CHAPTER FIFTEEN

3495 Words
MULA sa sulok, tahimik na pinagmamasdan ni Lucas ang bagong kasal na sina Elise at Mikael. Masaya at nagtatawanan ang dalawa habang nagsusubuan ng cake sa gitna ng venue. Halatang aliw na aliw rin ang photographer habang kinukuan ang dalawa ng larawan, at ang mga bisita ay halata ring masayang-masaya para sa mga ito. Ang venue ay naroon sa malawak na garden sa bahay ng pamilya ng groom. Open iyon, at palibhasa tirik ang araw ay nagtayo ang organizer ng malaking trapal na nagsisilbing tabing ng hosts at guests. “Excuse me po, gusto nyo po ba ng dessert?” Sulpot ng isang bata sa tabi ni Lucas. “Ay, salamat, Liam.” Ngiti niya sabay ang kuha sa iniabot nito na nakalagay sa plastic cup at may kasamang maliit na kutsara. “Ikaw? Kumain ka na nito?” “Nakailan na po,” sagot nito. Pinagmasdan ni Lucas si Liam. Iyon ang pangatlong beses na nakita niya ang bata, at kahit hindi niya ito nakakausap, tiyak siya na mabait at maalalahanin ito dahil halata sa ikinikilos. “Ang bait mo naman, napakaswerte sa’yo ng magulang mo.” Napangiti lang ang bata at pinagmasdan ang bagong kasal. “Ako po, maswerte dahil magkakaroon na ako ng bagong daddy. Yayayain ko po sana siyang maglaro ng binigay na maraming robot sa’kin ni Tito Aaron. Kaya lang aalis daw po sila mamaya.” Anitong tumingin sa kanya at lumabi. Papalit-palit ang tingin niya sa namimilog na mga mata ng bata, pagkuwa’y ngumiti at bahagya ginulo ang buhok nito. Malamang, sa honey-moon ang punta ng dalawa. “Hayaan mo, sa mga susunod na araw, madalas mo nang makakasama ang bago mong daddy. Hindi ba doon din siya nagtatrabaho sa eskwelahan kung saan ka nagtuturo ang mommy mo pati siya? Kung ganoon, lagi mo pala silang makikita, sabay-sabay rin kayong uuwi sa bahay nyo.” “Opo!” masayang tango ng bata. “Liam! Laro tayo sa labas, manghuli tayo ng gagamba!” alok ng isang bata rito, pagkatapos ay sinundan pa ng ilan. Nagpaalam na rin ito dahil niyaya na mga kalaro. Habang papalayo, nakangiti niya itong pinagmamasdan, hindi nito alintana ang init sa labas. “Ano’ng ginagawa mo rito? Bakit ka umalis sa table?” ani Aaron na siya namang sumulpot sa tabi niya. Nilingon niya ang kaibigan at umunat sa pagkakaupo. “Gusto kong mapag-isa, iniwan mo ako, eh.” Sagot niya. Pwera sa pamilya ni Aaron, wala na siyang kilalang iba doon. Umalis ito saglit para may kausapin sa cellphone, kaya ang tumabi sa kanya ay isang babaeng walang habas kung ireto siya sa anak nitong bridesmaid sa kasal. Nang mabalin ang atensyon nito sa ibang bisita ay minabuti niyang magpaalam ng maayos at naupo doon sa sulok kung saan hindi siya nito tanaw. “Ikaw naman, para kang introvert,” tatawa-tawa pang sabi nito, hinila ang bakanteng silya sa ‘di kalayuan at naupo sa tabi niya sabay ang bahagyang pagsiko. “Ano? Nakakahinga ka pa ba dyan sa suot mo?” “Oo, nakakahinga pa naman. Pasalamat ka kasya itong ipinasuot mo sa’kin. Kundi hindi talaga ako a-attend. Ayokong magmukhang suman na nakabalot sa dahon ng saging!” Tuluyan nang humalakhak ang lalaki. Wala namang nakapansin sa kanila dahil nagsasayawan na sa paligid ang mga bridesmaid at groomsmen kahit sariling boses lang ng mga ito ang musika. “Ikaw naman kasi, hindi ka pumapalya sa dalawang oras na work-out mo araw-araw kay mas lalo kang nagbi-build ng muscles!” “Kailangan, ito ang