Paggising ni Adriano, hindi ang halik ng asawa ang bumungad sa kanya kundi ang tunog ng nagliliparang mga papel. Nanatiling nakahiga si Marisa sa kama, pero hindi na ito hubad balot ito ng libu-libong tig-iisang libong piso. Literal na nakahiga si Marisa sa pera ni Adriano, tila ba ito ang pinakamalambot na mattress sa mundo.
"Adriano, look! Ang bango ng amoy ng pera, 'di ba?" tawa ni Marisa habang isinasabog ang mga bundle sa hangin.
"I love the smell of your hard work, darling."
Isang malalim na buntong-hininga lang ang pinakawalan ni Adriano. Wala na ang galit, wala na ang init, tanging pagkapagod na lang ang nararamdaman niya sa babaeng ito. Nang hindi nagsasalita, kinuha niya ang kanyang coat at lumabas ng suite.
Hindi na siya nagpaalam. Sumakay siya sa kanyang chopper. Patungo siya sa Maynila na dapat ay nagpapakasasa sila ngayon sa isa’t isa. Napailing si Adriano sa sarili, ano pa nga ba ang maasahan niya kay Marissa.
Maghapon siyang nagkulong sa kanyang opisina sa Montenegro Tower. Ngunit pagdating ng gabi, isang tawag mula sa matalik niyang kaibigang si Marcus ang bumasag sa katahimikan.
"Adriano boy, stop acting like a robot! Kasal ka na pero parang mas lalo kang naging ermitanyo," biro ni Marcus sa kabilang linya.
"Come to The Velvet Room. May bago silang star doon. Isang babaeng kinahuhumalingan ng lahat ngayon. Napakaganda at sexy, man... parang anghel na naligaw sa impiyerno."
Sa una ay tatanggi sana si Adriano, pero naisip niya ang itsura ni Marisa na nakahiga sa pera. Kailangan niyang makalimot, siguro kailangan niya rin magliwaliw.
Kinuha niya ang coat at lumabas ng office. Dumiretso siya parking lot at sumakay sa sasakay. Matulin niyang pinaharorot hanggang patungo sa bar.
Pagpasok ni Adriano sa bar ay napalingon agad sa kanya ang mga tao pero walang pakialam si Adriano. Cold lang siyang sumalampak ng upo dito sa VIP lounge ni Marcus at nagsindi ng sigarilyo.
“Hey, Lad!” bati agad sa kanya ng kaibigan. Tumango lang siya at humithit ng usok.
"Nasaan na ang sinasabi mo?" malamig na tanong ni Adriano habang nilalagyan ng yelo ang kanyang scotch.
"Wait for it... ayan na siya," turo ni Marcus sa stage.
Doon, sa gitna ng madilim na silid, isang spotlight ang tumama sa isang babaeng nakasuot ng simpleng uniporme ng waitress pero hindi maitatago ang taglay nitong alindog. Walang makapal na make-up, walang mamahaling alahas. Iba ito sa mga babaeng binili ni Marisa sa probinsya. Ngayon lang siya nakakita ng babaeng dancer sa club pero wala masyadong make-up o baka nga wala talaga.
"That’s Reah," bulong ni Marcus habang ang mga mata ay puno ng pagnanasang nakatingin sa dalaga. Kinuha ni Adriano ang alak at tinungga niya habang sinusundan ng tingin ang sinabi ni Marcus.
"Maraming nag-aalok ng milyon para lang makasama siya sa gabi, pero mailap. Sinasabi niya... virgin pa raw siya. Can you believe that? Sa linyang ito ng trabaho?"
Napahigpit ang hawak ni Adriano sa kanyang baso. Tinitigan niya si Reah mula ulo hanggang paa.
“Virgin?” Isang mapait na ngiti ang sumilay sa labi ni Adriano.
“Lahat naman ng babae, nagpapanggap na inosente kapag malaki ang presyo.” Dagdag pa niya.
