Masakit ang ulo ni Lucille nang dahan-dahan siyang magmulat ng mga mata. Mula sa kinahihigaan, naupo siya at nakangiwing sinalat ang tila ba pumintig na ulo. At pagkatapos ng ilang minuto sa lagay na iyon ay inilibot niya ang tingin sa paligid.
Naroon siya sa kwarto ni Lucas, bahagya siyang napayuko at napatingin sa kumot na nakatabing sa kanyang mga hita, at nang makita niyang iba na ang suot na damit ay agad siyang natigilan. Nakasuot na siya ng malaking puting tshirt at panty!
“s**t! Sino’ng nagbihis sa’kin?” nanlalaking mga matang sabi nya sabay ang paghawak sa dibdib na bigla na lang kumalabog ng malakas. Ang huling naaalala niya ay nag-iinuman sila nila Kristina at ng iba pa, pagkatapos ay nakipagharutan sa mga bagong kaibigan, sumayaw at…
“Oh, my…” natigilan si Lucille at natutop ng isang kamay ang bibig. “What have you done, Lucille?!” Napahawak siya sa magkabiglang pisngi na bigla na lang uminit. She was a responsible drinker, hanggang apat na shots lang ng brandy o kaya dalawang bote lang ng San Miguel Beer ang kanyang tini-take , pero nang nakaraang gabi ay nnaparami siya dahil na rin sa undyok ng mga kasamang nakapalagayan agad ng loob. She lost count on how many bottles of beer she had. At kapag nalasing siya ay mas malakas ang kanyang loob at mas nagiging totoo sa sarili. She danced with her new friend, sang on videoke and nastily feed each other with ten foot cake. At habang ginagawa nila ang kabaliwan na iyon ay panay lang ang cheer ng mga tao sa paligid, tinalo pa ni kapitan ang okasyon ng pistahan dahil sa ingay ng mga tao. Ngunit aware siya sa mga nangyayari!
Pagkalipas ng ilang oras, hindi na kinaya ng ilan ang baha-bahang alak. And the next thing she knew— she was talking to Lucas na namalayan niya na lang na nasa harapan niya. Even though she was heavily drunk, she also still aware on what she said to him. She flirted with him, she even kissed him on his face, his neck and…
“Oh, my…” mariin siyang napapikit. Nais kastiguhin ni Lucillie ang sarili kung bakit nagawa niya ang mga bagay na iyon. Okay lang sana kung doon niya inilabas ang kabaliwan sa mga kasamang babae, pero kay Lucas? Ano ba ang mukha niyang maihaharap sa binata!? Ano na lamang ang iisipin nito na ganoon siyang uri ng babae? Siya pa ang unang umamin na na-miss niya ito. Nakakahiya!
Pabagsak na bumalik si Lucille sa pagkakahiga sa katre, at kahit walang ibang tao roon ay tumalukbong pa rin siya ng kumot. Kung ilang oras siya sa lagay na iyon ay hindi niya alam. At kung hindi pa kumatok si Tatay Virgilio ay hindi siya lalabas, nag-alala raw ito dahil a la una na ay hindi pa siya bumababa at kumakain.
Ayaw niyang makita si Lucas, pero sigurado namang makikita at makikita niya ito kaya kahit hiyang-hiya man napilitan siyan maligo bago bumaba.
“Magandang hapon,” masiglang bati ni Lucas nang makita niya itong nakaupo sa dining area at humihigop ng kape. Pansin niya rin na gumuhit ang ngiti nito sa ibabaw ng rim ng mug!
“Magandang hapon rin,” pilit siyang ngumiti, kunwa’y inayos ayos niya anT buhok.
“Mukhang napasarap ang tulog mo, ah. Ayos ka na ba?” Tumayo ito at lumapit sa kanya.
“Ah, oo naman, medyo masakit lang ang ulo ko but I’m perfectly fine,” sagot niya. Dahil guilty sa mga nangyari, hindi siya makatingin ng maayos sa binata, pero ramdam niyang kay lapit lang nito sa likuran niya!
“Ang mabuti pa, kumain ka muna.”
“S-sige.” Hila niya at sabay pag-upo sa silya. Bahagya niyang nasalat ang kumirot na ulo at napangiwi.
