MALAWAK ang ngiti ni Ivy nang salubungin nito sina Lucille at Lucas sa bungad ng Rosanna’s Shop. Hindi man lang ito nahiya sa kanya dahil sa ginawa nitong pagsabi kay Lucas na pupunta siya sa isang bar kahit ba pinaningkitan niya ito ng mga mata pagkadating nila. Pagkahatid sa kanya ng binata doon ay nagpaalam muna ito upang maligo at magpalit ng damit, babalik na lang daw agad pagkatapos at ibinilin siya nito kay Ivy. Si Lucille naman at ang kanyang assistant ay bumalik na sa trabaho.
Dahil busy sa mga gawain sa shop at wala silang katulong dahil nagkaroon ng trangkaso si Tibong at ‘di nakapasok, pagkatapos na ng lunch time nasita ni Lucille si Ivy sa atraso nito. Naroon sila mismo sa kanyang opisina, kapwa kumakain ng fruit salad para sa panghimagas.
“Ate Lucille, ginawa ko lang naman po iyon para sa kapakanan mo kasi may nangtangka ngang kumidnap sa’yo. Ayokong makidnap ka at ayokong mawalan ng mabait na amo.” Turo nito sa kanya gamit ang plastic spoon.
Sumandal si Lucille sa backrest ng swivel chair at bahagya iyong pinaikot-ikot. “Sa bagay… may punto ka, hindi talaga natin alam ng liko ng bituka ni Winston. Siguro nga kailangan sundin ko dahil iyon din ang nais ni mama— ang lagi akong safe. At hayaan mo, gaya ng gusto ni mama at gusto mo, tinanggap ko na siya bilang bodyguard. Salamat din sa concern mo, the best assistant goes to you, ” nginitian niya ito at inilahad ang dalawang kamay bilang pagturo.
“Ayyyy…” Lumabi si Ivy at napahawak sa kaliwang dibdib, na-touch ata sa kanyang sinabi. She even stood up, leaned forward and hugged her. Natawa naman si Lucille at tinapik-tapik ito sa balikat. Madrama din ang assistant niya ngunit kay buti nito.
Kumalas sa kanya ang babae na malawak ang ngiti. “Thank you, Ate Lucille! Anyway, ililigpit ko na itong pinagkainan natin at marami pa akong gagawin! Dadating na iyong reliever ni Tibong para i-deliver ‘yung mga naka tenggang package.” Masiglang sabi nito na iniligpit ang kanilang pinagkainan. Eksakto namang lumabas ang kanyang assistant, sumilip naman sa pinto ang kararating lang na si Lucas. Pinapasok niya ito sa loob.
“Hi!”
“Oh, Lucas ikaw pala. Kanina ka pa ba nakabalik?”
“Oo, pasensya na kung hindi ako nagpakita sa’yo. Actually nandyan lang ako sa labas ng shop. Tinawagan kasi ako ng kaibigan kong si Aaron at may mga nagkabit na ng CCTV sa paligid.”
“May… nagkabit na ng CCTV?” aniya. Wow, ganoon ba ka determinado si Lucas na protektahan siya? “Ah… Thank you, Lucas. Malaki ang tulong niyan hindi lang para sa’kin, kundi para na rin sa paligid ng area.”
“Mabuti na ‘yung pasiguro.”
“Anyway, nag-lunch ka na ba?”
“Oo, tapos na. Pumunta lang ako dito para sabihing nakabitan na ng CCTV ang mga dapat kabitan. Akala ko nga wala ka rito, eh. Akala ko tinakasan mo na naman ako.”
Bahagyang natawa si Lucille,“Saan naman ako pupunta?”
“Naniniguro lang.” Kumibit-balikat ito.
Mas inilapit pa ni Lucille ang swivel chair sa mesa. Ipinatong niya ang mga siko doon at nangalong-baba sa dalawang palad. “You know what, Lucas? I’m a businesswoman. Kapag business hours ko ay hindi ako dito umaalis sa opisina. Isa pa, I already hired you as a bodyguard. Wala nang dahilan para takasan kita.”
Tumangu-tango lang naman ito. “Maraming salamat at naiintindihan mo na, sige dito muna ako sa labas.”
