NAGISING ako kinabukasan na sobrang gaan ng pakiramdam. Sa ilang araw ko sa Pilipinas, parang ngayon lang ako nagising na ganito kaganda ang feeling. Wala na ang bigat na nararamdaman ko noong nagkasakit ako. Napahawak ako sa noo ko, just to make sure na normal na ang temperature ko at feeling ko maayos na talaga ang lahat. Napangiti ako. Literal na ramdam ko na fully recovered na talaga ako. Napabuntong-hininga ako habang nakatitig sa kisame, hindi mawala ang ngiti ko nang maisip ang gwapong tagapag alaga ko. Ang sarap pala sa feeling nang may nag-aalala at nag aasikaso. Kaya siguro ang bilis ko ring gumaling. Hindi ko kasi masyadong naramdaman ang ganito sa mga magulang ko, at ngayon pinaparamdam sa akin ni Ninong, at feeling ko mas special pa, dahil hindi naman siya basta Ninong par