“Mukhang may hang over ka pa, ah. Ba’t ka ba kasi uminom?” tanong nito na naupo malapit sa kanyang tabi! Bakit pa ito lumipat?
“Ahm. Syempre, birthday ni kapitan. Alam mo na, kailangan kong makisama.”
“Oo nga, sa sobrang pakikisama mo sumayaw ka na.”
“Nakita mo ‘yun?!” agad siyang napatingin dito at pinanlakihan ng mga mata.
“Hanggang sa matapos,” sagot ni Lucas. Tumaas ang isang sulok ng mga labi nito.
Dahil sa naramdamang hiya, agad tumayo si Lucille. Ngunit nakaramdaman siya ng matinding hilo dahilan kung bakit kamuntik na iyang ma-out balance, mabuti na lang nga ay agad nakatayo na rin si Lucas at nasalo siya nito. Otomatiko namang napasalikop ang mga braso niya sa batok nito.
“Oh! Dahan-dahan lang.” lambing na paala-ala ni Lucas. “Nagbibiro lang ako.”
When Lucille looked up at Lucas, their gaze locked each other. Gusto niyang iwasan ang mga titig nito, pero hindi niya magawa. Para ba iyong may hipnotismo.
“H-hindi mo nakita? Pero s-siguro pinagtatawanan mo ako ngayon sa isip dahil sa mga nangyari. You never see me like that before. Siguro, nag-iba na ang tingin mo sa’kin. Well, I won’t blame you for that.” marahan niyang tulak dito para makaiwas, pero hindi siya pinakawalan ng binata. Mas kinabig pa siya nito papalapit!
“Hindi kita pinagtatawanan, at oo hindi pa kita nakikitang ganoon. Pero kaunting panahon pa lang tayong magkasama, marami pa akong gustong madiskubre sa’yo.” Halos pabulong na sabi ni Lucas. His gaze trailed down from her eyes down to her partly opened lips. Gamit ang hinlalaki, marahan iyong hinaplos ng binata.
Lucille’s heart skips in a beat, pero nang bumalik ay mabilis na iyon sa pagpintig. Sa mga nakalipas na taon, ang buong akala niya ay madali lang bakuran ang kanyang puso. Hanggat’t sa kaya niyaay iniwasan niya si Lucas, pero hindi nakisama ang panahon at tinulot niyon na lagi silang magkasama. Hindi pa mag-iisang buwan, unti-unti nang ginigiba nito ang bakod na iyon. And she wasn’’t sure if she can hold it anymore. Unti-unti siyang binitiwan ni Lucas. Pagkatapos ay tumalikod ito at humakbang palayo hanggang sa makalabas ng bahay.
Kung ilang minutong nakatayao si Lucille ay hindi niya alam. Napahawak siya sa dibdib na mabilis pa rin sa pagtibok. Does her heart already given up? Pagkatapos ng maraming pahanong inisip na wala na siyang mamahalin, kakainin niya na ba ang kanyang mga sinabi?
Mariing pumikit si Lucille at mabagal na umiling-iling.
GAMIT ang trowel, binubuhaghag ni Lucille ang lupa sa bagong paso na paglilipatan ng tanim na halaman. Naroon sila ni Tatay Virgilio sa front garden at parehong nakaupo, tinutulungan niya itong mag-repot ng halaman.
Kinuha ni Lucille ang halaman at inilipat sa kanyang paso, ngunit nakatitig lamang siya malaking bato sa unahan.
“Ah, anak? Maling halaman na ang itinatamin mo,” sita ni Tatay Vir sa kanya.
Napatingin si Lucille sa kanyang hawak. At tila ba bumalik siya sa focus nang makitang ang ligaw na d**o na binubot ni Tatay Vir ang itinatamin niya! “Ay! Sorry po!” agad niya iyong inalis.
“Ayos ka lang ba? Ang mabuti pa pumasok na na. O kaya panoorin mo na lang ako kasi mukhang pagod ka.”
“Ayos lang ako, Tay.” Tumayo siya at pumaroon sa coffee table na yari sa narra. Kinuha niya ang isang tasa ng salabat at humigop, iyon nga lang ay malamig na iyon. “Inumin ko lang po ito.” Aniyang isinandal ang pang-upo sa gilid ng table.