Umugong ang malakas na tawa ni Adriano, isang tunog na puno ng pait at sarkasmo habang nilalagyan ng yelo ang kanyang baso.
“Dude, we—"
"Pass ako, Marcus. I'm a married man, remember?” putol niya sa sasabihin nito habang pinapaikot ang scotch sa baso.
"Gago man ako sa paningin n’yo, pero loyal ako sa asawa ko."
Halos mabilaukan si Marcus sa sariling iniinom bago humagalpak ng tawa.
"Loyal? Gago ka nga talaga, Adriano! Matapos ang lahat ng nangyari sa Russia, heto ka at nagpapakabayani sa isang babaeng ginagawa kang bangko? You’re unbelievable!"
Kumibit-balikat lang si Adriano. Hindi niya maipaliwanag, pero sa kabila ng kadugyutan ng gabi ni ni Marisa, may bahagi sa kanya na gustong maniwala na magbabago ang lahat. Na baka bukas, hindi na pera ang yayakapin ng asawa niya kundi siya.
"Bahala ka sa buhay mo," irap ni Marcus.
"Basta ako, kukunin ko ang pinakamaganda rito. Manager!"
Ipinatawag ni Marcus ang floor manager ng bar na karinyosa naman itong lumapit sabay tingin kay Adriano na salubong lang ang kilay.
"I want Reah. Sabihin mo sa kanya, triple ang bayad ko para lang maupo siya rito sa VIP table ko ngayong gabi." Utos ni Marcus.
Yumuko ang manager, bakas ang panghihinayang sa mukha.
"Pasensya na po, Sir Marcus. Pero kakakaalis lang po ni Reah. Hanggang 9:00 PM lang po talaga ang duty niya rito. Strict po ang schedule ng batang 'yun dahil may iba pa raw siyang inaasikaso."
Napangisi lang si Adriano habang tinitignan ang dismayadong mukha ng kaibigan.
"See? Kahit ang tadhana, sinasabing umuwi ka na lang Marcus. Masyadong mailap ang anghel mo."
"Sayang! Muntik ko na siyang mahawakan," asik ni Marcus habang sumisimsim ng alak.
Nagpatuloy na lamang sila sa pag-inom dahil walang natipuhan si Marcus sa dami ng mga babae na nireto sa kanya ng baklang manager walang pumasa sa panlasa niya. Kaya heto sila ni Adriano at nagkuwentuhan na lamang sa buhay-buhay.
Pasado alas tress ng madaling araw silang nagpasyang umuwi. Si Marcus ay dumiretso sa condo nito habang si Adriano ay pinili pa ring umuwi sa asawa niya.
Sa ibabaw ng madilim na karagatan, maririnig ang chopper ni Adriano. Nakatingin siya sa ibaba, sa unt-unting paglaki ng Hidden Island.
Pagkababa ng chopper, hindi na siya nagpa-assist sa kanyang mga tauhan. Gusto niyang surpresahin ang asawa. Mabilis ang kanyang mga hakbang patungo sa kanilang engrandeng villa. Ngunit habang papalapit siya sa pintuan ng kanilang master suite, unti-unting bumagal ang kanyang paglakad.
Hindi katahimikan ang sumalubong sa kanya. Mula sa bahagyang nakabukas na pinto, umaalingawngaw ang pamilyar na boses. Isang boses na kanina lang ay sinasabi niyang pagkakalooban niya ng katapatan. Ang asawa niyang si Marisa, malakas na umuungol.
"Harder... oh god, yes! Mas masarap ka pa kaysa sa amo mo!"
Nanigas si Adriano sa kinatatayuan. Ang kahon ng alahas na sana’y surpresa niya ay kanyang kamay ay dahan-dahang nalaglag sa carpeted na sahig. Sumilip siya sa awang ng pinto. Doon, sa kama kung saan sila dapat bumubuo ng alaala bilang mag-asawa, nakita niya si Marisa—hubad at walang kahiya-hiyang tinitira ng sarili niyang driver.