CHAPTER SEVEN

2145 Words
ABALA sa paglilista ng mga orders sa notebook si Lucille, salitan iyon saka ang iniintindi niya sa kanyang laptop. Baha ng mensahe ang social media page ng Rosana’s Body Potion kaya hindi siya magkandaugaga sa pagtatrabaho. At sa kalagitnaan ng pagkaabala niya doon, kumatok si Lucas na kanyang pinapasok naman. “Lucille? Magandang umaga, pasensya ka na nahuli ako.” “Hi! Lucas, magandang umaga.” Nginitian niya ang binata bago bumalik ulit ang atensyon sa laptop. “Okay lang , ‘wag kang mag-alala.” “Busy ka ba?” anitong tila nag-aalangan pang lumapit sa kanyang table. Nahinto si Lucille sa ginagawa saka ibinalin ang atensyon kay Lucas, mas inikot niya paharap ang swivel chair dito. “Bakit, Lucas? May… kailangan ka ba?” “Ahm, mag-papaalam sana ako sa’yo, may emergency kasi sa’min,” anito na napahimas sa batok, mukhang stressed pa ang binata. Kumunot-noo si Lucille. “Emergency? Bakit ano’ng nangyari?” “Tumawag kasi ‘yung tiyo ko, nabangga raw si tatay ng jeep.” “Ha? Nasaang ospital ang tatay mo?” concern niyang tanong. Hindi alam ni Lucille kung lolo o ama ang tinutukoy nitong tatay. Wala siyang nagisnang anuman sa dalawa kaya hindi siya nakaka-relate sa sinabi ni Lucas. Pero nag-aalala siya sa pag-aalalang nakikita niya sa binata, sana ay maayos lang ang tatay nito. “Is he your father or grandpa?” “Ama ko siya. Nasa Mindoro, doon kasi ang hometown ko.” Tumingin ito sa may bintana at pumakawala ito ng hangin sa baga, bago muling tumingin sa kanya. “Gusto ko muna sanang magpaalam sa’yo para puntahan siya, hindi kasi ako mapalagay. Kung okay lang ba sa’yo.” “Oo naman, ano ka ba? Huwag kang mag-alala sa’kin, I will be fine. Mas importante na makita mo ang tatay mo.” Marahang humakbang si Lucas papunta sa kanyang tabi, sinundan niya ito ng tingin hanggang sa huminto sa kanyang harapan. “Pasensya ka na kung kakapasok ko lang sa trabaho para bantayan ka, eh, aalis agad ako.” “Ano ka ba, sinabi nang magiging maayos lang ako dito. Your father needs you, sige na.” Tumango si Lucas, pagkatapos ay ipinatong nito ang isang maliit na itim na bag sa mesa at hinalungkat iyon. “Ano ‘yan?” tanong niya kahit nakita na niyang inilabas nito ang isang baril. Liban doon ay may inilabas pa itong dalawa. Napatayo si Lucille. “Eto pepper spray.” Itinaas nito ang tinukoy, pagkatapos ay ang isa pa. “Eto naman stun gun, at eto—” “Baril,” putol niya sa obvious nitong hawak. “Para ‘san ang mga ‘yan?” “Para sa’yo. Para kapag wala ako ay kaya mong protektahan ang sarili mo, mahirap na,” sinsero naman nitong sabi. Bahagya siyang napakamot sa sentido at tipid na ngumiti. Dedicated talaga ang binata na protektahan siya, pero mukhang sobra na iyon. “Salamat, pero ayaw ko niyang baril. Teka… Iyan ba iyong walang lisensya?” Ngumiwi si Lucas sabay kamot sa ulo. “Lucas! Masyadong matigas ang ulo mo!” “Sorry naman, concern lang kasi ako sa’yo. Atleast kasi pag baril, long range, eh. Kapag papalapit na ang kung sino’ng may masamang balak, eh, paputukin mo na agad.” Hindi naimik si Lucille sa katwiran nito, ayaw niya man ngunit tila nagdiwang ang isang sulok ng kanyang puso. He’s really concern about her safety, biruin niya bukod kina Ivy at Tibong ay may isa pang taong concern sa kanya? “Salamat sa’yo. Pero pepper spray at stun gun lang sapat na. At please, ‘wag ka nang magdadala ng baril na walang lisensya, masama iyan, ha? Mapapahamak ka kapag nahuli ka, scout ranger ka pa naman dati. Baka madungisan ang kredibilidad mo.” Bumuntong-hininga si Lucas at tila nagdalawang-isip pa. “Sige na nga itong dalawa na lang ang iiwan ko.” Turo nito sa pepper spray at stun gun bago muling tumingin sa kanya. “Basta mag-iingat ka, ha? Huwag kang magpapagabi. Kung pwede lang nga maaga kang magsara, ang pera kikitain yan—” “Lucas, I’m perfectly fine,” she unintentionally touched his arm. Ang kamay niyang humawak sa braso nito ay tiningnan naman ng binata, hinawakan iyon saka magaang pinisil. Natigilan saglit si Lucille, it was the first