puhunan ko, eh!” Ngisi niya sabay ang pagsubo ng fruit salad. Naging instant ninong siya sa kasal ng kapatid ni Aaron na si Elise at nang nakaraang araw lang nito sinabi. Ang akala raw kasi ni Elise ay lagi siyang busy gaya ng dati, pero nang malaman nito bakante siya sa araw ng kasal ay agad siya nitong kinuha nang sa gayon ay mayroon daw ‘gwapo’ sa picture, pambihira. Hindi na rin siya nakabili ng isusuot kaya ang siste ay nanghiram na lang siya kay Aaron. Pati sapatos ay sponsor ng kaibigan. “Puhunan para kanino? Para protektahan si Miss Universe?” suspiciously, naningkit ang mga mata ni Aaron. Tumawa siya ng bahagya at umiling-iling. Sinabi sa kanya ni Aaron na isama rin niya si Lucille, ang kaso nga ay tulog pa ang dalaga. Isa pa, baka mamaya ay may makakita pa rito na tauhan ni Winston. Mabuti na ‘yung praning kaysa relax. “Kailangan. Kasi wala pa tayong balita kay Gonzaga,” sa halip ay sagot niya na ang tinutukoy ay si Winston. Ayon kasi imbestigasyon at sa Bureau of Immigration ay wala talaga sa Pilipinas si Winston. Pero naniniwala siyang may milagro itong ginagawa. Andito ang lalaking iyon sa Pilipinas. “Huwag kang mag-alala. Magiging safe din si Miss Lucille. Magaling kang body guard, hindi ba?” assurance ni Aaron. Tipid naman siyang ngumiti at napatingin kay Liam na pumasok muli at kumuha ng dessert. Pinagmasdan niya lang ang bata na naupo sa table nito kasama ang mga kalaro, palibhasa tinawag na ng matatanda. “Tol, okay ka lang?” pagkuwa’y tanong ni Aaron. Tinakpan ni Lucas ang kinakain, ang huling subo niya ay parang hindi na niya malunok. “Hindi magkamukha si Liam at Jeremy. Pero may pagkakapareho sila,” halos papiyok niyang sabi. “Ah.” Umunat si Aaron sa pagkakaupo. “Magkaedaran lang sila, walong taong gulang. Kung nandito siya malamang magiging bestfriend ang dalawa. Parang tayo, ‘di ba?” Napalunok ng tatlong beses si Lucas, sa mga sinabi ni Aaron ay parang may bumikig sa kanyang lalamunan at pumiga sa kanyang puso. Miss na miss na niya si Jeremy, gusto niya ulit itong makita at mayakap. Tiyak na kasing laki na rin ni ito ni Liam, at malamang ay kasing bait pa nito. “Uy! ‘yung mga ninong at ninang po maanong pumunta rito sa unahan dahil tayo’y may palaro!” tawag ng host. Nang kinawayan siya nito ay doon na niya naibalin ang atensyon. “Ano kayang laro? Ba’t kasali ang mga ninong at ninang?” Lingon niya kay Aaron, pagkatapos sa unahan kung saan kumakaway sa kanya ang mga tinawag. “Oo, tapos na kasi ‘yung mga abay!” sagot ni Aaron. Napakamot sa batok si Lucas at iniabot sa kaibigan ang dessert na hindi naubos. Tumayo siya. “Mapabigyan na nga at bagong kasal naman!” sabi niya bago tumungo sa uhanan. MAG-a-a-dose na ng hatinggabi nang makauwi si Lucas sa kanilang bahay. Inaasahan niya na ng mga oras na iyon ay tulog na ang kayang ama at si Lucille, pero nang puntahan niya ang kwarto ng kanyang tatay para i-check ito ay wala sa kwarto. Nagtaka si Lucas dahil imposibleng iwan nito si Lucille lalo na’t alam nitong walang katiyakan kung ano’ng oras siya darating. Pumunta siya sa kwarto ng dalaga ngunit hanggang labas ng pinto lang dahil inisip na hindi maganda kung kakatukin niya ito. “Imposible namang matulog si Tatay sa malaking bahay?” kunot-noo na sabi niya sa sarili. Ang malaking bahay na tinutukoy niya ay ang bahay nila na pinaupahan nito. Napailing siya at matagal na hinawakan ang door knob. Alam niyang hindi maganda kung bubuksan niya iyon dahil baka magambala pa ang tulog ni Lucille, ngunit hindi siya mapakali kaya dinahan-dahan niyang ipinihit iyon. Pero nang matangalawan ang madilim na loob ng kwarto ng liwanag sa labas ay wala siyang nakitang natutulog sa katre. “Lucille?” Tawag niya at nilawakan ang pagbukas niyon. Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng loob, pero wala doon ang dalaga! Biglang lumakas ang kalabog ng puso ni Lucas. Bakit wala ang kanyang ama at si Lucille doon? Ayaw niya mang isipin, pero baka nasundan sila doon ni Winston! Dali-dali siyang bumaba at lumabas sa gate, inilibot niya ang tining sa paligid na naiilawan ng ilang poste bago kinuha ang cellphone sa chest bag at tinawagan si Lucille, pero hindi ito sumasagot! “Asan ba kayo?!” tanong niya sa sarili. Kanina’y tinatawagan niya rin ito ng dalawang beses na pero hindi sumasagot. Inisip niya na baka abala sa pag-aayos ng garden kasama ang kanyang ama gaya ng ginagawa nito kaya hindi na niya inistorbo, at nasabi rin nito na hindi muna masyado gagamit ng cellphone para pagpapahingahin ang isip. Pero walang tao sa kanilang bahay! Kung may cellphone din sana ang kanyang ama ay tatawagan niya ito. Kinansel niya ang pagtawag sa number ni Lucille na patuloy sa sa pag-ring. Kokontakin niya na sa ang kanyang Tiyo Berting, ngunit naagaw ang atensyon niya nang may biglang nagsalita sa ‘di kalayuan. “Bwisit ka talagang lalaki ka! Wala ka nang ginawa kundi ang uminom! Kung pwede lang ngang magpalit ng asawa ginawa ko na! kaso baka katulad mo ring bwisit ka!” Si Aling Siony iyon na akay-akay ang asawang si Mang Lamberto. Lasing ang huli, gaya ng madalas niyang makita. Agad niya itong nilapitan, ‘di alintana kung masungitan siya nito dahil umuusok na naman sa galit. “Aling Siony, pasensya na pero nakita nyo ba sila Tatay? Wala sila sa bahay.” Lapit niya dito at saglit na sumilip sa bahay. “Lucas, ikaw pala. Ang tatay mo? Hayun doon sa bahay ni kapitan,” paaburido nitong nilingon ang likuran. “Nag-iinuman kasama ‘yung dalagang kaibigan mo. Doon nga galing ang bwisit na ito, eh!” tingin nito sa inaalalayang asawa. “Sh-shorry na…man, darling. ‘wag ka na magalit,” sagot ni Mang Lamberto na namumungay na mga mata at lasing na himig. Tinundyo pa nito ng daliri ang mukha ng asawa. “Bwisit ka!” Iniiwas nito ang mukha at tumingin kay Lucas. “Ang mabuti pa, puntahan mo na ang tatay mo. Tinatagayan pa siya ng mga tao roon kahit tulog na!” “Ah, sige po. Salamat!” Muling pumasok si Lucas sa kanilang bakuran at kinuha sa likuran ng bahay ang motor niya. Oo nga pala, naalala niya na birthday pala ng kanilang punong barangay. Ilang metro pa lang ang layo ni Lucas, rinig niya na ang maingay na musika mula sa bahay ng barangay captain. Dahil kilala naman siya nito ay dire-diretso siyang pumasok ng gate, at doon rin sa malawak na harapan ng bakuran ay tumambad ang pagkarami-raming bisita, na halos lahat nakainom at maiingay na sumasabay pa sa musika ng touch by touch, pero ang kumakanta sa videoke, palyado! “Lucas! Bakit ngayon ka lang pumunta? Tapos na ang birthday ko, lampas alas dose na!” lapit sa kanya ni Barangay Captain Jun. Mapupungay na rin nito ang mga mata at may dala pang bote ng de kanto! “Belated