog nila. Ang swerte niya kay Lucas dahil may mabait itong ama at kaibigan na nagmamalasakit rin sa kanya.
Nang araw ding iyon, tumawag kay Lucille si Ivy at nangumusta ang kanyang assistant. Maayos naman daw ito pati na rin si Tibong, kaya lang ay sangkaterbang customer na raw ang naghahanap ng kanyang produkto. Umalis na si Inspector Aaron dahil may kailangan pa raw itong asikasuhin. Si Tatay Virgilio ay kanyang kinausap na kung pwede ay sasaglit siya sa Quezon City. Ayaw pa sanang pumayag ng matanda para sa kanyang safety, pero sabi niya ay saglit lang siya. Kung magising man si Lucas ay sabihin na lang daw dito na bumalik siya ng Mindoro para kumuha ng damit. Napapayag niya naman ang matanda.
Napaisip si Lucille. Hindi pwedeng mabuhay na lang siya sa takot nang dahil lang sa Winston na iyon. Kailangan niya ring maging matapang para sa sarili nang hindi umaasa kay Lucas. Isa pa, ayon kay Inspector Aaron ay wala namang kahinahinala sa mga lugar na nabanggit nito. Kasi ang totoo niyang ay gusto niya ring silipin kahit ang kanyang condo unit lamang, magwawalis lang siya dahil paniyak niya ay maalikabok na roon, maliligo at pagkatapos ay babalik na rin ng ospital.