Pagbaba namin ni Travis sa lobby, ramdam ko na agad ang bigat ng atmosphere. May mga guest na nakatigil sa gilid at nakikiusyoso sa nangyayari, may ilan na kunwari’y abala sa phone pero halatang kinukuhanan ng video ang kaguluhan sa harap ng front desk. Sa gitna ng lahat, isang lalaking galit na galit ang nagsisigaw. Sa pamumula ng mukha niya at sa amoy ng alak na umaabot kahit sa kinaroroonan ko, halatang lango siya. “Sabihin niyo na kasi sa’kin kung anong room number!” sigaw niya, mariing nakapatong ang dalawang kamay sa counter. "Girlfriend ko ’yon! May kasama siyang ibang lalaki, kitang kita ko...sigurado ako!” Napakunot ang noo ko sa narinig na sinabi niya. “Sir, I’m really sorry, pero we can’t disclose any guest information. Labag po ’yon sa privacy policy ng hotel.” Nangingini