“Hinahanap mo ba si Lucas?”
“H-ho?” nabitin ang pag-inom niya.
“Napapansin ko kasi, parang hinahanap mo siya. Pero ‘wag kang mag-alala, ‘di na ‘yun gagabihin sa pag-uwi.”
Napataas ng dalawang kilay si Lucille, ngunit umiwas ng tingin at kunwari ay uminom sa tasa na ubos na pala ang laman. Grabe naman ang obserbasyon ni Tatay Vir, ganoon ba siya ka-obvious at napansin nitong madalas ay tumitingin siya sa labas ng gate? Pero tama ito, hinahanap niya si Lucas. Ayaw niya namang itanong dahil magmumukha siyang clingy masyado. Ang huling usap nila ni lLucas ay pasado ala una ng hapon, lumabas ito ng bahay ngunit a las cinco y media na ay wala pa rin.
“Hay… naku, kayong mga bata.” Itinabi ni Tatay Vir ang mga paso. Huminga ng malalim, bumuga ng hangin at tumayo. “Ano nga ulit petsa ngayon?” Tingin nito sa kanya.
“March twenty eight po.”
Tumingin si Tatay Vir sa direskyon kung saan halos palubog na ang araw. Gamit ang braso, pinunas nito ang pawis sa noo.
Ilang segundo bago nagsalita ang matanda, ngunit nanatili itong nakatingin sa malayo. “Sabi niya sa’kin kanina nang makasalubong ko sa labas, aalis daw siya. Hindi ko na tinanong kung saan pupunta, pero ngayon mukhang alam ko na.”
“Saan po?”
Humakbang si Tatay Vir papunta sa coffee table kung saan sinundan niya ito ng tingin. Nagsalin ito ng salabat mula sa stainless pot. “Sigurado akong nasa pampang siya ngayon.” Anitong humarap sa kanya. “Hija, baka gusto mo siyang puntahan. Nasa pampang siya ng Cion. Pwede kang magpahatid doon sa tricycle. Siguro ito na nga iyong panahon para mas makilala mo pang lubusan ang anak ko. At sana, kung anuman ang sabihin niya sa’yo ay matanggap mo siya.”
“Ho?” kumunot-noo siya.
Isang beses lang humigop ng salabat si Tatay Vir, pagkatapos niyon ay bumalik na ito sa ginagawa. Nang hindi na muling nagsalita ang matanda ay minabuti niyang mag-paalam na dito. “Sige ho, pupuntahan ko lang po siya.”
Matanggap si Lucas? Bakit ano’ng ibig sabihin ni Tatay Vir? Mula doon sa bahay ay sumakay siya ng tricycle at nagpahatid sa driver sa tinutukoy ni Tatay Virgilio na pampang. Lumipas ang ilang oras na hindi niya nakita ang binata kaya may pagkasabik din ang puso niya, pero at the same time ay naroon ang kaba.
Hindi nahirapang hanapin ni Lucille si Lucas pagkarating niya sa pampang ng Cion pagkat ito lamang ang nag-iisang nakatalikod sa kanya at nakaharap sa dagat, may mangilan-ngilan ding mangingisda ang malamang ay patungo na sa kanya-kanya nitong mga bahay.
“Lucas?” marahang untag ni Lucille sa binata nang tumabi siya dito.
“Lucille? Ikaw pala,” Kanina’y mukhang malalim ang iniisip nito, pagkakita sa kanya ay bahagya itong nagulat. “Pasensya na hindi ako nakapagpaalam sa’yo kanina. Paano mo nalamang nandito ako?”
“Sinabi sa’kin ni Vir,” tugon niya sabay tingin sa kalayuan ng dagat. Kay ganda ng hapong iyon, mala-kahel ang ngayon ay palubog ng araw, kay sarap din pakinggan ang huni ng mga ibon na kung saan man pupunta, at ang mumunting paghampas ng alon ay nakakakalma. Sa pananatili niya sa doon sa Mindoro, hindi siya naipasyal ni Lucas sa parte ng tabing dagat na iyon. “Pwede bang malaman kung ano’ng ginagawa mo dito? At bakit mag-isa ka, okay ka lang ba?” Tumingin siya sa binata. Saglit itong tumingin sa kanya na tila ba malungkot na ngumiti saka ibinalik ang tingin sa unahan. Bahagya niyang naikunot ang noo, ba’t para yatang malungkot ito? “M-may problema ba?”
“Oo naman,” tipid nitong sabi. Doon niya lamang napansin ang hawak nitong boquet ng chamomile, inilagay iyon ng binata sa dagat hanggang anurin ito ng alon. Sino ang inaalayan nito ng bulaklak? Umayos sa pagkakatayo si Lucas bago nagpakawala ng hangin sa baga. “Tatlong taon na ang nakakaraan simula nang mamatay ang mag-ina ko.” sabi nito.
Naibuka ni Lucille ang kanyang bibig at naitaas ang dalawang kilay. She was shock by his revelation, tama ba ang narinig niya? “M-may asawa’t anak ka?”
“Dati mayroon, pero ngayon pareho na silang wala,” maayos itong humarap sa kanya. “Pasensya na hindi ko nasabi sa’yo.”
Saglit siyang hindi nakapagsalita, tatlumpong segundo pa yata bago nag-sink in sa utak niya ang kabuuan ng sinabi nito. Hindi niya alam kung ano ba ang tamang mararamdaman. Magagalit ba siya kay Lucas dahil naging malapit na sila sa isa’t-isa ngunit wala man lang itong nabanggit tungkol sa bagay na iyon? O kahit sabihin pang namatay na ang asawa nito ay may sakit pa ring naramdaman si Lucille dahil may minahal na pala ito dati pa? Maya maya’y napailing siya, hindi iyon ang tamang pagkakataon para sa isipin iyon. Kailangan niyang makisimpatya kay Lucas, dahil alam niya ang pakiramdam ng mawalan ng minamahal. “O-okay lang… I’m sorry, ikinalulungkot kong nawalan ka ng mag-ina,”sinsero niyang tugon.
“Huwag kang mag-alala. Maayos namang ako. Anibersaryo ng pagkawala nila kaya nandito ako.”
“Pwede bang malaman kung paano sila nawala?”
Tumango ito. “Galing ang mag-ina ko dito rin sa Mindoro at lumuwas ng Bicol, bumiyahe sila ng barko patungong Masbate pero lumubog iyon. Engine failure daw. Gabi kasi noon, kaunti lang ang namatay pero may ilang hindi na nahanap ang katawan.”
“Oh, my…” marahang natutop ni Lucille ang bibig niya.
“Kaya kahit hindi rito lumubog ang barko, every time na may nakikita akong dagat ay naaalala ko sila. Inaalayan ko ng bulaklak at iniisip na lang na makakarating iyon sa kanila. Noon ayaw kong sumuko sa paghahanap sa kanila dahil hanggang ngayon hindi pa rin makita ang bangkay. Pero nawalan na ako ng pag-asa. Hindi na nakita ang mga katawan nila katulad din ng mga ibang nawala.”
“I’m really sorry for what happened. Alam kong hindi madali ang pinagadadaaan mo. Pero kailangan mo bang sumuko? What if…” muli siyang napipi. Kailangan niya bang i-suggest na hanapin nilang muli ang mag-ina nito? What if buhay pa nga? Paniguradong matutuwa si Lucas, kaya lang, siya na naman ang maiiwang mag-isa. Nakaramdam siya ng lungkot sa isiping iyon, pero hindi pwedeng sarili niya lamang ang isipin. “Paano kung buhay pa sila? Ikaw na ang nagsabi na walang katawan na natagpuan.”
“Kailangan kong magising sa katotohanan dahil ito ang mundo natin— masaklap. Isa pa, kung talagang buhay pa sila, hindi lilipas ang maraming panahon, bumabalik din si Amarah kapag umaalis siya.”
Amarah must be his wife. “Umaalis? Bakit saan ba siya pumupunta?”
“Hindi ko alam, basta niya na lang ako iniiwan.”
“Iniwan?” Itatanong niya sana kung bakit nagawa itong iwan ng isang babae, ngunit naunahan siya ng binata sa pagsasalita.
“First love ko si Amarah, katulad ko ay dito rin siya lumaki sa Mindoro. Magkaklase pa nga kami ng elementary at high school. Naging girlfriend ko siya ng high school, nagkahiwalay lang kami noong pumasok ako ng scout ranger. Pagbalik ko dito pinakasalan ko siya, pero bigla siyang nagbago. Kahit noon pa lamang ay niloloko niya na pala ako, sumasama siya sa iba’t-ibang lalaki ngunit kapag bumabalik tinatanggap ko pa rin dahil mahal ko siya. Ilang buwan ako noon nag-leave sa trabaho para mabantayan siya, pumirme naman siya sa tabi ko ng mabuntis ko siya. Inalagaan, minahal kasama ng naging anak namin, pero ayun, umalis na naman. Nagising na lang ako isang gabi na wala nanaman ang mga gamit niya. Ang masaklap sinama niya pa ang anak namin. Noon ding gabing iyon lumubog ang barko na ayon sa record ay isa si Amarah sa pasahero, kasama ang anak kong limang taong gulang. Mas masakit, dahil isinama niya pa si Jeremy sa pag-alis.”
Jeremy, bigla niyang naalala kung saan nakita ang panganlan na iyon— sa dressing sa kwarto na tinutulugan ni Lucas. Ni minsan ay hindi siya nag-isip na ang sulat na iyon ay sa anak ni Lucas. Kawawa naman ito.
Tahimik lang na nakinig si Lucille sa hinanakit at sama-ng-loob ni Lucas. Bago ang lahat, niloloko na pala ito ng asawa, lalo pang nakapadagdag sa lungkot nito ang pagpanaw ng mag-ina. Nais kamuhian ni Lucille ang Amarah na iyon at inisip na mabuti ngang nawala na ito sa buhay ni Lucas, ngunit hindi nga siya ganoon kasama dahil may habag siya kay Lucas, kay Amarah at lalo na sa batang walang kamuwang-muwang ay hindi niya ma-imagine kung paano ito naghirap nang mamatay.
“Masaklap pala ang nangyari sa’yo.” Yumuko siya at pinagmasdan na lang ang maliit na alon na humahampas sa maliliit niyang paa. “Ang sigla-sigla mo tuwing magkausap tayo, hindi ko alam na mayroon ka pa lang pinagdaraanan.” Tumingin siya dito at ngumiiti ng may simpatya, nais niyang bigyan ito ng lakas ng loob. Pero paano nga ba? Sapat na ba ang mga salita. “Tatagan mo lang ang loob mo. Kung kailangan mo ng kausap narito lang ako.”
“Iyong siglang ipinapakita ko sa’yo, totoo iyon. Noong una nahirapan ako at gusto kong magwala, pero naisip kong nandyan pa si Tatay kaya kailangan kong mabuhay. At may mga bagay na nakapadagdag sa kasiyahan ko.” Marahang humakbang na mas malapit sa kanya ang binata. Hindi na siya nakatanggi nang gagapin ng mainit nitong mga palad ang kanyang mga kamay. “Lucille, alam mo bang nagpapasalamat ako sa isa kong kaibigan dahil siya ang dahilan kung bakit ako pumunta sa Maynila? Si Aaron iyon.”
“Si Inspector Gonzales?”
“Oo, siya nga. Dati rin siyang scout ranger, sabay kaming nag-resign dahil sa superior conflict. Hometown niya ang Maynila kaya doon na siya nagtrabaho. Isang araw tumawag iyong girlfriend niya na nabaril daw si Aaron nang mag-raid. Nandito ako sa Mindoro noon at agad lumuwas ng Maynila para makita siya kahit sinabi na ng girlfriend niya na okay na siya. Best friend ko kasi kaya nag-alala ako. Sa Saint Mary siya naka-confined, pareho ng mama mo. Room 318 si Aaron noon, pero ang pakarinig kong sabi ng girlfriend niya, eh room 218.”
“Doon mo nakilala ang mama ko dahil maling kwarto ang napasok mo.”
“Oo. At Nagalak ako nang makilala ko si Miss Lucinda. At dahil natuwa rin siya sa’kin, ipinakita niya ang larawan mo. Ewan ko ba kung bakit kahit sa larawan lang ay parang iba na ang naramdaman ko ng panahong iyon. Kaya nang mag-offer siya sa’kin na kung pwede daw maging body guard mo ay hindi na ako tumanggi, sinabi ko rin na gagawin ko iyon kahit walang bayad.”
“W-walang bayad? You mean… k-kusang loob mo ang bantayan ako?” muli siyang nagulat sa rebelasyon ito.
“Oo.” Bahagya nitong pinisil ng kanyang kamay, nakatitg lang sa kanyang mga mata. “At nang unang beses kitang makita sa opisina mo, hindi nagkamali ang puso ko. Kinulit kita noon hindi dahil sa nais lang kitang protektahan, kundi nais ko ring pumasok sa puso mo na sabi ng mama mo binakuran mo ng matagal na panahon dahil sa takot ka lamang magmahal.”
“L-Lucas.” Umiling-iling si Lucille at nakagat ang pang-ibabang labi. Dinala ni Lucas ang kanyang mga kamay sa bibig nito at mabining hinalikan. Kusa nang humaplos ang kamay niya sa pisngi nito. Tadhana nga siguro ang nagpasya upang sila’y magkalapit, at maging siya ay masayang dumating ito sa buhay niya.
“Pasensya na kung pumasok ako sa buhay mo. Pero hindi ko kasi mapigilan dahil habang lumilipas ang mga araw mas lalo kang napapalapit sa’kin. Mas lalo kang napapamahal sa’kin. Alam kong iniiwasan mo ang magmahal dahil sabi ng mama mo ay naging halimbawa daw kasi ang lolo at ama mo. Ako ilang beses nang iniwan ni Amarah para sa iba pero hindi ko naman sinara ang puso ko.”
Naikagat niya ang pang-ibabang labi at papalit-palit ng tingin sa magkabila nitong mga mata. She wanted to cry at the moment, dahil awa, lungkot at saya ay sabay-sabay niyang nararamdaman. Mayroon pa lang lalaki na ganoon kabait at sa kabila ng lahat at punong-puno pa rin ng pag-asa? Samantalang siya heto ni wala pa ngang nagiging boyfriend, eh, dumistansya na sa mga lalaki dahil sa ayaw lamang masaktan. But deep inside in her heart she was longing for someone to care for her.
May gustong sabihin ang binata, mukhang alam niya na pero nais niyang marinig mismo sa bibig nito. “P-pwede bang diretsohin mo na ako? kung may sasabihin ka sabihin mo na.”
“Mahal kita, pwede bang pag-aralan mo rin akong mahalin?” anas ni Lucas. Ito naman ang humaplos sa pisngi niya.
Lucille felt so overwhelmed, hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Inlove sa kanya si Lucas. Mukhang sobra-sobra na ang nabibigay nito sa kanya. Pakiramdam nniya ay nakalutang na siya sa ere. “L-Lucas.”
“Alam kong takot kang gawin iyon. Pero ipinapangako ko sa’yo na kapag ibinigay mo sa’kin ang puso mo, hinding-hindi ka masasaktan. Hindi kita mamadaliin, hihintayin ko ang araw na matutunan mo rin akong mahalin. Hihintayin ko ang pasya mo.” Sabi ni Lucas. Mabini siyang hinalikan ni Lucas sa noo. Napapikit na lamang siya, pinakalma niyon ang litung-lito niyang puso.
Unti-unting iminulat ni Lucille ang mga mata nang maramdaman niyang dumistansya na ang binata. “Ang mabuti pa, umuwi na tayo at pagabi na. Baka hanapin na tayo ni Tatay.” Muli ay hinawakan siya nito sa kamay. Nais niya sanang mas makausap pa ito ng matagal, ngunit hinayaan niya na lamang na maglakad silang dalawa na magkahawak-kamay. Hindi pa alam ni Lucille kung ano ang dapat niyang i-desisyon sa inaalok ni Lucas, ayaw niya munang sabihin sa sarili na mahal niya na nga ang binata dahil hanggang ngayon ay may pangamba pa rin sa puso niya. Pero siguro kung mabibigyan siya ng panahon, maaaring puso niya na rin mismo ang magpasya, at alam niyang darating ang araw na iyon na tama ang magiging desisyon niya.