MARIANA VILLAREAL
PROLOGUE
“Dad, are you seriously doing this to me?”
Napahigpit ang hawak ko sa cellphone habang nakasandal ako sa upuan ng kotse. Kagagaling ko lang mula sa States at sinundo ako ng driver niya sa airport. Pero kahit may jet lag pa ako, heto ako, nakikipagtalo sa kanya sa telepono.
“Sweetheart, this is for your own good. You said you want experience, right? I want you to learn from the best." Mariing sabi ni Dad.
“From the best?” Sarkastiko kong sabi “Dad, Beaumont Estates is not our company! Bakit sa kumpanya ng iba mo ako ipapadala? What’s wrong with Villarreal Holdings?”
Bahagya siyang tumawa. “Wala, anak. It’s just that... I’m very busy and have no time to train you myself. Hindi rin ako magaling sa ganyan. Sorry, I know marami akong pagkukulang sa’yo but—”
“That’s it!” Putol ko sa sasabihin pa niya. “Ngayon ka lang makakabawi sa akin, Dad! Kaya nga iniwan ko si Mom sa States at nagdesisyong magsimula ng bagong buhay dito sa Pilipinas kasama ka pero ngayon, ipapasa mo rin ako sa iba?”
Natahimik siya. I know he felt guilty and that’s what I wanted him to feel.
“Babawi ako sa’yo sa ibang paraan, anak. But not in this case. Your future depends on this. Gusto kong magkaroon ka ng matatag na foundation sa career mo.”
“Yeah, but Dad…” Umirap ako kahit hindi niya ako nakikita. “He’s your friend. Your bestfriend. And my… my ninong! Isn’t that, like, illegal or something?”
“Illegal? Don’t be dramatic, Mariana. He’s just your ninong, not your jailer." Tumawa siya.
“Still! It’s weird. I mean, hello! He probably saw me in diapers! Tapos ngayon, I’m supposed to call him Sir?” Napahawak ako sa noo.
“Come on, anak. Travis is a good man. Hindi ka niya pababayaan.”
“Good man?” Napataas ang boses ko. “Dad, you just said he’s strict. That’s literally the opposite!”
“Strict, yes. Pero fair. Matagal na niyang pinapatakbo nang maayos ang Beaumont Estates. And if there’s anyone who can teach you how to survive in the business world, it’s him.” Sabi niyang pilit akong kinukumbinsi.
“Teach me how to survive or teach me how to quit on my first day?”
Narinig kong natawa si Dad.
“You’ll be fine, Maria. Besides, I already told Travis you’re coming. Everything’s arranged.”
“Yeah! Because my opinion doesn’t matter.”
“Anak, this is for your own good. Hindi ka na bata. You need to stand on your own and learn from the best.” Bumaba ang tono ni Daddy at parang mas malambing ngayon.
Napatingin ako sa labas ng bintana ng kotse. “Yeah, I get it, Dad. You’re right.”
Pero sa loob-loob ko, ang gusto kong sabihin ay I wish it was you teaching me, not him.
"Besides, I trust him. I know Travis will train you well. He’s strict, but he’s a genius in business. Trust me, you're going to learn a lot from him.”
Napairap ako ulit at sumandal sa upuan ng sasakyan. “Train me well, huh? Or torture me slowly?”
Hindi siya agad nakasagot, pero maya-maya ay narinig ko siyang tumawa ng mahina.
“Just behave around Travis, okay?”
“Behave?” Napakunot-noo ako.
“I just mean... Travis needs to learn something, too, na hindi lahat ng babae kaya niyang paikutin. At sigurado akong ikaw ang tamang tao para turuan siya niyan.”
Napakunot noo ako. “Huh? Wait, Dad, what do you mean by that?”
Bago pa siya sumagot, may narinig akong boses ng babae sa background.
“David, are you done?”
Natahimik ako bigla. I think she's dad's girlfriend.
“Got to go, sweetheart!” Paalam ni Dad sa akin.
Napairap ako. “Wow, so that’s what you meant by everything’s arranged, huh?”
“Maria—”
“Never mind, Dad. Ayokong istorbohin kayo ng… business meeting mo!” Sagot kong may halong sarcasm. “Enjoy!"
Bago pa siya makasagot, pinindot ko na ang end call button.
Napahinga ako nang malalim para pigilan ang emosyon ko. Napatingin ako sa labas ng bintana ng kotse, sa mga matataas na gusali, habang pilit kong pinapakalma ang sarili ko.
“That's it, Maria, you left the States to start over, and you’re already feeling out of place again.” Bulong ko sa sarili.
Umuwi ako ng Pilipinas para magsimula ng panibagong chapter. Dahil sa States, kahit ramdam ko ang love ni Mom at ng bago niyang pamilya, may mga pagkakataong hindi ko pa rin maiwasan na maramdaman na parang extra lang ako. Parang hindi ako belong.
Ngayon, kahit gusto kong bumawi sa Daddy ko dahil matagal ko siyang hindi nakasama matapos nilang maghiwalay ni Mom noong bata pa ako at isama sa states, heto naman siya at ipinapasa ako sa kaibigan niyang CEO. Ang ninong kong hindi ko naman kilala.
Sinandal ko ang ulo ko sa headrest ng kotse. Pumikit ako, trying to picture what my Ninong might look like.
Siguro gurang na siya, puro puti na ang buhok o baka nga kalbo na. Malaki ang tiyan at mahilig sa kape habang nagbabasa ng dyaryo tuwing umaga.
Bahagya akong natawa sa mga naiisip ko, pero maya-maya ay natigilan din ako.
Naalala ko kasi ang sabi ni Dad na classmates daw sila ni Ninong noong college. So, baka hindi naman siya gano’n katanda.
Eighteen years ang gap namin ni Dad, and he’s forty now, but still young and fit, and honestly, hot for his age.
So kung ganun din si Ninong?
Hmm!
Napailing ako at bahagyang natawa sa sarili. Seriously, Maria? Ano bang pake mo sa itsura ng ninong mo?!
Basta pasuswelduhin ka niya ng maayos at hindi ka niya pahihirapan, that’s all that matters.
At kung gwapo man siya… well, this job training was going to be a whole different kind of challenge.
♡