NAKATINGIN lang ako sa labas ng bintana nang paandarin na ni Ninong ang kotse. Tahimik kaming dalawa at tanging mahinang tunog lang ng ugong ng makina ang naririnig ko at malakas na pagkabog ng dibdib ko. Napatingin ako kay Ninong na seryosong nakatingin sa harapan habang ang mga kamay ay mahigpit na nakakapit sa manibela. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya ngayon. Hindi ako sanay na ganito siya. Usually, mahilig siya magkwento ng kung ano ano kapag magkasama kami pero ngayon, I feel awkward na napakatahimik niya. Hanggang hindi ko na natagalan kaya nagsalita na ako. "Ninong... si Larkin, siya yung boyfriend ko na sinasabi sa'yo!" Sabi ko habang nakatingin sa kanya. Hindi ko rin naman alam kung bakit ito pa ang nasabi ko sa dami ng topic na pwede naming pag usapan. Pero n