happy birthday po, kapitan.” Kinamayan niya ito. “Salamat!” “Jun! tagay pa! halika na!” tawag dito ng isang lasing sa ‘di kalayuan na table. Nang magpaalam na ito sa kanya ay inilibot niya ang paningin. Ang kanyang ama ang una niyang nakita na nakasalampak na ang mukha sa isang mesa, kasama ng ilang kainuman! “Tay! Gising na. Na’san po si Lucille?” Uga niya rito. “H-ha?” Ngunit tiningnan lang siya nito, pagkatapos ang natulog nang muli! Inis na bumuntong-hininga si Lucas. Numipis ang mga labi niya at napahimas sa batok. Kay ingay doon sa paligid dahil sa dami ng bisitang kanya-kanyang gawa, karamihan ay iresponsable sa ikinikilos. Pero ang gawang iyon sa ilalim ng kapitan ay isang beses lang nangyayari tuwing isang taon— tuwing kaarawan lang nito. Malamang ay hindi rin magrereklamo ang kapit-bahay dahil nahihigitan nito ang serbisyong inaasahan ng mga tao. Muli ay inilibot niya ang paningin para hanapin si Lucille. Madali niya naman itong makita— kasama ng ilang dalaga, pero katulad ng ilan ay naksubsob na rin ang mukha nito sa mesa! “Lucille!” Agad niyang lapit dito. Pilit namang iniangat ng dalaga ang mukha at katawan sa mesa, mukhang nakilala nito ang boses niya. “L-lucas?” anito sa tila inaantok na tinig. Tumingala sa kanya. Mapulang-mapula ang mukha nito! Banayad niyang hinawakan ang dalawang kamay nito. “Kaya mo bang tumayo? Umuwi na tayo.” “Uuwi?” Nilingon nito ang mga kasama. “I-isang case pa raw ng San Migue s-sabi nila.” “Isang case?” Umiling-iling siya. “Hindi na sila makabangon, kaya wala nang isang case.” Gamit ang isang braso, hinapit niya ito sa baywang. “Umuwi na tayo, kaya mo bang maglakad?” “Ano’ng akala mo sa’kin? Lampa?” simangot nito sabay ang pagtulak sa kanya, ngunit wala iyon epekto. Lasing na nga, pambihira. Sino ba kasi nagyaya dito na uminom? ‘di man lang pinigilan ng kanyang ama! Inisip ni Lucas kung paano iuwi ang dalawa ng sabay. Mabuti na nga lang ay naroon ang isa ring kaibigan ng kanyang ama na hindi lasing at nagboluntary itong ihatid sa tricycle ang dalawa. Kasunuran lang nito si Lucas gamit ang motor. Kaya nang maglakad ng kanyang tatay pagkadating sa kanilang bahay kaya dire-diretso na itong pumaroon sa sariling kwarto. Si Lucille naman ay karga niya. “N-na’san ako?” lasing na sabi ng dalaga. Pipikit-pikit na inilibot nito ang tingin sa paligid nang maingat niyang ibaba sa katre. Nakasandal sa headboard. Hindi na binuksan ni Lucas ang ilaw doon sa kwarto. Malawak na binuksan niya lang ang pintuan para pumasok ang ilaw mula sa labas. “Nandito ka na sa bahay, kailangan mo nang matulog.” halos pabulong niyang sabi. “Hindi pa kami t-tapos.” “Nagpalit na ng petsa. Hindi na birthday ni kapitan. Bakit ba kayo uminom? Sino ang nag-alok sa inyo?” sikmat niya sabay ang paghawi sa buhok nitong tumabing sa mukha. Bukod sa pamumula ng katawan ay pawis na pawis ang dalaga. “Ikaw naman, minsan lang ito. Sanay naman akong uminom!” sabi nito sa tila ba naglalambing na himig. Lumabi. Iniwasan ni Lucas ng tingin si Lucille, nakakaakit ito! Tumayo siya at naglakad patungo sa aparador at kinunan ito ng malaking t-shirt. Hindi pwedeng maligo ang dalaga dahil hindi nito kaya ang sarili. Atleast, magpalit man lang ng damit nang hindi matulog na pawisan. Baka magkasakit pa. “Ang mabuti pa, magpalit ka na ng damit,” mungkahi