NAIS Pagsabihan ni Lucille si Lucas dahil naroon ito sa kusina at nakikialam ng mga gamit. Pero hindi niya magawa dahil rin nangibabaw sa kanya ang pagkaaliw nang makitang nagluluto ito— na nakasuot ng boxer shorts at floral apron! It was a minute when she absentmindedly studied his strong shoulders and well-defined bare and lean back that leads down to a very nice ass.
Nice ass?!
Napamaang lang siya nang humarap ito.
“Hi! Gising ka na pala. Good morning,” malawak na ngiting bati nito.
“May I know kung ba’t ka nagluluto?” Humalukipkip siya, kunwa’y tinarayan ito.
“Pasensya na at nakialam ako, napaaga kasi ang gising ko. Ang mabuti pa maupo ka na sa dining. Ihahain ko lang itong niluto ko,” masiglang sabi nito. Humingi ito ng pasensya, but he doesn’t look sorry at all.
Iiling-iling, tinungo ni Lucille ang dining area at naupo sa sa pang-apatang mesa, malapit lang iyon sa kitchen. “What’s for breakfast?”
“Chicken arroz caldo. May mga sangkap na dito sa bahay mo kaya ito na lang ang niluto ko.” ani Lucas na naglakad patungo kung saan siya naroon. Inilapag nito ang bowl at kutsara sa harap niya.
“This look’s delicious.” Hindi niya napigil ang ngumiti nang maamoy ang bango nito, nakakatakam. “Halika, saluhan mo ako.”
“Okay.” Tumango ito sabay hubad ng apron. Aba, sa harap niya pa talaga!
Nginitian siya ni Lucas bago tumungo sa kusina at kumuha rin ng isang bowl ng arroz caldo bago naupo sa upuang katapat ni Lucille. Hindi niya lubos maisip na may makakasalo pa siyang kumain doon sa mesa ng condo niya simula nang mamatay ang kanyang ina. But now there was a man eating with her, ang lalaking ipinagtatabuyan niya na seminude pa. Ni hindi man lang ito nahihiya sa kanya, bagkus ay parang siya pa itong naiilang pero hindi ilang na negatibo. Nag-e-enjoy siyang sulyap sulyapan ito, actually. Wala naman sigurong masama? Nakasuot naman na siya ng malaking t-shirt at pajama.
“Kumusta ang lasa? Masarap ba?” maya maya’y tanong nito.
Sumubo muna siya ng isang kutsara bago tumango. “Hmmm… masarap, hindi ko alam na masarap ka rin palang magluto.”
“Ngayon naniniwala ka na more than just muscles lang ako?” Tipid itong ngumisi.
“Yeah…” Gumuhit ng ngiti niya sa labi. Ano ba ang hindi kayang gawin ng lalaking ito? Despite his looks, may feminine side pala ito. Siya nga hindi marunong magluto ng arroz caldo.
Nayuko siya at hinalo ang nasa bowl. Naalala niya bigla ang kanyang Lola Rosie at Mama. Dati-rati’y ang mga ito ang nagluluto para sa kanya. Marunong naman siyang magluto, kaso wala nang sasarap pa sa luto ng dalawang babaeng mahalaga sa kanyang buhay.
“Lucas, can I ask you something?”
“Hmp?” Tumingin ito sa kanya. “Ano iyon?”
Tumingin din siya dito. “Pwede mo bang sabihin lahat ng detalye noong magkakilala kayo ni mama sa ospital?”
Maingat na binitiwan ni Lucas ang kutsara, umayos ng upo bago nagpaliwanag. “Actually, isang beses lang kaming nagkita. Gaya ng nasabi ko sa’yo, doon sa Clover Hospital. Dadalawin ko iyong kaibigan ko, pero imbes na room 218, eh, room 318 ang napasok ko, iyon room ng mama mo. Humingi ako ng sorry sa kanya pero bigla niya akong tinawag. Tinanong ko kung bakit. Alam mo ang sabi niya?”
“Ano?”
“Ang gwapo ko raw,” biglang natawa si Lucas, nag-blush pa ito ng kaunti sa naalala.
Bahagya ring natawa si Lucille. Ang mama niya talaga, oh!
“Tapos, bigla ko na lang natagpuan ang sarili kong nakikipag-usap na sa kanya. Nakalimutan ko nang puntahan ‘yung kaibigan ko. Doon ko nalaman na cancer patient pala ang mama mo. Pero hindi halata kasi ang ganda pa rin niya. Tinanong niya pa kung ano’ng trabaho ko, sabi ko magre-resign na ako sa pagiging scout ranger. Naikwento ka niya sa’kin na sana’y naroon ka raw para makilala kita, pero um-attend ka raw ng worship service. Alam mo bang makita ko sa itsura niya kung gaano ka niya kamahal? Na sana raw ay mabantayan ka pa niya at ma-protektahan.”
May pumiga sa puso ni Lucille nang marinig ang mga huling sinabi ni Lucas. She knew that her mom loved her very much. Ganoon naman talaga ang mama niya, makwento.
Nagpatuloy sa pagpapaliwanag si Lucas, siya naman ay matamang nakikinig.
“Noong kaharap ko ang mama mo, para lamang akong nakikipag-usap sa matagal nang kaibigan. Hindi ko alam pero pareho kaming biglang naging kumportable sa isa’t-isa. Gusto ko pa sanang makipagkwentuhan sa kanya ng mas mahaba, pero dumating iyong oras na kailangan niya nang matulog kaya sabi ko babalik na lang ako para dalawin siya ulit. Isang linggo ang nakaraan… bumalik ako pero iba na naka-confined. May lumapit sa’king isang nurse at sinabing nawala na siya noong mismong araw na nagkakwentuhan kami. Pero may inabot sa’kin sulat iyong nurse, sulat ng mama mo.”
“Sulat?”
“Iyong sulat niya para sa’yo na sabi kong hindi ko nadala noong una tayong nagkita. Sandali lang, kukunin ko sa pantalon ko, muntik ko na namang makalimutan.” Tumayo si Lucas at pumunta sa naka-hanger na pantalon sa laundry area. Pagkabalik ay iniabot nito sa kanya ang isang yellow paper. Biglang bumilis ang t***k ng puso ni Lucille.
Naupong muli si Lucas sa katapat niya. ”Tapos mayroon din siyang sulat para sa’kin. Nakiusap siya na kapag nakapag-resign na ako bilang scout ranger, kung pwede raw maging body guard mo ako haggang sa mahanap iyong taong obsess sa’yo. Sabi niya pa, kung sungitan mo man ako ay ‘wag lang akong padadala, basta bantayan lang daw kita. Pwede mong basahin ‘yang sulat niya sa’yo.” Tinuro nito ang sulat.
Nanginginig na binuksan ni Lucille ang sulat ng kanyang ina saka iyon binasa.
Anak,
Pasensya na kung maikli lang itong sulat ni mama, hindi ko na kailangang habaan pa dahil nasabi ko na saiyo ang lahat ng bilin ko. Basta, alalahanin mo lang na mahal na mahal kita. Alam ko rin na matapang kang babae ngunit hayaan mo akong ma-protektahan kita kahit wala na ako. Tungkol doon kay Winston, hindi pwedeng wala akong gawin dahil kahit mayroon na siyang TRO ay nararamdaman kong hindi ka niya titigilan. Maniwala ka sa’kin dahil ramdam iyan ng isang ina. Kaya naman kasama ng sulat na ito si Lucas, ang aking kaibigan. Dati siyang hukbo, ngunit pinakusapan kong bantayan ka niya. Sana ay ‘wag matigas ang ulo, hayaan mong protektahan ka niya hangga’t hindi nahahanap si Winston.
Love, mama.
“S-si mama t-talaga, oh.” Pilit siyang ngumiti dahil sa nabasa, ngunit kasunod niyon ang kanyang pagsigok. Nais niya sanang pigilan ang luha pero hindi niya kinaya, tinakpan niya ng mga kamay ang mukha sabay ang pag-iyak. Kawawa naman ang mama niya, lagi talagang iniisip ang kapakanan niya. At mas lalong sumakit ang kanyang damdamin dahil pinilit nitong magsulat, bumakas sa mga letra na nahihirapan na itong magsulat dahil sa karamdaman pero bawat kataga ay alam niyang gawa iyon ng kanyang ina. She terribly misses her mom. Hanggang ngayon ay nagtatanong pa rin siya sa Dios kung bakit kay aga nitong kinuha ang apatnapu’t-pitong taong gulang niyang ina samantalang maiiwan naman siyang mag-isa na lang sa buhay.
“Nakita mo na? Hanggang sa mga huling sandali, kapakanan mo pa rin ang inisip niya,” sabi ni Lucas.
Biglang napatigil sa pag-iyak si Lucille. Doon niya lang naramdaman na nasa harapan niya na ang binata at nakayakap na ito sa kanya. Her forehead was on his hard stomach, hilam ng luha niyang tiningala ito. “At tinupad mo iyong kahilingan niya. Y-you are here with me, as my bodyguard.”
“Oo.” Tipid nitong ngiti at pinahid ang mga luha niya sa pisngi. Pinahid man ng binata ang mga iyon, patuloy pa rin sa paglabas ng likido ang kanyang mga mata. Muli siyang humagulhol at kusa na ring napayakap dito, isinubsob niyang muli ang mukha sa tiyan nito. “I miss her so much. I miss my mom! She and my lola!”
Patuloy lang namang hinaplos ng binata ang kanyang buhok. Noong mamatay ang kanyang ina, marami mang dumalaw na kakilala ay wala siyang nayakap ng ganoon upang maiyakan. Nasorpresa siya dahil si Lucas pa ang nagko-comfort sa kanya, kung sino pa iyong dapat niyang iwasan ay iyon pa ang nasa tabi niya.
Nang muli siyang kumalma ay lumuhod si Lucas sa harap niya. Kinuha nito ang kanyang mga kamay at magaang pinisil iyon. “Mabait ang mama mo kaya mahirap tanggihan ang hiling niya. Pero hindi lang iyon ang dahilan kung ba’t nandito ako. Nandito ako kasi ginusto ko ito, at hindi ko matatahimik hangga’t walang katiyakan ang kaligtasan mo.”
Napakagat ng pang-ibabang labi si Lucille. Sa ngayon ay gusto niya munang isantabi ang pag-iwas kay Lucas, because she knew that he was telling the truth, halata sa mga mata nito. Ang bibig makakapagsinungaling pero ang mga mata hindi, and why not give him a chance kung ang pagiging bodyguard lang ang ituturing niya dito? Kaya niya naman siguro iyon. And after all ay hindi nagkamali ng pinili ang kanyang ina para sa kapakanan niya.
“S-Sige na nga, tatanggapin na kita bilang bodyguard ko.” Tipid siyang ngumiti.
Tumango ito at tipid ring ngumiti. “Salamat. Pangako, hindi ka magsisisi.” He said, and then kissed her hands. Hindi na siya nakaramdam ng pagtutol.