CHAPTER FOUR

2111 Words
THROUGHOUT their way in her condo, supposedly ay nagpo-protesta si Lucille at nakikipag-agawan ng manibela sa nagmamanehong si Lucas. But she remained silent, humupa ang inis kakahampas sa lalaki. And she’s wondering kung bakit hindi man lang nito sinagang ang mga hampas niya. Was this man wasn’t capable of getting hurt? Sumulyap siya sa nagmamanehong si Lucas. Tahimik lamang nitong tinatahak ang direksyong ibinigay niya, at sa kabila ng biglaang paglakas ng ulan ay hindi niya alam kung bakit nakikita pa nito ang daan na halos zero visibility. Sa third floor ng isang condominium ang unit ni Lucille, hanggang doon ay hinatid siya ni Lucas sa may pinto lang. “Aalis na ako, magkita nalang tayo bukas,” sabi ng lalaki sa kanya. “So, desidido ka talagang bantayan ako?” biglang tanong niya. “Hayaan mo lang ako hanggang sa mahanap na natin iyong taong obsessed sa’yo. Kapag nahanap na siya, aalis na ako at hindi mo na makikitang muli. Like you always wanted. Pangako ‘yan, ” anitong natawa. Tipid niyang binigyan ito ng ngiti. Ba’t ‘di niya ba subukang pagkatiwalaan ito? Kahit kailan hindi nagkamali ang kanyang ina sa pag gabay sa kanya, so why won’t she give Lucas a chance? Sa totoo lang, hindi naman annoying si Lucas na iyong tipong bumibigat ang dugo niya. Gaya ng lagi niyang sinasabi ay kailangan niyang iwasan ang mga taong tulad ng lalaking ito— hindi dahil delikado o ano pa man, kundi dahil takot siyang masanay na may magbabantay ngunit aalis din. At iyon ang gagawin ni Lucas, sooner or later, he will be gone. “Sige, aalis na ako. Good night.” Sabi nito sabay talikod. “Ah, Lucas. Wait,” bago pa niya maisip ang sasabihin ay hindi niya alam kung bakit naunahan siya ng kanyang bibig. Lumingon ang lalaki. “Ahm… malakas ang ulan, baka bumaha pa. Y-you may stay here tonight,” mungkahi niya. Saglit na katahimikan ang naghari sa kanila bago ito muling nagsalita. “O-okay lang na mag-overnight ako dito sa condo mo?” “May asawa o girlfriend ka ba? Iyong totoo, ah? Ayaw ko ng sinungaling, malalaman at malalaman ko rin iyan,” aniya. Kung mag-i-stay man ito doon sa condo niya ay dapat wala siyang masagasaang ibang tao, mahirap na kasi. Mas humarap sa kanya si Lucas ng maayos, napangiti pa ito. “Binata ako. Walang asawa o girlfriend. Wala ring ibang ka-flirt dahil walang panahon.” Tingin niya naman ay nagsasabi ito ng totoo, kung hindi ay malalaman niya rin. “Okay, but one more thing, just tell me that you are harmless.” Tumaas ang isang sulok ng mga labi nito. Mukhang may plano ito, pero iyong plano na kahit sinong babae ay hindi aayaw. Well, pwera sa kanya. “Harmless ako.” Kumibit-balikat siya at palingon na itinuro ang loob ng condo. “Get inside.” Her condo was cozy, pero maraming mga display at appliances ang naroroon dahil mahilig si Lola Rosie at ang mama niya sa kung anu-anong abubot. “Tiyak marami na naman ang mai-stranded nito sa labas” sabi ni Lucille nang hinawi ang kurtina at tumingin sa bintana ng kanyang unit bago humarap kay Lucas. “Hey, pwede mong gamitin ang CR. Better kung magsa-shower ka.” Tinuro niya ang isang pinto. “Ikaw na ang mauna,” anito. He was wet all over, kaunting bahagi ng damit lang nito ang tuyo. Maging siya ay basa rin. “I’ll take the one in my room. Sige na.” aniyang tumungo sa kanyang kwarto. She’s already chilling, dali-dali niyang tinungo ang banyo sa kanyang kwarto at naghubad ng damit. Maligamgam na tubig mula sa heater ang kanyang ipinaligo para makapag-relax. Kaya lang ay tapos na siyang mag-quick bath nang may maalala. Hindi niya pala nabigyan ng twalya si Lucas, at wala ring sabon sa kabilang CR! “s**t,” marahan siyang napamura. Nagtapi siya ng twalya, kumuha ng sabon na nakabalot pa sa karton at ng twalya sa cabinet. Dahil naisip niya ring kailangan rin ng lalaki ng pamalit ay kinuha niya ang oversized niyang t-shirt at shorts sa cabinet, iyon na ang pinakamalaki sa damit niya. Lumabas si Lucille ng kwarto, ngunit eksakto namang lumabas siya doon ay lumabas din si Lucas ng CR— na walang ibang suot kundi boxer shorts lamang. Their eyes met instantly, at para bang saglit na tumigil ang oras nang bumaba ang tingin ni Lucille mula sa mukha ng napalunok na lalaki pababa sa katawan ito. Lucas’ body looks like sculpted after the image of a god. Hindi niya alam na mas kaakit-akit pala ito kapag walang suot. Napakaganda ang hugis ng balikat nito, lahat ng masel ay siksik mula itaas hanggang pababa. Nagko-compliment din dito ang morenong balat na tila kapag hinawakan ang katawan nito ay dudulas ang kamay niya pababa ng pababa… “Uhm.” Natauhan si Lucille at bumalik lamang ang kanyang tingin sa mukha nito nang tumikhim si Lucas. What the f**k!? Ba’t niya ba hindi nagawang iwasan ang pagtitig sa katawan nito? O tama bang sabihing nais niyang iwasan pero hindi niya talaga kaya dahil sadyang kaakit-akit? Kaakit-akit? Teka, sino ba ang una’t-huli niyang sinabihan noon? Ang wrestler na si John Cena? “Hi!” ngiting tipid ni Lucas. Napapitlang siya nang ma-realized na nakalapit na pala ito. Hindi niya man lang narinig ang yabag nito! “Ahm. T-twalya at sabon, para sa ‘yo. May damit na rin dyan.” Mabilis niyang ini-abot ang hawak dito sabay iwas ng tingin. “Damit?” chi-neck iyon ni Lucas saka maya maya ay bigla nalang natawa. “Bakit?” “Ikaw naman binibiro mo ako. Hindi ito kasya sa’kin, eh. Sa’yo ba ‘to?” Itinaas nito ang hawak. Oo nga naman ba’t ba hindi niya naisip na mapupunit lang ang mga iyon kapag sinuot ng lalaki? “It’s better than nothing, hindi ka pwedeng rumampa dito ng nakahubad.” “Kahit nakahubad pa man ako, gaya ng sabi ko sa’yo kanina ay harmless ako,” halos pabulong nitong sabi. Tila may kakaibang kapangyarihan ang boses ng lalaki na nag-udyok kay Lucille na tingnan muli ito straight in the eyes. Napalunok siya. Ba’t ‘di niya magawang iwasan ang mga mata nitong malalamlam at nangungusap? Lucille, snap out of it! With all her strength, Nag chin-up siya upang kunwari’y hindi siya affected sa hubad nitong katawan. Pinantayan niya ang tingin nito. “Sa bagay, mayroon mga lalaking hanggang volume lang ng muscles at wala namang lakas. So I think I can escape if you do any harm.” “Pinapalabas mo ba na wala akong lakas kung sakali?” bahagya itong natawa at naningkit ang mga mata. “Eto kaya ang puhunan ko para ma-protektahan ka.” Sabay liyad ng dibdib. Tumaas ang isang sulok ng labi niya pati ang isang kilay. “Don’t be too confident, wala ka pang napapatunayan sa’kin. Sige magbihis ka na, Mr. muscle.” Diin niya sa mga huling sinabi bago tumalikod at humakbang papasok sa kwarto. Iniwan niya itong iiling-iling at nakangiti. “Puhunan pala, ah?” She smirked. Saglit na may naglaro sa kanyang isipan. At ganoon na lang siyang natawa nang may maisip. “Let’s see kung gaano ka kagaling na body guard.” Ini-lock niya ang pinto at umatras ng ilang hakbang. Pinuno niya ng hangin ang bibig bago ibinuga iyon. Kasunod ang pagtikhim sabay ang kanyang pagsigaw. “Lucas! Help!” “Lucille?!” agad niyang narinig ang boses nito sa labas ng pinto. Parang lalabas ang lahat niyang ngipin sa lawak ng ngiti sabay ang kanyang paghagikhik dahil sa panti-trip dito, lalo na ang makitang gumalaw ng mabilis ang doorknob ng pinto. Grabe, bigla siyang naaliw! And never in her life had she thought she could do something like that, nakakatuwa pala! “Oh! My gosh!” ngunit biglang naging totoo ang tili niya nang agaran siyang magulat dahil sa malakas na pakabukas ng pinto. Sagad na sagad iyon, to the point na nag-bounce pa sa pader! “Lucille?!” Pasok sa loob ni Lucas. Kunot-noong inilibot nito ang paningin sa kabuuan ng kwarto niya, bago bumalik ng tingin sa kanya, sinuri pa siya mula ulo hanggang paa. “Okay ka lang?” worried nitong tanong. At first, napanganga si Lucille in disbelief. She was dazed and amazed, totoo bang sinipa lang ni Lucas ang pinto ng kwarto niya?! “O-okay lang ako.” Maya maya’y tango niya. “Ano’ng nangyari? Ba’t ka sumigaw?” Isinara niya ang nalaglag na panga. s**t! In-underestimate niya ito! Inayos niya ang sarili at nag-chin-up, hindi dapat