"Come here, baby!" Tawag niya sa akin na may halong lambing. Napangiti naman ako at lumapit sa kanya. Paglapit ko, bigla niya akong hinatak papalapit enough para mawalan ako ng balanse at mapaupo ako ng diretso sa kandungan niya. Napasinghap ako, pero siya ay parang wala lang, na para bang iyon naman talaga ang intensyon niya. Hinaplos niya ang buhok ko, hinagod iyon mula sa tuktok pababa sa batok ko habang nakatitig sa mga mata ko at bigla namang nag-init ang mukha ko "Travis…" bulong ko. Naalangan ako sa ginagawa niya dahil nasa office pa kami. Pero hinila niya ako palapit pa at niyakap ako ng mahigpit sa bewang ko para siguraduhing hindi ako makakawala. “I missed you!” Bulong niya sa leeg ko. Ramdam ko ang hinga niya sa balat ko, at lalo akong natahimik. “You were gone for… what?

