“Ninong!” Nagising ako at kinapa ang kama, pero wala siya sa tabi ko. Dahan-dahan akong bumangon at agad kong naramdaman ang pagkirot ng ulo ko. Gosh… hangover! Napapikit ako sandali bago huminga nang malalim. Bumaba ako ng kama at naglakad papuntang kusina para uminom ng tubig. Pero natigilan ako habang naglalakad nang makita ang mga pagkain sa mesa. Nakaayos sa mesa ang almusal. May mainit na arrozcaldo. May nilagang itlog at may tokwa. May scrambled eggs din at ham, at buttered toast na maayos ang pagkakahilera. May isang mangkok ng hiniwang prutas at sa tabi nito ay isang baso ng orange juice. May gamot rin akong nakita sa gilid ng mesa na para sa sakit ng ulo. Napangiti ako. Si Ninong agad ang pumasok sa isip ko. Wala namang ibang gagawa nito kundi siya lang. Natuwa ako sa pagig