“Wait,” pigil ni Lucille nang akmang tatalikod na ang binata. Napakamot siya sa noo, “Ahm, ano kasi Lucas, our set up makes me feel uncomfortable. Hindi kasi ako artista or even a VIP person. Are you sure you can stand me up? Usually maghapon narito lang ako sa office, at ikaw wala kang ibang gagawin kundi bantayan ako. At ‘wag kang magkaila dahil alam kong kahit ten minutes ka lang na walang ginagawa ay nakakainip na iyon, paano pa kung eight hours or more than pa?”
“Huwag kang mag-alala dahil noong scout ranger pa ako, kahit may operation kami na dalawang araw hindi kami umaalis sa pwesto namin sa gubat, maning-mani sa’kin ‘to.”
“Pero wala tayo sa gubat.”
“Pero nandito ka naman,” agad na sagot nito.
“H-ha?”
Napailing si Lucas at nginitian na lamang siya. “Lucille, I’m perfectly fine, okay? Sige na dito muna ako sa labas,” sabi pa nito sabay ang talikod.
Naiawang ni Lucille ang bibig at napailing. Teka lang, he supposedly called her ‘ma’am’ right? “Lucas, wait,” tawag niya.
Tumingin sa kanya si Lucas at humarap ng maayos, his brows raise—, silently asking why.
“Ahm, bukas nga pala ng gabi, can you come with me? A-Attend ako ng event sa Resort’s World, a las siete y media iyon.”
“Oo naman, tungkulin kong samahan ka.”
“Saturday bukas, supposedly ay day-off mo kasi day-off rin nina Ivy at Tibong. You sure you can come? The dress code is formal, may isusuot ka ba?”
“Huwag kang mag-alala, kung kailangan mo ako bente kwatro oras ay narito naman ako, at kung isusuot naman ang pag-uusapan…” anitong napa-isip. “Manghihiram na lang ako kay Aaron. Mag kasin-laki lang kami noon.”
“Okay. Pick me up at my condo unit tomorrow at six p.m. Magta-taxi na lang tayo.”
“Okay.” Ani Lucas na ngumiti bago lumabas ng kanyang opisina.
LUCILLE was ready for the event. Ipinahid niya ang huling guhit ng red lipstick sa kanyang lowerlip at tiningnan ang sarili sa half-lenght mirror. Naka full make-up siya at naka-bun ang buhok na may nakalaylay na kaunting bangs. Tumayo siya at tiningnan ang sarili sa full-size mirror naman. Katerno ng kanyang red heels, suot niya ang hapit na red sleeveless dress na kaunti na lang ay aabot na sa sakong, her healthy breasts were a little bit exposed but not much provocating. Tamang-tama rin lang ang mga suot nyang alahas.
Napalingon si Lucille sa kama nang tumunog ang kanyang smartphone na naroon. Si Lucas iyong nag-text, nasa baba na raw ito ng kanyang unit. Tiningnan muli ni Lucille ang sarili sa salamin para masigurong mas maganda pa siya, saka siya nag-spray ng mamahaling pabango at kinuha ang kanyang sling bag bago bumaba ng kanyang unit. Doon sa sa tapat ng reception area naabutan niya si Lucas.
Lucille stopped a moment when she saw Lucas. Nakasandal ito sa kotseng dala habang siya’y hinihintay, at sa pagkakataong iyon ay hindi niya napigilang ihignit ang paghinga. He looks perfect in his dark blue long sleeve that rolled on his elbows. Katerno niyon ang black slacks at balat na sapatos, ang buhok nito ay wala namang ipinahid na kahit ano, pero nakakaakit pa ring tingnan...
Nang mapalingon sa kanya si Lucas ay agad itong umayos sa pagkakatayo, like her reaction, parang nawalan rin ito ng hangin sa baga. His pupils were dilated in the moonlight, and his mouth opened unintentionally.
Napalunok si Lucille at naglakad papalapit sa binata, she felt conscious because his eyes never left her. Ano kaya ang nasa isip nito?
“Ready?” ani Lucille nang makalapit dito. She smiled a little bit.
Lucas looked at Lucille from head to her feet with such admiration, then unintentionally, his gaze stopped at her breasts. Bahagyang naiawang ni Lucille ang mga labi at biglang uminit ang kanyang magkabilang pisngi. Marami nang lalaki ang tumingin sa kanya ng may paghanga, pero parang kay Lucas lang siya nahiya at the same time ay ewan niya ba kung bakit niya iyon nagustuhan!
Tumikhim si Lucille nang hindi na makagalaw ni Lucas. “Ahm, shall we go now?”
