"Ninong, saan mo ba kinuha yang mga kahoy na yan. Pati yang baboy...kanina wala naman yan ah!" Sabi kong napatingin sa baboy na nasa ibabaw ng mesa. May kawayan ng nakatusok doon at ready nang i-litson. "Sa suppliers. Then I called my men. Pinapunta ko sila dito para may makatulong ako, dahil hindi yan kaya ng isang tao lang." Malapad siyang ngumiti na proud pa sa naisip niyang gawin. Napakunot ang noo ko. "Ninong, hindi mo naman kailangan gawin ’to eh!" “I need to,” mahinahon pero may diin niyang sagot. “Gaya ng sabi ko, gusto kong patunayan sa’yo na seryoso ako. I’m just starting, Maria… and I won’t give up.” “Pwede ka namang manligaw nang hindi ganito. For me… sobra na. OA.” I rolled my eyes. Wala rin naman akong alam sa panliligaw dahil lumaki ako sa states but I know this is too m

