"Dad, please, ipasok niyo na po ako sa kumpanya natin. Okay na po ako. Marami na akong natutunan sa Beaumont Estates and I'm sure kaya ko nang hawakan ang kumpanya. Kahit anong trabaho pa ang ibigay niyo sa akin." Diretso kong sabi kay Dad nang dumating siya kinagabihan. Nasa office siya. Nakaupo kaharap ang laptop niya pero huminto siya sa ginagawa nang pumasok ako. Decided na ako tungkol dito at kailangan kong panindigan. Gusto ko nang tuluyang iwasan si Ninong at magagawa ko lang yun kung mawawala na ako sa kumpanya niya. "Maria, bakit bigla ka na lang nakaisip na pumasok na sa Villareal holdings, akala ko ba okay ka na sa kumpanya ng ninong mo? May problema ka ba doon?" Kunot noo niyang tanong. Napabuntong-hininga ako at bahagyang iniwas ang tingin ko. “Okay naman po ako doon, Da