siya magmukhang talunan. Napahiya siya, pero sa sarili lang niya. “Just kidding!” pilit siyang tumawa. s**t talaga! Ang pag-aalala sa mukha ni Lucas ay napalitan ng pagkagusot ng mukha. Naningkit ang mga mata nito. “Pinaglololoko mo ba ako?” “Well, tinitingnan ko lang kung gaano ka kantinding body guard. And you impress me, Lucas. Good job! You proved you have more than just muscles.” Pumalakpak siya ng tatlong beses, pero sa totoo lang ay hindi niya sukat-akalaing magagawang buksan nito ang pinto ng kanyang kwarto sa pamamagitan ng pagsipa. Tingin niya nga ay nasira pa ang isang bisagra noon, may tumalsik kasing metal mula roon! “Pambihira.” Napahilamos ng isang palad si Lucas, he even hissed. Mukhang naiinis na ito sa kanya, mabuti kung ganoon. Naglakad siya papuntang kama. “Well, you may go na magbibihis lang— ay!” ngunit hindi na niya naituloy ang iba pang sasabihin nang madulas siya! “Ouch!” napangiwi siya at napakagat-labi. Lumagpak ang pwet niya! “Aray.” Lumabi siya, bago sumulyap kay Lucas. Iiling-iling naman ang binata at napansin niya ang ngisi nito. “Tingnan mo nga naman, iyan ang tinatawag na karma,” anitong natatawa. Umiwas siya ng tingin at pinamulahan ng pisngi. Pambihira! Napahiya na naman siya! Nahirapan siyang makatayo. Pero nang makita ni Lucas ang effort niyang useless ay nilapitan siya nito at walang pasabing kinarga! Bahagya pa siyang napatili, ngunit hindi rin sinasadyang mapasalikop ang mga braso sa batok nito! Naupo si Lucas sa kama at ipinaupo siya roon, ngunit hindi pa rin siya binibitawan. “Okay ka lang ba? May masakit ba sa’yo?” pag-aalalang tanong nito. Napalunok lamang si Lucille. Napagtanto kasi niyang kay lapit lang ng kanilang mga mukha, at hindi niya rin inasahan ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. “Ano?” untag nito at kinabig pa siya ng mas malapit. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla nalang uminit ang katawan niya. Hindi niya sukat akalain na ang katawan ni Lucas na kanina ay pinagmamasdan niya ay makakadikit sa kanya ng ganoon. Pareho silang nakatapis lamang! “May masakit ba sa’yo? Ang lutong ng pagbagsak mo.” “M-masakit ang balakang ko,” bigla niyang sabi. “Dito ba?” malambing na tanong nito, ngunit ganoon na lang ang pagkagulat niya nang hawakan nito ang kanyang tinutukoy! Damang-dama niya ang kamay nitong mainit. Ang lakas ng loob nitong hawakan siya doon! Pero hindi niya alam sa sarili kung bakit hindi siya nakaramdam ng pambabastos, bagkus ay parang may kakaibang init iyong hatid. Teka, ano ba ang iniisip niya? She should not feel that way! Siya naman kasi, bakit inasar niya pa? Kailangan niyang ipaalala na dapat iniiwasan niya ang lalaking tulad nito. “T-tinatsansingan mo ba ako?” tahasan niyang sabi. Agad namang ini-alis iyon ni Lucas. “Hindi naman,” sabi nitong namumula. Tumayo ito at humakbang palayo at tumalikod, pero hindi lumabas ng kwarto. She thought he would say ‘sorry’, pero wala siyang narinig. “Lucas, would you please get out?” aniyang tumayo, tila nawala ang sakit ng kanyang balakang sa mga pangyayari. “Magbibihis na ako.” “Magbihis ka na.” “What?” Taas-kilay niya. “Paano ako magbibihis kung andyan ka?” “Sige na bihis na.” anitong hindi lumilingon, nanatiling nakatalikod. “Hindi naman ako titingin, eh.” “What the—” pinanlakihan niya ito ng mga mata, paano ay nakatalikod nga ngunit kitang-kita siya nito sa replekyon ng full-length body mirror?! Bahagyang natawa si Lucas at umiling-iling bago lumabas ng kwarto. Lesson learned, hindi niya dapat in-underestimate ang lalaking ito! Nang gabing iyon ay sa sala natulog si Lucas dahil nag-iisa lang ang kwarto niya. Binigyan niya lang ang lalaki ng kumot ang extra unan. Binigyan niya rin ito ng permisong manood ng TV na hindi naman nito tinanggihan. Pero sa ilang gabi niyang laging pagising-gising dahil sa takot at isipin ay himalang dire-diretso ang kanyang tulog. Hindi niya alam kung bakit biglang pumayapa ang isip niya at nakatulog ng maayos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD