April Lacsamana Peterson KINAUMAGAHAH, pagising ko ay wala na si JL sa tabi ko kaya bumangon na agad ako at nagbihis saka tumungo ng banyo para maghilamos at mag toothbrush. Pagkatapos kong gumawi sa banyo lumabas na rin ako at siya namang pagpasok ni JL mula sa pintuan ng aming kwarto at may dala-dala itong tray at naglalaman iyon mga pagkain. "Good morning, sweetheart," nakangiting bati agad niya sa akin. "Morning," tugon ko naman agad sa kanya. "Breakfast ka na muna, hindi ka kasi nakapag dinner kagabi," kaswal pa niyang turan. Napalunok na lamang ako sa aking narinig imbes kasi na kakain dapat sana ako kagabi ay nauwi sa lampungan naming dalawa. May taglay din talaga itong kalibugan ang asawa ko. Nilapag na nito ang hawak niyang tray sa kama bacon, tocino, kanin at may soup din na