Napailing naman si Lucas at tila ba natauhan, umayos ito sa pagkakatayo at napahimas sa batok at napakagat sa pang-ibabang labi bago ipinagbukas siya ng pinto ng kotse.
“Ready ka na?” tanong ni Lucas nang buksan ang ignition ng kotse.
“Yes,” sagot niya sabay ang ngiti ng malawak.
Lucas smiled, too. Iyon nga lang ay hindi sinadyang bumaba ang tingin nito sa kanyang kandungan. Mahaba ang dress ni Lucille pero mahaba rin ang slit niyon, at mula sa kanyang pagkakaupo ay na-expose ang kanyang maputing hita. Maya-maya ay lumapit sa kanya si Lucas ng malapitan.
“L-Lucas,” ani Lucille sabay ang biglang pagkalabog ng kanyang puso. Their bodies were so close, naaamoy niya rin ang kaaya-ayang pabango ng binata, pati na rin ang mainit nitong hininga na dahilan ng tila pag-init ang paghina ng katawan ni Lucille. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman pero alam niyang hindi iyon negatibo. Ganoon ba talaga kapag nagkakalapit ang isang lalaki at isang babae sa isa’t isa? O sadyang kay Lucas lang ganoon kung mag-react ang katawan niya?
“Ikakabit ko lang ang seat belt mo.” Halos pabulong na sabi ng binata bago ikinabit ang kanyang seat belt, ngumiti ito ng malawak bago inilayo ang sarili at saka nagmaneho.
Napailing si Lucille at halos hindi makagalaw sa kinauupuan, tama bang bigyan ng malisya ang ginawa nito? She thought he was going to kiss her!
“You know what, Lucas? Kaya ko namang ikabit ang seat belt nang mag-isa, hindi mo na kailangan gawin ‘yun para sakin, hindi ako bata na kailangang alalayan,” ungot niya. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nakaramdam ng inis.
Sumulyap lang sa kanya si Lucas, ang mga mata lang naman nito ang nagniningning.
“Anyway, ‘di ba magta-taxi tayo? Kanino itong kotse?” takang tanong ni Lucille. Plano niyang mag-taxi na lang sila ni Lucas, pero bakit ngayon nya lang na-realize kung kailan nakasakay na siya roon? Masyado ata siyang nadala sa tingin ng binata kanina!
“Ahm, kay Aaron,hiniram ko muna,” sagot ni Lucas.
“Kay Aaron?” napamaang siya.
“Oo nga pala, saan Resort’s World tayo, hindi ba?”
“Ah… yah…”
“Siya nga pala, napakaganda mo ngayon,” sabi ni Lucas na hindi na tumingin sa kanya.
Lucille just opened her mouth, pero walang lumabas na salita roon. Akala niya ay hindi siya nito pupurihin!
MAKALIPAS ang halos isang oras—na salamat naman ay hindi traffic —ay nakarating na rin sina Lucille at Lucas sa Resort’s World kung saan ang event. The place of venue was elegant and cozy, doon rin nakilala ni Lucille ang ilang young entrepreneurs na umaangat na sa beauty industry. May ilang mga nakakakilala sa kanya, ang ilan ay mga lalaking nagpapakilala pa sa kanya na karamihan ay balak sanang hingin ang kanyang numero at social medi account pero ewan niya ba at bigla na lang haharang si Lucas kaya madalas ma-intimidate ang mga iyon.
She introduced Lucas as her friend, pero hindi ata naniniwala ang mga ito na kaibigan niya lang ang binata. Nakakwentuhan niya rin ang sponsor ng event— si Editor Aaliyah Mendoza ng Magestic Magazine at anak ng sikat na business tycoon sa bansa. The woman is one of the most beautiful faces in the Philippines na kahit pati si Lucille ay nakalimutan niya yata saglit na babae siya. Nakita niya ring bahagya nagkaroon ng interes si Aaliyah kay Lucas. Kinamayan at nginitian naman ni Lucas ang babae ngunit mas interesado pa ang binata sa chocolate fountain na naroon.
The event was memorable and successful one, hindi rin lubos akalain ni Lucille na makakakuha siya ng awards gaya ng Elite and Business Leadership awards, Philippine Top Choice awards at Golden Globe Annual awards for Business Excellence. Para kay Lucille ay malaking achievement na iyon.
“Congrats sa’yo. Ang dami mong award, ah!” Nakangiting sabi ni Lucas. Tapos na ang event at binabaybay na nila ang daan pauwi. A las once na ng gabi at kahit papaano ay wala nang traffic.
“Thank you, Lucas! At salamat rin sa pagsama sa’kin.”
“Kung buhay siguro ang mama at lola mo, sigurado akong proud na proud sila sa’yo.”
“Oo nga, eh! Ang totoo, para naman sa kanila ang mga ito,” aniyang tiningnan ang isang tropeyong hawak. Kung buhay lang sana ang kanyang mama at lola ay tama si Lucas, malamang ay proud na proud ang mga ito sa mga bagay na kanyang naabot. Iyong mga nakuha niya ay alay niya iyon sa dalawa. Kaya lang paano niya naman mapag-aalayan ng kanyang naabot ang mga minamahal na kahit kailan ay hindi na makakaramdam?
“Ah, Lucas,pwede bang itigil mo sa tabi ang kotse?” pakisuyo ni Lucille.
Tumingin sa kanya si Lucas na para bang nagtatanong, saka inihimpil nito ang kotse sa tabi. Naroon sila sa Manila Bay, sa ganoong oras ay mayroon pa ring mga tao, na karamihan ay mga lovers pa yata. Naupo si Lucille kung saan tanaw ang karagatan na maraming tanglaw sa malayo.
“Ayaw ko pang umuwi, hindi pa ako inaantok.” Aniyang tumingin kay Lucas. “Okay lang ba na dito muna tayo?”
“Oo naman, hindi rin naman ako inaantok at saka wala naman akong ibang gagawin,” sagot ni Lucas.
Iniayos nila ang pagkakaupo para mas maharap ng maayos ang tahimik na dagat. May mga oras na gusto ni Lucille na mapag-isa pero gusto niyang maraming tao ang nasa paligid, iyong tipong maingay pero wala siyang kakilala. Mayroon namang oras na gusto niya ng tahimik, pero may kasama siyang kanyang kakilala, and this time was perfect because she was with Lucas.
“Oh, ba’t para yatang malungkot ka? ‘Di ba dapat nakangiti ka? Nakatatlong trophy ka kaya,” tanong ni Lucas nang mahalata nito ang kanyang pagtahimik.
“Ano ka ba, syempre masayang-masaya ako. Iyon nga lang kapag nangyayari iyon lagi ko ring naaalala sina mama at lola, alam mo ‘yun hindi ko lang maiwasan?”
“Ahm, naiintindihan naman kita, iyon para bang nakakaramdam ka ng guilt? Kaya lang wala namang magbabago, alam mo ba malamang mas gusto nilang makita kang masaya kaysa ganyan na malungkot? Tahimik na ang buhay ng mama at lola mo, kapag nakita ka nilang malungkot baka multuhin ka nila sige ka,” pagbibiro ni Lucas.
Natawa lang naman si Lucille at nailing, sinusubukan lang siyang pangitiin ng binata.
“Ah, Lucille, may itatanong lang sana ako.”
“Ano ‘yun?”
“Kanina doon sa event, maraming nagpapakilala sa’yong mga lalaki. Ang iba ay kilala ka na nila at nagpapakita ng interes, tanong ko lang kung minsan ba may nagustuhan ka ng lalaki sa buhay mo?”
Bahagyang napangiti si Lucille at muling ipinako ang paningin sa malayo. “Bilang isang babae, nagkaroon naman ako ng crush, pero madalas celebrity. But in real life, never pa akong nagmahal talaga, iyong hindi naman talaga ako nagkaroon ng boyfriend. At choice ko iyon.”
“Bakit ayaw mo? Dahil ba may nanakit sa’yo?”
“Dahil sa ama at lolo ko.” Tumingin siya kay Lucas. “Iniwan nila kami, ni hindi ko nga sila pareho nakilala. Silang dalawa ang halimbawa ko.”
“At takot ka na baka maulit lang iyon sa’yo?” seryosong tanong ng binata.
Tumango lang naman si Lucille at nayuko. Umihip ang malakas na hangin, dahilan kung bakit bahagya siyang gininaw. Oo nga pala, nakalimutan niyang dalhin ang shawl at ngayon niya lang naalala, hindi rin kasi siya nilamig sa event.
Niyakap niya ang sarili ngunit nagulat siya nang mas lalo pang tumabi sa kanya si Lucas. Isinuot nito sa kanya ang hinubad na long sleeve.
