TULIRO ang utak ko habang nakaupo sa harap ng computer. Titig na titig ako sa floor plan layout ng isang building na sinend ng engineer para sa approval ni Ninong, pero wala naman talaga roon ang isip ko. Pakiramdam ko, tumatagos pa nga ang tingin ko sa screen, nakatitig, pero walang nakikita. Naririnig ko ang mahina at putol-putol na usapan nina Nessy at Lanie sa kabilang cubicle, pero wala akong maintindihan ni isa sa mga sinasabi nila. Parang background noise na lang ang lahat. Ang tanging malinaw sa isip ko ay si Travis, ang ninong ko na pakiramdam ko, habang tumatagal ay lumalalim ang connection sa buhay ko. We started as strangers to each other, but now… that stranger has slowly become the one who owns my thoughts. Hindi ko siya maalis sa isip ko kahit anong pilit ko. Pakiramdam

