CHAPTER SEVENTEEN

1410 Words
MAGANDANG UMAGA, MAHAL! I LOVE YOU…. Pasensya na kung hindi mo na naman ako nadatnan, kung mabasa mo ito ay siguro nasa kabilang bayan na ako. Tinawag lang ako ni Tiyo Berting, saglit. Nagmamahal, Lucas. Napangiti si Lucille nang makita sa bedside table ang tatlong piraso ng gumamela at mabasa ang love letter ni Lucas. Bahagya siyang natawa dahil masyado itonf old school at tagalog na tagalong ang sulat pwera lang sa ‘I love you.” At aba, hindi niya pa sinasagot pero may endearment na ito sa kanya! Inamoy niya gumamela kahit hindi niya iyon maamoy na sobrang bango. Malamang doon iyon galing sa kumpol ng tanim sa ibaba, pero sobrang saya ng puso niya kaya naman impit siya napatili. She never felt that kind of feelings before. No wonder, hindi niya masisisi si Ivy kung ganito ang bumungingis kapag nakakakita ng gwapo. Nakakaramdam naman si Lucille ng kilig, ngunit sa telebisyon lamang kapag may nakikita siyang tambalang lalaki at babae na nagkakagustuhan. Ngunit ngayon niya lamang naramdaman ang pansariling kilig, because a man likes her, and she likes him, too. Ganoon pala iyon, ano? Bigla-bigla na lang siyang napapakislot at namapapangiti. It was such a wonderful feeling, at kahit turning thirty na siya ay wala naman siyang pinagsisisihan kung bakit ngayon niya lamang iyon nadama Atleast, kay Lucas, sa tamang tao. Bumaba si Lucille na may ngiti sa mga labi at sa sala ay doon niya nadatnan si Tatay Virgilio. Inaayos nito ang antenna na nakakabit sa likuran ng TV. “Good morning Tatay Vir!” Napatingin naman sa kanya ang matanda, eksakto noon ay ayos na ang signal ng TV. “Good morning hija. Hindi mo na nadatnan si Lucas.” “Ay, may iniwan po siyang sulat. Pupunta raw po sa kabilang bayan dahil tinawag raw po siya ni Tiyo Berting.” “Ay oo, dahil nanakawan daw. Pero baka mamaya niyan, manok lang ‘yung nanakaw sa kanya. Alam mo bang ‘yung kapatid kong iyon? Sobra-sobra magkwento!” Kinumpas nito ang kamay sa ere. “Ah, ga’nun po ba? Pero hindi niyo po ba pupuntahan?” aniya. oo nga medyo may pagka oa si Tiyo Berting ayon sa kwento ni Lucas. Pero nakakaawa naman, ano kaya ng nanakaw sa matanda? “Hindi na! Siguradong marami na ‘yung tinawag na kapit-bahay. Isa pa nandoon naman si Lucas, hindi na ako kailangan dun.” “Ah, okay po.” Tumangu-tango siya. “Siya nga pala, magkape muna tayo, tapos sama ka sa akin doon sa malaking bahay, ha? Para makita mo naman ‘yung regalo sa’kin ni Lucas.” “Talaga po? Oh, sige po!” Agad namang pag sang-ayon niya. Kape at tinapay na may reno spread at ginataang bilo-bilo ang inalmusal nina Lucille at Tatay Virgilio. Gusto niya sanang tumulong naman sa pag handa ng mga makakain ngunit madalas ay nauunahan siya ng matanda na magluto. Sanay na ito sa pagluluto, isa pa ay laging madaling-araw nagigising ito kaya hindi na niya naaaubutan. Triple ang laki ng bahay ni Tatay Vir kumpara doon sa kasalukuyan nilang tinutuluyan. Sementado, up and down at mayroon ding malawak na bakuran. Ayon sa kwento ni Tatay Virgilio, bunga iyon ng pagsisipag ni Lucas simula bata pa lamang. Mula sa pangingisda at maraming side line ay masinop itong nag-ipon ng pera. Langgam daw ito dahil halos pagtulog lang ang pahinga. Hindi rin daw magastos ang binata at halos walang material na bagay ang binibili, ngunit generous pagdating sa ama. Dagdag pa doon sa pagbili ng bahay ay ang perang kinita nito sa scout ranger. At kahit papaano ay hindi niya na iniisip kung ano ang pinagkakakitaan nito since hindi naman pala bayad ng mama niya ang serbisyo nito sa kanya. Maraming ipon ang binata, pwera pa sa business nitong dried goods na ang namamahala ay ang Tiyo Berting nito. “Ang sipag po pala ni Lucas. Alam nyo, Tay? Pareho pong ang swerte nyo sa isa’t isa,” komento ni Lucille. Pinupunasan niya ang display na naroon sa center table sa sala. Kanina pa siya sinasabihan ni Tatay Virgilio na huwag nang tumulong dahil kaunti lang lang lilinisin nito. Pero maatim niya bang tulala lang siya habang ito ay may ginagawa? “Ay! Sinabi mo pa, anak!” Tugon nito habang nagwawalis. “Kapag nga bumalik na ang mag-asawa sa Australia, lilipat na ako dito. Mababait ang mga amiga at amigo ko rin ang mga katabing-bahay. Alam mo dito sa lugar, talagang magkakasundo kami.” “Oo nga po.” Inilapag niya ang napunasang vase sa mesa at kinuha ang boat display. “Kahit nga rin po ako, magaan sa pakiramdam na mababait ang mga nakakakwentuhan kong tao. Lalo na po ang pamilya ni kapitan.” “Mabuti naman kung ganoon! Hindi ka magsisisi dahil feel at home ka talaga dito sa’min!” “Oo nga po! Ngiti niya. Nagpatuloy sila sa kanilang gawa. Pero may maya ay nagtanong ni Tatay Vir na saglit na huminto sa pagwawalis.“Ah, hija? Pwedeng magtanong?” “Ano po iyon?” ani Lucille na hindi na ito nilingon. Naka-focus siya sa ginagawa. “Nasabi na ba sa’yo ng anak ko ‘yung dapat niyang sabihin?” Doon na siya tumingin dito. “Tungkol po ba doon sa asawa at anak niyang hanggang ngayon ‘di pa po nakikita? ‘Yun pong sa lumubog na barko.” Bumuntong-hininga si Tatay Virgilio. “Oo. Siguro nga ay hindi na namin sila makikita. Kung ako lang, ‘di na ako umaasang buhay pa sila. Hay naku...” “Opo nakwento na niya po sa akin.” Napailing siya. “Alam niyo ba Tay? Naaawa ako sa kanya. Mabuti siyang tao at sa tingin ko hindi niya deserve masakatan ng ga’nun. “Tama ka. At bilang ama, ako rin nahihirapan na tuwing nakikita kung minsan ay natutulala siya at iniisip ang kanyang mag-ina. Maging ako ay iniisip din naman ang dati kong hipag, lalo na ang apo kong kakawa. si Lucas, hindi matahimik ang isipan kasi mabuti kung nakita niya ang bangkay nung kanyang mag-ina. eh, hindi, eh. Mas mahirap iyon.” Napayuko si Lucille at bumagsak ang dalawang balikat. Tama si Tatay Virgilio, kung may bangkay sanang nakita si Lucas ay hindi ito mahihirapan masyado. Kahit siguro siya ang nasa kalagayan nito ay hindi siya matatahimik. “Pero alam mo ba, hija. Noon iyon, noong hindi ka pa dumating sa buhay niya. Pero ngayon kahit hindi siya ngumiti ay alam kong masaya siya dahil kasama ka niya.” Ani Tatay Virgilio. Tipid namang ngumiti si Lucille. “Tay, hindi po mahirap mahalin ang anak niyo. iniisip ko nga ang swerte naman ng asawa niya sa kanya.” Ngumiti si Tatay Virgilo. Kinuha nito ang kurtina sa sofa at pinalitan ang nakatabing sa malaking bintana. “Pero hindi iyon nakita ni Amarah. Alam mo kung pwede lang sampalin ang babaeng iyon, sinampal ko na,” humarap si Tatay Virgilo sa kanya. “Kung kani-kanino pumapatol ang babaeng iyon. Hindi mapirmi! Akala ko nga ‘yung anak niya ay hindi anak ni Lucas, pero nung nakita ko ‘yung sanggol ay ang lakas ng dugo ni Lucas, siyang-siya noong sanggol pa lamang dahil halos wala silang pinagkaiba. Pero kahit ganoon si Amarah ay ilang beses na nga siyang tinanggap ni Lucas. May anak man sila pero hindi pa rin siya karapat-dapat sa anak ko.” Muli ay saglit na nahinto si Lucille sa ginagawa, naipako niya ang tingin sa flower vase. Naikwento sa kanya ni Lucas na iniwan din si Tatay Virgilio ng asawa nito, pero hindi iyon naging basehang kung bakit hindi ito na-bitter. He was so positive about giving his heart another chance to love. Kabaliktaran niya ang binata na hindi pa nga niya sinusubukang magmahal ay ayaw na niya agad. But she is willing to give her heart a chance, lalo na kung kay Lucas niya iyon ibibigay. “Lucille, sana pagbigyan mo ang anak ko na mahalin ka. Ako na ang nagsasabi sa’yo, bigyan mo lang siya ng pagkakataon ay makikita mo kung gaano siya kasarap magmahal,” sabi ni Tatay Virgilio. Ngumiti naman si Lucille. “Susuklian ko po iyon. Ibibigay ko po ang pagmamahal na karapat-dapat para sa kanya.” Napaharap sa kanya si Tatay Virgilio habang nakatuntong sa silya, ngumiti ito ng malawak bago muling bumalik sa ginagawa. Wala na itong bang sinabi, sapat nang marinig nito ang kanyang isinagot para ito’y maging maligaya para sa anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD