HINDI ko alam kung ilang minuto na akong pabiling-biling lang sa kama, hindi kasi ako makatulog. Para akong namamahay sa hindi pamilyar na lugar, o hindi lang talaga ako komportable o dahil sa pag o-overthink ko. Paulit-ulit kasing pumapasok sa utak ko si Ninong. Kung natutulog na ba siya? Kanina, may narinig akong kaluskos mula sa kabilang kwarto, sa office niya na para bang may tinatapos pa siyang trabaho. Hindi ko lang sure kung naroon pa rin siya hanggang ngayon. Biglang pumasok sa isip ko ang itsura niya kanina habang naggi-gym siya. Pawis na pawis ang matipunong katawan niya at ‘yung tingin niyang parang kayang tunawin ang kahit sinong tumitig sa kanya. Sobrang attractive at napaka-hot kaya hindi nakakapagtaka kung bakit napakaraming babae ang halos mabaliw sa kanya kanina habang na