“Lucas, I’m alright, Bakit ka pa nagtanggal ng damit? Ikaw naman ang lalamigin niyan!”
“Okay lang, hindi naman ako nilalamig,” sagot nito na halos pabulong. Pang ilalim na sando na lamang tuloy ang suot nito, at si Lucille naman ay agad nawala ang lamig na nararamdaman hindi lang dahil suot na ibinigay ni Lucas kundi dahil sa pagkakalapit nito sa kanya.
“Paano na lang kung isang araw, may taong darating na kahit ipagtabuyan mo ay ipipilit niya ang sarili niya sa’yo?” balik ni Lucas sa kanilang usapan.
“Gaya na lang ni Winston?” Taas-kilay niya.
“Teka… hindi mo pa nakukwento sa’kin, paano ba kayo nagkakilala ng baliw na iyon?”
“Si Winston?” Bumuntong-hininga siya, “Kaibigan siya ng boyfriend ng bestfriend ko, si Astrud. May date kasi silang dalawa ng boyfriend niya noon tapos isinama ako at sinama rin nila si Winston na para bang intensyon nilang paglapitin kaming dalawa. Okay naman si Winston, mabait naman siya at pormal, nag-usap kami ‘yung parang flirt-flirt ba? Tapos after ng date namin, nabalitaan kong pumunta na siya ng Australia. Three months later, bumalik siya, pagbalik niya alam mo bang biglang nagyayang magpakasal? May singsing pang dala, but ofcourse, I rejected him. Pinagbintangan pa akong paasa raw at nagalit sa’kin. Then simula ng araw na iyon, hindi na natigil ang pangungulit niya. Pati kina mama at lola ay nagbibigay siya ng kung ano-ano, para bang binibili niya ako palibhasa mayaman siya. At doon na nga ako hindi naging kumportable. And that was three years ago.”
“Sa tingin ko, may sakit sa utak ang Winston na iyon. Pero hindi naman ‘yun dahilan to the point na para ipakidnap ka niya, ‘di ba?” ani Lucas.
“You’re right. Alam mo bang pagpapasensyahan ko pa sana pero sinabi ni mama na ireklamo ko na raw? Kaya yun nagka-TRO ang loko.”
“Hindi sapat ang TRO, mapatunayan lang natin na siya ‘yung may balak na magpa-kidnap sa’yo, sa kulungan na ang bagsak niya,” seryosong sabi ng binata.
Tipid na ngumiti si Lucille. “Thank you ulit, Lucas. Kung hindi dahil sa’yo, hindi ko na alam kung nasaan na ako ngayon, hindi ko lubos maisip kung ano na ang lagay ko sa kamay ni Winston.”
“Huwag kang mag-alala, hangga’t narito ako walang sinuman ang makakalapit na kahit sinong may masamang balak sa’yo.” Sinserong sabi ng binata, bahagya nitong hinaplos ang kanyang pisngi.
Napalunok lang si Lucille nang makita ang sinseridad sa mga mata ni Lucas. She’s very lucky to have him by her side, ang swerte naman siguro ng taong magmamahal at mamahalin nito. Kung siguro’y wala siyang reserbasyon sa kanyang puso, malamang bigyan niya ang pagkakataong mahulog sa binata. Pero masyado pang maaga para doon dahil kailan lang naman sila nagkakilala, isa pa kaya lang naman ito nasa tabi niya dahil sa binayaran ito ng kanyang ina para bantayan siya. Pangalawa, malay ba niyang ganoon rin ang pakikitungo ni Lucas sa ilang kliyenteng babaeng pinagserbisyuhan nito? She didn’t know.
Napailing si Lucille at bahagyang iniwas ang sarili sa binata. “Ah, ang mabuti pa Lucas, ihatid mo na ako sa condo, gusto ko nang magpahinga.”
Si Lucas naman ay napailing rin sa kanyang sudden gesture, umiwas ito ng tingin saka tumango.
Isang oras at kalahati ang byahe papunta sa condo ni Lucille, at sa mga oras na iyon ay hindi na sila nag-imikan ni Lucas. Tumalikod ng pwesto si Lucille sa nagmamanehong binata, kunwari ay tulog siya pero sa totoo lang ay hindi niya alam kung bakit bigla siyang nalungkot. Hanggang sa maihatid siya nito sa condo, pormal lang silang nagpaalam sa isa’t-isa