niya kay Lucille nang maupo siyang muli sa tabi ng katre. “Why? Mabaho na ba ako?” sagot nito na inamoy ang sarili. Umiling naman si Lucas at tumawa. Kahit pawis, humahalo pa rin dito ang mabango at natural na amoy. At mas gusto niya iyon kaysa sa artificial lang na pabango. “Wala naman akong sinabi. K-kaya mo bang magbihis? Kailangan mong magpalit.” Ngumiti ito ng nakakaakit habang tinititigan siya ng mapupungay nitong tingin. Mata sa mata. Hindi siya makagalaw nang ilapit nito ang katawan sa kanya sabay ang paghaplos sa pinsgi niya. “Are you gong to undress me? Go ahead, hindi kita pipigilan.” Napalunok si Lucas sabay noon ang mabilis na pagkalabog ng kanyang puso. Bigla-bigla ay nakaramdam siya ng pang-iinit sa buong katawan, sabay niyon ang hindi sadyang paggising ng hindi dapat! Pero mapipigilan niya ba iyon? Kahit nasa malayo si Lucille at walang ginagawa, basta makita niya ito ay hindi niya mapigilan ang matinding paghanga. She was an aphrodisiac, kahit wala itong ginagawa para akitin siya! “A-ano… h-hindi ba nakakahiya sa’yo,” pahayag niya sabay ang tingin sa mapipintog nitong mga labi. Bahagyang tumawa si Lucille. “Saan ka ba nanggaling? Lumipas ang araw na hindi kita nakita. I miss you.” “H-ha?” Umunat siya sa pagkakaupo sabay ang pagliwanag ng mukha. “N-na-miss mo ako? Talaga?” gulat niyang pagkukumpira. Tama ba ang narinig niya? O baka nag-iilusyon ang kanyang pandinig? Pilyang ngumiti ang dalaga, pagkuwa’y hinaplos nito ang kanyang pisngi, tumango at ibinaba rin ang tingin sa kanyang mga labi. “Oo. Bakit ako, hindi mo ba na-miss?” “Syempre oo. Kahit nakikita kita, nami-miss kita. Alam mo bang gusto kong lagi lang nakalapit sa’yo pero pinipigilan ko lang? Gusto kitang hawakan, haplusin at yakapin. Gusto kitang halikan, matagal na...” sagot niya sabay ang muling paglunok. Matagal niya nang nais i-express ang pagtingin dito sa pamamagitan ng mga salita, ginagawa niya naman ngunit paunti-unti lamang dahil baka bigla siya nitong iwasan. Pero ngayon na nagpahayag ang dalaga na hinahanap siya nito ay wala sigurong dahilan para pigilin ang gusto niyang sabihin noon pa lamang. “Kiss me, Lucas. Kung ‘yun ang gusto mo,” pabulong na sabi ni Lucille, sabay ang paghawak sa kanyang kwelyo at paghatak. Muli, sa ikatlong pagkakataon ay napalunok siya. Kinabig niya si Lucille sa batok. At walang pasabi, siniil niya ito ng halik sa mga labi. Iyon ang unang pagkakataon ni Lucas na halikan sa mga labi ang dalaga, pero hindi nasunod ang nasi niyang gawin— na bigyan ito ng espesyal na halik sa pamamagitan ng banayad na pag-angkin sa mga labi nito. Kaya lang ay hindi niya na kayang pigilan. Lagi siyang uhaw na matikman ang mga iyon at hindi siya nagkamali, kay lambot niyon subalit masidhi at mapusok ang uri ng paghalik niya dito. Walang reserbasyong inaangkin iyon. “Ah… Lucas,” ungol nito, dahilan kung bakit mas nakadagdag iyon sa kanyang kabaliwan para rito. Gusto niyang marinig na laging tinatawag nito ang kanyang pangalan, lalo na nga kung darating man ang oras na angkinin niya ito ng tuluyan. “Matagal ko nang gustong gawin ito, alam mo ba?” halos pabulong niyang sabi. Bahagyang niyang iniangat ang mukha para makita ito, sinalubong ang mapupungay nitong mga mata. Pareho silang nagkangitian. At pagkatapos pasalikupin ni Lucille ang mga braso sa kanyang batok ay muli niyang itong hinalikan. Hindi niya mapigilan ang mapangiti sa pagitan ng kanilang mga halik, dahil sabik rin itong tumutugon. “Why didn’t you do it in the first place?” “Kasi baka masampal mo ako,” sabi niya sa gitna ng mga salita habang ibinababa ang mga labi sa leeg nito. Sininghot niya ang bango niyon, bago binigyan ng malalaking halik at kinabig ito ng mas lapitan. “Sa bagay…” maikli nitong tawa. Muli ay ibinalik niya ang mga halik sa mga labi ni Lucille. Sinubukan niyang pabagalin ang paggalaw, nang sa gayon ay makasabay rin ito. Sa totoo lang, kung may mga lalaki man itong nahalikan sa nakaraan ay wala siyang pakialam. Pero, mukhang iyon ang unang pagkakataon nito na nakipagpalitan ng masidhing halik, dahil tila nangangapa pa. But the, she managed to kissed him on cheek and neck na talaga namang halos ikabaliw niya! “D-dahan-dahanin natin, makakarating rin tayo sa paroroonan,” mungkahi niya at tipid na ngumiti. Gamit ang dalawang kamay, hinapit niya ito sa maliit na baywang at iniangat para makaupo sa kanyang kandungan. Hindi na siya nahirapang gawin iyon dahil kusa nang umangat ang dalaga. “What do you mean by that? Are you going to make love to me?” Ikiniling nito ang ulo sa kabilang gilid. Saglit na natigilan si Lucas at napatitig na muli dito. Napakaganda nga ni Lucille, ang mga talukap nito ay halos bumagsak na rin. Nasasabi rin nito ang mga salitang dapat sa isang kasintahan lang sabihin. Pero nang dahil sa alak ay ganoon ang sinasabi nito, maging ang ikinikilos. Kahit gaano pa kainit ang nararamdaman, pinilit ni Lucas na ilayo sa katawan niya ng maingat ang dalaga. Nagtaka pa ito kung bakit niya iyon ginawa. “W-why? What’s wrong? Ayaw mo ba?” ang mga mata nitong mapupungay ay napalitan ng pamimilog, nagtatanong. Marahang napabuntong-hininga si Lucas at napahimas sa batok, papikit-pikit siya habang pilit na ikinakalma ang gising niyang p*********i. “A-ano kasi… t-tingin ko, hindi ito ‘yung tamang oras. Kagat niya sa pang-ibabang labi. Yumuko si Lucille at umiling-iling. “You are only playing with me, Lucas. Pare-pareho talaga kayong!” Hampas pa nito sa kanya. Lumapit siya rito. Umisod ng kaunti palayo ang dalaga, at siya naman ay hinawakan ito sa pisngi at pinatingin sa gawi niya. “Kahit kailan, hindi sumagi sa isip ko ang paglaruan ka. Wala akong karapatan, at masyadong malakas ang pagtingin ko sa’yo para gawin iyon.” “T-then, why did you kiss me? Tapos bigla kang uurong.” Tipid siyang ngumiti at hinaplos ang mukha nito. “Kung alam mo lang, matindi ang pagnanais ko sa’yo. Pero lasing ka, at nasa matinong pag-iisip ako. Hindi ko kayang samantalahin ka, Lucille.” Ang dalaga naman ang papalit-palit ng tingin sa kanyang mga mata. Tila ba pilit nitong binabalik sa huwisyo ang sarili. “D-did I provoke you?” “Hindi. At kung oo man, ako at ako pa rin ang responsible sa ating dalawa.” Hindi na naimik si Lucille, mukhang hinihila na ito ng antok dahil pinipilit nitong labanan ang pumipikit nang mga mata. Nagpapasalamat si Lucas sa sarili dahil nagwagi ang matino niyang pag-iisip. Nagawa niyang palitan ng suot na pambahay ang dalaga nang hindi binibigyan ng malisya. Siguro nga ay natutukso siya, pero ano ba ang totoong motibo niya sa dalaga? Numero uno, ang puso nito. ^^,)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD