NATIGILAN ako, hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kanya. Ang tanging alam ko lang, may isang lalaking kumakanta sa labas ng kwarto ko at parang unti-unti niyang ninanakaw ang puso kong pilit kong inilalayo. Parang bigla akong bumalik sa reyalidad nang marinig ang palakpakan ni Lea at Manang Rosie. Napapatili pa sila sa kilig. Panay ang pununukso nila sa amin ni Travis at feeling ko pulang pula na ang mukha ko. “Ano na naman ba ’yan?” tanong ko, pilit kinakalma ang sarili ko kahit ramdam ko ang mabilis na tibók ng dibdib ko. Hinarana ako ni Travis, at kahit ayokong aminin, sobrang kinikilig ako. Ganito pala ang pakiramdam ng haranahin ng isang lalaki. Ngayon palang kasi may nakagawa sa akin nito. Ngayon pa lang ako naligawan ng isang lalaki. And he’s not just any man, he’s the one I

