HUMINGA muna ako nang malalim bago ko binuksan ang message at binasa. > I just wanted you to know. I want you, Maria, I like you. And no matter what, I’ll be waiting for you. Always! Pinili kong huwag na lang pansinin ang text ni Ninong. Agad kong ibinalik ang cellphone ko sa bag at pilit na ibinaling ang atensyon ko sa trabaho. Ilang minuto ang lumipas nang kailangan ko na siyang puntahan sa office niya, to remind him na oras na ng meeting niya. Kahit medyo alangan ako, trabaho ko ito kaya ginawa ko na lang. Pagbukas ko ng pinto, nadatnan ko siyang may kausap sa cellphone. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa computer, pero agad siyang napangiti nang makita ako, na parang ako ang dahilan kung bakit nagbago ang mood niya. “Boss, your meeting will start at 10 a.m.” Casual ko