time a man held her hand like Lucas did, simpleng paghawak lang iyon pero nadulot iyon ng magandang pakiramdam sa kanya. Iyon bang parang nakaramdam siya ng assurance ditto at the same time ay comfort sa kanya. “Basta mag-iingat ka,” halos pabulong nitong sabi. “Oo, mag-iingat ako, ikaw rin ingat sa byahe and get well soon sa tatay mo.” Tumango at tipid na ngumiti si Lucas bago mas mahigpit na ginagap ang kanyang kamay. Nasorpresa pa siya sa sarili dahil hindi niya magawang magalit nang banayad na halikan iyon ng binata bago ito umalis. Supposedly ay dapat hindi niya tino-tolerate iyon, gaya na lang ng ginawa din nito ang ga’nun nang nakaraang gabi. Dapat ay magalit siya dahil humahalik ito ng basta na lang sa kamay niya, dapat bang pag sabihan niya ito? Saan siya nakakita ng bodyguard na pwedeng gawin iyon sa amo? Sa Pelikula nina Kevin Costner at Whitney Houston ba? Napailing si Lucille sa inisip, muli siyang naupo at ibinalin muli ang atensyon sa pagtatrabaho. KAHIT halos sunod-sunod ang inquiries sa social media page ni Lucille, hindi muna niya sinagot ang iba roon at isinara ang shop ng a las cinco ng hapon. Pinauwi niya na rin si Ivy at ang reliever ni Tibong, pagkatapos ay siya na ang nag-ayos sa kanyang shop. Kaya niya naman sanang tapusin ang trabaho at magtimpla pa ng ilang produkto at ayos lang sa kanya na umuwi ng late— iyon ay kung kasama niya si Lucas. Pinagpag ni Lucille ang kanyang mga kamay nang maisara ang roll up ng shop, pagkatapos noon ay tumingin siya sa paligid. Dahil sa maaga pa ay maraming tao at sasakyan ang dumaraan doon gaya ng pang araw-araw na nakikita niya. Pinagmasdan niya rin ang ilang poste at establisimyento, may mga naka-install na doong CCTV. Wala pa nang siyang nababalitaan krimen na nangyari doon sa lugar simula ng unang magbukas si Lucille ng kanyang shop, ang pinakaunang alam niya lang ay iyong may nag-tangkang kumidnap sa kanya. Napabuntong-hininga si Lucille at pinanood ang mga saskayang dumaraan. Sa totoo lang, may takot na siya tuwing makakakita ng itim na kotse dahil sa insidenteng nangyari, but as much as possible ay nilalabanan niya ang pakiramdam na iyon. Hindi siya pwedeng matakot nang dahil lang sa Winston na iyon. Ibinalita niya rin kay Astrud ang nangyaring pagtangkang pangingidnap sa kanya. Nag-alala ang best friend niya at tinanong nito ang boyfriend kung nasaan si Winston, ayon sa lalaki ang alam daw nito ay nasa Australia, pero madali lang sabihing naroon si Winston para hindi paghinalaan. Siguro sa nangyari ay magla li-low muna ang lalaki, at siya naman ay kailangan pa ring mag-ingat ngunit hindi niya hahayaang madaig siya ng takot sa lalaking iyon. She can’t rely on Lucas forever. “Taxi!” ani Lucille na pinara ang dumaang taxi. “Kuya sa Villa Verde Subdivision po.” HANGGA’T sa naaalala ni Lucas, OA at sobra-sobra ang kadalasang kwento ng kanyang Tiyo Berting sa mga bagay-bagay kapag ito ay nagpapaliwanag. Si Tiyo Berting ang nakababatang kapatid ng kanyang tatay. Sabi ng kanyang ama, kahit pa raw noong kabataan pa lang ng mga ito ay ganoon na ang ugali ni Tiyo Berting na dinala na hanggang sa pagtanda. Subok na nga iyon ni Lucas, pero nais niyang batukan ang sarili dahil naniwala na naman siya dito. Nagkandaugaga siyang umuwi ng Mindoro dahil tumawag si Tiyo Berting na nabangga raw ang tatay niya at isinugod sa ospital, tingin daw nito ay malala ang tama ng kapatid, pero nang makauwi siya sa bayan nila ay tumambad sa bahay nila ang malusog niyang ama. “Pambihira naman, Tay. Mas malakas pa yata kayo sa kalabaw, eh!” dismayadong sabi Lucas at sumandal sa frame ng main door ng kanilang bahay. Hindi pagod ang katawan niya sa pagmamadali, kundi ang utak niya sa pag-iisip ng bagay na hindi naman pala totoo! Sa labas ng kanilang bahay, doon niya nadatnan ang kanyang ama dahil lumabas na raw ng ospital sabi ni Tiyo Berting sa text. Ang huli naman ay missing in action,takot yata na masita niya! “Eh, kasalanan mo! Naniwala ka sa Tiyong Berting mo, parang ‘di mo siya kilala, ano?” Pinanlakihan siya ng mata ng kanyang ama. Payat lang ang kanyang tatay, puti na nito ang lahat na buhok na hugis bunot. Ayun at abala nitong inililipat sa nabiling mga paso ang mga halaman na nasa lata ng gatas. “Bakit kasi ayaw niyo pa pong magka-cellphone? Para kayo na iyong ko-contact sa’kin in case na may emergency talaga, hindi iyong si Tiyo Berting pa. Trenta y cuatro pa lang ho ako pero baka ‘nervous breakdown’ ang mailista ng duktor sa death certificate ko niyan,” pagbibiro ngunit busangot niya. “He! ‘wag ka ngang magsasalita ng ganyan bata ka! Mas mauuna kami ni Tiyo Berting mong mamamatay!” “Kaya nga Tay punta tayo ngayon sa bayan, bili tayo ng cellphone mo.” “Ipinanganak akong walang cellphone, mamamatay akong walang cellphone! Abala lang ‘yan sa buhay!” Mariing napakamot naman si Lucas sa kanyang ulo kahit hindi naman iyon nangangati. Baluktot naman ang katwiran ng kanyang Tatay pero ano ba ang magagawa niya? “Sa susunod hindi na talaga ako maniniwala sa matandang ‘yun. Iniwan ko tuloy ‘yung amo ko sa Maynila.” Tumigil sa ginagawa ang tatay niya at umayos sa pagkakatayo, tumingin ito sa kanya. “Babae ba ‘yang amo mo, ‘nak?” tila interesado nitong tanong. “Oho, at bente nuebe anyos lang,” aniyang napangiti. “Naku! Alam ko ‘yang ngiting ‘yan!” anitong ngumisi, “Ngiting may pagnanasa ‘yan! Ano’ng tinatrabaho mo sa kanya, ‘nak?” “Tay! ‘Wag ka ngang ganyan!” Umayos si Lucas sa pagkakatayo at sinimangutan ang ama. “Ang tanda niyo na ang bastos niyo pa rin.” “Ano’ng bastos sa tanong ko? Ang sabi ko kung ano ang tinatrabaho mo, kung house boy ka ba o hardinero. Ikaw bata ka ang madumi ang isip!” anitong inituro siya gamit ang handheld shovel at bumalik sa ginagawa. Umiling-iling pa ito. Tumikhim si Lucas. “Bodyguard po ako ni Lucille.” “Talaga? Maganda ba siya?” muli itong naging interesado. “Sobra, Tay. At ang ganda pa ng kutis,” ngiti niya at napakagat sa pang-ibabang labi nang maisip si Lucille. Bigla tuloy niyang na-miss ang dalaga—ang magandang mukha nito at ang napakalambot na balat na minsan ay dumantay na sa kanya. “Hay naku alam mo, nak… alam ko namang kapag nagtatrabaho ka ay ginagampanan mo ng maayos, pero hindi ba amo mo siya? Mukhang interesado ka sa kanya, ah! Kaya lang paano kung hanggang bodyguard lang ang tingin niya sa’yo?” “Iyon nga tay, eh, gwardyado ang puso niya.” Sabi niya na tinulungan na sa paglilipat ng halaman sa paso ang ama. “Lucas, mana ka sa akin. Hindi yata imposible na mahulog siya sa’yo! Basta kung gusto mo talaga siya ay ligawan mo sa tamang paraan, syempre para mahulog siya sa’yo akit-akitin mo rin naman.” “Akit-akitin? Hindi kaya masampal ako nun?” sabi niya. Kapwa nagtawanan silang dalawa. “Pero sa nakikita ko sa’yo, nak? Masaya ka ngayon. At masaya akong makitang masaya ka. Sana naman kung siya na talaga ang gusto mo ay makita niya na karapat-dapat kang mahalin. Kung sakaling masaktan ka ulit na sana ay ‘wag naman mangyari ay masasabi kong hindi makatarungan ang mundo dahil napakabuti mong tao. Sana kahit amo mo siya ay hindi niya makita ng estado mo sa buhay kundi iyong kakayahan mong magmahal ng totoo.” Anang kanyang ama na tinapik siya sa balikat. Ngumiti lang naman si Lucas at tumango. “Tingin ko, Tay? Hindi siya iyong babaeng tumitingin sa estado ng isang lalaki sa buhay, ang kailangan niya lang ay iyong may pangarap sa buhay at ‘yung hindi siya sasaktan.” “May pangarap ka rin naman sa buhay, ‘diba? May ipon ka sa bangko. Pwera sa pagiging bodguard ang dami mo ring credentials, nak! Maraming kukuha sa’yo. Tapos tapat na tao ka pa at syempre, gwapong-gwapo!” bahagya syang siniko ng kanyang ama. Natawa naman si Lucas. “Salamat, Tay! Mas lalong nadagdagan ang lakas ng loob ko.” Umakbay ito sa kanya. “Sige, kwentuhan mo pa nga ako tungkol sa kanya,” muli ay sabi nito. Lahat naman ay ikinuwento ni Lucas sa kanyang ama kung bakit napunta siya sa pagiging bodyguard ni Lucille.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD